webnovel

Chapter 4

Miracle ashtrid Samantha POV

Parang kahapon lang nasa kalye lang ako palakad lakad Hindi alam ang pupuntahan hindi sigurado ang kaligtasan dahil baka mamaya may bigla nalang mag nanakaw sa kalye teka may nanakawin ba sakin parang wala naman pero seryoso ngayon nasa maayos akong lagay apat na araw na ang nakalipas simula nung mapunta ako dito sa crystal light at hanggang ngayon Hindi pa rin ako maka paniwala sa ganda ng lugar na'to alam na din head ang tungkol sakin at wag nyo ko isusumbong guys yung head dito kapatid ata ni Master jericho ng ghost fighter hehe ang liit Hindi nga ako makapaniwala nung una e hinigit ko pa nga magkabilang pisngi nun kung tunay haha at dorm pala tong bahay na ito dito sa loob ng academy grabe namamangha talaga ako hindi ko pa man ito nalilibot pa ang kabuuan ng lugar na ito na mamangha na agad ako pano pa kaya kung buong lugar na dito sa light academy yung mga dorm dito style ng mga bahay pero may ranking ang bawat bahay dito kung ano ang level ng rune mo ganun kaganda at Garbo ang bahay mo kung ikaw ay isa sa mga water rune ang kulay ng bahay mo blue at kung wind naman green sa earth naman brown sa weapon naman gray sa fire namn red oh diba may alam na agad ako kahit papano tungkol dito sa light academy ikaw na sa daldal ba naman ng mga kasama mo sa loob ng isang bahay isa lang ata ang Hindi umiimik sa akin yun ay wala ng iba kung hindi yung pinaglihi ata sa sama ng loob na si Acer laging naka simangot sa akin bahala sya sa buhay nya kanya kanyang trip nga diba? "HOY MIRACLE ASHTRID SAMANTHA BABAENG MAY NAKAKAPAGOD BANGGITIN NA PANGALAN BABA KA NA DITO!"

Wahhh sigaw ng may megaphone sa bunganga na si Alisha "Hala! OO pababa na!" sigaw ko pabalik mamimili nga pala ko ng gamit ko dahil dito na ako nakatira dito ako mag aaral kinakabahan akong ewan unang beses ko ata no kaylangan ko din makibagay sa kanila dahil hindi na normal world ang iniikutan ng mundo ko "Hay nako ang tagal mo grabe!" bungad na salubong sa akin ni Alisha nakapa-maywang pa sya ng lagay na yan "huh? hehe pasensya naman" sabi ko nalang

"Hoy lisha kahit kaylan napaka hyper mo ang ingay ingay ng bunganga mo!" biglang sangat naman ni lex

"Hoy kading bakal ka pakialamero kalawangin sana yang dila mo" sagot naman ni alisha sabay kapit sa braso ko nagkatinginan kame ni Athena at sabay na napailing haha sa ilang araw ko palang na kasama silang lima nasanay na agad ako sa kaingayan ng dalwang aso't-pusa na si lex at lisha ang cute nila tingan si Athena na sobrang hinhin pero my sadyang kakalogan pag naandito na sa loob ng bahay si fleus na mabait at mahilig mang basa ng isip sarap batukan kung hindi lang ako na gagwapuhan sa kanya "nako salamat Sam" napatingin ako kay fleus ngumiti ito ng nakakaloko at wahh binasa nanaman nya iniisip ko ayan ganyan ang sinasabi ko sa inyo nakakaloka sila pero isa lang ata Hindi ko pa kinasasanayan napatingin ako kay Ash na tahimik lamang simula ng dumating ako dito Hindi ko pa ata nakitang ngumiti yan ewan Hindi ko Alam kayo ba alam nyo? minsan naiisip ko baka ayaw nya ako dito sa bahay nila nainis din ako parang ang cold nya sakin Hindi naman ako masamang tao ah bahala nga sya sa buhay nya nag lalakad kame ngaun papunta sa Emporium dito sa loob ng academy para syang mall yung ganun akalain nyo yun napakalaki ng academy may mall dito sa loob nandito na kame sa Emporium at WOW lang guys ang masasabi ko ang gundo grabe gabi kase ngayon kaya kitang kita ang mga nag liliwanag na kalahi ni tinkerbell dito akala ko nung una alitaptap lang nang huli pa nga ako e pero nung maka huli ako naitapon ko yun bigla nag sisigaw pa ako, engkanto yun wahaha natatawa lang ako sa sarili Kong ka baliwan "HOY Sam Tulala ka dyan?" "ay KABAYONG SAM! ano ba lex? ba nakakagulat ka naman!" pagrereklamo ko

"Eh kase po kanina ka pa tulala dyan!" sabi naman ni fleus "nako nako pabayaan mo na yan sila Sam Tara na!' itong babaeng to basta basta nalang sya nanghihigit tss

End of Samantha POV

Acer Ash POV .

