webnovel

Simula

Nasa Social gatherings ay sinama ako ni Mama at Papa. Hindi ko naman alam ano ito. Pero ang sabi Anniversary ng De Martino.

"Mama, sino iyon?"

Tanong ko nang makita iyong lalaking nakipagkamayan sa iilang Business man dito. Sa lagay na ito, mukhang alam at gamay niya na talaga ang makikihalubilo sa kung sino.

Wearing a white button sleeveless at nakatupi iyon hanggang siko. Ang itim at mahabang slacks ay kumapit sakanyang mga binti. Sa haba ba ng bias at malapad niyang balikat ay mapagkamalang nagmomodelo nga ito. Well, kahit natakpan ng damit ay kapansin-pansin parin ang hubog at ganda ng katawan niya. Ang buhok ay sobrang iksi at hinayaang nakabagsak iyon. Maganda rin ang pagkagawa ng panga niya. Wait, bakit ko nga ba binigyan ng oras ang sarili para puriin ang lalaking ito? Hindi ko rin alam..

"Ah, anak iyan ni Tita Jory mo. Naalala mo ba? Siya iyon pinakilala ko saiyo noong pumunta tayo sakanila."

Tumingin ako at sumulyap agad kay Mama dahil sa sinabi nito. Pumunta kami sakanila? Kailan naman iyon?Bakit wala akong maalala?

"Ilang taon po ako nun?"

"Apat na taon ka pa."

Kaya pala, malabo nang maalala ang araw na iyon. Pero bakit ang suplado niya? At tignan mo..laging nagkasalubong ang mga kilay niya. Parang hindi nga siya masaya na nabuhay siya sa mundong ito. Tinagilid ko pa ang ulo ko para lalo masulyapan ang kabuuan ng mukha niya. He's too stiff and cold. His face has no humor at all! At sa idad niyang ito mukhang ang matured niya na. Parang dala talaga ang buong mundo sa sobrang seryoso!

Kahit ang pakikipagsalamunga sa ibang tao ay walang kahit anong bahid na ngiti o kasiyahan ang nakikita ko.

"Ilang taon na po siya ngayon?"

Kumunot ang noo ni Mama sa dami ng tanong ko, pero sa huli sinagot niya parin.

"He's nineteen, Licia. Matanda siya nang anim na taon sa'yo. Malapit na 'yan magtapos ng kolehiyo kaya sinanay ni Jory at Benz makihalubilo."

"Talaga po?"

"Oo, kaya gayahin mo si Enzo. Mabait na bata yan!"

Mabait? Sa lagay na iyan..mabait? Sabagay hindi ko pa kilala ito. Pero ang suplado niya!

Simula noong nakilala ko siya at naging kapitbahay pa namin ay hindi ko na siya tinantanan sa lahat ng bagay. Sa Butuan naman talaga kami naninirahan pero lumipat kami rito at hindi ko na inalam kung bakit napadpad kami ng Manila. At pinili ni Mama at Papa na magkalapit lang ang bahay namin. Syempre, natuwa ako doon!

At ang pagkakaalam ko noon paman ay magkakilala na si Tita Jory at Mama, noon. Sabi nga ni Mama bestfriend niya na si Tita jory simula noong highschool.

Ewan ko nga bakit nagustuhan ko ito. Ni hindi niya nga ako pinapansin! Kung kinakausap man ako ay laging tipid at walang kagana-gana. Maybe I like him because he has no interest on me, hindi gaya ng ibang lalakI. Tignan niyo naman, laging malamig saakin.

"Just go home.."

Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Ha? Ayaw mo ba ako rito? Sabi ni Tita jory samahan muna kita rito, a!"

"I need to be alone, Licia." Simpleng sabi nito.

"Bahala ka! Tatabi parin ako!"

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga at mukhang wala nang magawa kung hindi bumuntong hininga nalang. Sus! Pakipot ka pa.

Kahit ang pag-igting ng panga niya ay namamangha ako. Nababaliw na ata siguro ako!

Sa ilang araw na ganoon ang pakikitungo niya ay naging malalim rin ang pagkahulog ko. Ni hindi ko alam kung anong nakikita ko sakanya. At bakit iba ang epekto na binigay niya saakin kompara sa ibang lalaki. Hindi naman siya ganoon kadaldal..pero unti-unti naging attractive na saakin iyong pagsusungit niya. Hindi ko alam kung hinahangaan ko lang siya o ano..bata pa ako at hindi pa mulat sa ganitong bagay. I should find out that, then.

"Licia, 'diba close kayo ni Enzo?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong ni Lorena saakin. Nasa field kami habang pinapanood si Enzo na naglalaro ng soccer.

