CHAPTER 2
***
"CONGRATULATIONS! To the newly wed…for the second time." Nagtawanan ang lahat ng tao na nandoon. "Let's cheers to Mr. and Mrs. Trinidad!" Sabay sabay itinaas ng lahat ang kanilang wine glass, as if giving blessing to the newly wed.
Today's the second wedding of her co-writer and friend, Lyra. Well this is a surprise wedding for Lyra na inorganize ng asawa nito at syempre sa tulong nila.
Parang renewal lang ng vow ang naganap. Selebrasyon na din sa pagkapanalo ni Lyra sa cancer.
Nagulat naman lahat ng biglang tumili si Lyra. Sa stage ay kitang-kita si Sir Jhezz na masayang buhat buhat ang asawa. Pagkatapos ay tumakbo ito sa may mic at may masayang binalita sa lahat.
"Yes! Yes! Thank you, Lord! We're pregnant!" Kakikitaan ng sobrang galak ang mukha nito. Mas lalong nagkagulo ng batiin ng lahat ang dalawa.
Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng dalawa.
She's also happy for them, after all these years and all the struggles they've been through. This is excellent news!
Ganoon din kaya ang magiging reaction niya?
Pero hindi niya maiwasang may malasahang pait sa kanyang bibig. Alam niya kung ano ito. Gustuhin man niyang sawayin ang sarili ay hindi niya ginawa. Hinayaan niyang magpakalunod sa kalungkutan.
Akala niya ay naging manhid na siya sa ganitong bagay. Hindi pa pala.
Sa gitna ng masasayang tao ay binagtas niya ang daan papunta sa bar counter. She ordered 2 shots of tequila. She should celebrate for her friend! 'Yon ang pilit niyang sinasabi sa sarili habang nagpapakalunod sa alak.
Pero ang totoo ay iba ang nilulunod niya. Nilulunod niya ang kanyang mga alaala.
She's on her 6th shot ng may magsalita sa kanyang tabi.
"You're drowning yourself in alcohol not because you are celebrating. You are mourning. Care to tell me why?"
Handa na siyang singhalan kung sinumang poncio pilatong nakikisawsaw sa kanya.
"Eh ano ba—" Nawala ang alak sa kanyang sistema ng makita kung sino ang nagsalita.
"Why? Mesmerize by my charm?" Pagkatapos ay nginitian siya nito. Showing his million-dollar smile.
Hindi pa rin siya makapagsalita.
"H-Hey miss! May dumi ba ako sa muka?" Nagtataka ng tanong nito dahil hindi pa din siya kumikibo.
Doon siya nagising. But her eyes are now blurred because of her own tears. Agad niyang binaba ang tingin para pasimpleng hawiin ang mga luha. Pagkatapos ay hinarap niya ito ulit.
"W-Wala naman." Pagkatapos ay sa shot glass na niya binaling ang tingin. At hindi na siya kumibo, pero kita niya sa kanyang peripheral vision na nakaharap pa din ito sa kanya.
Ilang minuto na nadaan pero hindi pa din ito umaalis sa kanyang tabi.
Nang umalis ang tao sa kanyang katabi na upuan ay doon ito umupo. Narinig din niya ang pag-order nito sa bartender, pagkatapos ay humarap ito sa kanya.
She is still looking at her 7th shot of tequila while playing it at the bar counter.
Kitang-kita sa peripheral niyang nakatitig ito sa kanya. Sobrang na co-conscious siya sa tingin binibigay nito.
"You're not here to celebrate." He said with so much finality. He is also accusing her based on his tone.
"Bakit mo naman nasabi?" She unconsciously asks. Napatingin pa tuloy siya dito. She can't help but mesmerize by his eyes. Those beautiful eyes always drowned her in another dimension.
"You're drinking too much." He answered confidently. "Now tell me, isa ka ba sa mga dating naka-date ni Jhezz?"
Kahit wala siyang iniinom ay hindi niya mapigilang masamid sa sinabi nito. Pagkatapos ay hindi niya napigilan ang sariling matawa.
"Naka-date ni sir Jhezz? Paano mo naman nasabi?" She wanted to test him.
Nakibit balikat muna ito bago sumagot. "You're drowning yourself in alcohol not because you are celebrating. But because you're sad. You are in pain."
Sandali itong tumigil sa pagsasalita ng nilapag ng bartender ang order nito.
Hindi naman niya mapigilang ang mga luhang nagbabadya. He knew.
"I don't want you to feel scared or feel weird about me lalo na at ngayon lang tayo nagkita pero… the moment I saw you sad and drinking alone. There is something inside me that is also sad for you." Bumuntong hininga pa ito. Tila ba nahihirapan itong i-explain sa kanya ang nararamdaman niya.