Apat na araw na syang nandito sa Crystal light masasabi ko normal lang talaga sya at mabilis nyang nakasundo ang apat na mga kulopong at masasabi ko din ilang araw na akong nabibingi sa kaingayan nila

pero pinagtataka ko padin na nakapasok sya dito maging ang head ng light academy nag tataka din .

FLASHBACK.

kinabukasan napag pasyahan naming pumunta kay Head master dito sa academy para sabihin ang tungkol Kay Ashtrid kasama din namin sya nandito kame ngayun sa Tapat ng pinto ng office ni head master ng mag salita ang Nasa loob

"Pasok kayo mga bata!" kahit kaylan ang lakas talaga ng pakiramdam nya tss. Papasok na sana kame nang nagsalita si ashtrid "wahh pano nya nalaman nandito tayo sa labas? hala baka multo yan!" natatakot na sabi nya gusto ko sana syang tawanan kung hindi lang talaga ako nag papaka cold sa kanya

"Ano ka ba Sam? sa mundo ng magic walang multo" biglang sangat ni fleus

"Teka alam mo ano ang multo?" takang tanong ni Athena napaisip din akong bigla alam nya ba

"Ah hehe hindi bakit masama bang mag feeling?" natatawang sabi fleus "Ano ba yan? na babaliw ako sa mga sinasabi mo Sam" bigla namang sabi ni lisha na parang nababaliw na talaga ayan ganyan ang mga yan ganyan ako nag titiis sa mga kalokohan nila .

"Naku tara na nga pasok na tayo!" sabi ni Athena Mabuti pa nga sa isip isip ko Tsk .

Pag pasok namin nakatalikod ang upuan ni head master nang humarap to nag bow kame mapwera kay Ashtrid dahil naka tulala syang naka turo Kay head master anong problema ng babaeng to ng bigla syang

"UHHHWAHHHHHHHHHHHH ANG CUTE" sumigaw sya at ano ang sunod nyang ginawa tumakbo sya papalapit kay head master at piniga ang magkabilang pisngi ni master lahat kame

O___________________________________O

Ganyan ka laki ang mata dahil sa ginagawa nya pati na din si master "aray awch ah ah itigil mo yang ginagawa mo" sabi ni master "wahhh ang Tinis ng Boses mo, wahhh kapatid ka ba ni jericho?" Galak na galak na sabi ni Ashtrid mukhang Hindi sya mapipigilan kaya naman hinigit na sya ni Athena at Alisha "Sam umayos ka sya Si head master" narinig ko pang sabi ni Alisha

"Wehh? Hindi nga? ang cute nya eh" sabi pa ni Ashtrid "ehem ehem" napatingin kame Kay head master at natigilan din yung tatlo sa pag uusap

Natahimik kame

"Anong kaylangan nyo?" tanong ni master kaya sinabi na namin ang totoong pakay namin at ipinakilala nadin namim si Ashtrid pero tanging sinabi lang ni master "aalamin natin ang totoo tungkol sayo" yun ang sinabi nya kay Ashtrid tumango lang naman si Ashtrid at nag paalam na kameng aalis nauna ng lumabas yung lima at ako nalang ang Hindi pa nakakalabas, paalis na din sana ako ng

"Acer Ash" Tawag sa akin ni master kaya napaharap ako sa kanya "master?" bangit ko "bantayan mo ang babae na yun nararamdaman ko mahalaga sya pero wala akong nararamdaman na kahit anong rune sa kanya" seryosong sabi ni master kaya tumango nalang ako at tuluyan ng lumabas

END OF FLASHBACK.

