webnovel

Chapter9

Mira Sam POV .

Fourth day ko na ngayon dito sa light academy nandito na kame ngayon sa room ng Gold A inaantay nalang namin si master hindi  ko kilala hehe alam nyo naman bago lang ako dito diba mamaya ko. Palang makikilala. Aaminin ko yung moment namin ni acer kahapon hindi  ko parin nakakalimutan ewan ko ba ayaw umalis sa isip ko wahhhh iniling iling ko ang ulo ko na alala ko nanaman wahhh

"Hoy  miracle ashtrid Samantha! anong nangyayare sayo?" napatigil ako sa ginagawa ko at napalingun kay  lex "hehe wa-wala" "e baki..." "Engkkk" hindi  na nya natuloy ang sasabihin nya ng bumukas ang pinto isang anghel ang pumasok ah ang ganda ang puti nya ang haba ng buhok katamtaman ang tangkad parang nasa 20 lang din sya wahhh

"Hi elemental runers, nice to meet you again guys and nice meeting you to ms miracle ashtrid Samantha" ngumiti pa sya pano nya nalaman pangalan ko? "because I can read your mind!" wahh kaya pala ang galing astig!

Ngumiti sya "and by the way miss  Samantha thanks for the complement sabi pa ni, ni, sino ba to Hindi pa nag papakilala e "by the way ms Samantha I'm the head master of warrior kingdom" huh? wa-warrior Kay le-lex napatunganga ako babakit babae sa isip isip ko

"Dahil Hindi lahat ng babae mahina tandaan mo yan!"

"Ah eh hehe" binasa nya utak ko huhu nakakhiya "so miss Samantha my name is khumi.

And  I'm your master for this day and now  let me tell you about the kingdom of warrior before our true lesson."

Lex Xavier POV

Natahimik ako sa sinabi ni master khumi dahil sa tagal. Na namin dito sa light academy Hindi namin alam ang  history ng bawat kingdom namin

Napa tunganga  ako ng mag umpisa na si master khumi "May pag kakaisa sa  bawat kingdom isang magiting na mandirigma si Alaois,

Sya ang namununo sa lahat ng warrior sa bawat kingdom  maayos ang bawat pamamalakad  sa lahat ng warrior si Alaois Ay nakatakdang ipagka isang dibdib Kay Zarya. Isang dalaga na may angkin din lakas ngunit sa isang banda Hindi alam ng dalaga na hindi sya iniibig ng binata ngunit sadyang kakaiba ang dalaga hindi  nya sinukuan ang binata dahil iniibig nya ito kaya sinikap nyang ibigin  din sya nito at hindi  sya nabigo dahil inibig  din sya ni Alaois

Lumipas ang ilang buwan ng mag isang dibdib ang dalawa nag bunga  ang  kanilang pag mamahalan isang lalaking sanggul  na nag dulot sa kanila ng labis na kasiyahan na para Sa kanila ay Hindi mapapantayan ng kahit sino pa man ngunit labis man ang kanilang kasiyahan may senyalis na isa ang sanggul sa mga itinakda kaya kinailangan ring agad itong mahiwalay sa kanila ipinadala ang sanggul sa crystal light upang maprotektahan ito ng mas mabuti dahil agad ding natunogan ng mga mandirigma na may nag babadyang panganib para sa

Kanilang supling  kaya agad silang nakapag handa, sa pagitan ng black night at mga warrior Hindi nag tagumpay ang mga black night

Dahil mas naging  handa ang mga warrior ang black  night ay

isang hukbo na hindi pa Lubusang kilala tinawag silang black night dahil sa uri ng kanilang mga kasuotan mga naka itim, nakabalot ang  kanilang mga mukha  

At sa nangyareng digmaan may ilang nasawi ngunit alam nila na ang pagbuwis nila ng buhay ay pagiging marangal dahil na natiling mapayapa muli ang  warrior kingdom.

