webnovel

High School Diaries

2008, Trixie Natividad is just a first year student in a Senior High, she gets bully with her best enemy named, Christian Kyle Santos. His Step Brother too. Before she fell in love with her Senior and Campus President called Mr. Weirdo Man, named Ivan Flores. She became his maid for the sake of helps she need. She gets more bullied when Ivan died and called her, she killed him. 2009, She was trying to hide at the library to get away from the bullies, until she met the most famous vocalist of the band and called himself a serious guy named Rom Villanueva. She was trying to be an out cast person but her diaries was left by him and he getting to know more about her. He fell in love with her but her past love with Ivan Flores wasn't easy for her to moved on. She gets caught with the leader of the bullies and the ex girlfriend of Rom Villanueva named Jillian Flores, the little sister of Ivan Flores. She tried to dropped her out of the Senior High but Christian Kyle Santos and defend her and stayed by her side. 2010, When she met someone in the farewell party of Rom Villanueva. The guy who always watching her from a far. The guy who was accused by her because of the simple ballpen named, Paul Rodriguez. Her cool gangster saviour. Until they knew that they're engaged and became a dog-cat lovers. He fell inlove hardly but his best friend, Christian was there to stop their fake relationship. 2011 When Christian finally confirmed his love for Trixie and her best friend named Shyrene Tolentino caught them and just because she's Christian real girlfriend. She ruined their friendship goals and became a love triangle. Not untill, Trixie Natividad found out that Christian was suffering by the leukemia like Ivan Flores illness in the past few years. She found it too that her father was alive and Christian knew about it. Before the graduation in year of 2012, She Left the Senior High and the life in that places and lived to the province where her father was live. She's with Jin Ford Arevalo who makes a deal with his best friend, Rom and live in there too. It was too late when she find out that she was carrying a child of her first love. She getting pregnant with Christian but it's too late for their one big happy family. They could be ever met again?

SimplyMarjo · General
Not enough ratings
15 Chs

CHAPTER 3.

🄿🄰🄶🄴 3.

IVAN'S POV.

...

Ang aga nya siguro umuwi, hindi ko man lang sya nakausap ng maayos.

Yung Christian na yun, lage na lang binubully si..

Ano nga bang name nya?

Ts, Apekto na yata toh ng sakit ko, nakakalimot na ako.

Napatingin ako sa Relo ko.

7:30 pm na pala.

Kailangan ko na ulit uminom ng gamot.

Tumigil ako sa isang tulay at kinuha ko ang resetang gamot ng Private Doctor ko sakin at ininom ko na yun.

Haysss.. Kailangan kong magwish pagkatapos nito. Kumuha ako ng piso sa bulsa ko.

"Please! Sana naman makagraduate muna ako ng 4rth Year bago mo ako kunin o kaya pagalingin mo na ako para naman makatapos ako ng pag aaral. This 3rd month na ako makakagraduate, sayang naman kung kukunin mo ako!" Hinalikan ko ang piso bago ko itinapon sa maagos na ilog.

Kasabay ng napasinghap ko ng hangin.

"Bw*sit! Sinabi ko naman sa kanya na magbabayad ako ng Renta, Next week nga lang! Napaka damot talaga ng matandang kuba na yon, hindi man lang ako napagbigyan!" Maktol ni Trixie.

May dala syang dalawang maleta at mukhang umiiyak pa sya.

Naglayas ba sya?

"Uy... Bakit gabing gabi na ay narito ka at may dala ka pang maleta? Lumayas ka ba sa inyo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya na nagulat ko yata.

"Ah.. Ivan!" Nahihiya pa sya.

"Ano bang nangyari sayo?" Lumapit ako sa kanya.

"Ah.. Wala!" Sabi nya at nilampasan ako.

"Kailangan mo yata ng tulong!"

"Ok sige! Masyado kang tsismoso!" Bulong pa nya.

