webnovel

12

Chapter 11

- Cade's POV -

Nang makarating kami sa booth ay naupo agad si Luna. Pero papaupo na sana ako ng biglang magsalita si Lawrence sa likod ko.

"Nagkausap na ba kayo ni Scar?" Biglang tanong nya. "Hinahanap ka nya kanina pa." Dagdag pa nya.

"Talaga?" Tanong ko.

"Oo. Hinahanap kung nasaan ka. Lahat kami tinanong tapos saka sya umalis ng walang makuhang sagot. Kakaalis lang, sundan mo na sya baka mahabol mo pa." Mahabang sabi nya. Agad naman akong tumayo at kinuha ang cellphone ko. Din-ial ko ang number nya at agad namab nyang sinagot iyon.

"Saan ka ba galing, ha, Cade? Kanina pa kita hinahanap. Bakit ngayon ka lang."

"Sorry, Scar. Nasaan ka? Gusto kitang makita." Sabi ko.

"Nandito ako sa booth namin. Pumunta ka nalang dito."

"Sige. Pupuntahan kita, hintay---" napatingin ako sa screen ng phone ko dahil nawala sya sa linya, binabaan nya ako. Napabuntong-hininga ako at saka ako pumunta ng booth nila.

Nang makarating ako ay agad na umingay ng paligid. Lagi namang maingay ang paligid kapag malapit ako pero sadyang mas maingay ngayon dahil araming tao dito.

"Oyy, nandyan na si Mr. Right." Rinig kong sabi ng isang kaklase ni Scarlett.

"Oyy, haha. Tigilan nyo nga ako." Nahihiyang sabi ni Scarlett.

"Hi, guys? Pwede ko bang mahiram si Scarlett?" Tanong ko haang nakangiti sa kanila.

"Oyy, haha. Of course, sure. Kahit wag mo na ibalik--- aray!" Napahiyaw ito ng bigla syang hampasin ni Scarlett sa balikat.

"Ano ka ba, Jessy. Tumigil ka nga." Nahihiyang sabi ni Scarlett at saka sya tumayo at lumapit sa akin. Kumaway ako upang magpaalam sa mga kaklase nya at nang makalayo kami ay naupo kami sa isang bench.

"Gusto mo ba mag-snack? Bibilihan kita." Nakangiting yaya ko.

"Hindi na." Maikling sabi nya. Ang kaninang masaya at nakangiting muhka nya ay napalitan ng masungit at parang yamot na yamot na muhka. "Saan ka galing kanina?" Tanong nya.

"Sa Canteen." Sagot ko.

"Sino kasama mo?" Tanong pa nya ulit. Napalunok naman ako.

"S-Sila Lawrence lang." Pagsisinungaling ko. Bumuntong-hininga sya at makalipas ang ilang segundo ay tumayo sya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Bakit ka nagsisinungaling sa akin, Cade?" Deritsong sabi nya.

"Hindi naman ak---"

"Nakita ko kayo, ehh! Magkatabi kayo at halos magkapalit na kayo ng muhka! Tapos may pahawak-hawak pa sa pisnge! Ano?! Sabihin mo, may relasyon ba kayo ng bulag na yon?!" Sigaw nya. Napakunot ang noo ko at uminit ang ulo ko pero pinigilan ko parin ang sarili ko.

"Wala lang iyon. Sinamahan ko lang sya mag-breakfast kasi nga may disability sya." Pagdadahilan ko. Sasakyan ko nalang ang paniniwala nyang bulag si Luna.

"Talaga?! Ehh, bakit kailangan nyong pumasok sa faculty room?! Nang kayong dalawa lang?!" Sigaw nga pa. Lihim naman akong napangiwi.

Nakita nya lahat iyon? Ganon na ba sya ka stalker, huh?

"Scar, wala nga yon." Mahinahon kong sabi.

"Bahala ka sa buhay mo! Magsama kayo ng Luna mong bulag!!" Malakas nyang sigaw tapos tinalikuran ako. Buti nalang ay walang tao dito sa may park ng school kaya walang makakarinig sa sigawan namin.

Bumalik na ako sa booth namin at nakita ko ang nag-aalalang muhka ni Luna. Parang nawala ang inis ko ng makita ko ulit sya pero aksidente akong napatingin sa dibdib nyang nahawakan ko kanina kaya lihim akong napamura.

"Is everything alright?" Tanong nya ng makaupo ako. "Inaway ka ba nya?" Tanong pa nya.

"Ok lang. Susuyuin ko lang iyon ng pagkain tapos ok na kaming dalawa." Pilit-ngiting sabi ko. Nakita ko namang umasim ang muhka nya. Nagulat ako ng tumayo sya at maglakad papalayo.

"Luna, saan ka?" Tanong ni Angel.

"Uuwi na ako. Mag-iimpake pa ako ng gamit." Malamig nyang sabi.

"Sige! Kita nalang sa airport!" Sigaw pa ni Angel habang kumakaway.

"Airport?" Tanong ni Lawrence. "Nasaan nga pala si Jaylen?" Tanong pa nya.

"Ma at Pa. Malay ko at pakialam ko sa kanya. And, aalis nga pala kami nila Luna. Actually, hindi ko alam kung uuwi pa sya pero muhkang hindi na kasi muhkang bored na sya dito." Sagot ni Angel. Napakunot naman ang noo ko.