At isang kautusan lamang ang kanilang ibinilin sa kanilamg  supling hindi na nila maaring kuhain ang sanggol dahil nadala na ito sa crystal light at makakabalik lamang ito oras na mangyare  na ang nakatakda"

Mahabang pahayag ni ms khumi napa  tunganga ako dahil yun pala ang tunay na nangyare ang tanging alam ko lang ay ang kautusan at isa ako sa mga naka takda at may kautusan na hindi  namin dapat labagin "Hangang  sa muli runers" napatingin ako kay miss khumi dahil nag paalam na sya pero bago sya tuluyang umalis tumingin sya sa akin at ngumiti at tuluyan ng lumabas

"WAHHH LEX MY BABY"

°O° natigilan ako ng may bglang yumakap sa akin 

"ALISHA BITAW"  bigla kung sigaw

"HAHA ANG PANGET MO LEX PWEDE NA PASUKAN NG LANGAW BUNGA NGA MO ... "

napapikit ako at napahawak sa tenga ko ikaw na sigawan sa tenga ng babaeng may sapi ewan  ko lang ganyan talaga yan lalo na pag gusto nya akong asarin

"Ayyst umayos ka nga lisha"

"Hoy kayong dalwa  tama na yan!" napatingin kameng pareho ni lisha sa nag salita si Athena pala nasa may pinto na napatingin ako sa paligid kame nalang pala ni lisha ang nandito pa sa loob ng gold A

Dug dug dug dug .

Ayst  ano ba to kinabahan ako bigla  mapatayo na ako at bumitaw na rin sa pag kakayakap si Alisha nakatungo  akong lumabas tss  ano ba to.

Alisha POV

Wahhh gusto ko lang namang  asarin si lex bakit nakaramdam ako ng hiya wahh si Athena kase may m toyo  ata sa utak sarap ipahangin papuntang  kalawakan pinuna pa kasi kame ni lex na andito na kami ngayon sa cafeteria pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang malakas na pag kabog  ng dibdib ko hala baka may sakit na ako wahhh ayoko pa ma dedo huhuhu gusto ko pa maturuan ng  runes nya si Sam wahh ano ba to!?

Mira Sam POV

Kasalukuyan na kameng nakain ng mga inorder namin halos lahat kame nag uumpisa ng kumain pero na patigil kami  wahhhhhh   napatingin kame

Kay lisha ano nanamang tama ang meron ang babaeng ito gusto nya atang pati yung plato nya  itusok sa tinidor na gamit nya grabe "lisha, lish, lisha" si lex habang tinatapik tapik pa ang balikat ni lisha

"HOY ALISHA FLENS!"

"AYY SI LEX NA PANGET!"

Sinigawan ni  lex si lisha sa tenga at dun lang natauhan si lisha at napapag

Halataan na si lex Ang iniisip ng babaeng ito

"Anong sabi mo alisha?" umuusok na ang tenga at ilong ni lex "PAKK!" "aray! alisha  kanina  kapa  huh!" si lex ulit habang hawak ang batok nya

"E bakit ka kase ng gugulat dyan huh?" si Alisha na umuusok na din ang tenga

At ilong "Eh paano po kanina ka pa namin tinititigan, gusto mo ata na butasin yang plato  mo!" kaya napatingin si alisha sa plato nya dahil sa sinabi ni lex

"Ahh ehh Hehe try lang baka kaya ko!"  namumulang sabi ni alisha Itong dalwang to ang cute nila tingnan haha

Inaantay ko nalang silang matapos sa kanilang pag kain si alisha at lex hindi  na tumigil sa pag tatalo nila hayst

Nakaramdam ako ng pag Cr kaya tumayo ako "Ohh saan punta mo?" pag uusisa ni fleus "ahh cr lang ako balik din ako agad!"

"Ah gusto mo samahan na kita?"  biglang pag aalok ni Athena

Umiling ako "Naku wag na Athena saglit lamang ako"

"Sigurado ka?" tanong nya pa

Tumango ako at ngumiti

"Hmmn Ok"  pag kasabi nya nun tumalikod na ako tinahak ko na ang daan papunta sa  wash room Hindi naman yun malayo dito sa cafeteria  kaya ok  lang sa akin na mag isa ako.

Malapit na ako sa washroom ng may isang babae ang

Lumabas mula dun napatingin sya sa akin natatandaan ko sya, sya yung babaeng semi fire ang apoy na gumawa ng fire ball  na hindi  nakucontrol natatandaan ko sya ngingiti sana ako sa kanya ng bigla nya akong inirapan, napatungo na lamang ako ipag papatuloy ko na sana ang pag lagpas sa kanya "Ikaw si miracle ashtrid Samantha hindi ba?" napa harap ako sa kanya pero laking gulat ko ng nan lilisik ang mga mata nya kulang nalang tumarak ito wahh nakakatakot balak ata akong sunugin nito

Ano ba Sam umayos ka nga mukhang mainit Din ang dugo ng isang to sayo

"Ano tutulala ka lang dyan hindi mo balak sumagot?" taas kulay na sabi nyang muli

"Ah ohh oo, Ba-Bakit..  Ahhh aray ko bitawa mo ko!" hindi  ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang higitin ang buhok ko ayyst  ang sakit

"Bi -bitawa-wan mo ko" nasasaktang pakiusap  ko

'OK masunorin naman ako" akala ko talagang binitawan na nya ng maayos ang buhok ko pero mali ako 

BLAGG!

