webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Teen
Not enough ratings
67 Chs

Chapter 7: Does It Matter?

AJ

"Ano ulit 'yun? Bakit parang feeling ko may dumaang whistle bomb sa tapat ng tenga ko.

Si Duke ang unang nakabawi. Deymit! Muntik na talaga akong iwanan ng kaluluwa ko dahil sa narinig kong tanong ni Iker.

"How do I make her my girlfriend?" seryoso pa sa sumisikat na araw na tanong ulit ni Iker.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Sa totoo lang bigla akong nag-mental block sa tanong ni Iker. May pakiramdam ako na hindi problema ang pagiging single n'ya, parang mas magiging problema pa ang kagustuhan n'yang magkajowa. At isa pa, hindi ko talaga maintindihan kung paano pa tumatakbo ang utak ng kaibigan naming 'to. Ano bang tinira n'ya at biglang-bigla ay gustong maging girlfriend ang babaeng 'yun?

At akala n'ya ba ganoon lang kadali magka-girlfriend?

Good heavens! kung ganoon lang kadali magka-girlfriend hindi ako mananatiling single ngayon. Pero teka nga. Lumingon ako kay Jaire. Hindi ko mapigilang tingnan s'ya mula ulo hanggang paa. At mula paa pabalik sa ulo. 'Di hamak naman na mas gwapo ako sa kumag na ito pero bakit nakakailang palit na 'to ng jowa?

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jaire sa akin.

"Brad, ito. Ito ang tanungin mo kung paano magka-girlfriend," turo ko kay Jaire. Kaagad na lumipat sa kanya ang buong atensyon ni Iker. Hah, akala n'ya ha.

"How?"

Parang si Jaire naman ang na-blangko bigla.

Kitang-kita ko ang pagbaba-taas ng adams apple nya. Ilang beses pang napalunok si Jaire. I know the feeling, dude. Iyong tipong mas nakakatakot pa ang tanong n'ya kesa sa mala-statue n'yang mukha. Nakakatakot s'yang magtanong dahil oras na magkamali kami sa sagot na ibibigay, baka life or death penalty ang ibigay n'ya. We're only 16 years old pero mas malala pa sa matatandang tao sa Pilipinas ang mga problemang pinagdadaanan namin dahil sa kaibigan naming 'to.

Mabuti pa 'yung tambay sa kanto. Mamomroblema lang sila kung gin bulag ba o empi lights ang iinumin pagsapit ng gabi. Samantalang kami, hindi namin maintindihan kung may patibong ba sa kanang bahagi na hahakbangan namin o nasa kaliwang bahagi ba. Isang maling hakbang lang baka umuwi kaming pilay o iika-ika.

"Ah, eh, Boss. Bakit mo ba s'ya gustong ligawan? Chumuchuwariwap na ba 'yang puso mo?" Kahit medyo namumutla na ay nagawa pa talagang mag-joke ni Jaire. Ang lakas pa ng loob inguso ang tapat ng dibdib ni Iker.

Ang lakas ni mokong!

"What?" Tiningnan s'ya ng masama ni Iker.

Tsk.

Napakamot ako sa ulo. Kitang-kita ko naman sa reaksyon ng mukha ni Jaire na para s'yang matatae na ewan. Magj-joke lang kase dun pa sa taong wala namang ka-humor-humor sa katawan. Jaire. Jaire. Ngayon pa lang ipagtitirik na kita ng kandila.

Mula sa likuran namin ay mahinang tumikhim si Duke

"What he mean is, are you inlove with her? Bakit mo s'ya gustong ligawan?" seryoso man sa lahat ng bagay si Duke, na minsan pa nga ay pwede na s'yang pumalit sa napaka-seryoso naming school principal...pagdating naman sa mga ganitong kagipitan ay maasahan naman talaga s'ya.

"I'm just going to pay my debts. I haven't even said thank you to them for taking care of me,"

TILES! Oh tiles na nangingintab sa kalinisan. Bakit ba hindi mo na lang kami lamunin ng buong-buo para makaiwas na kami sa nilalang na ito?! Hindi ba't s'ya na mismo ang nagsabi kanina na ginawa s'yang alipin ng mga taong iyon kaya wala silang karapatang singilin s'ya?!

At pagkatapos ngayong narinig n'ya ang makapanindig balahibong talambuhay ng babae 'yun bigla s'yang magkakaroon ng sudden change of heart?! Hindi n'ya ba alam na disaster ang mangyayari kapag nalaman ng buong campus na may babae s'yang nililigawan? Matatanggap ba ng pamilya n'ya ang transfer student na 'yun kung saka-sakali?

