Chapter Five
"You should familiarize those given names. Memorize if you must just so you won't be confuse." Seryosong saad ni Rowan. I'm sitting across him. Nakapangalumbaba habang pinagmamasdan siya ng maigi.
Ang mga advice niya naman ay sobrang common, I guess lahat ng estudyante alam ang about sa familiarization at memorizing ng mga given names, dates or what.
But of course, familiarizing and memorizing isn't that easy. Kailangan ng focus, at syempre, utak.
Wala akong utak, kaya siguro hirap na hirap ako.
"That's easy! Utak na lang ang kulang." I joked. Napa-ubo siya at umiwas ng tingin. Nakita ko pa ang multong ngiti sa kaniyang labi. Napailing siya bago humarap ulit sa'kin. Mataman ako nitong tinignan.
"What's your name?" He asked. Napangiwi ako. What's this? Hindi niya alam pangalan ko? Aba? Hindi niya alam pangalan ng future wife niya? Absurd!
"Amaya. Amaya Antonio." I smiled at him. Gusto ko sana makipag-hand shake kaso malamig ang kamay ko dahil sa nerbyos.
I may not look nervous though. But the hell I am! Kanina pa nanginginig ang kamay at labi ko. Nanginginig dahil sa sobrang saya at kaba.
"Rowan. Rowan Breiman." Pagpapakilala niya. Napangiti ako sa loob ko. Duh! Alam ko pangalan mo hubby ko! But I still acted like I don't and even praised his beautiful name.
He extended his arms for me to reach. Napatingin ako sa palad niyang naka-lahad.
I do.
Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Pero kung hindi ko tatanggapin baka ma-bad shot ako. Instead of a hand shake, inapiran ko ang palad niya. Nagulat siya sa ginawa ko, pero ako naman, wapakels.
Nakakahiya kaya! My hand's are cold 'no!
Nagpangalumbaba ako at tumitig kay Rowan na seryosong nag-ha-highlight sa libro. Akin naman iyong libro at hindi sa library kaya pwedeng-pwede niya 'tong sulatan.
May gusto akong itanong kay Rowan, but I guess it can wait. That question can wait, hanggang sa maging close na talaga kami o 'di kaya maging kami.
He shared some useful tips to me, pero puro utak ang required. Ano ba naman 'yan!
Hindi naman nagtagal ang pagtuturo niya, it took 30 minutes? I guess. Umalis din naman kasi siya agad dahil may gagawin ata. Hindi man lang nag paalam sa'kin na future wife niya.
Emery's so proud of me at sa sarili niya, she knew that her tips would really work daw dahil pinag-isipan niyang maigi iyon bago siya mag-sayang ng tinta.
"Ikaw naman? Kailan mo balak gamitin mga tips mo?" I asked her. Himala ata at hindi kami sa cafeteria ngayon tumambay, nasa field kami, may practice si Rowan kaya gustong-gusto kong dito kami mag-usap. Emery's supposed to be with her group mates kaso nababagot daw ang loka.
She suggested to hide in the field, malawak at hindi talaga makikita ang mukha sa kalayuan, mapapatay siya kapag nakita siya ng mga ka-grupo niya na tumatambay lang. Ang rason niya pa naman na-ospital kapatid niya.
Totoo naman na nasa ospital ang kapatid niya. Doctor e.
"I don't know yet. Hindi pa dumadating yung tipo ko e." She said in a soft voice. Napalingon ako sa kaniya, ang layo ng tingin at mukhang malalim at malayo ang iniisip.
Dito na ba papasok yung linyahan na 'So near yet so far' ?
Pareho kaming tumingin sa gawi ni Rowan nang sigawan na naman ito ng coach niya. Ako, nakakahalata na ako ah! Bakit yung ibang runners hindi niya pinapagalitan? Bakit puro si Rowan bebe ko lang? May favouritism bang nagaganap?!
Napaawang ang labi ko nang makitang tumingin sa pwesto namin si Rowan. Omg?
Ngumiti ito at nagkibit-balikat.
Ako ba nginitian niya? Hala?! Ako nga siguro! Imposible naman na si Emery e naka-busangot ang loka!