"Pinalayas na ako ni tandang kuba sa mabaho at masikip nyang rent house dahil di ako nakapagbayad ng utang ko sa kanya! Ano okay ka na?" Baling niya sa akin.

Pshhh.. Ang taray nya talaga

"Okay!" Kibit balikat ko sa kanya.

Tumuloy na sya sa paglalakad nya.

"Tayo na nga!" Kinuha ko yung maleta nya.

"Hoy.. Ano ba? Bakit mo kinuha yan sakin?" Pilit nyang kinukuha.

"Gabi na, wala kang mapupuntahan! Dun ka muna sa bahay ko!" Alok ko sa kanya.

"Nagpapatawa ka ba? Ako? Patitirahin mo sa bahay mo? Wag kang loko dyan!" Sabi nya.

"Yan ang hirap sayo, ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa itong matapang!" Baling ko sa kanya.

"Humihingi ba ako ng tulong sayo?" Nakataas pa ang kilay nya.

Nagmamatigas pa siya.

"Ah.. Basta! Pansamantala lang! Ako ang Senior President mo kaya makinig ka sakin, baka mamaya mapagdiskitahan ka dyan ng mga m*nyak!" Sabi ko at inunahan ko siya sa paglalakad.

"Hoy! Ano ba?" Nagmamaktol sya.

"Sumunod ka na lang!" Sabi ko sa kanya.

Magpapaka Night in Shining Armor muna nya ako.

Magtataray pa sya.

Alam ko naman na kailangan nya ng tulong ko.

...

"Ok na ba sayo ang kwarto na toh?" Tanong ko sa kanya.

Namamangha yata sya sa bahay ko.

"Amh Oo pero ikaw lang ba ang tao dito?" Tanong nya sa'kin.

"Oo nasa L.A ang parents ko at ang little sister ko kaya ako lang ang nakatira dito!" Paliwanag ko.

"Uuwi na lang ako!" Sabi nya.

"Teka saan ka uuwi? Akala ko ba pinalayas ka?" Bigla akong nalito.

"Hahanap na lang ako ng ibang rent house!" Sabi pa niya.

"Hay naku ang kulit mo naman! Okay ka lang dito! Naiilang ka ba dahil..."

"Owh... Alam ko na, Iniisip mo bang may interest ako sa katawan mo?" Natatawa na lang ako.

Naningkit ang tingin nya sakin na para bang nainsulto ko sya.

"I mean kailangan ko rin naman ng Maid, I don't want to offend you but i think it would be better if you were my maid here!" Paglilinaw ko pa.

Naku naman kailangan ko pang mag offer sa kanya kahit hindi ko kailangan yun.

"Maid? Hindi mo ba kayang alagaan ang sarili mo?" Tanong niya.

"10 thousands a month! 5k per a day as your allowance. Kailangan mo ng pera para makapag aral ka di'ba? Please Trixie sana naman maging okay sayo ang offer ko!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Okay sige tutal narito na rin naman ako!" Walang alinlangan na sabi nya.

Sa wakas pumayag na rin sya.

"Okay Salamat! And don't worry i just miss my little sister kaya magturingan tayo na parang magkapatid kahit Maid kita!" Sabi ko at tinalikuran ko na sya.

"Ts, Ang weird nya talaga. Ang yaman yaman nya pero hindi man lang marunong mag alaga ng sarili nya at grabeh ang kalat kalat ng kwarto nya!" Bulong pa niya na nilaksan nya yata para marinig ko.

Tsikks ... Nakikitira na nga lang mamumula pa sya!

Hay.. naku naman.

Paano toh ngayon?

Nagpatira pa ako ng isang bossy na 1st Year Student dito sa bahay ko.

.

.

.

TRIX'S POV.

...

Tsikks.. Kailangan kong makatapos dito sa pagluluto bago magising ang werdo na yun!

"WOW..! Ang sarap naman ng amoy na yan!" Tinig na niya habang bumababa ng hagdan.