Tiles, oh tiles help me please. Kahit si Iker na lang ang lamunin mo at iuwi sa planeta kung saan s'ya nanggaling. Ang hirap n'yang sabayan! Dinaig n'ya pa ang babaeng magm-menopause. Hindi ko na mapigilang mapasabunot sa buhok ko. Wala pa man ay namomroblema na ako. Kapag nga nagagalit s'ya, hindi namin s'ya ma-

handle. Paano pa kung manliligaw s'ya?

At bukod pa sa kanya, mukhang mahirap ding i-handle ang babaeng 'yun na kahit mukhang bagong salta dito sa City X eh, hindi naman yata papatalo. And aside from them, what about those girls whose so madly into him? Aist!

"What's wrong with you, Aj?"

Bigla akong napaunat ng upo nang marinig ko ang pangalan ko. Pinipigilan ko ang kagustuhang isako na s'ya at muling itapon sa ilog.

"N-nothing's wrong. Just a-answer Duke," nag-i-stummer kong sagot. Feeling ko dumudugo na ang utak ko sa kaiisip kung paano makukumbinse ang lalaking 'to na tantanan na ang paghihithit ng katol. May aircon naman sa lahat ng silid dito sa school, saang parte ng paaralan pa ba s'ya nakakasinghot ng katol? O baka naman rugby ang tinira n'ya? But, that's so cheap. Baka hindi pa nag-aalmusal kaya ganyan s'ya.

"What are you talking about, Duke? I just want to pay my debts that's why I'll make her my girlfriend. Does that love really matter?"

Heto na nga ba.

Muli akong napayuko at hinimas-himas ang sentido ko. Tinitigan ko na ng masama ang tiles. Baka sakali sa ginagawa kong 'to ay tuluyan na kaming lamunin at ilayo sa napakahirap unawain at intindihin na nilalang na ito. Hindi naman makakibo si Jaire at Duke dahil sa narinig nilang sagot. Pustahan, ipupusta ko lahat ng kayamanan ng buong angkan namin...iisa kaming tatlo ng naiisip. Subok na subok na namin ang isang 'to. Ang dami n'yang tanong na ang hirap sagutin. Kung ang utak naming tatlo lahat ay pakanan, palagi s'yang pakaliwa. Palaging hindi tumutugma ang mga iniisip namin sa mga iniisip n'ya.

"So kapag naging girlfriend mo s'ya, mababayaran mo na ang pagkakautang mo sa kanya? Kailan pa naging ganyan ang kalakaran sa pagbabayad ng utang?" Sumasakit ang ulong tanong ko. Hindi na talaga ako makatiis.

He just look at me na para bang sinasabi na 'mind your own business'.

"Sa palagay mo ba gusto ka rin n'yang maging boyfriend?"

Wow.

Palihim kong pinalakpakan ang katapangang ipinakita ni Jaire. I must say, he really is brave para sa tanong na 'yun.

"Does it matter?" Bored na tanong ni Iker na muling ikinatameme namin ni Jaire.

"Of course it matters, Dude! It matters!" Gusto ko ng lumuha ng dugo sa kunsumisyon. Kung magkakaanak ako ng ganito in the future, ngayon pa lang ipagpapasalamat ko ng hindi ako nagkaka-jowa.

"Why?" Nakataas ang kilay n'ya pang tanong. Alam ko naman na iniisip n'ya na basta ginusto n'ya, mangyayari. Whether the other party likes it or not, wala silang choice. Pero sa pang-iirap at matatalim na tingin pa lang ng babaeng iyon kanina. Alam na naming hindi umaayon sa gusto n'ya ang lahat.

"She hates you,"

Si Duke ang sumagot.

Kitang-kita ko ang biglang pagkuyom ni Iker ng kanyang kamao. Hindi n'ya siguro inaasahan na sasabihin 'yun ni Duke.

"If she loves you bakit n'ya gustong dukutin ang mga mata mo?" Segunda ko naman.

Something flashed on Iker's eyes ng marinig ang tanong ko. Pero mabilis na lumipas iyon kaya baka naman guni-guni ko lang ang nakita kong softness sa mga mata n'ya?

"Turn off s'ya sa'yo dahil bastos ka raw," anaman ni Jaire.

Lalong hindi nakaimik si Iker. Unti-unti ng nakakahinga ng maluwag ang nasasakal kong puso ng maghagis na naman ng panibagong bomba ang kumag.