Tumakbo ulit ito, ang narinig ko ay kailangan niyang tumakbo pa ng dalawang lap.
"He smiled at me!" Kinikilig na bulong ko kay Em. Uminom siya ng tubig bago ngumiti. "Yeah. I saw that. Naol." She teased. Pabiro ko siyang tinulak.
"So? Ano ba kasi ang tipo mo?" I asked. Gusto ko din malaman e, tapos para may topic naman kami. Mukhang nasa ibang mundo si Emery e. Napa-yakap siya sa kaniyang tuhod.
Malayo ang tingin siyang sumagot "The funny one." Napa-isip ako. Minsan ko na silang nakita ni Land na nagtatawanan. Madalas kapag papunta palang ako sa cafeteria at na-una na sila. They both look good for each other.
"Si Land?" Napangiwi siya sa pangalang nabanggit.
"He's funny, but not for me." Makahulugang sagot niya. Kumunot ang noo ko. May meaning ba iyon?
"Don't worry. We're still young pa naman. Your stranded heart will soon sail." Ngumiti ako sa kaniya. Natawa siya sa sinabi ko. She probably thinks that I don't get what I said.
Tama naman. Hindi ko alam kung anong meaning noong sinabi ko. Basta magmukha lang akong philosopher, okay na.
We talked for a moment. Lumipat pa nga kami ng pinagtataguan dahil natanaw niya mga ka-grupo niya. Kalaunan ay nagpaalam na din ako kay Em. Kailangan ako ng mga SSG officers e.
Emery decided to go home. Sobrang nabobored daw siya e.
"Ate Amaya! I saw you and kuya Rowan sa may library. Did you two talked?" Bungad sa'kin ni Rachel. Napalingon ang ibang officers sa gawi namin. Mga chismosa.
"Yep." Namilog ang mga mata nito, napa-takip pa ng bunganga. "Talaga? Kuya never talked to anyone!" Ngumuso ako para maitago ang ngiti. Aha. Progress ulit.
"What do you mean by 'anyone'?" I asked, confused. Kung makapag-salita naman kasi ito. I saw Rowan talked to anyone else. Madalas sa mga kaibigan niya, coaches, at sa mga Professors.
"I mean, to any girls, well, except for me." Paglilinaw niya.
Rachel stopped talking when the President warned her. Hindi ko na tinapos ang mga gawaing binigay sa'kin. Tinatamad na ako 'no! Hindi naman ako forever na masipag! Kaya na nila 'to.
Nagpaalam na ako at umalis na sa office. Puro gawain, wala pang pa-snack. I attended my last two subjects for today. Pagkatapos ay umuwi na.
When I was about to sleep, tumawag si Emery. She invited me for dinner. Libre niya daw. I couldn't refuse kasi mukhang malungkot ang loka.
I already ate dinner, pero kaya ko pa naman kumain ulit.
Nag-pa-hatid ako kay Manong Lon sa restaurant na sinabi ni Emery. It looks expensive! Sa labas palang mukhang mamahalin na!
Mahal nga, tapos kaunti lang naman ang sineserve, like, puro plating lang. Siguro ang binayaran ko upuan lang tapos iyong mga tumutugtog. Emery waved her hand when she saw me entering.
"Wow! Ang yaman mo ah?" I teased her saka umupo na across from her. Inirapan niya ako at sinabing nag order na siya ng pagkain para sa'kin. Sayang. Aabusuhin ko sana.
"Bakit nga pala dito ka mag-di-dinner? Wala si kuya Lazarus? Tapos ang parents mo?" Natahimik siya. I almost slap myself for having cross the line! I mean, we're close, kaso hindi lang talaga siya open sa mga ganitong bagay.
Nagkunwari akong busy sa pagtitingin-tingin sa paligid. Puro gold, chandelier, mga mayayaman ang nakikita ko sa paligid. Sakit sa mata. Dapat diamond. Jk.
"Wala si kuya." Nagulat ako dahil sumagot siya! Bakit niya sinagot? She doesn't have to kung ayaw niya.
"Huh? Bakit?"
"Umalis siya. For work. Kahapon lang." My mouth formed an 'O'.
