Malapit na ang examination namin kaya nagsisimula ng mag-usap usap ang mga kaklase ko para sa kanilang group study. Nagkaka-ayaan na sila ngayon ngunit heto ako naka-upo habang ang mga kasama ko ay naghahanap din ng sasalihan namin.
"Toy, sali raw tayo kina Rhea." Ani Drei. "Doon daw sila sa bahay ni Muse maggu-group study..." Nagtaas baba siya ng kilay.
"Sige sige." Sang-ayon ni Rate.
Lumingon ako sa kay Muse na nasa unahan. Nahuli ko siyang nakatingin din sa akin na agad naman niyang binawi. Kausap niya ang dalawa niyang kaibigang babae habang may nakaaligid sa kanilang mga lalaki. Kagaya ng pangalan niya, siya rin ay muse ng klase namin kaya panigurado gustong gusto ng mga lalaki na makagrupo siya lalo na't sa kanilang bahay pa yata magkikita kita.
"Ang dami na nila roon." Inis kong sambit.
Siniko ako ni Drei. "Bro, kanina pa sila tanggi ng tanggi sa mga sumasali. Tayo raw ang hinihintay. Imagine tayo raw..."
Ngumisi si Rate sa akin sabay tingin kay Muse na nakatingin sa banda namin.
"May gusto yata sa isa sa atin..." Ani Rate sabay taas baba ng kanyang kilay sa akin.
Sinimangutan ko siya. Tinignan ko nalang ang cellphone ko at nagtype ng message.
Ako:
Boring...
"Kayo nalang ang sumali. Hindi ko kailangan niyan." Pagmamayabang ko.
"Boo..." Sabay nilang sinabi.
Tumingin muli ako sa banda nina Muse. 3rd! Nakatingin na naman siya sa akin! Hindi ko gusto ang mga tingin niya.
"Masyado nang maraming nagkakandarapa kay Muse kaya kay Rhea ako. Kaya sa kanila na tayo maki-group study."
"Group study o landi?" Ungat na sabi ni Rate kay Drei.
"Tss. Hitting two birds in one stone."
Tumunog ang cellphone ko dahil sa reply ni High.
Liit:
Ako rin.
Nasa classroom ka?
Puntahan kita?
Ako:
Sige. Dala ka foods.
Ngumisi ako nang nagsend siya na lalaking tumatakbo na emoji.
Ako:
Cheese ring at donut.
"Nakatingin na naman si Muse dito!" Natatarantang sabi ni Drei.
Inilingan ko lang ang kabaliwan niya.
"Ano?" Tanong ni Rate sa akin. Nakaabang ang dalawang kumag sa sagot ko na para bang sa akin lang talaga nakasalalay ang kalandian nila.
"Sumali na kasi tayo sa group study nila sa sabado." Ani Drei.
Bago pa ako makasagot ay tumunog na ang cellphone ko dahil sa isang message.
Sinundan iyon ng tingin ni Drei kaya nilayo ko sa kanya saka sinamaan siya ng tingin.
"Kayo nalang. Mag-aaral nalang ako sa bahay mag-isa." Sabi ko sabay basa sa panibagong mensahe ni High
Liit:
Dito na ko sa canteen.
Tumayo ako at ramdam ko ang pagsunod na tingin sa akin nina Drei at Rate.
"Labas lang."
"Tara?" Clueless na tanong ni Drei.
"Hindi. Ako lang. Dito nalang kayo." Sabi ko saka naglakad palabas. Narinig ko ang pagreklamo nila ngunit hindi ko pinansin.
Dire-diretso ang lakad ko nang may biglang humarang sa harap ko, kasabay noon ang biglang pagtahimik ng buong klase.
Bumuntong hininga ako at tinagilid ang ulo upang hintayin kung ano man ang sasabihin ni Muse na ngayon ay nasa harap ko. Bilisan mo dahil parating na si High!
"Ah... uhm... ano..."
"May kailangan ka ba?"
"P-pwede bang ayain kitang sumama sa group study namin... S-sa bahay sana..." Aniya saka nag-iwas ng tingin.
"Oh, man. Totoo ba ang naririnig ko?" Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga kaklase ko pero hinayaan ko lang sila. Hindi naman ako tulad nilang may interes sa mga ganitong bagay lalo na sa babaeng nasa harap ko.
"Busy ako. Sina Rate at Drei nalang." Turo ko sa dalawang kumag na ngayon ay laglag ang panga dahil sa sinabi ko. Hindi ko lang alam kung bakit kailangan maging ganyan ang reaksyon nila.