"Pakilala mo'ko. Crush ko kaya yan!" Nakangiti pa niyang sabi.

Dahil sa narinig ko ay mabilis na tumayo ako at tinaasan ito ng kilay. Gusto ko sanang irapan pero Syempre..'diko ginawa.

"Ano? Si Enzo crush mo?" Tonog sarkisto pa iyon.

"Oo kaya dapat pakilala mo'ko!"

Pasalamat ka at pinigilan ko ang sariling ihampas ang libro ko sa pagmumukha mo!

See! Pinapansin niyo lang naman ako pag meron kayong kailangan saakin, o 'dikaya ay sadya lang si Enzo.

"May girlfriend na siya, hindi pwede."

Nakita ko ang gulat sa mata niya. Syempre lahat ng mga babae na lumalapit saakin o kinakausap ako tungkol kay Enzo ay lagi kong tinatanggihan o ginagawan ng kwento para tumigil sila. Pero hindi alam iyon ni Enzo. Mas mabuting ganoon nalang ang isipin nila!

"Bakla 'yan kaya huwag na kayong umasa!" Sabi ko bago tumalikod at hindi na nakita ang reaksyon ng mga babae noong isang araw na paglapit nila saakin. Akala ko pa naman kung ano ang sadya. Iyon pala tungkol nanaman kay Enzo!

Hindi na talaga ako makapaghinatay na matapos niya na ang kolehiyong ito at para naman tumigil na sila! Halata naman siguro na ayaw ni Enzo sakanila, pinipilit pa!

Mas maganda pa nga ako roon. Hmp!

"Kailan niyo ba gustong magbalak patayuin iyon?" Tanong ni Mama kay Tito Benz.

"Sa kasulukuyan pang sinusuri iyong lupa kung okay nga ba para doon na sisimulan ang gusto ng mga campbell." Si Papa na ang sumagot.

Sumulyap ako kay Enzo at nakita ang seryosong pakikinig sa usapang pang matatanda. Hindi ba siya nababagot? Kasi ako pakiramdam ko sasabog na itong utak ko. Saglit ay nakita ko ang pagsulyap niya saakin. Ngumiti naman ako pero binigyan niya lang ako ng irap. Ngumuso ako at hindi mapigilang matuwa sa pagsusuplado niya saakin.

"Kukuha paba kayo ng architech para doon? Kaya ko naman," si Tita jory.

Hindi ko alam ano na itong pinag-uusapan nila. Pero dahil napagod at bagot na bagot na akong marinig silang lahat. Biglang sumali ako sa usapan nila at lakas loob na nagsalita sa harapan. Agad nakuha ko naman ang atensyon nila. Okay, that's good.

"Tita jory may sasabihin po akong importante."

Biglang tumigil silang lahat at naibaling ang atensyon saakin.

Ayan! Kaya mo 'yan, Licia! Matapang ka 'diba? Humugot ako ng malalim na hininga at inayos ang upo nang maramdaman ang kaba sa dibdib.

Bahagyang napansin ko rin ang pagtaas ng kilay ni Enzo saakin at mukhang inaabangan niya rin kung ano man ang sasabihin ko.

"O, iha, ano iyon?"

"Licia, ano nanaman iyan?" Si Mama.

Tipid na ngumiti ako.

"Tita, Tito..Ma, Pa.." isa-isa ko silang sinusulyapan at sa huli ay kay Enzo. Nagtagal ang titig ko sakanya. Pakiramdam ko tuloy nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba.

"Gusto ko lang malaman niyo na.." kinagat ko ang labi ko.

"Na ano, Licia?" Si Papa na hindi na makapaghintay. Muling humugot ako ng lakas bago nagsalita.

"Na gustong-gusto ko po si Enzo!" Uminit ang pisngi ko sa sinabi. Ayan! Nasabi ko na!

"Licia!" Si Mama at mabilis na tinakpan ang bibig ko. Tumawa naman ang lahat maliban kay Enzo. Napansin ko kung paano mariin na umigting ang kanyang panga at mukhang hindi inasahan na sasabihin ko talaga ito. I told you so, I'm serious about you.

"I told you not to interrupt while we have discussion!" Bulong at mariin na sabi nito malapit sa tenga ko.

"What if I die tomorrow, Mama? Hindi niya malalaman na gusto ko siya." Ngumuso ako at sumulyap kay Enzo na ngayon ay umiwas na nang tingin saakin. Sa ganitong anggulo mas kapansin-pansin ang iritasyon sa itsura niya.

Nasa malapit na pool kami ng bahay ni Tita Jory nagtipon-tipon para sa salo-salo, at para na rin pag-usapan ang plano nila sa negosyo. Kaya ito na rin siguro ang pagkakataon ko.

