webnovel

High School Diaries

2008, Trixie Natividad is just a first year student in a Senior High, she gets bully with her best enemy named, Christian Kyle Santos. His Step Brother too. Before she fell in love with her Senior and Campus President called Mr. Weirdo Man, named Ivan Flores. She became his maid for the sake of helps she need. She gets more bullied when Ivan died and called her, she killed him. 2009, She was trying to hide at the library to get away from the bullies, until she met the most famous vocalist of the band and called himself a serious guy named Rom Villanueva. She was trying to be an out cast person but her diaries was left by him and he getting to know more about her. He fell in love with her but her past love with Ivan Flores wasn't easy for her to moved on. She gets caught with the leader of the bullies and the ex girlfriend of Rom Villanueva named Jillian Flores, the little sister of Ivan Flores. She tried to dropped her out of the Senior High but Christian Kyle Santos and defend her and stayed by her side. 2010, When she met someone in the farewell party of Rom Villanueva. The guy who always watching her from a far. The guy who was accused by her because of the simple ballpen named, Paul Rodriguez. Her cool gangster saviour. Until they knew that they're engaged and became a dog-cat lovers. He fell inlove hardly but his best friend, Christian was there to stop their fake relationship. 2011 When Christian finally confirmed his love for Trixie and her best friend named Shyrene Tolentino caught them and just because she's Christian real girlfriend. She ruined their friendship goals and became a love triangle. Not untill, Trixie Natividad found out that Christian was suffering by the leukemia like Ivan Flores illness in the past few years. She found it too that her father was alive and Christian knew about it. Before the graduation in year of 2012, She Left the Senior High and the life in that places and lived to the province where her father was live. She's with Jin Ford Arevalo who makes a deal with his best friend, Rom and live in there too. It was too late when she find out that she was carrying a child of her first love. She getting pregnant with Christian but it's too late for their one big happy family. They could be ever met again?

SimplyMarjo · General
Not enough ratings
15 Chs

BOOK 2.

YEAR 2009.

...

Nakaipon na rin ako pagkatapos ng bakasyon at dahil kulang pa rin yun para ipagpatuloy ko ang pagpasok ko sa Senior High, tinanggap ko na ang offer ni Cielo na doon muna ako sa Apartment nya makitira tapos pag uusapan na lang namin ang mga gastos sa bahay.

Buti na lang katabi lang nya ang Apartment ni Shyrene kaya sabay na lang kami kapag pasukan na.

.

.

.

.

.

Tumunog ng malakas ang Alarm Clock.

"First day of school na agad? Antok much pa ako!" Mumukat mukat ni Cielo.

"Good morning girls! Let's go baka malate pa tayo!" Yakag na ni Shyrene.

Bihis na agad sya pero kami ni Cielo kumakain pa lang.

....

Nakalipas lang ang ilang minuto.

"Tayo na Trix!" Yakag na rin ni Cielo dahil nakapagbihis na rin siya.

"Susunod na lang ako! Aayusin ko lang yung gamit ko!" Sabi ko.

"Okay!" Tugon nila bago tuluyan ng umalis.

Naghihiwa pa lang ako ng cheese ng may biglang dumating.

"Di'ba sabi ko susu...--- Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong bungad kay Christian.

"Anong akala mo sa first day of school sa Senior High, sila ang mag aadjust sa oras na gusto mo?, Late na tayo.. Let's go!" Balak nya akong hilahin.

Wala pa rin syang pagbabago. Binubwisit pa rin nya ako pero pumiglas ako sa kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

"So... Ito pala ang Apartment ni Cielo na tinutuluyan mo? Ts, parang C.R ko lang sa bahay ah! Madumi at ano bang klaseng amoy yun? Ikaw ba yung nangangamoy?!" Pang iinsultong sabi niya.

"Umalis ka nga dito!" Taboy ko sa kanya.

"Wala kayong T.V?, saan kayo nanonood?" Pagpapatuloy niyang insulto.

"Sa Cellphone!" Tugon ko naman.

"Nagkakasya talaga kayong dalawa dito? Ang sakip huh! You know what, may space pa sa bahay, if you want doon ka na muna tutal nandoon din ang.."

Hindi natuloy ang sasabihin nya ng ibagsak ko ang kutsilyo.

"I'm just saying...na.."

"Alam mo, medyo hindi na matalas ang kutsilyo na toh, try ko kayang iputol ito sa dila mo tutal naman walang magandang sasabihin yang tampalasan mong dila!" Sabi ko habang hinihimas himas ko ang talim ng kutsilyo sa kanyang harapan.

"Trix Relax okay!" Sabi pa niya na para bang nababahag ang buntot sa takot.

