webnovel

HIS EYES, FAMILIAR

( Past ) Year in 1922 Meet Salome Y Arguelles she's the last daughter of Ms. Alexandra Ordonio Arguelles and Leonardo Tomas Arguelles a known pre-war Filipino General and a minister of colegio de maynila.. Arguelles Family one of the wealthy family are invited in reunion party for the second son of Valdez. Meet Fidel Y Valdez finally returning to San Miguel, Manila after 8 years of study in Spain as attorney. Kapitán Pedro, a family friends, bids him to spend his first night in San Miguel,Manila where pedro hosts a reunion party at his riverside home on their hacienda.. Fidel Valdez obliges to go in dinner then he encounters old friends, Manila high society, and the other wealthy friend family of them.. Araw ng reunion party ang unang pagkikita nina Fidel at Salome ng hindi pa lubos na magkakilala but Arguelles and Valdez are best-friend since year of 1800's.. Pipiliin ba nilang mag stay sa isa't isa kahit na nahihirapan na sila sa sitwasyon na hindi nila inasahan? Isang trahedya ba ang magbibigay ng wakas sa pagmamahalan nila? Pipiliin parin ba nila ang isa't isa kahit nagkakagulo na ang kanilang pamilya? Lovers turn to Enemy Enemy turn to tragic Their Love Story started but their love story are sad and tragic end.. ( Present ) Year in 2019 A Broken Heart and a tragic fate .. Is it possible to fix their destined? Meet Lenzy Marie Flores, a 22 year old girl and 4th year college.. She is the only daughter and single since birth. Meet Rocky Facun, a 25 year old guy.. A lucky guy attorney and basketball coach.. He is also single since he broken. Their first meet.. *Are Enemy?* Pero para kay lenzy ang pagtitig nito sa mga mata ni rocky ang syang kilabot at kakaibang pakiramdam.. Para bang hindi yun ang unang pagkikita nila ng lalaki.. But, *Enemy turns to Friends* because lenzy is involved in a crime and she need attorney then their meet again for the second time. Bawat araw na nagdaan unti unti silang nahuhulog sa isa't isa ng hindi nila namamalayan.. Bawat oras, minuto at segundo hindi nila napapansin ang ngiti at saya na nararamdaman nila para sa isa't isa. *Until their LOVERS* Hanggang sa unti unti nilang sabay na maalala ang nakaraan ng kanilang pagmamahalan. Muli bang mangyayari ang trahedyang pilit nilang tinatakasan? Muli na naman bang mag wawakas sa malungkot ang kanilang pagsasama at pagmamahalan? Is it possible their tragic end turns to happy ending in their second chance? A tragic destined turn to a happy destined?

Pica_gurl · History
Not enough ratings
14 Chs

KABANATA 02

"Ano ba yan.."

Inis kong bulyaw sa mga kaibigan ko ng hilain nila ako papasok ng auditorium ng University dahil ngayon ang dula sa aming pinapasukan.

Napatingin ako sa relo ko at halos manlumo ako sa mga kaibigan ko ng makita ang oras.

"Oras pa ng klase,ah."

Pagmamaktol ko kina noime na panay lang ang pagtawa..

"Ano ka ba!! Inupahan ko ang first line chair dahil manunuod ang ultimate crushy mo ngayon.. Dapat mauna tayo sa upuan then si manong na lang ang gagawa ng paraan para tumabi sa iyo ang ultimate crushy mo."

Nangaasar na turan ni noime sa akin kaya inis kong sinamaan ito ng tingin.

"Alam mo baka ikapahamak ko na naman yang binabalak nyo sa amin."

Inis kong sagot sabay napa cross arms na lang ako sa sobrang inis nakisali pa ang kaba dahil sa plano ng mga kaibigan ko.

"Balita ko ay magkasama sila ni erika... Remember, bestfriend ng kuya ni erika si beans."

Natatawang turan ni noime sa akin.. Halos lumaki ang ngiti sa labi ko ng marinig ang pangalan ng bestfriend ko na si erika na ngayon ko na lang uli makikita.

"Yeah!! At isa pa parang kapatid na ni erika si beans ang balita ko ay may nagugustuhan na si erika na bestfriend din nila beans at ang kuya nya."

"Balita din na kakauwi lang din ng guy na yun galing europe.. At dito na din magaaral yung guy."