"Licia!" Natatawang tawag ni Papa saakin.

"Naku, nakakatawa talaga ang batang ito, Lucia!" Si Tita jory. "Kaya nagustuhan ko ang anak mo. She's too expressive. Walang mga salitang ayaw itago." Tumawa ito. Ngumiti lang ako at ramdam ang pang-iinit ng pisngi. I considered that as a compliment, then.

"Mga bata talaga ngayon." Si Tito Benz na humagikhik.

"Naku, nakakahiya talaga sa batang ito kung anu-ano nalang ang mga sinasabi!" Nahihiyang sabi ni Mama. Sumulyap ako sakanya para pigilan sana siya pero pinandilatan lang ako ng mata. "Licia, ang bata-bata mo pa. Kumain ka na diyan!"

"Hindi na ako bata, Mama! Thirteen na ako! Tsaka, palagay ko gusto rin naman ako ni Enzo, 'diba Enzo?"

Hindi ko alam bakit nila ako pinagtatawanan pero seryoso naman talaga ako! Ngumuso ako. Imbes na sagutin niya itong tanong ko ay iritadong tumayo ito mula sa upuan niya.

"Enzo, where are you going?"

"May kukunin lang po ako, Mama. Babalik lang ako." Kunot noo na sagot nito at suplado parin ang itsura.

Nawala narin sa paningin ko si Enzo. Alam ko naman na hindi niya nagustuhan ang pag-amin ko rito. He should be happy about my confession!

"Licia, behave." Si Mama na patuloy ang pagsermon saakin. "Lagot ka talaga saakin mamaya."

"Pero mama--"

"Enough, Licia."

Palihim na umirap nalang ako. Ilang oras na yata ang lumipas pero hindi na nakabalik si Enzo sa kinaupuan niya kanina. Sumimangot ako. Nasaan kaya siya?

Binalik rin nila ang usapan tungkol sa plano. Pero nawalan na ako ng gana doon.

"Malapit na matapos ni Enzo ang kurso niya and I want him to undergo more about business. I think Mrs. Flores will give him more knowledge and strategies about handling big company."

"Tsaka, gusto kong siya narin ang humawak sa De Martino." Si Tito Benz

Mabilis na napabaling ako sa usapan nila. At oo nga pala, Malapit niya ng matatapos ang kolehiyo na kinuhang Business Management.

Malulungkot ako pero syempre, mas nangunguna ang saya at tuwa. Hindi ko maiwasang isipin kung paano iyon kabagay sakanya. Maging CEO ng De Martino ay sobrang bagay sakanya!

Matagal pa bago ako makapagtapos gaya niya. Pero kung meron man akong gustong gampanan ay iyong resort nalang namin sa Butuan. Doon kasi ako lumaki. Nga lang, Hindi ko na alam ano na ang itsura ng Alucia Resort. Nine years old pa ako nun noong lumipat na kami ng Manila. Pero ang pagkakaalam ko marami na ang nagbago doon. At dahil magaling sila parehas humawak ng negosyo ni Papa ay naging malago iyon, pati narin doon sa Cebu at Surigao.

"Tsaka, andoon naman si Ares para matulungan itong pinsan niya."

"That's good to hear. Nagkasundo na ba si Ares at ang ina niya? Her wife how is she?" Tanong ni Mama.

"We talked about it, Lucia.."si Tita Jory. "Andoon parin sa Butuan iyong si Ivanna at ang anak nila ni Ares. Gusto ko nga mabisita para naman makita ko ang apo ko. Naku! Ewan ko ba sa kapatid ko at pinipilit parin ipakasal si Ares kay Diana." Umiling-iling ito at dismayado.

"I can still believe na hindi nasunod ni Ares ang ina niya. Basta pag-ibig talaga, kaya mong sukuan at ilaban ang lahat." Komento ni Mama.

"Siguro ngayon..hindi parin natatapos si Leona sa pakana niya. Gusto kong tumigil na siya sa mga plano niya. Hayaan niya na sana ang mga Bata."

Narinig ko rin ang tungkol doon. Hindi ako makapaniwalang mangyayari iyon sa totoong buhay. At kay kuya Ares pa talaga. Sobrang mahal niya siguro iyon at sumunod talaga doon.

Mabait si Tita Jory kompara kay Tita Leona. Minsan nga, natatakot ako doon.

Naalala ko tuloy kung paano niya ako sinusulyapan at tinaasan ng kilay dahil sa kaingayan ko noong pumunta kami sakanila. Buti nalang at si Tita jory ang ina ni Enzo. Kasi kung hindi, mahihirapan ako, panigurado!

"Hindi ko alam anong gagawin ko, Lucia. Sabi ng doctor, malala na raw ang kalagayan ng anak ko. Natatakot ako.."