Nakarinig ako ng mura o kung ano ano pang negatibong reaksyon sa mga kaklase ko.
"Babae na nagyaya sa'yo. Don't let her down, dude." Ani isa kong kaklase.
"Oo nga! Tsaka group study naman iyon, Toy." Lumapit si Rhea sa tabi ni Muse.
"Sige na, Toy." Pilit ni Mitch, isa pa yatang kaclose ni Muse.
Pakiramdam ko ang sama kong tao dahil lang sa simpleng pagtanggi. Ayaw ko naman talaga.
Liit:
Nakabili na ako. Papunta na ko jan.
Tss. Papunta na rito si High.
"Okay." Ani sabay tingin kay Muse.
"T-talaga?" Ang laki ng ngiti ni Muse parang gusto kong tanggalin iyon sa mukha niya.
"Text nyo nalang sina Rate kung saan." Sabi ko sabay labas ng classroom. Sa wakas.
"Ah... o-okay... Salamat!" Habol niya kaya dumiretso na ako palabas ng classroom.
Bakit siya nagpapasalamat?
Hindi ko nalang iyon pinansin. Pumunta nalang ko sa may bandang hagdanan at inabangan ang pag-akyat ni High.
Saglit lang iyon dahil nakita ko na siyang tumatakbo paakyat ng hagdan.
"Dahan dahan lang." Ani ko.
Ngumiti siya habang papalapit sa akin. Kita ko rin iyong bitbit niyang plastic bag. Mukhang marami yata siyang nabili. Sampung minuto lang naman ang natitira sa break namin.
Kinuha ko agad ang plastic bag na hawak niya sabay bato ng panyo sa mukha niya. Nakuha naman niya iyon saka pinunas sa kanyang pawis.
Kinuha ko agad iyong cheese ring at juice saka binalik sa kanya ang plastic.
"Sa taas." Sabi ko.
Pumunta kami sa pinakataas ng hagdan. Sarado ngayon ang rooftop dahil maraming estudyante ang tumatambay roon upang makatakas sa klase.
Umupo ako sa pinakahuling baitang at ganoon rin siya.
"Malapit na ang exam kaya seryoso lahat ng tao sa classroom." Aniya.
Tumango lang ako saka patuloy na kumain.
"Hmm... Toy..."
"Oh?"
"Pwedeng pumunta ako sa inyo sa sabado? Ano sana..."
"Bahala ka."
"T-talaga?" Aniya, ngiting-ngiti.
Binuksan niya ang piatos na binili. Tahimik lang kaming kumakain ng chichirya pero nakikita kong maganda ang araw niya base sa ngiti niya. Inilingan ko nalang iyon saka uminom ng juice na binili niya.
"Two minutes nalang. Tara na." Aniya.
Napahiga ako sa sahig. Ayoko pa tinatamad pa 'ko. Parang gusto ko ng umuwi.
"Marumi dyan!" Aniya saka hila sa dalawang braso ko. "Tara na. May klase ka pa."
"Pumunta ka na sa klase mo."
"Sabay na tayong bumaba." Patuloy ng paghila niya sa akin.
"Mauna ka na." Sabi kong nakapikit.
"Tara na. Tara na."
Naramdaman ko ang pag-angat ko dahil sa hila niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin saka hinila siya.
Bumagsak siya sa ibabaw ko. Tumapat ang kanyang mukha sa mukha ko. Kitang kita ko ang pagkagulat niya sabay ng paglunok niya. Nagpabalik balik ang tingin niya sa dalawa kong mata at ganoon rin ako sa kanya.
Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. Siguro dahil sa kaba, dahil sa pagkabagsak niya. Hindi ko alam. Dapat nga ngayon ay tinutulak ko na siya at pagsasabihan ng kung ano-ano ngunit nanatili akong nakatingin sa kanya.
Ngayon ko lang yata nakita ang mukha niya ng ganito kalapit. Mahaba pala ang pilik-mata niya. Medyo makapal ang kilay. Bilugan ang mga mata at kulay brown iyon. Sa sobrang tangos ng ilong niya ay nakadikit na iyon halos sa ilong ko. Ang labi niya, hindi kulay pula at hindi rin maputla. Nasa tama lang. Hindi na kailangan gamitan ng kung ano ano. Maliit lang iyon at tingin ko'y malambot—
"S-sorry..." Aniya saka umalis agad sa ibabaw ko.
Para akong hindi makahinga kaya nanatili akong nakahiga. Halos nakatingin ako sa kawalan, hindi maintindihan kung ano ang nangyari.
Got 2 collection last week. And one this week. Thank u thank u. It means a lot.
Keep safe po! ???