webnovel

Chapter 1

(FIRST DAY)

*4:00 am

ugh! nakakatamad

*4:10 am

*4:20 am

*4:30 am

omg! biglang nagising ang diwa ko.

napasapo na lang ako sa aking noo, oh my god lia!

why so lazy huh? first day of school pa naman

bumangon na ako at nagmadali ng naghanda para pumasok

okay. ballpen check, notebooks check, liptint check, pulbo check! and ang pinaka importante sa lahat scientific calculator check!

emma sent a message to your group chat

emma : gurls san na kayo?

gia : nasa puso mo

you : nasa earth?

emma : luh. talaga ba?kala ko nasa zoo kayo :)

you : alam mo naman pala eh, bat nagtatanong ka pa?

HAHAHA those bitches.

10 minutes na akong naghihintay ng masasakyan pero puno lahat eh, dahil narin siguro first day of school kaya ganito

malas ba ang araw nato? remind me to check my horoscope every day. baket walang masakyan?! late nako :(

pagkatapos ng ilang minuto pang pag iintay nakasakay narin ako sa wakas, pagbaba ko ng tricycle agad akong nagbayad at nagtungo muna sa bulletin board  para tignan kung saan ang classroom na papasukan ko

halos kumaripas na ako ng takbo sa pagmamadali dahil nga late nadin ako

at dahil nasa 4th floor pa ang classroom namen!pagod na pagod ako at nanghina ng nasa taas na, mabuti na lamang at wala pa ang adviser namen

" bakla ano rumampa ka na naman? " i just rolled my eyes at him. " ay attitude, meron ka ngayon?" dagdag pa niya ni oliver. duh, nakakatamad kaya gumising ng maaga tapos wala pang masakyan

" bakit ikaw nagkakameron ka ba? " huh! kala mo diyan ha. wag ako umaga palang minamalas nako

sakto namang dumating na ang adviser namen at nagpakilala muna sa aming lahat. hmmm muka naman siyang mabait medyo nakakabawas ng kaba yon.

pero mali pala ako mas dumoble ang kaba ko

" okay class ngayon na kilala niyo na ako gusto ko kayo naman ang magpakilala isa isa, dahil sigurado naman akong ang iba sa inyo ay hindi magkakaklase dati. "

eto na naman siya favorite talaga ako ng mga angels

introduce yourself ba naman, mag sa-suggest sana ako na ' mam di niyo din naman po matatandaan makikilala niyo nalang po kame sa mga future meet ups pa naten' kaya lang syempre wag na naten sabihen baka bumagsak pako no!

mga abnormal kong kaibigan nagtatago na

kala mo naman di sila matatawag. hay nako

" my name is e-emma galvez " luh kinabahan pa nga

" ny name is gia chavez" awit tayo jan gia ang confident ah

" hi im joana almendras" why so plain?

" hi! my name is oliver maligalig, 17 turning 18, from philippines! " nagtawanan naman ang nga kaklase namen syempre pati narin ako grabehan den kase ang baklang to e!

" hi im lucas evangelista " geez! ang shy type ng baklang to HAHAHA

oo alam ko lagi akong may pahabol na comment pero duh! sorry naman eto ako eh. and now its my turn!

" hi! my name is amelia isabella arguelles "

woah! kinabahan ako don ah.

and so on, time passed by until it was now math time! 3rd period, i hate math :( buti nalang talaga nagdala ako ng scientific calculator. you're a life saver my dear calculator!

"psst!" may biglang sumit-sit sa aking likuran, diko nalang pinansin kase baka hindi ako iyon

"psst!"

"uy!"

at dahil dito tumingin na ako sa aking likuran at nakita ang isa kong kaklaseng naka ngiti sa akin

problema neto?naka drugs bato?

"may extra ka pang ballpen?" tanong niya saken, furst day of school walang dalang ballpen? kulang ata to sa tulog.

hindi ko alam ang pangalan niya transferee ata or galing sa ibang section dati hindi ko naman masyadong pinagtuunan  ng pansin kanina ang mga nagpakilala

"ako?" tanong ko sa kanya " ay hinde baka ako" hirit niya sa akin. aba!mukang may katapat ako ah!.

inirapan ko siya at bumalik nalang sa pagsasagot ng may kumalabit sa aking balikat, inis kong hinarap ang kumalabit sa akin mula sa likuran

tinapunan ko siya ng tingin na nakamamatay.

"sungit mo magpapakilala lang naman eh, gabbi arelliano, gab nalang " sabay lantad niya sa akin ng kamay niya, tinanggap ko nalang ang kamay niya at agad ding binawi.

"lia" pakilala ko

"sungit" diko na lang siya pinansing muli

grabe napaka hassle ng araw na to. kaya ayon nagkayayaan kameng magbabarkada na gumala just to freshen up, kahit first day palang may pinagawa agad. buti nalang bukas program lang mga about lang sa school rules and something

" waaaaaaah! gurls look may pogi! " nagtitiling sabi ni oliver, ang galing talaga ng mata neto eh

" saan?! " syempre sabay-sabay naming sabi kung may pinagkakasunduan man kaming magkakaibigan ito iyon ang 'boys hunting' na term namen

" ang keme niyo talaga ha joke lang eh " saad pang muli ni oliver at sabay sabay din namin siyang binatukan

" hay nako guys no to boys muna ako ha, nagugutom nako ih : / " hirit ko naman, well may halong katotohanan kase gutom naman na talaga ako eh

sabay-sabay naman silang tumingin saken ngayon

" talaga lang ha? " sabi ni gia. " oonga sabe eh baka sa gutom ko kapag may nakita akong pogi makain kona! hay nako "

at sa tagal naming nagiikot dito sa building nato wala akong magustuhan, alam mo yung feeling na gutom ka pero dimo alam kakainin mo? weird right.

matapos ang ilang minuto sa wakas natagpuan ko na den ang medyo mag sa satisfy sa tiyan ko, sa master siomai na kame kumain, hmm may kalamansi toyo at bawang, yum!at habang kumakain ay napag-isipan kong asarin si emma

"hoy ang toyo nilalagay sa  siomai di yan inuugali ha" pagpaparinig ko

"pede den yun gawing ugali no, masarap kaya gawing sawsawan ang toyo, parang ako ;)" pagsingit ni gia

"eeeewwww!" sabay sabay nameng sabi sa kanya

ang lakas ng amats neto

pag katapos namin kumain at mag window shopping ng kaunting oras ay nagpaalam na kami sa isa't-isa para umuwi na dahil alas singko na den ng hapon

mabuti din naman at 6 am hanggang 1 pm lang ang pasok namen

pagdating ko sa bahay ay satong kararating lang din nila mommy at daddy at mukhang pagod at stress galing sa work 

" hi mom, dad " pagbati ko sa kanila

"belle magbihis ka na at bumaba ka na din para makapag hapunan na tayo and check on your sister okay " 

yes belle ang nickname nila sakin mas gusto daw kase ni mommy ang ganda daw pakinggan parang bulaklak, umakyat na nga ako at nag half bath muna bago ko tawagin si aira para bumaba na din