Namumula ang mga mata ni Tita Jory kakaiyak na niyakap siya ni Mama.

"Kung pwede, ako nalang ang magiging heart donor ng anak ko, Lucia..pero hindi pwede, eh! Hindi compatible!" sabi nito sa nanginginig na boses.

Heart donor? Anong ibig nilang sabihin?!

Agad naghiwalay ang dalawa mula sa yakap at gulantang na binalingan ako. Halos naghahabulan ang puso ko sa tindi ng kaba sa dibdib. Kunot noo ay binalingan ko si Mama at Tita Jory. Hindi ko pa alam anong totoong nangyari, pero nanlabo na agad ang mga mata ko sa hindi malamang dahilan. May mali, eh..may mali talaga!

"Mama..bakit nasa loob si Enzo? Anong nangyari?" Hindi ko na maiwasang itanong iyon. Kagagaling lang ng school ay nabalitaan ko agad na sinugod si Enzo ng Hospital. Nagpumilit pa ako kay Papa na isama ako. Hindi niya naman sinabi kung anong nangyari sakanya.

"Licia, bakit ka andito?"

Umiling-iling ako at kinagat ang labi para pigilan ang nagbabadyang luha saakin.

"Sagutin mo naman ako, Mama, kung ano nga ang nangyari kay Enzo!" Ulit ko rito. Medjo tumaas ang boses.

"Albert, kunin mo muna ang anak mo rito!" Tawag niya kay Papa at hindi pinansin ang tanong ko.

"Pero, Mama! Ano po ba kasi ang nangyari kay Enzo?" Medjo nawawalan na ng pasensya. Bakit ba ayaw nalang nila akong sagutin sa mga tanong ko!

"Tita Jory, anong nangyari? Sabihin niyo na-"

"Licia, ano ba! huwag ngayon, pwede? Umuwi ka muna." Mariin na utos niya saakin at hinilot ang sentido.

"Pero Mama, Gusto kong makita si Enzo!"

"Licia!"

Alam ko sa sarili kong hindi lang ordinaryo ang pagkahimatay ni Enzo. Ayaw man nila akong sagutin, pero alam kong may malubhang sakit siya.

Kailanman ay hindi ako natakot ng ganito sa buong buhay ko, ngayon lang. Ang malaman tungkol sa kalagayan niya ay parang binagsakan din ako ng mundo. Hindi ako makapaniwalang sakanya mangyayari ito. May sakit siya sa puso at hindi iyon normal lang na sakit.

"Kailan lang ito, Mama?"

"Tatlong taon niya na dinadala ang sakit, Licia. Kaya kailangan na talaga ng Heart transplant." Sa huli ay sinagot narin ni Mama ang mga katanungan ko.

Nagulat ako doon. Tatlong taon?! At kahit kailan hindi pa siya gumaling doon? Paano nangyari iyon? Impossible!

Hindi ko maisip kung paano niya dinadala ang bagay na iyon. Kung paano siya naghirap. Kahit kailan ay hindi niya nasabi saakin ang tungkol rito. Pero sino nga ba ako para sabihin niya ito? Hindi naman siya iyong tipong naglalantad ng sekreto o nagsasabi saakin nang kung anu-ano!

"Magpagaling ka, Enzo." Simpleng sabi ko nang makaupo sa tabi niya. Ni hindi man lang niya nagalaw ang dala kong prutas para sakanya.

Nag-angat siya ng tingin saakin pero agad din naman iniwas iyon. Kitang-kita ko kung paano paulit-ulit na umigting ang kanyang panga.

"Alam mo na pala." Malamig niyang sabi. Hindi ako nakasagot at nanatili ang tingin ko sakanya.

"Hindi mo man lang sinabi sa-"

"For what, Licia?" Iritado niyang putol.

Nagtiim bagang ako at pinigilan ang sariling damdamin.

"Kasi nga gusto kita! Gustong-gusto!"

"Tss."

Ngayon ko lang din napansin na hindi pala nagkonek iyong sinagot ko sakanya. Uminit ang pisngi ko. Pero I mean it! Totoo naman na gusto ko siya, no!

"Dito lang ako palagi, tandaan mo 'yan."

Muli ay inangat niya ang tingin saakin. Madilim niya akong tinitigan. Kahit sa ganitong sitwasyon ang sungit niya parin saakin. Ako na nga iyong nag-alala para sakanya!

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Licia." Iritadong iniwas niya ulit ang sarili saakin. Sana naman hindi siya mabalian ng leeg sa pinanggagawa niya!

"Alam ko ang sinasabi ko! At sigurado akong hindi na magbabago itong nararamdaman ko!"

"We'll see, then."