"Aalis ka ba o puputulin ko muna ang dila mo saka ko ipri prito at ipapakain sayo ng buo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Okay fine! Aalis na nga!" Sabi nya sabay takbo palabas ng Apartment.

Natakot ko ba sya?

Kutsilyo lang naman pala ang katapat mo.

***

SENIOR HIGH.

Na Late nga ako kaya sa Canteen na muna ako tumambay.

"Owh! That girl again! She's late!" The Cheerleader said named Chelsea.

Anak ng Artista.

"Omg! Sinisira nya ang image ng Senior High!" The New Campus President named Elaine.

Anak ng Professional Engineers.

"Di'ba sya yung girlfriend ni Ivan? I'm sure sya ang dahilan kung bakit namatay si Ivan and I'm sure pinerahan nya lang si Ivan! Who would know she's a gold digger!" The Play Girl named Princess.

Anak ng mayayamang Negosyante.

Ts, Kulang pa sila ng isa. Wala yung Campus Crush na pinapangarap ng lahat ng lalake.

The top one model in Senior High pero ngayon lang sya nagtransfer dito kaya hindi ko pa nakikilala.

All I know is Anak ito ng Scientists sa America at lahat sila ay mga bullies ng Senior High.

Kinababaliwan.

Kinaiinggitan.

...

"Si Ivan pinatulan sya?"-CHELSEA.

"Duh! That poor girl?"-ELAINE.

"Tapos nagagawa nya pang pumasok dito at kontrahin si Christian sa lahat!"-PRINCESS.

Blah..... blah..... blah...!

Ano bang mapapala ko kapag pinatulan ko sila.?

Kumukulo ang tyan ko sa gutom kaya kaysa sa pansinin ko sila ay omorder na lang ako ng kakainin ko tutal maglu-lunch na.

Pinagmamasdan lang nila ako kung paano ko tusukin ng tinidor ang hotdog at isubo yun ng buo.

Then slightly chewing at diring diri naman sila.

Nagulat na lang ako ng kunin nila ang pagkain ko.

"Hoy! Bitawan nyo ang pagkain ko!" Tumayo ako.

"Okay fine!"-PRINCESS.

Binagsak nya sa sahig ang pagkain ko kaya tumilapon ang kakainin ko.

"Uphs... Sorry!" Sabi nya sabay tinapakan pa nya habang nagsisitawanan lang yung dalawa.

"Ganyan ba talaga ang ugali nyo? Nasa School kayo pero wala man lang kayong disiplina!" Tangis ko sa kanila.

Pinapainit na nila ang ulo ko!

"You don't care! Sino ka ba sa akala mo para sabihan kami ng ganyan!"-ELAINE.

"Mga asal aso!" Tinalikuran ko sila pero hinigit ni Chelsea ang braso ko.

"What did you just say?" Tanong na baling nya sa'kin.

"OMG Chels... Nadudumihan ang kamay mo!"-PRINCESS.

"Ano bang tingin nyo sa sarili nyo huh? Nabibili at nakukuha nyo lang ang gusto nyo akala nyo ginto kayo! Ayoko sana ng away pero kung hinahamon nyo ako, Sige pagbibigyan ko ang gusto nyo!" Iniikom ko na ang aking kamao.

"You're acting like your mother! Such a Useless woman! Gold digger!"-CHELSEA.

"Kung malaki ang galit mo sa nanay ko, Wag mo akong idadamay dahil isang kat*ngahan mo lang yun! Marami ng t*nga dito sa mundo kaya wag ka ng dumagdag pa!" Nanliliit ang tingin ko sa kanila.

Kinuha ko sa lamesa ang naiwan kong tinidor.

"Gusto nyo bang isa isahin kong dukutin ang mga mata nyo ng wala na kayong makitang mali sa kilos ko, Pabor yun sakin!" Itinusok ko ito sa lamesa kaso naputol lang yung tangkay.

"Haist! Pati ba naman ito ayaw makisama!" Bulong ko.

Napatingin ulit ako sa kanila.

Sus, parang mga basang sisiw na sila ngayon.

"D*mn you Trixie!"-ELAINE.

"You too!!" Baling ko kanya.

"What??" Gulantang nya.

"Sa susunod na ikumpara nyo ako sa Nanay ko, for sure ang hell future ng mga mata nyo!" Naiinis kong sabi.

"Are you threatening us?"-PRINCESS.

"Warning lang yun dahil hindi ko ugali ang manakot!" Aalis na sana ako kaso yung pagkain ko.

"Bayaran nyo ang pagkain ko!" Hiyaw ko sa kanila.

"Asa ka pa bitch!" Aalis na rin sila.

