webnovel

Heart's Eyes (BL Short Story)

Dalawamput'lima lahat ang nasa loob ng classroom,isa na rito ang guro,ang mga makukulit at pasaway,ang compassionate na si LIA na bestfriend ng bulag na si YOLO. Tahimik ang lahat sapagkat may exam well hindi si YOLO at ang kanyang Braille o makinalya para sa mga bulag na katulad niya sapagkat maingay ito.Sa tuwing maririnig nila ang TING!sa tuwing matatapos ang kanyang pagtipa napapangiti ang lahat. Tak tak tak tak tik tak TING! Tak tak TING TING!

Maria_Na_Mapalad69 · Realistic
Not enough ratings
2 Chs

Heart's Eyes Chapter 1

Nakalaan ang lahat ng mga karapatan. Walang bahagi ng lathalang ito ay maaaring kopyahin, ibinahagi, o maipapadala sa anumang anyo o sa anumang paraan, kasama ang pag-photocopying, pagrekord, o iba pang mga pamamaraan sa elektronik o mekanikal, nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng publisher, maliban sa kaso ng mga maikling sipi na naka-embodied sa mga kritikal na pagsusuri at ilang iba pang mga non-komersyal na paggamit na pinahihintulutan ng batas sa copyright.

-2020

Char lang share mo basta yung credits ha!!

Don't expect to much newbie here! at saka naka script form ang mga sulatin ko parang dula-dulaan basttaaaaaa....

-----------------------------------------------------

ACT. ONE

INT.CLASSROOM-DAY

Dalawamput'lima lahat ang nasa loob ng classroom,isa na rito ang guro,ang mga makukulit at pasaway,ang compassionate na si LIA na bestfriend ng bulag na si YOLO. Tahimik ang lahat sapagkat may exam well hindi si YOLO at ang kanyang Braille o makinalya para sa mga bulag na katulad niya sapagkat maingay ito.Sa tuwing maririnig nila ang TING!sa tuwing matatapos ang kanyang pagtipa napapangiti ang lahat.

Tak tak tak tak tik tak TING! Tak tak TING TING!

MINIMAL NUMBER OF STUDENTS IN THE CLASS

What floor po?

WHOLE CLASS

Hahhahahahahah!

LIA(Naiirita)

Hindi nakakatawa!nakakarindi! paulit-ulit na lang yang Joke na yan wala na bang iba??!!

TEACHER

That's enough class!

ALL OF A SUDDEN MAY KUMATOK

Ito po ba ang classroom ni Miss Vangie??

*tanong ng isang lalaki na nasa pinto ng klase...

TEACHER

So you must be the new student? Find a seat. Class may bago kayong magiging part ng klase so I expect you to act as human...

Introduce yourself.

*utos nito sa bagong salta na Estudyante...

CHRISTIAN(Nahihiya)

Hi, ako nga pala si Christian...Kakalipat ko lang galing Albay...

Aray!

CLASS

HAHAHAHAHAHA!

YOLO(Pabulong)

Bakit anong nangyari ba't nagtatawanan sila?

LIA

Pinagbabato siya ng papel ng mga boys! Mga mongoloid talaga!(YOLO Smiling)

*DING! DING! DING!

TEACHER

Class dismiss! Magkakaroon kayo ng maraming oras para makilala siya sa mga susunod na araw!

*Natira na lang sa loob ng classroom sila CHRISTIAN,LIA at si YOLO.

LIA

Halika ka na Yolo,hawakan mo na kamay ko at aalalayan na kita!CHRISTIAN right? Ahm...taga saan ka?

CHRISTIAN

Dyan sa may kanto lang kakalipat pa lang namin last week.

LIA

Gusto mo sabay ka na sa amin!Doon din kasi ang daan namin.

CHRISTIAN

Sige.

-----------------------------------------------------

ACT. TWO

EXT. OUTSIDE SCHOOL-DAY

Huminto ang tatlo sa paglalakad sa harap ng isang apartment malapit sa school!Hindi kalakihan pero kapansin-pansin ito. Makulay ito parang isang bahaghari ---bahagharing bahay.

LIA

Yolo, yung susi mo.

*Binuksan ni LIA, ang garahe ng apartment kung saan nakatira si YOLO.

LIA

Kitakits na lang bukas.(Bestfriend handshake)Inabot din ni YOLO ang kamay niya kay CHRISTIAN!

YOLO

Bye! Christian! Nice to meet you.

*pumasok na si YOLO

CHRISTIAN

Bye!

*Sabay na naglakad si Christian at Lia.