"Kailan pa nagkaroon ng panlasa ang ilong mo?" Direct to the point.

"Para malaman mo, yung ears, nose and our taste in foods, may connections sila sa isa't isa! hindi nyo ba pinag aaralan yun sa science?" Taas kilay nya.

Ts, tinuruan pa ako.

"Okay fine boss weirdo, Kumain ka na baka malate pa tayo sa School!" Sabi ko.

Then naupo na sya.

"Wait sumabay ka na sa'kin dito!" Pag aalok nya.

"Ah.. Wag na! kapag nakapag ayos na ako ng kalat mo!" Sabi ko.

"Grabeh ka naman maka kalat! Sumabay ka na, hindi naman kita gustong pahirapan dito sa bahay ko!" Usal pa nya.

"Ano bang mali sa pagkakasabi mo last night?" Pag iisip ko sa harap niya

"Di'ba maid mo ako? Para saan yun kung hindi ako maglilinis?" Baling ko sa kanya.

"Pwedi ba gumalang ka sa Amo mo! kung ano lang ang sasabihin ko ang susundin mo okay!" Ibinagsak nya sa pinggan ang kutsara at tinidor na hawak niya.

Nagalit ko ata sya..

"O..okay! Sorry boss!" Naupo na ako.

Di yata uubra ang pagtataray ko sa kanya dito.

Relax Trix.

Gwapong weirdo lang naman ang boss mo at lalong nakikita ko ang pagkagwapo nya sa pagiging bossy nya sa'kin ngayon.

"Don't call me boss, just call me in my name! Ivan!" Nagsusuplado na sya.

Biglang nagdugo ang ilong nya.

"Ah.. Sir! Boss! Amh.. Ivan yung ilong mo!" Tinuro ko at kumuha agad ako ng tissue paper at ibinigay agad sa kanya.

"Excuse me!" Sabi nya then dumaretso sya sa banyo.

Ano kayang nangyari sa kanya.

IN A FEW MINUTES.

Ang tagal nya sa C.R at hindi pa rin sya lumalabas kaya pumunta ako sa harap nito.

"Ivan okay ka lang ba?" Katok ko sa may pinto.

"I'm okay! Nag nose bleed lang ako sa sarap ng pagkain na niluto mo!" Sigaw nya sa loob.

Uhhh.. Ang sweet.

Ah Hindi!

Mali toh.. Trix! Nasarapan lang sya.

Anong ibig sabihin ng kabog ng dibdib?

Ang bilis yata ng tibok ng puso ko?

Hala!!!!

Kinikilig ba ako sa kanya?

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto para madinig ko kung anong ginagawa nya sa loob ng C.R pero biglang bumukas yung pinto at napapatong ako sa dibdib nya.

"What are you doing?" Tanong nya na napahawak sa bewang ko.

OMG!!!

Trix... Ano itong ginagawa mo?

"Ah Sorry.. Amh.. Ah.. Eh.. Okay ka lang ba talaga?" Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng tuwid.

"Okay lang ako. Sige na kumain na ulit tayo!" Sabi nya na para bang walang nangyari.

Bigla tuloy akong nailang sa kanya.

Hindi na sya umimik pa ng oras din na yun. Hanggang sa isinabay nya na ako sa scooter nya papasok sa Senior High.

"Salamat Ivan!" Usal ko.

"Para saan?" He looks at me so tigh.

"Sa.. Ano... Sa tulong mo!" Ba't ba bigla syang nagbago.

Inaakit na nya ang puso ko.

"No problem!" Kumaway pa sya sakin bago sya dumaretso sa Room nya.

.

.

.

Biglang lumapit sa'kin sina Cielo.

"Tama ba ang nakikita namin Trix?"-CIELO.

3rd period na ng klase namin.

"Ang alin?" Tanggi ko pa kahit na alam ko kung ano ang tutukuyin nila.