"AHHHHH!" napadaing nalang ako dahil ibinalya nya ako, tumama ang likod ko sa isang  pader

"Ahh ano bang pro-problema mo?" nahihitapang tanong ko "IKAW! IKAW ANG PROBLEM KO! ANG LAKAS NG LOOB MO PARA MAG PAPANSIN KAY PRINCE ACER AKIN LANG SYA!"

nagulat ako sa sinabi nya napatingin ako sa kanya nagulat ako dahil nag aalab na sya sa galit sa akin .

Kahit na nasasaktan  parin ako dahil sa pag kakabalya ko at kinakabahan ako Hindi nila ako katulad sya may rune sya, ako wala anong laban ko "Hindi Mga kaibigan ko lang sila!" sabi ko ng maka ayos ako ng tayo

"KASINUNGALINGAN ISA KANG MALANDI INAAGAW MO SI PRINCE ACER SA AMING MGA MATAGAL NG RUNERS HINDI SILA NAKIPAG KAIBIGAN, SA IYO PA KAYA NA WALANG KWENTA

HUMANDA KA!"

Malakas nyang sigaw napatingin ako sa mga kamay nya

O__________________O

Acer ash POV

Kanina pa namin inaantay si Mira simula din nung umalis sya nakaramdam na ako ng hindi maganda ewan  ko ba

"Puntahan na kaya natin si sam?" biglang pag sasabi ni lex malakas pakiramdam nito e "Oo Nga baka nakatulog na yun!"  pag sangayon naman ni lisha nag tayuan na kame sa kanya kanya naming pwesto ano ba kaseng ginawa ng babaeng yun at ang tagal tsk

"Baka nag gebs Acer wag mo na kaisipin"  napalingun ako kay fleus ng masama binasa nya ang nasa isip ko ngumiti lang naman sya ng may pang aasar pinakita ko sa kanya ang kamay kung nag aapoy. Malapit na kami sa may washroom ng nagulat kaming lahat sa nakita namin, yung babaeng semi fire lang ang rune at nag aapoy ang kamay nasa harap nya ang gulat na gulat na si Mira.

Miracle Ashtrid Samantha POV

Di ko na alam ang gagawin ko, sasaktan ba nya ako? Ang tanga mo Sam sumusugod na nga sya eh malamang sasaktan ka nya, whaa ayaw ko pang mamatay wala pamandin sila Alisha para gumawa ng shield kagaya nung nandun kami sa grand hall! Inihagis na nya sa'kin yung fireball at para akong tangang pumikit lang at isang malakas na inerhiya ang naramdaman ko at feeling ko bibigay ang katawan ko at di ko man naramdaman ang pagtama ng fireball sa akin nang hihinang nawalan ako ng Malay.

Acer POV

Inihagis na nung babae yung fireball Kay Mira ang tanga ni Mira pumikit lang, malayo pa kami pero agad akong tumakbo para sana tulungan si Mira pero napahinto nanaman ako biglang magkaron ng fire shield na nagprotekta Kay Mira at ano yun? Kakaibang fireblades ang lumabas at kasabay ng pagtama ng fireball sa shield ay ang pag atake ng fire blades sa babae nagulat din ang babae at Hindi nakaiwas, tinamaan ang babae sa ilang parte ng katawan at kung tunay na fire blades yun alam Kong malalim ang natamong sugat nung babae napatingin ako kela Athena at alam Kong gulat din sila at nagtataka akala nila sakin galing yung shield at blades  umiling ako para sabihing Hindi galing yun sakin, at muling pagka gulat ang nakita ko sa kanila bumalik na ang tingin ko Kay Mira Napa takbo akong muli ng makita Kong babagsak na sya dahil nawalan pla sya ng Malay, sakto ang pag dating ko nasalo ko si Mira pero nagulat ako kulay pula ang mata nya, bakit pula ang mata nya? Ibig bang sabihin nito pure fire rune ang meron sya? Pero ako lang dapat ang pure fire? At  kung sa kanya galing ang rune na yun sigurado akong napagod sya dahil Hindi pa sya bihasa sa pag gamit ng rune nya anong klaseng runer ka ba talaga Mira? Bakit noong una wind, Bakit ngayon fire naman? Ano pa ba ang hiwagang ipapakita mo?

***************