CHRISTIAN

Lia,Saan ka pupunta akala ko parehas ang way natin?

LIA

Ah..hindi! Doon ako sa kabilang kanto.hinatid ko lang si YOLO.Lagi ko talaga siya hinahatid.

CHRISTIAN

Ooohh..Close siguro talaga kayo ni Yolo,sige ingat bye! Bukas na lang ulit!

Next School Day...

---------------------------------------------------------

ACT. THREE

EXT.OUTSIDE CLASSROOM-DAY

Sa sahig, sa tabi ng classroom nakahiga sa mga binti ni LIA si YOLO.

YOLO

Pag-ibig...

LIA

Ha!Pag-ibig?? in love ka na noh? hindi mo lang sinasabi sa akin.Yolo hindi ka dapat naglilihim sakin dahil bestfriend mo ako.

YOLO

Hindi noh!! At saka wala sa isip ko ang mga ganyang bagay.

*Susulpot from no where si CHRISTIAN.

CHRISTIAN

Paupo sa tabi niyo.

LIA

Sure. No problem. Upo ka muna ng maayos Yolo,makikiupo si Christian.

CHRISTIAN

Sobrang laki pala talaga ng School sa Maynila akala ko mawawala ako.

LIA

Ahm...exagerrated ka naman mawawala talaga??

YOLO

Christian,familiar ka na ba sa places sa school?

CHRISTIAN

Medyo,kakahiram ko nga lang ng libro sa library!

YOLO

Sasabay ka ba ulit sa amin pauwi ni Lia?

CHRISTIAN

Oo ba.Lia okay lang ba?

LIA

O..ahm..Oo sure walang problema.

-----------------------------------------------------------

ACT. FOUR

EXT. OUTSIDE CLASSROOM-DAY

Sa dating tambayan bago umuwi.Sa tabi ng classroom.Nakagiti si Yolo.

LIA

Anong nginingiti ngiti mo diyan Yolo?

YOLO

Ha? Ahmm...Lia, ano bang itsura ni Christian?

LIA

Anong ibig mong sabihin?

YOLO

A..a..ano yung mukha niya halimbawa yung ilong,kulay ng mata.

LIA

ahmm...Itim ang buhok,maigsi hindi katulad ng sayo sobrang haba matangkad hindi katulad mo bansot matangos ang ilong,brown eyes,makapal ang kilay,red lips,maputi,matipuno,at nasa tabi mo na siya.

CHRISTIAN

Uwi na tayo.

YOLO

Hi Christian.

CHRISTIAN

Ako na magdadala ng bag mo Yolo.

YOLO

Ah..si si sige...

LIA

Hindi na ako na lang Yolo ang magdadala ng bag mo.

YOLO

Sige na Lia uwi ka na...

*para itong bata na pumilit kay Lia na umuwi na at si Christian na lang ang magdala ng kanyang bag.

Next Day...

EXT. ON THE STREET GOING HOME-DAY

Katulad ng dati sabay-sabay umuuwi ang tatlo.Akbay-akbay ni LIA si YOLO at nasa kabilang side naman ni YOLO si CHRISTIAN. In others words,nasa gitna si YOLO.

CHRISTIAN

Malapit ka lang ba dito sa school Lia?

LIA

Medyo,dalawang kanto pag uwian nilalakad ko na lang pero kapag papuntang school nag tatrysikel ako.Yeah! Medyo malayo!

CHRISTIAN

Ahm...Lia,kung gusto mo ako na muna mag hahatid kay Yolo pauwi.

LIA

Okay lang ...ako na bahala sa kanya.

YOLO

Okay lang Lia,sige mauna ka ng umuwi.

LIA

Sigurado ka?

*tumango si YOLO

LIA

Yolo,ako na maghahatid sayo.

YOLO

Sige na Lia uwi ka na ba-bye...

*Hinawakan at pinisil ni YOLO ang kaliwang braso ni CHRISTIAN at lumipat ito sa kanang braso ni CHRISTIAN.

YOLO

Christian?? Nandito ka pa ba?

CHRISTIAN

Oh..oh..oo nan..nandito pa ako!

YOLO

Tara na!

-------------------------------------------------------

ACT. FIVE

INT.CLASSROOM-DAY

Si CHRISTIAN na nakaupo sa likod ni YOLO at si LIA na nasa tabi ni YOLO.

TEACHER

I decided na igrupo na lang kayo by pair. Ang mga babae dapat kapareha babae.Ang lalaki kapareha dapat lalaki rin.Choose your partner!