"Ikaw at si Ivan Flores magkasabay pumasok ngayon! Inihaatid ka ba nya o kinaon ka sa rent house?"-SHYRENE.

"Amh.." Kailangan pa ba nila malaman yun.

"OMG... Don't tell me may relasyon kayo ni Mr.President?"-CIELO.

"Actually guys Maid nya ako!" Saad ko.

"Ano?" Gulantang nila.

"Paano nangyari yun?"-SHYRENE.

"Si tandang kuba kase sininggahan ng pagkab*liw! Bigla akong sinisingil sa utang ko sa rent house, eh wala akong pambayad kaya yun pinalayas ako, eksakto naman na nangailangan si Ivan ng maid kaya tinanggap ko na yung offer nya, sayang din kase!" Kamot ko sa noo ko.

"Maid? Ganu'n ka na ba talaga ka Poor Girl!" Nakakainsultong sabi ni Christian.

Bakit napunta ang t*kmol na toh dito? Nasa first floor ang Room nya di'ba?

"Magkano ba ang kailangan mo para tanggapin ang cheap na offer ni Ivan huh?"-CHRISTIAN.

"Wala ka ng pakealam sa bagay na yun, unless gusto mong malaman kung gaano sya kayaman kaysa sa'yo o kung ano ang trato nya sa'kin bilang maid nya!" Baling ko sa kanya.

"Owh Common sense naman Trix! Do you think maiinggit ako sa bagay na meron sya?" Natatawa na usal niya sa'kin.

"So kung ganun. Lumayas ka sa harapan ko dahil hindi ko kailangan ang tulad mo!"

Aalis na sana sya kaya lang may kakaiba sa kanila nitong si Shyrene.

"Don't go Christian!" Pagpigil ni Shyrene.

Wow.. I surprised.

May hindi ba ako nalalaman sa kanilang dalawa?

"Mukhang kailangan ko ng breaktime!" Tumayo ako.

"Wait! You're invited in my Dad's wedding this weekend!" Nakakagulat na imbitasyon nito.

Ano namang kinalaman ko sa wedding ng Dad nya.

"Although all Seniors students are invited, i just want you to know that you are Dad's special guest!" Masalimuot na paliwanag niya.

"Hindi ako pupunta!" Agad kong tugon.

"Pero...!" Utal niya

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya kase umalis na ako.

...

"Ang aga mo yata umuwi Trix!?" Takang tanong ni Ivan.

Nadatnan nya na akong nagluluto sa kusina.

4 pm lang pala.

"Ah kase maagang nagpauwi si Sir!" Alibay ko kahit nag cutting classes na ako.

"Si Christian nag iinvite ng Seniors sa Wedding day ng Dad nya!" Saad niya.

"And so?" Naka focus ako sa pagluluto ta's babanggitin nya ang pangalan ng d*monyong yun.

"Pupunta ka ba?" Tanong niya na naghubad ng uniform sa harapan ko.

Ang b*stos naman nito. Hindi nya ba kayang pumunta sa C.R at dun magbihis?

Nandun na ako sa katwiran nya na maganda ang katawan nya dahil sa Sexy shape of his body.

6 Packs of abs at kanin na lang ang kulang ay napakagat na lang ako sa lower lip ko.

"Hey.. I'm asking you!" Tapik nya sa balikat ko dahil nakatameme pala ako sa kanya.

"Sinabi ko na sa kanya, Hindi ako pupunta! Pagtri tripan lang ako ng mga yun!" Sabi ko.

"Sa bagay!" Tugon nya.

Kumuha sya ng tubig sa refrigerator at napalunok na lang din ako ng laway ko ng aking masaksihan ang paglunok niya ng tubig.

Adams apple.. What the..

I'm ins*ne..

Hindi ko yata matatagalan ang pagiging maid ko sa kanya kung laging ganito ang eksena naming dalawa.