webnovel

CHAPTER 1

"Eto na ba lahat iyon?" tanong ni Joaquin at tumango lang ako. Hindi ako nagdala masyado ng gamit dahil two days and one night lang naman kami sa Bataan.

Mamaya pa sisinag ang araw kaya madilim pa. Napuyat ako dahil sa excitement, last week na kasi ng vacation namin and after that college na kami.

Pagpasok ko ng van nakita ko si Ady at nagulat ako na kasama pala girlfriend nya. "Hi Ashley" bati ni Angel, tipid lang akong ngumiti sakanya at umupo nalang sa likod katabi si Ate Cassy na kapatid ni Ady.

"What's poppin! What's gucci!" sabi ni Ravi. Ganyan talaga way ng pagbati nya.

"I'm sorry I didn't know na kasama pala si Angel" nako konsensya na sabi ni Ate Cassy. Alam nya kaseng may gusto ako sa kapatid nya.

"It's okay ate" tipid kong sagot.

Napag desisyon ko nalang matulog kaysa makita ko silang dalawa na super sweet, masasaktan lang ako lalo.

Nasa SCTEX kami at kumakain dito ng breakfast. Pagkatapos namin kumain at nagpaalam ako mag Cr. Pag labas ko ng cubicle nakita ko si Angel na nag re retouch.

"You're here pala sabay na tayo, tapos na din ako" sabi nya at agad nyang niligpit ang mga makeup nya na nagkalat sa sink. Habang tinitingnan ko sya, di ko maikaila na hamak talaga sya ng ganda at mabait pa. Bagay sakanya ang name nya, Angel.

--

"Wow ang ganda" sabi ni Ravi. Ang ganda nga parang kaming nasa paradise, sulit naman ung ambag ko kahit mahal.

"Guys let's take a picture sa beach" yaya ni Ate Cassy. Nagpa picture kami sa isang staff ng resort at pagkatapos nun ay kanya kanya na kaming picture para may maipang post sa Instagram.

Pagkatapos ay pumunta na kami sa villa para ayusin ang gamit. Two bedrooms kaya hiwalay ang boys sa girls, buti naman akala ko hanggang pagtulog magkasama pa si Ady at Angel eh.

Pagkatapos namin ligpitin ung mga gamit, umalis din agad sila para mag swimming halatang excited. Naiwan kami dito ni Ate Cassy dahil di pa sya tapos magligpit ng gamit nya.

"Hey ano yang suot mo?" mataray nyang tanong.

"Uhm rashguard ate" nahihiya kong sabi.

"Nah uh go change or else" nagbabanta nyang sabi sabay abot sakin ng swimsuit, wala nakong nagawa kaya nagpalit nalang ako. One piece swimsuit at sya naman zibra print na one piece swimsuit din.

Pag dating namin sa beach as usual sandamakmak na namang picture taking ang naganap. Ang sexy ni Angel sa two piece fusha swimsuit. Pagkatapos ay nag aya sila sa swimming pool nalang. Hindi ako marunong mag swimming kaya hanggang mababa lang ako.

Nakita ko si Ady and Angel na nagtatawanan at nag aasar. Ang ganda ng ngiti ni Ady and mukhang masaya talaga sya, kaso hindi ako rason nun. Hindi rin pala marunong si Angel lumangoy kaya tinuturuan sya ni Ady.

"You're jealous" napalingon ako kung sino nagsalita at si Jordi pala yun.

"Huh? Ako? Hindi noh!" Indenial kong sagot. Mahina nyang pinitik ang noo ko.

"It's not a question" sabi nya sabay langoy. Tama sya, nagseselos nga ako pero alam kong wala akong karapatan na maramdaman yun dahil hindi naman kami. Sapat nang makita ko syang masaya sa iba kahit hindi ako ang dahilan.

Talento nga bang masaktan kahit walang karapatan?

Pagdating ng gabi pumunta kami sa isang club ng resort. Napag desisyonan nila uminom pero ako ayoko.

"Wag kayong magpa lasing ah. Wala akong balak ihatid kayog lahat pabalik ng Villa" paalala ko.

Inakbayan naman ako ni Joaquin. "Come on Ashley! Let's enjoy our vacation" sabi nya at ako naman tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwentuhan nila at palihim na naka tingin kay Ady na masayang nakikipag kwentuhan kay Angel.