CHRISTIAN(tinapik si Yolo sa likod)

Yolo,tayo na lang!

YOLO

Tata...tayo na?

CHRISTIAN

Oo mag partner sa group activity?

*inosente nitong bulalas...

YOLO

Ah..oo sige partner ko...

CHRISTIAN

HA?

YOLO

Partner ko sa group activity...

Ext. OUTSIDE THE CLASSROOM-DAY

Breaktime!kaya dating gawi. Nakaupo ang tatlo sa sahig sa tabi ng classroom.

LIA

Oh my!Pala absent pa ang partner ko.wala na! Patay na ako nito! Sa library ako mamaya!Kayo saan kayo mamaya?

YOLO

Sa apartment ko!

LIA

HA!!!!??

YOLO

Nakakagulat ka naman.

CHRISTIAN

May problema ba Lia?

LIA

Good luck!Mauna na ako.Hay naku!!!(walk out)

YOLO

Hahahaha!Si Lia talaga...

CHRISTIAN

(staring at Yolo)ganyan ka ba lagi?

YOLO

Anong ganyan? Bansot?o Bulag?

CHRISTIAN

Bulag.

YOLO

Since birth.

CHRISTIAN

Okay lang ba?

YOLO

Depende.Nagagalit minsan.Well lahat naman nagagalit di ba? Lahat naman ng tao may rason para magalit, malungkot at magmahal.

CHRISTIAN

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nabulag ako.

YOLO

Yung mga dapat ikaw ang gagawa pwede mong ipagawa sa iba. Hari ng mundo...Hahahaha...

CHRISTIAN(natawa)

Yun ba lagi mo ginagawa?

*pabiro nitong sabi

Ahm.. Hindi mo pa nakikita mukha ni Lia.

*biglaang tanong nito...

YOLO

Malamang hindi pa!Hahaha!

CHRISTIAN

Sa tingin ko gusto ka niya.

YOLO

Malamang kasi bestfriend ko siya.

CHRISTIAN

Ibig kong sabihin,yung may feeling siya para sayo.Higit pa sa pagkakaibigan.

YOLO

Hindi yun.

CHRISTIAN(pakamot sa batok)

Paano mo nasabi?

YOLO

Ramdam ko..sabi ng papa ko kaming mga bulag may mga mata ang puso at ang puso hindi nagkakamali.

CHRISTIAN

Eh..ikaw may gusto ka sa kanya?

YOLO(nakasmile)

Wala...At saka may gusto akong iba?

CHRISTIAN

Mabuti naman akala ko may gusto ka sa kanya eh.

*napangiti si Yolo sa mga narinig mula kay Christian.

------------------------------------------------------

ACT. SIX

INT. YOLO'S APARTMENT-DAY

Maaliwalas ang kwarto ni YOLO.Tila lahat ng kulay ay nasa kwarto na niya.Binuksan ni YOLO ang pintuan at pinapasok si CHRISTIAN.

*Naghubad sa harapan niya si YOLO.Kita ang maputi at makinis nitong katawan na lalo pang pinakinang ng sinag ng araw.Kita ang collarbones nito,ang dibdib nito ay mamula-mula hindi na alam ni Christian kung isang katawan ng babae ang nasa harapan niya o sa isang lalaki ,Kumuha si Yolo ng damit at sinuot ito.

YOLO

Ayos! Presko na ulit sa pakiramdam.

CHRISTIAN

A..a...Ahm ahm..Pawis na ako!

*nabubulol nitong sabi...

YOLO

Siyempre naka jacket ka!hahaha

CHRISTIAN

Paano mo nalamang naka jacket ako?

YOLO

May secret eyes ako...nakikita ka ng puso ko.

CHRISTIAN(nakangiti)

Hahaha!Hinubad ko na...papatong ako sa mesa mo! Kailangan ko lang muna maghilamos! Saan C.R. mo rito?

YOLO

Sa may baba! sabi ni Lia kulay violet ang pinto nun.

----------------------------------------------------------

ACT. SEVEN

EXT.OUTSIDE THE CLASSROOM-DAY

As usual. Nakahiga sa mga binti ni LIA si YOLO habang kumakanta.

YOLO

ahm..gwapo ba ako?

LIA

Ha?!

YOLO

Seryoso..sa tingin mo gwapo ako.*umupo ng maayos.

LIA(Nakangiti)

Sa tingin ko oo!

YOLO

eh yung tingin ng ibang tao?

LIA(Natatawa)

Haha! Ewan ko..hindi ako marunong magbasa ng iniisip ng iba.