"Then I'll make her mine whether she likes it or not,"

Nakakuyom ang kamao n'ya at baba taas din ang adams apple n'ya indikasyon na hindi n'ya nagustuhan ang mga sinasabi namin.

"Eherm..." mahinang tumikhim si Duke. "Why don't you start by eating lunch with her? Later?"

Nanlaki ang mga mata ko at gimbal na tumingin kay Duke. Hindi n'ya ako pinansin.

"Nice suggestion. Save a table for us later," iyon lang at tumayo na si Iker mula sa pagkakaupo n'ya. Maingat n'yang dinampot ang folder na naglalaman ng files ni Delaila. Inilagay n'ya iyon sa mismong drawer sa ilalim ng table n'ya na never naman n'ya ginawa sa mga nagdaang kliyente namin.

Nauna na s'yang lumabas sa aming tatlo.

"Bakit mo sinabi 'yun?!" Nagtatakang tanong ko kay Duke.

"Oo nga. Nagtaka din ako," segunda ni Jaire.

"To tell honestly, I also don't know. Pero guys can you see how much that girl affects his mood? It's so rare for him to take notice the opposite gender. Remember what tita Irish told us five months ago?"

"Five months ago? Pinaglololoko mo 'ko 'tol?" nang-uuyam na tanong ko kay Duke. Iyon ngang 1 month ago hirap na hirap akong maalala. Five months ago pa kaya?!

"Lasing ako nun, paano ko maalala?" saad naman ni Jaire.

Tiningnan ko s'ya ng nakakaloko. Lasing? Buong buwan ba s'yang lasing? Saan nalasing? Sa babae o literal na nalasing sa alak?

"Sabi ni tita Irish. Kapag nagka-interes si Iker sa kahit na sinong babae---kung pangit ipaparetoke n'ya na lang daw at kung mahirap naman no problem mayaman sila---she said we have to help him. Paulit-ulit n'yang sinabi na it must be a girl. At kung matutulungan natin si Iker na makahanap ng girlfriend, may premyo daw tayo kay tita,"

Natulala kaming dalawa ni Jaire. Totoo bang sinabi ni tita Irish 'yun o ginu-good time lang kami nitong si Duke? Pero hindi naman mahilig maglitanya ng mahaba si Duke so I guess it's true.

"Is that really true?" Nagdadalawang isip na tanong ko.

"You can ask tita. Naka-save sa phone mo ang contact n'ya hindi ba?"

Oo nga pala! Biglang nagningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Duke. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko saka nagtype ng mabilis. Sinend ko iyon kay tita at makalipas lang ang dalawang minuto ay may reply na s'ya kaagad.

[Yes, why?]

Iyon ang reply ni tita sa text ko. Nagmamadali akong nag-reply na walang problema. Na gusto ko lang malaman kung ginu-good time ba kami ni Duke o hindi. Kaagad na nagreply si tita nang 'haha, it's true. Kesa naman maging bakla ang anak ko diba?'. Pinagpawisan ako ng malapot dahil sa nabasa ko. Ngayon alam ko na. Hindi naman pala talaga kataka-taka na kakaiba ang way of thinking ni Iker dahil ganoon din naman ang nanay n'ya.

Sinong nanay ba naman ang makakaisip na magiging bakla ang anak lalo na't ganoon kabangis. Kalokohan diba?

"Parang mas gusto ko na lang umuwi. Hindi na yata kakayanin pa ng utak ko kung papasok pa ako sa klase," nanlulumo kong anas.

Wala na talaga akong lakas. Parang hindi ko na kayang umattend pa sa kahit anong klase ngayong araw. Napapaisip tuloy ako kung ano ang mas mahirap intindihin. Ang mood swings ng girlfriend o mood swings ni Iker?

Sadly, hindi pa ako nagkaka-girlfriend so how on Earth would I know if it's tiring or nerve-racking?

"Ayaw mo bang makita kung ano ang kalalabasan ng first ever lunch date ni Iker mamaya?" curious na tanong ni Jaire.

Huh?

Wait...

What?

Bigla tuloy akong nagka-energy dahil sa narinig ko. Oo nga pala. First lunch date ni Iker 'yun. Gusto kong makita kung paano 'yun magiging epic fail mamaya.

"Sa palagay ko, hindi naman kaseng torpe mo si Iker,"

Naningkit ang mga mata ko at tiningnan ang papalabas na si Duke. At ano pala ang ibig n'yang sabihin doon sa sinabi n'ya? Na torpe ako kaya hindi ako nagkaka-girlfriend?!