"I felt something inside me that I can't explain the moment I saw you."
She wanted to cry the pain she is feeling inside. Ang tagal ng panahon, sa totoo lang ay gusto na niyang palayain ang sarili mula sa kanyang kahapon.
Ang hirap. Sobrang hirap.
Pero kahit kailan ay hindi niya akalain na darating sa ganitong punto. Dapat kahit papaano ay maging masaya na lang din siya.
"Forget it!" Sabi nito na tila ba naiinis sa sarili.
His ears are red.
Bigla naman siyang natawa sa inakto nito. He's like a little boy.
Napatingin ang ilang nahandoon sa kanila. Pati na din ang katabi ay tila naguguluhan na din sa kanya.
She's almost crying in one second, the following second she is laughing her hearts out. Akala ata nito ay nababaliw na siya.
"Miss, are you okay? Lasing ka na ba?" Tanong nito ulit.
It took her a couple of exhales before fixing herself. Pagkatapos ay hinarap niya ito.
"S-Sorry, I don't want to get you offended pero…pero may naaalala kasi ako sa'yo. He is so dear to me. There's no second in my life that I didn't miss him. And I just couldn't believe that this moment would come."
Kumunot naman ang noo nito.
"Where is he?" Tanong nito.
Nilunok niya ang panibagong luhang nagbabadyang tumulo.
"He…He is dead." Sagot niya dito.
Bigla namang nagbago ang timpla ng mukha nito.
"I-I'm sorry."
"It was almost 5 years ago. I could still feel the pain… But I can manage."
Hindi naman ito nakakibo agad kaya nag-angat siya ng tingin dito. Nakakunot ang noo nito. Tila ba ang lalim ng iniisip.
"What's wrong?" Nakuha niya ang atensyon nito. He look at her with those weary eyes.
"I don't know but when I heard your story mas lalong bumigat ang dibdib ko." Mariin siya nitong tinignan. "Tell me, have we met before?"
Bigla niyang nilayo ang tingin sa mga mata nito.
"H-Hindi. Ngayon…ngayon nga lang kita na-meet."
Hindi naman ito kumbibo. Nang ibalik niya ang tingin dito ay nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Tila ba hindi pa nito binili ang sinabi niya.
Mariin pa din ang tingin na binibigay nito sa kanya.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya dito ng hindi pa din nito inaalis ang tingin sa kanya.
"N-Nothing." Pagkatapos ay binalik na nito ulit ang tingin sa inorder na inumin.
Hindi na din siya nagsalita. Minutes have passed pero tila nilamon na ito ng iniisip.
She's about to stand and go ng bigla itong magsalita.
"W-What's your name?" Nang lingunin niya ito ay may hiya sa mukha nito. He is just asking her name pero hiyang hiya ito.
She extended her hand before answering him.
"My name's Infinity Ramos. Co-writer ako ni Lrya sa The Journal."
Inabot nito ang kamay niya. She can clearly feel the electricity the moment their hands met. She bet hindi lang siya ang nakaramdam 'non.
"Paolo Santos, friend ako ng groom. It's so nice to meet you, Infinity. And also such a unique name."
Nginitian niya lang ito. She wanted to stay long, pero kilala niya ang sarili. She doesn't want to do things she will definitely regret after.
"It was also nice knowing you, Paolo."
***
SHE can't help her grin that night and the following days.
Sobrang na-cre-creepy-han na nga ang mga katrabaho niya sa The Journal dahil sa pag ngiti ngiti niya. Minsan kahit mag-isa.
Tinawag pa nga siyang baliw ni Pipay pero hindi nalang niya pinansin.
She's happy.
Sobrang saya na feeling niya, wala ng sinomang makakapag-badtrip sa kanya.
Sa katunayan ay hindi din siya makapag sulat ulit dahil sobrang saya ng nararamdaman niya.
Mabigat ang susunod na mangyayari sa kanyang storya. Natatakot siyang hindi niya maibigay ng tama ang gusto niyang magyari dito kung masaya siya.
Pero after 3 days, medyo umayos na ang pakiramdam niya. She's back to her usual self.
She saw something while arranging her drawer. It's an exceptional ring. Sobrang mahalaga ito sa kanya.
Doon niya napagtanto. Reality slaps her so hard that it reminds her of the things she can't change.
For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!
Please wash your hands regularly, humans!
Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)
Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)
Follow me on my social media platforms!
Facebook Page: RNL Stories
https://www.facebook.com/RNLStories
Twitter: @RomanceNovelist
Instagram: @romancenovelist_wp
e-mail: romancenovelistlady@gmail.com