webnovel

Hearts with Memories

"The undying love does not end with just memories."

EllaineGabayno · Teen
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 2

Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng mabubuting tao ay siya pa ang mas kinukuha ng maaga kaysa sa masasama.

Bakit naman napakalupit ng mundo sa akin? Bakit sa lahat ng mabubuting tao mga magulang ko pa?

Bakit mga magulang ko pa ang kinuha? bakit hindi na lang ako?

Ako na lang sana! Ako na lang sana ang nawala!

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko mula sa aking mga mata hanggang sa aking mukha sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon na kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at nakatitig lamang sa kisame.

Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa aking noo habang patuloy pa rin ako sa walang humpay na pagiyak at paghagulhol nang marinig kong may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Chloe I wan-"

"Leave me alone! please!" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

I just want to be alone right now.

Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko sa sobrang sakit. Parang hindi ko kaya ang sakit. Gusto ko nang mawala ang sakit sa dibdib ko. Parang ayoko ng mabuhay. Gusto ko nang sumunod sa mga magulang ko at mawala sa mundong ito kasama ng nararamdaman kong kirot sa dibdib ko.

Wala na ko sa sarili nang tumayo ako, ramdam kong nangangatal ang mga tuhod ko kasabay nito ang panghihina ng buo kong katawan papunta sa pintuan ng kwarto ko at binuksan ito, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makababa papunta sa sala habang patuloy lang sapag agos ang luha ko at hindi ko na inabala ang sarili kong punasan pa ito.

"Chloe?" di ko siya pinansin at nilagpasan lang siya.

Hanggang sa makarating ako sa kusina para manghagilap ng kung anong bagay na pwede kong gamitin at nang biglang mahagilap ng mga mata ko ang isang kutsilyo na nakasuksok sa lagayan nito ay agad ko itong kinuha.

Tinitigan ko ito ng ilang segundo. Kitang kita ko sa metal na kutsilyong hawak ko ang malulungkot kong mga mata na walang tigil sa pagluha at ang sakit na nararamdaman ko na hindi maitago.

Hinawakan ng dalawa kong kamay ang hawakan ng kutsilyo at itinapat ang matulis na metal sa aking dibdib at kasabay ng pagpikit ko ay akmang isasaksak ko na sa aking dibdib pero wala akong naramdamang tumama dito.

"Chloe! Are you out of your mind!?" bigla akong napamulat. Nakatayo siya sa harapan ko na galit na galit ang mukha sa akin.

Inagaw niya ang kutsilyo mula sa mga kamay ko at inihagis ito sa may likuran niya.

" You are already out of your mind Chloe!" hinawakan niya ang magkabilang braso ko at niyugyog para magising sa katotohanan.

"Hindi ito ang solusyon sa problema mo Chloe! Pag ginawa mo ba ang binabalak mo maibabalik ba nito ang mga magulang mo? di ba hindi? Ang daming buhay diyan Chloe na gustong gawin ang lahat para lang magawa nila ang mga gusto nila ngunit hindi nila magawa dahil sa mgaklaseng sakit nila, tapos ikaw sasayangin mo lang ang buhay mo? sa tingin mo magiging masaya ang mga magulang mo ha Chloe?" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko habang nakatingin sa nagngangalit niyang mga mata.

Nakatitig lang ako sa kanya at tuluyan na namang kumawala ang mga luha ko sa mga malulungkot kong mga mata.

Nakaramdam na lang ako ng panghihina sa buo kong katawan hanggang sa maramdaman kong nakaupo na ko sa sahig at nakapatong ang dalawa kong kamay dito.

"Bakit lahat na lang ng taong importante sakin, kinukuha niya Tristan? Bakit!?" Niyakap ko ang mga braso ko at patuloy na humahagulhol sa sakit at galit na nararamdaan ko.

"Tatlong taon ako naghintay sa kanila. Tatlong taon ako nagtiis. Tatlong taon yun Tristan bakit!?" Naramdaman kong lumuhod si Tristan at niyakap ako sa mga bisig niya ng sobrang higpit.

"Ganun talaga ang buhay Chloe, Hindi mo masasabi kung kailan ka mawawala sa mundong ito, kahit sino Chloe. Hindi mo dapat ikulong ang sarili mo sa lungkot , dapat lumaban ka sa lahat ng hamon ng buhay kahit sobrang masakit na ito" napabuntong hininga siya ng malalim bago muling nagsalita.

"You need to accept the reality.. the worst reality"

======

"Kamusta naman school mo?" tanong niya habang kapwa kami abala sa pag nguya ng french fries

"Ayun nakatayo pa rin" ngisi ko sa kanya. Inagaw ko naman ang french fries na isusubo na sana niya pero inagaw ko ito at kinain. Hindi na siya nabigla dahil gawain ko talaga ang agawan siya ng pagkain.

"Pilosopo ka parin hanggang ngayon Chloe" natatawang sabi niya. Inabot niya ang ilong ko saka ito pinisil. Hinawakan ko naman ito dahil namumula ito sa pagkakapisil niya. Nangunot naman ang noo ko sa ginawa niya hindi na talaga siya nagbago, palagi na lang niyang pinipisil ang maganda kong ilong tsss.

"I'm glad that you are ok now Chloe" Nakatitig lamang siya sa akin ng seryoso at marahan niyang hinawakan ang kanang kamay ko na nakalagay sa table.

It's been a year pagkatapos ng mga nangyari at tanging si Tristan lang ang sumalo sakin sa panahong nalulungkot ako na kaunti na lang ay magpakamatay na ako. Napag-isip ko na tama siya na hindi ko dapat tapusin ang sarili kong buhay dahil lang sa problema.

"Thank you Tristan" nginitian ko siya at ganun din siya sa akin.

