webnovel

Hug me

Napahiga sa semento ang estudyante habang kunot-noong tinititigan si Oisa sa loob ng jeep. Tatayo na dapat ito para gumanti pero mabilisan siyang sinipa at agad na pinatungan. Kaliwa't kanan ang pagsuntok ni Oisa sa mukha nito. Kahit apat na sila ang nagpapahinto, mabibigat pa rin ang mga pagtama ng kanyang mga kamao.

Umubo na ang estudyante ng dugo, halos hindi na makilala ang itsura nito. Hindi na ito makapalag at tanging pag-iwas na lang sa mga kamay ni Oisa ang nagagawa niya.

Nakaupo pa rin si Patricia at pinapanuod ang nangyayari. Hindi siya nakakaramdam ng takot kay Oisa, ilbis ay natatakot siya sa kahihinatnan ng mga kinikilos nito. Siya ang nabastos at siya pa ang nakaisip na saktan ang mga bata kanina pero kinakailangan niya pa ring umawat dahil 'yon ang tanggap ng lahat.

Bumaba siya ng jeep at nilakad ang daan papunta kay Oisa. Doon saka tumulo ang luha niya. The situation wasn't overwhelming to her anymore, he was. She was very thankful to Oisa dahil gumaan ang pakiramdam niya. Bawat hakbang niya, mas lumalalim, mas nararamdaman niya ang binata.

Iniangat niya ang kaliwang kamay at inipit sa daliri ang manggas ni Oisa saka hinila. Naramdaman ito ng binata kaya unti-unting bumalik ang katinuan niya at dahan-dahang tumayo.

Mabilis na napabitiw si Patricia at agad na napatakip ng mukha. Ilang segundong napatitig si Oisa sa itsura niya, na para bang sa segundong 'yon ay kinabisado niya na ang lahat sa dalaga.

"I..I..I'm sorry..." Hindi na siya naghintay ng sagot at mabilis na napatakbo.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

Mas lalo pa niyang binilisan at nilakihan ang mga hakbang habang walang tigil din ang pagtulo ng kanyang mga luha. Wala siyang destinasyon, ang gusto niya lang ay magpakalayo dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman.

Tangina Oisa. Pakiramdam mo ayos lang pero para sa kanya, kriminal ka na. Naalala niya muli ang itsura ni Patricia. Baka ito na ang huli... Her eyes, nose. Napahiyaw ulit siya, sinigurado niya sa sigaw na 'yon mawawala ang sobrang inis niya sa lalaking humalik sa kanya.

.

Nadala na sa ospital ang estudyante habang si Patricia at ibang nakasaksi ay nasa presinto. Tapos na pagtanungan sina Shane.

"Patay pare baka ikulong si Oisa."

"Baka hindi na lumaki ang kaso kung hindi siya magtatago," kabadong sambit ni Rome.

"Sana hindi magsampa ng kaso diba," si Jason.

"E pre, hindi na nga makilala yung bata. Galit na galit yung magulang," iritang pahayag ni Martin.

Sabay-sabay na napatingin ang apat sa kanilang guro na may kausap sa telepono. Walang sinuman ang umimik.

Papunta dapat sila sa studio na alam ni Jason dahil lahat naman sila ay may interes sa pagsasayaw, ang kaso ay hindi sila natuloy dahil sa aksidente.

"Yes sir," sabay baba ng telepono ni Patricia. Ang sabi ay papunta na raw ang pinsan ni Oisa at ang kasamahan niya sa trabaho na si Miriam. Pagod na pagod na ang dalaga dahil kulang siya ng tulog, bukod don ay 'di siya mapakali sa kakaisip kay Oisa.

Tama si Patricia, tama siya sa kanyang nararamdaman dahil pagkakita pa lang niya dito, may iba na sa kanya. Isang misteryo pa rin ang tingin niya sa binata. Napakaganda niyang isipin pero nakakatakot kilalanin. Pero bakit pa niya sinimulan?

Isang malakas na pagtalon ang naganap sa kanyang dibdib.

Hindi siya sigurado pero pilit man niyang itanggi, gusto niya pang mapalapit kay Oisa.

Nagbago ang ihip ng hangin nang may biglang dumaan na babae sa harap niya. Napatitig siya dito, damang-dama niya ang awra nito.

"Ako yung pinsan nung nagbugbog. Raquet," pagpapakilala niya sa officer.

Napatayo sina Shane, pati na rin siya. Sa pagtayo ay naramdaman niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod.

"Pat," alalay sa kanya ni Miriam. Gusto rin naman niya maabsuwelto si Oisa. It seems he did wrong, but for her, he was right.

"Ser, sa katunayan lumaban yung lalaki na 'yon sa Hermny para i-represent yung bansa natin. Kaso naaksidente siya at nagka-amnesia. Hindi niya na kilala ang sarili niya at nalimutan niya na rin ang talento niya sa pagsasayaw. Isipin niyo 'yon ser, parang wala ka ng purpose sa mundo. Baka pwede naman pababaan ang kaso. Ito yung mga papeles." Sunod-sunod na nilabas ni Raquet ang mga certificates at medical records ni Oisa. Parang isang normal na gawain para sa kanya dahil handang-handa siya.

