webnovel

Chapter 2

"My name is Joanna Marie S. Bautista. I live in Poblacion Norte, Caba, La Union. I graduated in Caba Elementary School." pagpapakilala ko sa aming klase. Mula sa unang subject namin hanggang sa matapos ang araw na iyon ay kinilala namin ang isa't isa.

Mahiyain. Iyan ang unang banggit nila tungkol sa akin sapagkat hindi ako nagsasalita. Baka daw mapanis ang laway ko sa sobrang tahimik. Hindi kasi ako nakikipagkwentuhan kaya ganoon na lamang ang tingin nila sa akin. Wala din akong kasama kapag lunch time or recess kaya kapag natapos ako kumain ay sa library o sa upuan lang ako nakapirmi at nagbabasa ng kung ano ano o kaya naman ay nag-iisip. Iyon ang naging dahilan kung bakit ako natutok sa pag-aaral sa unang taon ko sa high school. Na maski ako hindi makapaniwala na nakamit ko ang 'Best in Class' award sa Section 2.

Nagkaroon din naman ako ng mga kaibigan. Si Ronsal, matangkad at matalino. Si Michael, magaling sa recitation. Si Prenalyn, mas mahiyain pa sa akin ngunit sobrang bait at napakahaba ng pasensya. At si Rose Ann, ang naging best friend ko. Tahimik, mabait, mapagbigay at higit sa lahat ang pinakanagustuhan ko sa kanya, palatawa at komedyante.

Hindi din naman sa lahat ng pagkakataon eh kaibigan mo ang lahat. Ngunit hindi mo din kaaway. Acquaintance lang ika nga ng iba. Si Joy, mukhang mayabang pero mabait pala. Si Janice, ang laging top 2. Small but terrible ika nga. Silang dalawa at si Ronsal ang naging kasama kong nalipat sa Section 1.

Bago ang enrollment, kailangan maipapirma sa lahat ng naging guro mo ang tinatawag na clearance form kung saan sinasabi dito na natapos mo ang subject na iyon ng wala kang naiwan na naumang projects o exam. Ito ang pinakagusto ko sa lahat dahil pagkatapos makapagpapirma eh deretso lakwatsa na.. Dahil malayo ito sa bahay namin eh walang magsusumbong sa aking mga magulang na tapos ko na ang aking clearance form. Ang sarap talagang maging estudyante kapag bakasyon, my allowance ka na wala ka pang iintindihing aralin. Dito kami naging mas close ng aking mga kaklase sapagkat sumabay sila sa akin magpapirma para hindi na sila matanong at mahingan ng project. Unfair sa isip ko pero ok lang naman na kasi tapos na ang klase at sa grades din naman babawi ang guro.