*Dumating si Christian.

CHRISTIAN

Uwi na tayo?

*Sa pag tayo ni YOLO.Umakbay ito kay CHRISTIAN imbes kay Lia.

YOLO

Nandito pa ba kayo guys?

LIA

Bilis..!!!gutom na ako.

YOLO(nakangiti)

Naka-jacket ka na naman Christian.

EXT. ALONG THE STREET-DAY

Sabay-sabay na naman sila naglalakad. Sa dating ruta papunta sa apartment ni YOLO.

LIA

Tapos na ba kayo guys sa assignment natin?

YOLO

Tatapusin na namin ngayon.

INT. YOLO'S ROOM-DAY

Busy ang atmosohere. Nakaupo ang dalawa habang nag-aaral.

YOLO

Ikaw ng sumagot sa ibang mga questions.Turuan kita mag-braille(inilapat ang mga daliri ni CHRISTIAN sa braille---books for blind)

YOLO

Hormones can affect the emotions of humans.It can also cause love and infatuation(reading through braille while holding CHRISTIAN's hand)

---------------------------------------------------------

ACT EIGHT

INT. CLASSROOM-DAY

Busy sina CHRISTIAN at YOLO sa paggawa ng kanilang assignment.

CHRISTIAN (pabulong)

Yolo, naiwan ko sa apartment mo yung jacket ko.

YOLO

Daanan mo na lang mamaya sa apartment ko.

CHRISTIAN

Hindi pwede. May pupuntahan ako.Dalhin mo na lang bukas dito sa school.Bye!

*Padating si LIA.

LIA

oh...Nasaan si Christian?

YOLO

Umuwi na may dadaanan daw siya....Ahmm..may gusto sana akong sabihin sayo.

LIA

Go! Ano yun?

YOLO

Hindi ko pwedeng sabihin dito.

LIA

Gaano ba yan kaimportante at hindi mo masabi dito?

YOLO

Huwag na lang!

LIA

Ano ba yan?!! Sabihin mo na!

YOLO

May iba pa bang tao rito?

LIA(Excited)

(nilapit ang mukha kay Yolo)

wala na umalis na sila...tayo na lang dalawa.Yolo?

*kinakabahan at tila may iniisip itong romantinkong tagpo at halata ito sa mga titig niya kay Yolo..

YOLO

May gusto ako kay Christian.

*biglaang bulalas nito...at lumayo ang mukha ni Lia na kaninay halos dumikit na sa mukha ni Yolo.

Narinig mo ba ako Lia?

LIA

Anong ibig mong sabihin na gusto?

YOLO

Gusto ko siyang maging boyfriend.

LIA

Gay boyfriend?

YOLO

Oo..kung ano man tawag mo dun.

*Ring ring ring!

LIA(sad)

ahm..tumatawag na si Mama. Kailangan ko pala umuwi ng maaga.

*Umuwi mag-isa si Yolo.

------------------------------------------------------------

ACT. NINE

INT. YOLO'S ROOM-DAY

Mag-isa.Medyo madilim.At gaano man kakulay ang kwarto niya nadadaig ng kungkot niya ang matitingkad na kulay sa kwarto niya.Nakahiga siya malapit sa bintana at naupo. Bumukas bigla ang pinto.

YOLO

Lia! Diyos ko po. Iniwan mo akong mag-isa. Akala ko di na ako makakauwi ng buhay. Iniwan mo ako pagkatapos ng mga sinabi ko sayo.Dapat hindi ko na lang siguro sinabi sayo na mahal ko si Christian...Lia? Nagseselos ka pa rin ba? Ito naman masyadong selosa...

*Lumapit sa kanya ang taong pumasok sa kanyang kwarto.Idinampi nito ang labi sa kanyang mga labi at lumayo papalabas ng kwarto.Naupo siya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Isa dalawa mga tatlumpung minuto bumukas na naman ang pinto...

*NAPATAYO SI YOLO...

LIA

Hay naku!Dapat talaga hindi na lang ako umuwi ng maaga.Pinaghugas lang pala ako. Nakakaloka!

*Nataranta si Yolo at may tila kinakapa sa kanyang lamesa.

YOLO

Li...Li...Lia? may nakikita ka bang jacket sa mesa?

LIA

hmm..wala.

YOLO

Tignan mong mabuti. Sa ilalim kaya ng kama o mesa?

LIA

Wala talaga! Okay ka lang ba? Nagiging hari ka na naman...

YOLO(smiling)

Oo! Okay na okay ako.