"Ang sabi ko, bayaran nyo ang pagkain ko!!!" Hinarangan ko ang dadaanan nila.

"Gold digger!"-CHELSEA.

"Mana ka talaga sa Nanay mong Pokp*k!" Dugtong pa nya.

Sinabihan ko na sya pero hindi sya nakinig. Kinuha ko yung tangkay ng tinidor at isinaksak ko sa kamay nya.

Hindi naman ganun kalalim ang magiging sugat.

Sinipa ko naman si Elaine na balak yata akong sabunutan.

Nu'ng matumba sina Chelsea at Elaine ay isinubsub ko naman ang mukha ni Princess sa lamesa..

Humihiyaw lang sila at humihingi ng tulong kaya pinipigilan na ako ng mga Canteener..

Agad din naman dumami ang Audience sa eksena namin.

"Gusto nyo ng gulo di'ba, Okay fine! Heto na!" Nanggigigil na ako.

Sa galit ko bigla na lang tumutulo ang luha ko.

"It's true! And Ivan died because of you! Pinatay mo sya!" Sigaw ni Elaine.

Kung kaya natigilan ako.

"Tumigil ka na!" Hiyaw kong baling sa kanya at susugurin ko sana sila kaya lang.

.

.

"Trixie!" Tinig ni Lorena.

Nagsalubong agad ang tingin namin.

"Trix!" Lumapit sa'kin sina Shyrene at Cielo.

"Anong nangyayari dito?" Naguguluhan na tanong ni Christian.

"Three of you and you Trixie! Go to my office now!"-LORENA.

Ano??

Kailan pa sya nagkaroon ng office dito?

"Tita this is all her fault! She's kicked me! Look at my hands! She really hurt me!" Pag iinarte ni Chelsea.

"I said go to my office now!" Matinis niyang bulyaw sa amin.

SA GUIDANCE OFFICE.

"Hindi na kayo nahiya! Lahat kayo ay nasa Second Year pa pero gumagawa na agad kayo ng gulo?" Sermon nya.

"Tita..I'm sorry about this! I hope you will understand!" Paliwanag ni Princess.

May iniabot silang sobre kay Lorena.

Ano yun?

Suhol para hindi makarating sa mga magulang nila ang ginawa nila.

Mukhang pera naman itong Lorena na ito kaya tinanggap nya.

Sya pala ang bagong Principal ng Senior High.

Tsk! Pera na lang ba ang usapan ngayon?

"Aalis na ako!" Sabi ko.

"Hindi pa tayo tapos Trixie! Amh.. You may go ahead girls!" Pinalabas nya na yung tatlo maluban sa akin.

"Nakakahiya ka Trixie! Pati yang ugali mong kalye ay dinadala mo dito sa School? Ano na lang ang sasabihin ng Step Father mo huh?" Nagsisumulang sermon ulit niya.

"Una sa lahat, ipinagtanggol ko lang ang sarili ko! Pangalawa mas nakakahiya ka dahil tumatanggap ka ng suhol sa katulad nila at pangatlo alam nila kung anong pagkatao ang meron ka kaya hindi mo na kailangan pang pagsabihan ako!!" sabi ko.

"Bastos!" Sampal niya sa akin.

"Kung gusto mong igalang ka, umpisahan mong maging patas sa lahat ng Estudyante dito!" Singhap ko ng hangin sa kanyang mismong harap.

"Don't ever dare me Trixie! What ever you saying I'm still your mother!"

"Teka kailan pa? Bakit hindi ko yata matandaan na naging Ina kita? So! nagkapera ka lang at binihisan ng maayos, Nanay na ulit kita? Hoy! Lorena Wag mo akong itulad sa mga taong inuto mo!" Nagngangalit kong galit sa kanya.

She was crying now.

"Sa bahay ka na tumira or i will suspended you!"

"I-suspended mo na lang ako kaysa makasama ka sa iisang bahay! Hindi naman big deal kung gagawin mo yun dahil wala namang permanent sa mundo!" Sabi ko sabay walk out.

Paglabas ko sa Principals office nakaabang na sina Cielo, Shyrene at si Christian.

"Ano ba kaseng nangyari huh?" Tanong agad ni Cielo

"Wala na yun!" Tugon ko.

"Anong punishment mo?" Tanong pa ni Shyrene.

"Isu-suspended nya ako, Ewan ko kung hanggang kailan pero okay lang!" Sabi ko.

"Anong okay do'n? Kakausapin ko si Tita!" Saad ni Christian.

"Para saan pa? Gusto nyang mawala ako sa buhay nya kaya ganito ang ginagawa nya!" Paglilinaw ko sa kanila.