May nagugustuhan na pala si erika bakit ngayon ko lamang nalaman?

Panay lang ang pag-iling ko habang pinapakinggan ang sinasabi nila.

Lumipas pa ang ilang oras ay pinaupo na kami ni manong sa first lane chair..

"Maghihintay ka dito doon kami sa pinakadulo ng chair para makaupo si beans sa tabi mo.."

Kinikilig na turan ni noime na syang naging pasimuno sa mga kaibigan ko.. ALAM KO NAMANG SUPPORTIVE SILA!!

"Para naman magka love life kana.."

Habol naman ni rechell sa akin kaya inis kong tinapunan sila ng tingin matapos nila akong iwanan sa first lane chair.

"Maguumpisa na ang dula..."

Isang pahayag ang narinig namin hanggang sa isa isang namamatay ang ilaw ng auditorium kasabay ng pagpasok pa ng ibang manunuod.

Sa sobrang dilim hindi ko napansin ang mukha ng lalaking lumapit sa akin at tumabi pa ito.

Naramdaman ko din ang pagvibrate ng phone ko..

Isang mensahe galing kina noime, joy, rechell and rose ang ipinadala sa mismong messenger ko..

(PAGKAKATAON MO NA, LENZY.)

(Good luck girl!!)

(Magkaka BOYFRIEND kana..)

(Love ka namin kaya CONGRATS!!)

Iiling iling kong ibinalik ang phone ko sa bag at inismiran ang mga kaibigan kong nasa likuran.

HUMANDA KAYO SA AKIN!!

Bumuntong hininga muna ako at tumingin sa kaliwa ko kung saan nakaupo si beans na syang plano ng mga kaibigan ko.

Magpapakilala ba ako?? What the heck!! Ako talaga ang gagawa ng first move?

Maya't maya naman ay nakaisip ako ng kalokohan para lang magpapansin sa katabi ko na hindi ko naman sigurado kung yung crush ko nga ba talaga ang katabi ko, ihuhulog ko ang aking pulang panyo ng palihim magbabakasakaling mapansin ako ni beans..Hindi naman ako mapapansin ng mga ibang nanonood dahil tutok na tutok naman ang mga ito kahit nga si beans ay nakatutok din sa palabas na pinapanuod namin ngayon samantalang ako heto nagiisip ng paraan para lang mapansin nito.. Nakakainis at nakakahiya mang sabihin pero ayaw kong biguin ang mga kaibigan kong gumawa pa ng paraan para lang magpapansin ako kay beans na crush ko. ANO BA ANG NAKITA KO SA BEANS NA ITO AT NAGKAKAGANITO AKO?

Palihim kong nakamot ang sintido ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon ramdam ko din ang pagpatak ng pawis ko dahil nararamdaman ko ang kaba na idinudulot ng ginawa kong paghulog sa panyo ko..

Napakunot lamang ang noo ko ng makitang apak apak na nito ang pulang panyo ko na inihulog ko para lang mapansin.

"Excuse me!!"

Hindi ko na natiis pa ang panyo ko dahil pakiramdam ko ay magagalitan ako nila mama kapag nakita nilang madumi na ang panyong iniregalo lang sa akin.

"Paki' tabi naman ng paa mo, kuya. Aabutin ko lang ang panyo ko."

Nagtitimpi na lang ako ng hindi parin nya itabi ang paa nito kaya wala na akong habas sa pagyuko at tuluyan ng sinagi ang paa nito makuha ko lang ang pulang panyo.. MAS MAHALAGA SA AKIN ANG PANYO!!

Natigilan ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman halos dumagundong ang kaba sa dibdib ko ng unti unti kong nakikita ang kabuuan ng mukha ng lalaki na syang nagpalakas lalo ng kaba ko dahil na din sa mga mata nitong sobra sobra ang pagkapamilyar sa akin.

"Miss gusto mo bang sumali sa pag arte?? Willing kitang samahan."

Kingina!! Alam nyang palabas ko ang paghulog ng panyo sa harapan nito ibig sabihin lang nun ay alam na nya ang gagawin ko?? P-paano!!

HINDI SYA SI BEANS!!

Maari mo na akong kainin lupa!! Kahihiyan, men. Mabilis kong dinampot ang bag ko at bahagyang iniharang sa mukha ko ng maramdaman kong muli ang pagvibrate ng phone ko..