"Thank you for being their for me at all times, even at my worst. Thank you for being my bestfriend Tristan" Bigla na lang nalungkot ang mga mata niya saka siya ngumiti ng mapait. Alam kong peke ang ngiting yun. May nasabi ba akong mali?

Ako nga pala si Alyssa Chloe Cruz. You can call me Aly or Chloe. 18 Years old. Culinary Arts Student. Ipinangako ko na sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko na ipapakita ang pagiging mahina ko. Dahil matapang ako at hindi mahina.

At itong kasama ko ay walang iba kundi ang bestfriend ko na si Mark Tristan Lopez. Business Administration course. 16 years old. Oh di ba mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon pero parang mas matured pa siyang mag-isip kaysa sa akin. My goodness!

Gwapo siya pero hindi ako naaakit sa kagwapuhan niya. Matcho syempre model eh.

10th birthday ko nung una kaming magkakilala sa mismong bahay namin. May parrot akong alaga that time which is Tantan ang pangalan at dun nagsimula na tawagin ko siyang Tantan. Nung una ayaw pa niya kasi bakit daw Tantan eh pangalan daw yun ng alaga ko sabi ko namanpara maalala ko sa kanya ang parrot ko kapag namatay ito.

Yung parents niya at parents ko is matagal nang magkakaibigan since highschool. Oh di ba? Small world.

Masasabi kong mabuti siyang bestfriend at palaging nandiyan sa tabi ko kapag kailangan ko ng kausap kahit na minsan natatarayan ko siya at nasasampal hahaha. Ang sarap magkaron ng bestfriend kapag alam mong mas matured sayo no?

Pero ang ipinagtataka ko ay ayaw niya na pareho kami ng school. Ewan ko ba sa taong to. Baka naman ayaw niya talaga sakin? or dahil sa tuwing nakikita ko siya ay lagi ko siyang natatarayan or nabwi-bwisit talaga siya sakin. Haysss ewan. Ang sakit sa ulo magisip.

After namin kumain sa jollibee hinatid na niya ako sa bahay. Naligo na rin ako at nagpahinga ng maaga dahil may pasok pa ako bukas.

======

May biglang yumakap sa akin mula sa likod ko kaya nilingon ko ito para malaman kung sinong hampas lupa ang bigla na lang akong yayakapin ng biglaan.

"Oh ikaw pala Bora!" inikot ko ang mata ko saka ko pinindot ng mahina yung dede niya dahilan kung bakit hinampas niya ng mahina ang aking kamay.

"Itigil mo nga yan Chloe! ang manyak mo!" iritadong sabi niya.

"Sana all pinagpala no Bora? Akala ko naman kung sinong hampas lupa ang yumakap sa likuran ko ikaw lang pala" Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Hampas lupa? sa ganda kong to Chloe?" maarteng sabi niya at itinuturo pa ang sarili.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating ng canteen at umorder ng pagkain namin.

Matagal ko na ring kaibigan si Bora halos mag isang taon na rin. Siya ang unang lumapit sa akin at gusto akong maging kaibigan niya pero di ko inaasahan na magkapitbahay lang pala kaming dalawa.

Mabait, maganda, mahilig sa kung ano anong palamuti sa mukha pero kung titingnan mas maganda talaga siya kapag walang palamuti sa mukha.

Habang kumakain kami naririnig ko nanaman yung mga tili ng ibang mga students dito.

"Si Stephen yun di ba? yaay!"

"Ang gwapo niya talaga girl. Gagawin ko talaga para mapasa akin siya"

Here we go again! Yan nanaman yang mayabang na yan! marinig ko lang ang boses niya ay kumukulo na ang dugo ko sa kanya.

Papalapit na siya sa kanyang trono at bago ko pa ubusin ang burger at fries na kinakain ko ay inaya ko na si Bora na umalis na kami ng canteen dahil nasusuka ako every time na makikita ko siya.

Etong si Bora hindi pa susunod kung hindi ko pa hihilahin. Masyadong natulala sa mayabang na yun. Di naman kagwapuhan tsk.

"Aalis ka na agad Chloe? why so fast?" sabi niya sa di kalayuan na may halong nakakalokong tingin.

Yung mga babae naman masama ang tingin sakin dahil nasa akin ngayon ang atensyon niya.

Walang akong pakealam sa kanya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.

"It taste like ahmm cherry, you know Chloe *lip bite*" bigla akong napatigil at namula sa sinabi niya.

Bumalik ako sa table kung saan ko iniwan ang burger at fries na kinakain ko kanina saka ko dinampot ang burger na may kagat ko na. Pinipigilan naman ako ni Bora sa balak kong gawin.

Mabilis akong naglakad papunta sa kanya saka ko isinalpak sa bibig niya ang burger. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat kahit ang pinsan niyang kasama ay ganito rin ang reaksyon at napanganga lahat ng estudyante na nandito sa loob ng canteen dahil sa ginawa ko.

"It taste sweet with spicy hot sauce, kung pwede ko lang isaksak yan sa baga mo ginawa ko na Stephen!" ipinag diinan ko talaga ang mga salitang yun sa pagmumukha niya para madama niya na nakakabwisit siya.

"And also don't bring up the past. I was too drunk that day" pagtataray kong sabi at taas baba ko siyang tiningnan bago ako tuluyang umalis sa canteen.

Sumunod naman agad si Bora sa akin na kasalukuyang nasa likod ko. Halos wala siyang kibo sa ginawa ko, ewan ko na lang kung hindi siya magtatakbo sa sobrang daming hot sauce na nilagay ko sa burger na yun HAHAHA.

Ang mga babae namang naririnig kong nagtitilian kanina kitang kita sa mga mukha nila ang pagkainis na para bang gusto nila akong saktan.