Feeling ko ayaw niya ng topic namin. I wouldn't go that far, she looked so sad, ayaw niya namang mag open up sa'kin, kaya ayos lang, desisyon niya naman.
I decided to divert the topic. Syempre, my favourite topic is Rowan!
"So? Nag-sama ulit kayo?" I asked her in the middle of twirling the pasta using the fork, of course. Umiling siya.
"Bukas. We'll be together, again." Nahimigan ko ng inis ang boses niya. I smirked at her, nagtaas naman siya ng kilay nang makita ang ngisi ko.
"This pasta is good!" I complimented the food para maiba ang topic namin. She glared at me. Umakto naman akong hindi ko nararamdaman ang titig niya. Panay ang subo ko sa pasta. Unconsciously, bigla akong napa-lingon sa entrance ng restaurant. Muntik na akong mabulunan sa nakita.
Napa-ubo ako at napahawak pa sa dibdib, kinakalma ang sarili. Mabilis akong inabutan ni Em ng tubig. Agad kong iniinom ang tubig.
Binalik ko ang tingin sa lalakeng naka-upo na ngayon. Nakita ko ang pagsulyap nito sa'kin at nanlaki ang mga mata nang ngumisi ito.
Did he saw what happened to me?! Nakakahiya!
Anong ginagawa ni Rowan dito? Sinusundan niya ba ako? Omg? My husband is a stalker! Jk.
"Kaya naman pala nabulunan." Bulong-bulong ni Emery, narinig ko lang naman. Ngumuso ako at humarap sa kaniya.
"Nakakahiya! Nakita niya siguro ako kanina? Mukha pa naman akong timang!" Reklamo ko. Kumain ulit ako, pero wala sa sarili.
"Relax! Pangit ka talaga." She teased. I glared at her and raised my middle finger. Nanlaki ang mga mata niya at tinaas din ang pinky finger.
Ngumisi ako. Weak.
Inasar ako ni Em buong magdamag. Tumigil lang noong dumating na ang bill. Mamahalin pa naman dito, bahala siyang mag bayad.
Habang nagbabayad siya ay tinext ko na si Manong Lon para magpa-sundo.
Palabas na kami nang sumulyap ulit ako sa gawi ni Rowan, may kasama na ito ngayon, I bet it's his parents. Gusto ko pa sanang magtagal sa pagmamasid sa mukha niya kaso may humila ng buhok ko.
"Emery naman!" Naiinis na sita ko sa kaniya, binawi ko ang buhok kong nasa palad niya. Panay ang tawa ng baliw.
"Sus! Sana all talaga may sinisilip." Ngumuso ito. Napataas ang labi ko sa ginawa niya.
"Mukha kang duck." Nandidiring kumento ko. Hinila niya ulit ang buhok ko kaya hinala ko na rin ang kaniya.
"Let go! Emery!" Inis na sita ko. She laughed and pulled my hair harder. Sinipa ko ito pero umiilag amp!
"Pakyu ka!" I gritted my teeth at mas nilakasan din ang paghila sa buhok niya.
Mabuti na lang at madilim sa paligid, dahil kung may makakita man sa amin ay aakalain nilang nag-aaway kami.
Kalaunan ay pareho na kaming bumitaw. Lugi, madali akong magkabukol e, simpleng hila lang ng buhok ko o kahit hindi sinasadya, magkakabukol talaga ako.
Wala pa si Manong Lon kaya sumandal muna ako sa kotse niya, tumabi siya sa 'kin at sumandal din.
"My tips are really effective 'no? Imagine that, nasa pangalawang tip ka palang, sobrang laki na ng progress!" She said proudly. I thanked her for that. Nag-uusap pa kami nang biglang dumating si Manong Lon. Sumakay na ako sa kotse, I bid my goodbye and waved my hand bago umaandar paalis ang kotse.
Tinatanaw ko pa si Emery nang biglang may mahagilap ang mata ko. Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang isang postura ng lalake na naka-tayo sa may entrance ng restaurant.
Hindi ko makita ng maayos ang mukha dahil papalayo na ang sinasakyan ko.