(LENZY WALA SI BEANS)

(Hala!! Nakita namin si beans na umalis hindi sya yang katabi mo..)

(Sorry girl!!)

(Malas oh!!)

Inis kong ibinalik ang cellphone ko at ibinaba na lang ang bag na nakatakip sa mukha ko halos mapaiwas ako ng magtama na naman ang paningin naming dalawa. KANINA PA BA SYA NAKATITIG?

"Are you okay, miss?"

Teka sya yung guy na nabundol namin kanina,ah.

"L-lenzy!! Ikaw ba yan?"

Tuluyan ng mas lumiwanag kaya naman napalingon ako sa nagtawag sa pangalan ko.

MARIA ERIKA OBIENA!!

"B-best!!! Ikaw nga.."

"Erika omg!!! Kailan ka pa nakabalik ?"

Kunwaring nagtatampo sa kanya dahil wala akong naging balita sa kanya simula ng umalis ito.

"Kahapon lang best... By the way lenzy this is kuya rocky facun.. He's 25 year old isa na syang abogado pero balak nyang mag aral ng fine'arts dito sa pinas.. Bestfriend sya ni kuya at beans.."

Nakangiting pagpapakilala ni erika sa akin sa guy na nasa tabi ko ..  SHEMS!! Siguro ay ito din ang lalaking tinutukoy nila na gusto ni erika!!

"Nagagalak akong makilala ka lenzy... I'm ROCKY!"

Inismiran ko lang ito bago nilingon si erika na tawang tawa sa naging reaction ko kaya naman nginusuan naman ako nito at isinenyas pa ang katabi ko.

"Tss.. I'm LENZY!!"

Nakipagkamay na lang ako sa kanya baka isipin nyang snobber akong tao. PERO GWAPO SYA!! MAY LUBUGING DIMPLE DIN ANG ULUPONG!!

"ERIKA!!!"

"OMG!! Kailan kapa dumating?"

"Bat hindi ka man lang tumawag?"

"Hindi man lang nagsabing nakauwi ka na pala..."

Halos matakpan ko ang tenga ko dahil sa nakakarinding boses nila noime, joy, rechell at rose ang biglang nang agaw ng atensyon naming lahat.

"Pasensya kana kuya rocky mga kaibigan ko nga pala, sila."

Nakangiting turan uli ni erika habang nakatitig pa ito sa rocky na tinutukoy nito.

"I'm noime.. Nice meeting you!"

"Joy po!!"

"Rechell.."

"I'm rose.. Single!!"

Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni rose samantalang ako heto nakikinig na naman sa kanila.. ITSYAPUWERA ANG PEG!!

"Nasaan pala si beans?? Akala ko ba kasama mo sya?"

Maya't maya ay tanung naman ni noime kay erika..

"Best!! pasensya na hindi namin nakasama si  kuya beans dahil may kinakausap pa ito.. Kasama na namin sya ni kuya rocky pero nagmamadaling umalis dahil susunduin nito ang girlfriend niyang galing paris.."

MY GIRLFRIEND NA YUNG BABAERONG YUN?? HANEP!!

Ngumiti na lang ako kay erika kahit na naaasar ako ng kaunti dahil ibang lalaki pala ang ginawan ko ng kalokohan mapansin lang ako..

"Oo nga pala!! Bukas na bukas ay may magaganap na Birthday party.. Pumunta kayo,ah. Siguradong gusto kayong makita nila mom and dad dahil sobrang tagal din naming hindi nakauwi.. Aasahan ko kayo, guys."

Natahimik ako sandali dahil may kakaibang kirot sa puso ko pakiramdam ko ay nangyari na ito sa akin.

"Mauna na pala ako sa inyo.."

Nakangiti kong paalam sa mga kaibigan ko hindi ko na sila pinansin pa at hindi ko na din hinintay ang sasabihin nila.

Nakalabas na ako ng gate dahil wala na din namang klase huminto ako at tinignan kung may sasakyan bang paparating pero wala kaya naman tumawid ako ngunit natigilan ako ng marinig ang malakas at paulit ulit na busina kaya inis kong pinuntahan ang isang red na kotse..

"Pwede namang isang busina lang ang gagawin mo.."

Inis kong sigaw ngunit napatigil ako ng mamukaan ko ito..

"I-ikaw!!"