Ano ba meron kay Angel na wala sakin? Alam kong masama mainggit pero minsan  hindi ko maiwasan na isipin na sana ako nalang si Angel. Ang swerte nya kase ung pinapangrap ko, baliw na baliw sakanya.

"Happy 3rd Anniversary babe!" sigaw ni Angel sabay yakap at halik kay Ady.

Anniversary nila? Kaya ba sinama nya si Angel sa outing namin dahil dito nila balak mag celebrate? Eto na naman ako, nasasaktan. Paulit ulit nalang.

Umalis ako sa table at pumunta sa bar counter. Umorder lang ako juice at ininom ito.

"Hey Miss" sabi ng lalake na tumabi sakin. Hindi ko sya pinansin dahil hindi ko naman ito kilala.

"Do you want me to get you some drink?" tanong nya. Umiling lang ako pero parang wala syang nakita at inabutan nya ako ng alak.

"No, thanks" tanggi ko.

"Come on! Just one shot" pagpipilit nya.

"Ayoko po talaga"

"You're–" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng bigla syang akbayan ni Ady.

"Are you deaf or what? She said no" matapang nyang sagot. Ung puso ko eto na naman, akala mo magkaka heart attack so sobrang bilis ng tibok ng puso.

Madalas hindi ko maintindihan si Ady. We're close friends pero lagi syang umiiwas tuwing kukulitin ko sya. Minsan naman mabait at protective pero madalas masungit.

Umalis na yung lalake at pinabalik naman nya ako sa table namin kanina. Nag cr si Angel, sila Ate Cassy at Jordi  Joaquin and Jordi naman sumasayaw.

Naiwan kami ni Ady dito at hindi ako mapakali. Ilang taon na pero tuwing magkalapit kami, hindi ako maka kilos ng maayos. Humugot ako ng lakas ng loob na kausapin sya.

"Kaya ba sinama mo si Angel dahil Anniversary nyo?" tanong ko.

"Yeah and what is it to you" masungit nyang sabi.

"Sorry" nakayuko kong sabi. "I'm just asking" pagkasabi ko nun dumating na si Angel at ako naman bumalik na ng Villa. Ayokong makita nya ulit akong umiiyak dahil sakanya.

Mayamaya lang dumating na silang lahat bukod kay Angel at Ady ay nakatulog na silang lahat. Nasa balcony si Ady at Angel at mukhang nag uusap. I know masama mag eavesdrop pero gusto ko marinig ang pinag uusapan nila.

"You're not jealous?" tanong ni Ady.

"About earlier?" sabi ni Angel at tumango si Ady. "No. I know you're just being protective and besides she's you're friend" sabi ni Angel. Ako ba tinutukoy nya.

"Yeah she's only my friend" sabi nya at nag kiss sila ni Angel. Tumalikod na ako dahil ayokong maka kita ng ganung eksena dahil alam kong madudurog lang ang puso ko.

She's only my friend

She's only my friend

Matutuwa ba ako dahil magkaibigan tayo? O malulungkot ako dahil hanggang dun lang tayo?

Napag desisyonan kong pumunta sa beach. Hindi gaano kadilim dahil maliwanag ang sikat ng buwan. Nahiga ako sa mga buhangin at pilit inaalis sa aking isipan ang mga narinig ko.

Hindi ko mapigilan maiyak. Nakakasawa na masaktan ng paulit ulit. Ang hirap sa pakiramdam na hindi mo masabi sakanya na nasasaktan ka dahil alam mong wala naman syang pakielam.

"Hey" nagulat ako ng may nagsalita pagka kita ko si Ady pala toh. Agad akong umupo at pinunasan ang mga luha kong tumutulo.

"Sorry about earlier. I snap you" sabi nya at umupo sya sa tabi ko.

Isang sorry mo lang, tanga na naman ako

"Okay lang" sabi ko at pinilit ngumiti.

Eto na naman ako, masasaktan tapos mag so sorry sya tapos mahal ko na ulit. Paulit ulit.

"Ady mahal mo ba sya?"

Wag ka ng magtanong, masasaktan ka lang.

"Yeah"

"Hindi ba talaga pwede?" naluluha kong tanong.

"No. Never"