webnovel

Here's Your Perfect COMPLETED

Christian Ocampo decides to go to an island in Palawan to move on and completely forget his painful memories from his Ex-lover. Ngunit paano kung may matagpuan itong isang Jazmine Flores, babaeng ubod ng kulit at pagpapapansin. Magagawa nga ba nitong makalimot sa kanyang mapait na nakaraan? Makakatulong nga ba si Jazmine sa kanyang planong paghilom? But what if for Chris, Jazmine is not really a stranger he met on the island? Paano kung si Jazmine at ang babae na gusto na nitong kalimutan ay iisa lamang?

Jennex · Realistic
Not enough ratings
17 Chs

Chapter 12

Jazmine

"Anong nakakatawa?" Seryoso na tanong ko rito habang patuloy parin siya sa pagtawa. "Seryoso ako."

Napahinto ito sa pagtawa at napayuko. Hindi ko man alam ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ito, ngunit umaasa ako na papayag siya sa pag alok ko na maging sandalan niya. Hindi ko na rin iniisip pa akung ano ang magiging kahinatnan ng mga nasabi at naging desisyon ko, basta ang alam ko ay kailangang panindigan ko iyon.

Tumayo na ito at nagpagpag ng kanyang pantalon. Nakangiti na tumingin ito sa akin bago nag-inat.

"Dinner tayo?" Pagyaya nito sa akin. Parang biglang nawala ang tama ng alak sa kanya at ngayon nga ay gusto na nitong kumain.

Napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha. Hindi man lamang ba niya talaga papansinin ang mga sinabi ko? Napabuntong hininga ako atsaka tumayo narin para makakain na.

Nauuna itong maglakad sa akin habang ako naman ay tahimik lamang din na nakasunod sa likuran niya. Napahawak ako sa aking tiyan nang makaramdam ng gutom. Mabuti na lang pala eh kahit papaano mayroong restaurant dito.

Naupo kami sa isang vacant table na may apat na upuan na nakapalibot rito. Pasulyap sulyap ako kay Chris habang naghahanap ito ng waiter na pwedeng kumuha ng aming order.

"Chris--"

"I don't think that's a good idea." Putol nito sa akin na parang nababasa ang nais kong sabihin kahit na hindi ito nakatingin sa aking mukha.

"Ano nalang ang mararamdaman ng fiance mo kapag narinig niya ang mga 'yan galing sa'yo?" Muli ay diretsong tinignan na ako nito sa aking mukha.

Napalunok ako. Gumuhit ang mga ngiti sa labi nito, iyong ngiti na matamis ngunit alam mong hindi totoo.

"I'll be fine Jaz. And besides, ayaw ko nang may isa pang tao ang makakaranas ng nararamdaman ko ngayon.." He paused. "He deserves you Jaz. And you deserve him. Hindi mo naman kailangang ayusin ang isang bagay na alam mong hindi buo at sira. Dahil pwedeng iyon pa ang maging dahilan ng pagkawasak mo."

Ramdam ko ang mga mabibigat na salitang binitiwan nito. Lahat iyon tumatagos sa puso ko. At alam kong meron siyang punto, pero paano? Masyado na akong ginugulo ng isipan ko. Masyado na akong naguguluhan kung bakit nasasaktan akong marinig ang mga iyon galing sa kanya.

Bakit nasasaktan ako na nasasaktan siya?

Magsasalita na sana ako nang muli itong magsalita.

"Special ka na sa akin. To be honest, sa maiksing panahon na nakilala at nakasama kita, napaka laking tulong na iyon sa akin para maka move forward." Pag-amin nito na siyang lalong tumutunaw ng puso ko.

Ngunit mas pinili ko ang mapatawa upang maging magaan ang atmosphere. Mas lalo naman sumeryoso ang kanyang itsura at tinignan ako ng masama.

"Eh kasi bigla kang naging sweet? Lasing ka ba?" Pagkatapos ay napatawa na naman akong muli.

"Tss! Ayoko lang maging katulad ka ni Elise. Magkaiba kayo ni Elise, Jazmine." Gustong kumawala ng mga luha sa aking mga mata kahit pa pinipilit ko ngayon ang matawa ngunit pinipigilan ko ang mga iyon.

Hindi niya naman kailangan ng awa, hindi ba? Kailangan niya ng taong makakaintindi at magiging karamay niya.

"E-Elise?" Wala sa sariling tanong ko rito. Napatango ito.

"Elise ang pangalan ng babaeng.."Napahinto ito at napangiti ng mapakla. "Dapat ay pakakasalan ko." Pagpapatuloy nito bago nagbaling ng tingin sa malayo.

"Sorry..." Kaagad na paghingi nito ng paumanhin bago natawa ng may pagka alanganin. "I-enjoy nalang natin ang bawat moment." Natatawang dagdag pa nito ngunit alam ko namang pilit lamang ang mga iyon.

"Wag ka ngang tatawa tawa riyan. Wala namang nakakatawa. Psh!" Pagtataray tarayan ko rito habang pinipigilan ang nagbabadyang pag ngiti.

Napatawa na lamang din ito ng tuluyan dahil sa sinabi ko, mamaya maya lang din ay may dumating ng waiter upang kunin ang aming order.

Elise... Kung sino ka man, hindi mo deserve ang katulad ni Chris. Dahil hindi rin niya deserve ang masaktan at magdusa ng ganito nang dahil sa'yo. He deserves better. Isang taong may paninindigan at hinding-hindi siya basta tatalikuran.