"Grabe ang ganda mo Sam! bagay sayo yang dress" "wahhh oo nga Sam ito pa Sukat mo din to dali dali!" nagising ako sa pag isip ko ng marinig ko ang napaka ingay na bunganga ni Alisha at himala pati din si Athena ang ingay

"Tss" "hoy Acer anong ni TSS TSS mo dyan huh? pumunta ka nga dito at tulungan mo na kameng mamili, patayo tayo ka lang dyan mahiya ka naman" napatingin ako Kay lex isa pa tong lalaki na to parang si lisha lang napaka ingay napailing nalang ako at lumapit na sa kanila

END OF ACER ASH POV.

Lisha POV .

Wahh ang ganda ni Sam pra syang Goddess busy ako sa pag pili din ng Sariling dress nang may babaeng napatingin sa direksyon namin tiningnan ko kung saan talaga sya nakatingin at nag taka ako ng Kay Sam talaga sya nakatingin napa tingin ako ulit sa direksyon nung babae at wala na sya asan na yun?

"Alisha, Alisha, HOY ALISHA!" "Ayy ang ganda ko! ano ba fleus Bakit ka ba sumisigaw huh?" nakapamaywang kong sabi sa kanya "Pano po kase kanina ka pa tinatawag sino ba tinitingnan mo dyan?" "ah ah ganun ba? wa-wala tara saan pa ba tayo pupunta?" nauutal na sabi ko lumapit na ako sa kanila baka namalik mata lang ako pero imposible naman ata lumingon akong muli sa direksyon kanina nung babae at wala naman talagang tao dun siguro nga namalikmata lang ako

END OF ALISHA POV

Miracle Ashtrid Samantha. POV

Wala ata kapaguran Ang mga to ah kanina pa kame paikot-ikot dito sa Emporium ngayun papunta na kame sa Delectus store ung book store ata yun kase maniningin lang daw kame ng mga libro ano naman kaya gagawin ng mga to sa libro ay malamang miracle babasahin wahh sige miracle barahin mo lang yang sarili mo huh? sige lang push mo yan nandito na kame ngayun sa Delectus store at kung kanina nahihilo ko sa sobrang ganda ng lugar ngayun naman nahihilo ako sa sobrang dami ng libro grabe "Tara na Sam!" napatingin ako Kay Athena at tumango naman ako tumingin tingin sila sa mga libro kaya ako ito naka tayo lang anong gagawin ko wala naman ako hilig mag basa hayst lumapit ako kay Alisha "lisha!" tawag ko Kay alisha "oh Sam bakit?" "ano Hmmn! punta lang ako dun tawagin mo ko pag paalis na tayo huh?" paalam ko Kay Alisha "ahhh sige!" punta ako dun sa parte nang mga lumang libro Ewan ko ba parang may nagsasabi sakin na pumunta dun e nakapunta ako sa parteng sulok ng mga lumang libro ng may napansin akong isang libro kulay gold ito Hindi sya kasinglaki ng mga libro dito kasing size lang sya ng wallet kinuha ko ito at "gusto mo? sayo nalang yan!"

"Ay kalabaw na sayo!" nagulat ako dahil sa nag salita sa likod ko pag lingon ko isa itong matandang babae nakangiti sya sakin "Ahh wag na po" sabi ko at ilalapag ko na sana ito pero pinigilan nya ako "wag na magagagamit mo yan sa oras na kaylangan mo ng malaman ang totoo" sabi nya kaya wala akong nagawa tumango nalang ako tiningnan ko ang libro "Anong totoo ang ibig mo pong sabihin?" tumingin ulit ako sa matanda at O______O wah wala na sya napatingin ako sa paligid ko at wala namang ibang tao dun hala napatingin ako muli sa libro pano ko to gagamitin e may lack niloloko ba ako ng matanda na yun pero di Bale na nga itinago ko na ang libro may maliit kase akong bag na dala bigay to sakin ni Alisha yung itsura ng libro gold nasa gitna yung lock nya may naka drawing syang star nakatingin lang ako sa kawalan ng

"SAMANTHA..." Lumingon ako sa sumigaw

Pero nawala din ang atensyon ko at napatingin din sa direksyon na tiningnan nya "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

BLAG BLAG PLAKK BLAG PLAKK"

mapapikit nalamang ako at napasigaw

END OF MIRACLE ASHTRID SAMANTHA POV

*********************************************