Wala sa sariling tumayo ako ng upuan ko at sumunod kay Luna. Nagtatatakbo ako hanggang sa umabot ako ng parking lot at hindi ko na nakita ang kotse nya.

Ang bilis naman ng babeng iyon.

Sumakay ako ng kotse at mabilis na nag-drive pauwi ng bahay. Pagkarating ko ay nasa labas palang ng bahay si Luna at may dalang kung ano-ano. Muhkang nag-grocery sya.

"Ako na!" Sigaw ko at dali-daling naglakad papalapit sa kanya. Hindi pa sya nakakalingon ay nakuha ko na ang mga dala nya.

"Ohh, bakit nandito ka? Diba, susuyuin mo pa ang Scarlett mo?" Mataray nitong tanong.

"Is that sarcastic?" Tanong ko.

"Yup." Maikli pero mataray nyang sabi. Hindi pa sya nakuntento, tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Ehh, uuwi ka na daw, ehh." Nakangusong sabi ko.

"Bakasyon lang." Mataray paring sabi nya. Nagugulat ko naman syang nilingon.

"Talaga?" Masayang tanong ko.

"Oo." Maikling sagot nya. Wala sa sariling binitawan ko ang mga hawak ko sa lamesa at hinalikan sya. Ilang sigundo pa muna sya natigilan bago ako tugunan ng halik. Pinulupot nya ang mga braso nya sa leeg ko habang pareho kaming naghahalikan.

Isinandal ko sya sa lamesa at doon mas inayos ang paghalik sa kanya. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Nang maayos na kaming nakahinga ay nagtama ang paningin namin at wala parin sa sariling sinunggaban ko ulit sya.

Nang bumitaw kami pareho ay hinihingal kami. Nang magtama ang paningin namin ay pilit ko syang nginitian.

"S-Sorry." Nahihiyang sabi ko. Mahina naman syang natawa.

"Ok lang. Gusto ko din naman." Nahihiya din sabi nya.

"Ahm... So, babalik ka pa?" Tanong ko.

"Uhm. Sasama lang ako sa switzerland kay Angel. Ikakasal na kasi sya." Sabi nya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ikakasal? Kanino?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, ehh. Basta sasama lang ako tapis babalikan kita." Nakangiting sabi nya. Wala sa sarili naman akong napangiti.

"Ehh, ikaw? Kailan ka magpapakasal?" Tanong ko.

"Hmm. Siguro pag niyaya mo na ako." Natatawang sabi nya.

"Paano kung sabihin kong ngayon na?" Tanong ko.

"Edi, magpakasal na tayo mamaya. Haha." Natatawang sabi ko. Pabiro naman nya akong hinampas sa balikat.

"Hindi naman ako nakikipag-biruan sayo, ehh." Natatawang sabi nya.

"Seryoso ako don." Biglaang pagseseryoso ko. Nakita ko naman syang napalunok tapis nag-iwas sya ng paningin.

"Ahm... Hehe." Naiilang nyang sabi. Gumalaw sya at nilagay ang mga pinamili sya sa kung saan. Ako naman ay pinalibot ang paningin sa buong bahay hanggang sa aksidente akong mapatingin sa dibdib nya.

Nawala nanaman ako sa huwisyon at dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang uniform nya. Tiningnan ko sya sa mata at nagtinginan kaming pareho hanggang sa matanggal ko na ang lahat ng butones nya. Napakunot ang noo ko ng makitang wala syang suot na panloob.

"Luna, bakit wala kang bra?" Tanong ko habang nakakunot parin ang noo.

"Ahh. Nakalimutan kong mag-suot, ehh." Nahihiyang sabi nya.

"Wag ka ngang magsasanay ng walang suot na panloob! Paano kung masilipan ka?! Ang laki-laki pa naman ng dibdib mo! Gusto ko akin lang yan!" Sigaw ko. Nuong una ay natigilan sya pero mahina ding syang natawa. "Seryoso ko, Luna."

"Tsk. Alam ko, napakaseloso mo talaga." Natatawang sabi nya at pinisil pa ang pisnge ko. Nagbaba ulit ako ng tingin sa dibdib nya at dahan-dahan kong hinawakan iyon. Dahan-dahan ko din iyong minasahe kaya napatingala si Luna.

"Masarap?" Tanong ko habang hinihimas parin ang dibdib nya.

"Uhm... Sarap..." Mahinang sabi nya. Patuloy lang ako sa paghimas sa dibdib nya ng hawakan nya ako alaga kong gising na. Napakipit ako ay itinigil ang ginagawa ko, hinawakan ko ang kamay nyang hawak ang alaga ko at pinagsiklot iyon.

"Luna, wag mo nang ulitin iyon. Hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil. Baka mapaaga tayo." Mahinang sabi ko habang niyayakap sya.

"Sorry." Mahinang sabi nya. Bumitaw na ako sa pagkakayakap namin at binutones na ang uniform nya. Tapos hinalikan ko sya sa gilid ng noo nya.

"Kelan ang alis nyo?" Tanong ko.

"Bukas."

"Bukas?!" Gulat kong tanong.

- To Be Continued -

(Sat, May 23, 2021)