---

Matutulog na sana kami nang siya namang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Okay lang sana kung waterproof ang tent na meron kami ni Chris, pero hindi. Kaya wala kaming choice kung hindi ang kumuha ng kwarto mula sa maliit na accomodation na nandito.

At kung minamalas ka nga naman, isang kuwarto nalang ang available. Paano kami magsasama ng lalaking ito sa isang kwarto?

Ngunit dahil sa ayaw ko nang makulit at sobrang nakakaginaw na rin dito sa labas kaya naman, napilitan na lamang ako na sumunod sa gusto niya. Pagdating sa loob ng kwarto ay mabilis na nagtungo ako sa banyo upang maunang maligo.

Parehas kasi kaming nabasa dahil kinailangan pa naming ayusin ang aming mga gamit sa labas. Hindi naman kasi namin pwedeng pabayaan nalang ang mga ito sa gitna ng ulan.

Noong matapos na ako sa pagligo ay agad na sumunod naman siya. Sa banyo na rin ako nagpalit ng damit. Ayoko kayang magbihis sa harapan niya, ano? Ano siya sinuswerte?

Nakahiga na ako sa kama at naayos ko na rin ang aking higaan nang lumabas ito mula sa banyo. Nakasuot na ito ng itim na t-shirt habang isang short naman na hanggang kalahating hita nito ang kanyang suot na pang ibaba.

Of course, hindi kami tabi sa pagtulog. Malamang sa malamang eh ako ang mahihiga sa kama. Habang siya naman ay sa sofa. Isang kama lamang kasi ang meron sa kwarto. At lalong hindi naman kami couple para magtabi, ano?

"Nakikita mo ba ito?" Sabi ko sa kanya at ipinakita ang aking hawak na nailcutter at inilabas ang maliit na kutsilyo nito. "Huwag kang magkakamaling lumapit sa akin dahil gagawan kita ng gripo sa lalamunan oras na---"

"Anong akala mo sa akin? May pagnanasa sa'yo? Ano rarape-in kita?" Hindi makapaniwala na putol at tanong nito sa akin habang nanlalaki ang mga mata at nakakunot ang noo. "Eh kahit yata maghubad kapa sa harap ko, walang tatayo sa akin eh." Dagdag pa niya dahilan upang mapanganga ako in disbelief.

"Alam mo ikaw!" Sabay duro ko sa kanya. "Ang bastos ng bunganga mo."

"Eh kasi ikaw eh. Tss!" Atsaka padabog na tumalikod na ito sa akin bago sumampa sa sofa para mahiga na. "Makatulog na nga. Huwag kang mag-alala, good boy 'to! Good boy!" Sabay turo pa nito sa kanyang sarili.

"Good boy. Your face!" Singhal ko rito atsaka pabalang tinalikuran siya. Hmp!

Kinabukasan, hindi namin pareho namalayan ni Chris na mataas na pala ang sikat ng araw. Kapwa kami tuloy nagmamadali sa pagligo dahil hindi namin akalain na tanghali na kami magigising.

I mean, wala naman kaming hinahabol na oras. Kaya lang, siguro nasanay na kami pareho na maagang nagigising.

Agad na nagtungo kami sa frontdesk upang ibalik ang susi ng aming naging kwarto. At binayaran na rin ang aming mga na consumed na inumin sa kanilang mini fridge na naroon.

Maya-maya lamang ay may biglang lumapit sa amin na dalawang teenager na babae. At ang sumunod na hindi ko inaasahan na itatanong nila ay kung artista daw ba kaming dalawa?

Hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil sa itinanong ng mga ito. Ngunit agad ko rin naman na sinagot sila.

"Ay. Akala ho kasi namin eh." Nahihiyang sabi ng isa bago napakamot sa kanyang batok.

"But can we take a picture with you?" Tanong naman ng kaibigan nito. Napatingin muna ako sandali sa naka poker face lamang na si Chris bago napatango sa kanilang dalawa.

"Sure. No worries." Naka ngiting sabi ko sa mga ito na agad naman nilang ikinatuwa.

Isang kaibigan nilang lalaki ang lumapit sa amin upang kunan kaming apat ng litrato.

Naramdaman ko naman ang marahan na pag akbay ni Chris sa aking balikat, bago pa man kami tuluyang makunan ng litrato. At pagkatapos noon ay dahan-dahan na napatingin ako sa kanya. Hindi ko namin pareho alam na kami na lamang palang dalawa ang kinukuhaan ngayon ng litrato.

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga himpit na tawa ng dalawang babae at pati na rin 'yung iba tao na nanonood ngayon sa amin.

Hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa aking labi atsaka mabilis na tumingkayad upang bigyan ng isang halik si Chris sa tungki ng kanyang ilong.

Dahilan upang maghiwayan ang mga taong nakakita sa ginawa ko. Dahilan din upang mas lalong mapatulala si Chris sa mukha ko dahil sa gulat. Awtomatiko rin na namula ang kanyang mga pisngi at tenga.

Nakakalokong tingin ang ibinako sa kanya pagkatapos bago pilyang kinindatan siya at iniwanan sa kanyang kinatatayuan nang nakatulala parin hanggang ngayon.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatawa sa aking sarili.

Ngayon lang ba siya nahalikan ng isang babae sa ilong? Natatawang tanong ko sa aking isipan.