CHAPTER 14
Pana-panahon ng pagkakataon.
Maibabalik ba ang kahapon?
Kanlungan, Noel Cabangon
***
KAILAN ba ang huli niyang punta dito?
Hindi na niya maalala.
Tatlo? Dalawang taon na ang nakakalipas?
Hindi naman sa kinalimutan na niya ito, kahit isang segundo ay hindi niya ito makakalimutan. She just chose not to go, para hindi na madagdagan ang bigat at sakit.
"Nakakainis, Zeus! Sobrang nakaka-frustrate! Bakit kasi...Bakit? Sa dinami dami ng kanta sa mundo." Hindi na niya matuloy tuloy ang sasabihin dito. Too much emotion is already eating her.
"Oh God! Ang tagal tagal na. P-Pero bakit ang sakit pa din?" Binulong niya ito sa hangin habang hawak ang dibdib. She's suffering from emotional pain. At dahil sa sobrang bigat nito ay ramdam na ramdam ito ng buo niyang pagkatao.
"Kahit kailan, hindi ako humingi ng sobra. H-Hindi ako humingi ng mga bagay na alam kong hindi ko d-deserve." Pinunasan niya ang luhang kanina pa walang tigil ang pag tulo.
"P-Pero bakit y-yung kaisa-isahang bagay na hiniling ko, bakit...bakit hindi mapa sa'kin?"
Para siyang batang inagawan ng laruan at nagsusumbong sa magulang na hindi naman siya pinapakinggan. Nagpapasalamat nalang talaga siya dahil maaga siyang pumunta dito. Kakaunti lang ang tao. Kung hindi ay baka nagpatawag na ito sa mental hospital dahil sa pagwawala niya.
"Zeus, ang hirap. Ang sakit. Pero ako naman ang humingi nito. Ako ang naglagay sa sarili ko sa ganitong sitwasyon. Kaya dapat hindi ako nagrereklamo, dapat hindi ako nasasaktan. Pero masisisi mo ba ako, anak? Tao lang ako. Napapagod. Nasasaktan."
Sandali siyang nanahimik at ninamnam ang mga hikbi.
"Para naman akong tanga na pupunta dito at magsusumbong sa'yo. Pero mas muka akong sira dahil umaasa akong...umaasa akong sasagutin mo ako. Papagaanin mo ang loob ko. Kasi wala na akong ibang matakbuhan, wala na akong ibang malapitan. Siya nalang ang meron ako...at ikaw. Pero bakit...bakit pareho niyo naman akong iniwan?"
Ang kaninang luhang pilit na inaampat, ngayon ay wala nanamang tigil sa pagbagsak. Para itong ulan na dala ng bagyo. Bagyong nang galing mismo sa puso niya.
Bawat hikbi ay pag-usal ng pakiusap na sana may isang taong humango sa kanya mula sa pagkakalunod.
"Matagal ka ng namamahinga. Dapat hindi na kita kinukulit. Pero wala naman na kasi akong mapuntahan. Wala akong ibang tao na malalapitan para masabihan ko nitong bigat sa dibdib ko." May kumawala ulit na hikbi. "Alam kong susumbatan mo ako. Sasabihin mo, kapag may problema ka lang naman pumupunta dito. Pero ikaw ang kanlungan ko. Ikaw ang safety net ko. Kahit na...kahit na isa ka sa dahilan ng bigat dito sa dibdib ko." The tears keep on falling.
They say that for you to be able to move on, you'll have certain steps.
Denial, anger, bargaining, depression...and last is acceptance. And each step was different for every individual. Some cope with the pain fast and easily. But more often than not, many were stuck to the same step.
Like her, maybe she's between anger and bargaining.
Pero 'yong galit na nararamdaman niya ay hindi para sa ibang tao. She is angry at herself. For being not enough, for being weak, and for being selfless. Sa sobrang selfless niya ay siya ngayon ang umaani ng lahat ng sakit.
"Naiyak ko naman na ata lahat ang para sa araw na'to. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko." Niyuko niya ito at tinanggalan ng mga tuyong dahon bago inayos ulit ang dalang bulaklak na naka-paso. "Siguro tama na 'yong naiyak ko ngayon para sa araw na 'to. Salamat sa pakikinig sa hinaing ko sa mundo. Paalam." Nagpaalam siya dito bago tuluyang umalis.
***
ISANG pangkaraniwang araw sa kanilang office, she's busy writing her story when Pipay poke her head on her cubicle.
"Pst! Infinity! Bakit bigla kang nawala nung awards night?" Tanong nito.
Akala niya ay nakaligtas na siya sa mata ng kaibigan. Nakalimutan niyang mahadera nga pala ng taon ang mga ito.
"Bigla kasing sumama pakiramdam ko. Nauna na akong umuwi sa inyo." Sagot niya dito habang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.
"Charot!" Biglang lumitaw sa kabilang gilid ng cubicle niya si Robin. "Huwag mo kaming lokohin, huli ka naming nakita kasayaw mo si sir Paolo. Tapos nakita namin nagwalk out ka! Taray mo mama! Si sir Paolo pa talaga ang pinag walk out-an mo!" Tatawa tawang sabi ni Robin.