"Trixie kahit bali-baligtarin mo man ang lahat sya pa rin ang iyong Ina!" Anong hangin ang nalanghap nitong si Christian at ganito ang mga sinasabi nya?

"Wala akong Ina na kayang lunukin ang pride nya para sa pera ng ibang tao! Naiintindihan mo! Hindi mo ako kilala at wala kang alam sa ginawa nya sa'kin. okay!" Inirapan ko sya pero hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"Bitawan mo ako!" Pumiglas ako at tumakbo papunta sa Library.

Sa likod ako ng bookshelves tumambay at binuksan ko ang aking Diary.

Yung ibinigay ni Ivan. His High School Diaries.

"Bakit Ivan? Bakit? Sana nabuhay ka na lang! Ikaw lang ang nakakaintindi sakin!"

Sinubukan kong isulat ang nararamdaman kong ito.

"Miss na miss kita Ivan, Sana narito ka para maipagtanggol mo ako! Kailangan kita! Sana kaya mong sabihin sa kanila na hindi totoo ang mga bintang nila sakin! Hindi kita pinerahan! Hindi ka namatay dahil sakin! Mga insecure lang sila dahil minahal mo ako!" Sumunod na sulat ko.

"Ivan!" Umiiyak ako at iniuuntog ko ang aking ulo sa Diary hanggang sa nakarinig ako sa bandang Viranda ng mahihinang boses kaya na curious ako.

"Umh.. I miss you so much babe!"

Grabeh... Ganito na ba kawalang pakealam ang mga teachers sa nangyayari sa school?

Paano nila napapabayaan na may mga Senior Students na ganito ang ginagawa sa loob ng Library?

"Babe naman eh... Nabibitin ako bakit ba ayaw mong magresponse sa kissing scene natin? Ngayon na nga lang tayo nagkita bibitinin mo pa ako!" Sabi nu'ng girl na wala ng saplot at hubad na hubad na.

Sinusubukan nyang buksan yung pants nung BF nya yata pero nagpapa hard to get pa si kuya.

Naku naman.

Nagiging makasalanan ang mga mata ko.

Nagtataka ako, hindi man lang kasi kumikilos yung lalake.

Tapos yung girl lang yung nasa top at feel na feel ang ginagawa nyang paglalandi.

Tatayo sana ako at aalis na sa Library na yun kaso nadanggil ko yung mga librong nasa tapat ko lang kaya gumuho itong lahat sa'kin.

"Sino yan?" Tanong nu'ng boy na palapit na sa kinapupuwestuhan ko.

"Patay ako nito!" Nasa harapan ko na sya, tumungo ako kaya hindi ko sya makilala.

"Babe, hayaan mo na yan.. Let's continue!" Sabi nu'ng girl na hindi lumalabas sa Viranda.

Parang familiar sa akin ang boses nu'ng girl.

"Anong narinig mo?" Serious ang dating ng boses nya.

Malamang yung landian nyo!

No Trix, Don't ever say that!

"Ah.. Wa...wala akong narinig o nakita, Sige aalis na ako! Sorry!" Sabi ko at tuloy tuloy ako sa pagbaba ng hagdan.

.

.

.

.

.

.

Grabeh yun ah... Pinagpawisan ako!

"Besty...!" Boses na ni Cielo ang sumalubong sa'kin.

"Oh.. Bakit?" Agad kong tanong.

"Saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap!" Pagtataka ni Shyrene.

"Huh.. Ah eh... Sa Library!" Nauutal pa ako.

"Bakit parang pinagpapawisan ka yata?Tag ulan naman ngayon di'ba?" Puna pa ni Cielo.

"Ah.. Wala lang! Mainit lang ang pakiramdam ko!" Pagtanggi ko.

"Nag iyak ka na naman ba?" Napansin rin iyun ni Shyrene.

Ang isang Trixie Natividad.

Iiyak??

Oo.. Siguro! Lalo na kung si Ivan ang pag uusapan.

"Nakita mo ba si Insan?" Nakakagulat na tanong ni Cielo.

Sinong Insan ang tinatanong nito?

"Hindi ko kilala yun!"

"Hey! Trix have you seen Rom Villanueva?" Salubong sa akin ni Christian.

"Iisang tao lang ba yun? Hindi ko sya kilala kaya malay ko ba kung nagkita na kame!" Paliwanag ko.

Ang swerte naman ng lalaking yun dahil ang daming naghahanap sa kanya.

"He's new here!" Paglilinaw pa nito.

"And so?" Taas kilay ko sa kanya.

Umalis na ako bago pa sya makapagpaliwanag dahil hindi rin naman ako intrisado.