(6 Years Ago)
"Oh, apo? Bilisan mong mag-handa diyan. Halika na't mahuhuli ka na!" Sigaw ng lola ko na nasa labas ng kwarto ko.
"Opo." Sabi ko habang dali-daling nagliligpit sa mga gamit ko. Nang matapos ay dali-dali kong binuksan ang pintuan at agad na bumungad sa'kin si lola na may dala dalang sungkod.
"Tapos ka na ba, apo?" Tanong n'ya sa'kin.
Ngumiti ako. "Tapos na po."
Bumuntong hininga s'ya at lumapit sa'kin sabay ayos ng blouse ko na bahagyang nagusot.
"Hay, naku, apo. Wala ka paring pinagbago," iginiya n'ya ang paningin sa'kin mula ulo hanggang paa habang naiiling. "Tingnan mo nga ang mga kabataan ngayon, ang gagara ng mga isinusuot nila pero ikaw, daig mo pa ang mga kabataan noong unang panahon! Jusko! Ang taas pa ng sayal mo."
"Lola... hindi naman sa ganun na lahat ng kabataan ngayon ay kailangan nakikisabay sa uso. Porke kababalik ko lang galing sa Nueva Ecija ay kailangan ko ng magbago, ayokong magbago, Lola."
Bumuntong hininga s'ya. "Oh sya, halika ka na, baka hindi ka na papasukin. Gusto ko pa namang makasama ka dahil namiss kita."
Tumawa ako. "Mamayang gabi, lola. Mag kwe-kwentuhan tayo. Uubusin natin ang buong gabi." Sabi ko sabay kindat sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa pinto ng bahay.
Nang makalabas ako ay agad akong kumaway kay lola. "Paalam na po!" Sigaw ko.
Ngumiti s'ya sabay tango kaya agad akong tumalikod at dali daling naglakad patungo sa University na papasukan ko.
Nang makapasok ako sa University na nag-ngangalang Enziequel University, agad kong hinanap ang kaibigan ko na naghihintay daw dito sa campus.
Naiisip ko palagi na pati University ang gagara ng pangalan, hindi lang suot ng mga kabataan kundi ang ibang mga bagay ngayon lalo na't uso na ngayon ang teknolohiya.
Nailing nalang ako sa naisip ko at agad na natuon ang paningin sa dalawang tao na magkahawak ang kamay na naglalakad patungo sa building ng University.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong si John at Kim iyon.
Agad na bumigat ang dibdib ko na tila pinipiga iyon. Sumasakit na naman iyon at naiinis ako.
Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Dali dali akong naglakad papalapit sa kanila.
"Kim."
Agad na tumingin sa'kin si Kim at napangiti, ngumiti nalang rin ako.
"Oh? Kanina pa kita hinihintay ah? Buti nalang dumating si babe kung hindi, kanina pa siguro ako nilalangaw do'n." Nangingiting sabi n'ya sabay baling kay John na nakaakbay sa kan'ya.
Agad na natuon doon ang paningin ko at lumipat sa mukha ni John na kasalukuyang nakatingin sa'kin.
Ilang segundo kaming nagtitigan ngunit agad kong iniwas ang paningin ko. Ayokong makipagtitigan sa kan'ya, mas lalo akong kinakabahan.
"Let's go?" Anyaya ni Kim na nakapagising sa diwa ko.
Tumango ako at sumabay sa kanila. Nasa pagitan namin si Kim habang nakaakbay parin sa kan'ya si John. Wala parin s'yang imik habang nag-uusap kami ni Kim tungkol sa pagdating ko galing sa Nueva Ecija.
Paminsan-minsan ay nahuhuli ko s'yang nakatitig sa'kin, at dahil mataas s'ya ay madali n'ya 'kong makita at nahuhuli ko naman s'ya.
Napailing nalang ako at napabuntong hininga at yumuko nang makita ang ibang mga estudyanting nakatitig sa'min.
Siguro dahil ganito ako. Hindi siguro katanggap-tanggap sa paningin nila ang isang katulad ko na sumasama sa mga kilala na estudyante dito sa University.
Ano namang problema do'n? Wala naman akong ginagawang masama. Pari-Pariho lang rin naman tayong mga tao ah?
Kahit ganito ako, ayokong magbago dahil lang mahal ko si John at gusto kong magustuhan n'ya ako. Sapat na yung ako lang ang nagmamahal keysa naman sa pipilitin kong mahalin n'ya rin ako, baka masaktan ko si Kim.