Tumayo naman ang magulang ng batang nabugbog at lumapit sa officer's desk. Binasa ang pangalan sa papel, "Oisa Jorilla."

Jorilla...

Madami pang diskusyon ang naganap at sa huli'y napag-usapan naman ng mabuti ang kaso. Bumaba na nga ang araw at lumamig na ang paligid, napagkasunduuan na magbabayad na lang ng napakalaking 25 milyon ang binata. Magaling magsalita si Raquet kaya nadala niya pati ang magulang ng bata, pati na ang mga pulis. Naawa pa nga ang mga ito sa sitwasyon ni Oisa.

Umuwi na rin ang iba, tanging sila na lang ni Miriam at Raquet ang paalis pa lang.

"Miss," tawag sa kanya ng dalaga. "Una na ako!" saka siya tuluyang naglakad palayo.

Hindi man nagpaalam ng maayos si Raquet pero na-appreciate niya ang pagdating nito.

Minu-minutong napapasinghap si Patricia. Naglalakad na siya papunta sa kanilang condo. Pagkabukas niya ng pinto ay sinalubong siya nina Hanna. Sinubukan niyang ngumiti pero mabilis niyang in-excuse ang sarili para tumungo sa sariling kwarto. Sumalampak siya sa kama at agad na nakatulog.

"Ano oras mo balak umuwi?" tanong ni Raquet sa kabilang linya. Naka-loudspeaker ito.

Si Oisa ay nasa hindi kilalang lugar, nakaupo sa hagdan, sa tapat niya ay napakalawak na ilog. Malayo ang tingin habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa tuhod.

"Hindi ko alam."

"Laaa! Drama mo!"

"Hindi ko naman kasi talaga alam! Naliligaw nga ako, e."

"HAHAHAHAHAHA bobo mo."

"Oo na, bobo na."

"Boboka ang bulaklak papasok ang reyna. Sasayaw ng chacha ang saya-saya! HAHAHA-"

"Corny mo mamatay ka na."

"HAHAHAHA uy nga pala, halimaw ka bakit ka nagbugbog?"

"Bagong hobby," Oisa sighs. Naglolokohan na lang ata sila.

"Tigil-tigilan mo 'yang bagong hobby mo dahil wala na tayong mapupuntahan. Nagiging sinungaling na ako."

"Hindi pa ba?" napasinghap ulit si Oisa. Gusto niyang makita kung ano ng lagay ni Patricia. "Raquet, iuwi mo na ako."

"Umuwi ka mag-isa mo. Bye!"

Namura na lang niya ng malakas si Raquet. Nilalamig na siya sa kanyang inuupuan kaya napagpasyahan na niyang tumayo para umalis. Pumihit na siya patalikod at nakatungong lumingon. Nagpakawala ulit siya ng malalim na hininga at saka iniangat ang ulo.

Naglakad.

Isang hakbang.

Pangalawang hakbang.

Siya'y napahinto.

Napalunok.

"Paano?"

"I want to see you, Oisa."

Sabay na tumambol ang kanilang mga puso.

"Patricia."

Gusto yakapin ni Patricia si Oisa pero hindi niya alam kung pwede ba, kung ayos lang ba.

Gusto rin naman yakapin ni Oisa si Patricia pero hindi niya alam kung pwede na, kung ayos na ba.

"Alam mo ba kung paano mo ko natigil kanina?" tanong na lang ng binata. Hindi nakasagot ang dalaga. "Nakiliti ako, nakiliti 'tong tagiliran ko nang maramdaman kita sa tabi ko. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit naging ganito ang presensya mo sa akin. Nakakapagtaka, ramdam ko kung gaano kaliit 'yang kamay mo pero nahawakan mo na ang buong pagkatao ko. Nagising ako nang hinila mo ko. Natauhan ako na ikaw lang pala ang nakakaapekto sakin ng ganito."

Talo. Hindi na nakapagpigil si Patricia, mabilis niyang pinunan ang espasyong namamagitan sa kanilang dalawa at saka mahigpit na niyakap ang binata. Mas lalo niya pa itong hinigpitan habang binabaon ang sarili sa makisig na dibdib ni Oisa.

"Baka, wala ring masama," bulong ng dalaga.

"Akala ko galit ka." Binalik ni Oisa ang pagkakayakap kay Patricia at binaon ang ulo sa mabangong buhok niya. Nasakop ng kanyang malalaking palad ang likod nito.

"I still didn't asked for help but you saved me."

Nanatili silang nasa ganong sitwasyon. Mga kuliglig na lang ang naririnig.

Hope you'll enjoy reading Sometimes as much as I enjoy writing it!

ahhellainecreators' thoughts