Alam ng mga ito na nag walk out siya, gusto lang ng mga itong hulihin siya sa dahilan nito. She mentally shake her head. Bakit nga ba niya naging kaibigan ang mga ito?
"Hindi ako nag walk out." Pagsisinungaling pa din niya sa mga ito.
"Hinahabol ka ni sir Paolo, kaso ang bilis mong maglakad." Pagmamaldita ni Pipay.
"Baka naman namalik mata lang kayo. Hindi niya ako hinabol." Patuloy pa din siya sa pagtipa ng letra, kahit na nakailang bura na siya ng mga salita dahil hindi niya ito matama tama.
"Tinatawag ka niya."
Bigla siyang nahinto sa pag-type.
"Ngayon mo sabihin na hindi ka nagwalk out."
Nag-angat siya ng tingin, magkatabi na ang dalawa at parehong nakadungaw sa kanya. Pipay and Robin has this you can't fool us look.
"Pero napansin niyo ba yung partner ni Sir Paolo? Ang ganda! Socialite daw yon eh! Mula sa angkan ng mayayaman." Pag-iiba naman ni Robin sa topic.
"Tangeks! Hindi lang mayaman! Mula pa sa angkan ng mga pulitiko! Pinsan kaya niya si Vice-Mayor Clyde Angeles! Yung gwapo, batang at yummy na vice mayor! Nasa angkan talaga nila ang genes!"
Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng biglang dumating si Louise.
"Guys! I have an announcement!" Saved by the bell.
With her bright smile and cheerful aura. Mukang maganda ang ibabalita nito. All their attention automatically moves to her.
"This year, as you all know, we're a sister company with Papers and Cones Publishing Company. And as a start, the board together with Tatay June decided that we should have a …" Pasuspense pa ito sa pag-announce. "A team building!"
She can clearly see that Louise is happy. Syempre lahat ng kasamahan niya ay masaya din, they are all clapping their hands for too much excitement. Siya? She doesn't know, she's still numb.
"Please be ready, it will happen this Thursday to Sunday! Aalis tayo ng Wednesday night."
"Saan tayo pupunta, Louise?" Excited na tanong ni Pipay dito.
"We're going to Pangasinan!" Mas lalong natuwa ang mga ito.
"Yes! Hundred islands!" Tuwang tuwang sabi ni Robin.
"Prepare your swimsuits and bikinis, guys! We're having a blast!" Pagkatapos ay bumalik na ito sa opisina niya.
Hindi naman agad bumalik sa trabaho ang mga writers at editors. Busy na busy silang mag-kwentuhan sa nalalapit ng team building.
"Ay saktong sakto! Kakabili ko lang ng swimsuit! Magagamit ko na siya agad!" Excited na sabi ni Pipay.
"Batla! Maawa't mahabag! Baka mag-ahunan sa buhangin ang mga isda kapag nag-swimsuit ka!" Pang-aalaska naman ni Robin dito.
Nagpatuloy lang sa pag-aasaran ang dalawa. Pero maya maya lang ay napansin niya ang pagtahimik ng paligid. Hindi na sana niya ito papansinin ng maramdaman niyang may dalawang pares ng mga matang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya sa mga ito. Sana naman ay nakalimutan na ng mga ito ang pang gigisa sa kanya.
"Bakit parang hindi ka excited?" Sinimangutan pa siya ni Pipay.
"Bakit? Kailangan ba?"
"Napaka KJ mo talaga Infinity Ramos! Huwag mong sabihing may balak kang hindi sumama?"
Bigla naman siyang natahimik. Nahulaan ng mga ito ang plano niya.
Mas gusto pa niyang magsulat kaysa sumama sa team building.
"Tignan mo 'tong maldita na 'to! Talagang balak mong hindi sumama?" Napalakas ang sabi ni Robin kaya napatingin sa gawi nila ang mga katrabaho.
"Ang ingay niyong dalawa! Tignan niyong ang daming naghahabol ng deadline ngayon. Sa Wednesday pa naman 'yong team building." Sita niya sa mga ito.
"Bakit? Kami din naman naghahabol sa deadline. Pero hindi naman kami KJ na kagaya mo! Ay nako Infinity! Hindi ko na talaga alam ang gagawin namin sa'yo." Naiiling na sabi nito bago tuluyang bumalik sa sarili nitong cubicle. Mukang naalala nitong may hinahabol siyang deadline.
"Hayaan mo na 'yang si Infinity. KJ ang apelido niyan eh." Pahabol pa ni Pipay bago bumalik na din sa sarili nitong cubicle.
Finally! Her much-awaited silence!
She's busy typing words to her story ng bigla siyang matigilan at napaisip.
Sasama nga ba siya sa team building o hindi?
Her gut tells her she should just stay at her apartment and finish her manuscript due for paperback. Her first novel was to be printed. But her heart tells her to go.
Hindi niya alam kung anong susundin. But the last time she followed her heart something unexpected happen. Maybe right now she should follow her guts. After all, it is 90% accurate.
Well, she still has a few days to decide.
For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!
Please wash your hands regularly, humans!
Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)
Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)
Follow me on my social media platforms!
Facebook Page: RNL Stories
https://www.facebook.com/RNLStories
Twitter: @RomanceNovelist
Instagram: @romancenovelist_wp
e-mail: romancenovelistlady@gmail.com