webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · Teen
Not enough ratings
100 Chs

Chapter 61: Ako?

"Hi po Tito, Tita." bati nito saking mga magulang sabay pa ng pagmano. Si Kim ay gusto agad magpakarga sa.kanya.

"Baby, Kiki is busy." pigil dito ni Mama. Umiling lang ang bata. Humaba ang nguso't paiyak na.

"No. Kiki.." ngumingiwi ang kanyang labi. Nag-umpisa na ring mamasa ang gilid ng kanyang mata.

"Hehe. Ayos lang po Tita. Di naman po ako busy." paliwanag din ni Kian ng mapagtantong sya ang gusto ng bata. Kinarga nya ito ng walang kahirap hirap.

Don't ask about me. Tahimik lang ako dito sa gilid. Lihim na nakikinig sa kanilang usapan. "Anong ginagawa mo rito?. Mag-isa ka lang ba?." si Papa ang nagtanong.

"Actually po. Dito po ginanap ang pre-nup shoot." tunog nagdadalawang isip ito. Hindi ko alam bakit biglang may bumara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong lumunok. Kinailangan ko pang suntukin ng bahagya ang bandang dibdib ko para makahinga.

"Oh.." maging ang sagot ni Papa ay sapilitan din. Para bang ang lahat sa kanila ay awkward nang dahil sakin.

Naging tahimik ang grupo namin kahit na ang ingay ng aming paligid. Nasa Calle Crisologo kami, dagsaan ang mga tao pero heto ako, tutok pa rin sa isang tao. "Kiki, let's go." kukunin sana ni Mama ang bata sa bisig nya subalit mahigpit nitong niyakap ang leeg ni Kian. "No. No. No. Want Kiki."

Hay naku!. Problema to Ma!. Kunin mo na agad anak mo. Nakakahiya na masyado. Bulong ko to sa isip. Sana marinig nya.

"It's okay po Tita." nakangiti nya pang sabi.

"Hinde hijo. Baka nakakaabala na kami sa'yo. Magalit pa fiancée mo."

"Wala naman po sya ngayon dito Tita. Nauna nang umuwi ng Antipolo. Duon po ang last venue ng pre shoot."

"Ah.." sa loob loob ko to sinabi pero di ko namalayan na nasambit ko na pala. Napatingin tuloy sya sakin. May nagtatanong na mga mata. Yang mata mo boy, sana para sakin lang yan. Heck!.

"Kung ganun, bat ka nagpaiwan rito?." si Papa naman ito.

"Gusto ko lang pong libutin muna ang lugar bago tuluyang umuwi. Baka po kasi huli na tong labas ko na single ako. Hehe." alam kong peke yang tawa mo Kian. Wag kang ano dyan. Hindi pikit yang mata mo. Kaya wag mong ipilit na totoo yang ngiti mo.

"Ganun ba?. Gusto mo bang sumama nalang saming pag-iikot muna?. Tutal naman, ikaw ang gusto ng batang yan. Ayos lang ba sa'yo?." mabilis syang umoo. "Sabihin mo lang kapag napagod ka sa kanya ha. Nakakahiya tuloy sa'yo." ngumiti lamang sya.

"Wala pong anuman."

Nilibot nga namin ang tourist spot ng Vigan at talaga namang sobrang saya ng bata. Mabuti pa sya. Nakayakap na sa kanya. Buhat pa sya. At nagagawa nyang mapangiti ito. Ako ba?. Walang ibang ginawa ngayon kundi manahimik rito. Napapanis na laway ko. Gusto kong magsalita pero laging umuurong ang aking dila sa tuwing tumatama sakin ang kanyang mga mata. Sa tuwing naiisip kong, wala na talagang pag-asa ang salitang kami, bumabagsak ang tingin ko sa sarili ko. Nababawasan ang pagtingin ko sa future ko. Para bang, ayoko nang mag-aral at magbulakbol nalang.

"Tubig." inalok nya ako ng bottled water nang huminto kami sa gitna ng park. Hapon na at ilang minuto nalang para dumilim ang buong paligid. Nakatanaw ako sa maingay na fountain ng iabot nya ang hawak na tubig. Tumingin lang muna ako duon ng ilang segundo. "Nagpaalam sila Tita, magpapalit raw ng diaper si Kim." dagdag paliwanag nya.

Mama naman. Bat di mo ko tinawag?. Iniwan mo pa talaga ako ng mag-isa kasama sya?. Not saying na natatakot ako sa kanya. Di naman sya nakakatakot. Actually, matik na mamimilipit ang leeg mo kapag dumaan sya sa harapan mo dahil sa taglay nyang karisma.

"I never thought na magkikita tayo rito. it feels so..."

"Annoyed?." dagdag ko sa gusto nyang sabihin. He look at me. I look back at him. Sinalubong ko ang mata nya kahit nanginginig ang tuhod ko sa lakas ng pintig ng puso ko.

"It feels so nostalgic.." pagtatama nito sakin. "Nang makita kita, duon ko muling naramdaman ang totoong kahulugan ng pamilya."

Nahabag ako. Bakit pakiramdam ko, hindi sya masaya sa naging desisyon nya?. Bakit pagtinitignan ko sya, napakalungkot ng mga mata?. Bakit awa ang nararamdaman ko para sa kanya?.

"Bakit mas pinili mo pa ring sundin ang sinasabi nila kung ganun?."

Humakbang sya ng isa. Palapit sakin. Hahawakan nya sana ako kaso umatras ako. May parte sakin ang nanlumo dahil tinanggihan ko ang haplos nya. Mas nanaig lang sakin ang wag magpakalunod sa emosyon na humihila sakin patungo sa kanya.

"Dahil sa'yo." humakbang muli sya. Duon nya na ako mismong nahawakan sa balikat. Umawang ang labi ko. Anong ako?. Bakit ako?.

"Alam ko ang mga plano ni Mommy Kaka at isa ka roon pati na rin ang buo mong pamilya. Gusto ka nyang sirain lalo na si Tito sa kanyang trabaho. Gusto nyang sirain ang bawat taong maaaring hadlang sa gusto nya para sa kanyang plano. I never had any chance to explain this to you since then dahil inipit nila ako. Patatalsikin ka raw sa school kapag nagpakita pa ako sa'yo. Ayoko sanang gawin to pero kailangan Kaka. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang umoo nalang. Para akong ibon na ikinulong nila sa apat na sulok na hawla. Hindi makalipad. Ni hindi kayang iunat ang mga pakpak dahil baka ito ay mabali. Ayokong idamay ka nya lalo na ang masaya nyong pamilya sa anumang sigalot na nagaganap. Ayokong saktan ka pa nya dahil alam kong nasasaktan ka na sa naging desisyon ko."

I'm speechless!.

I don't know. Wala akong alam sapagkat ang nasa isip ko lang ay ang sarili ko. Hindi kailanman pumasok sa utak ko na may ganung ganap na pala na nangyayari.

"Pero hindi ka masaya Kian.." di ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin to sa kanya ngayon. Parang may ibang tao sa likod ko na nagtutulak sakin na sabihin ang nasa puso ko. "Iyon ang pinag-alala ko."

Niyakap nya ako. Nang naramdaman ko ang init ng kanyang mga bisig. Napunan agad ang kulang sakin. Nabuo ang nasirang pader na natibag kanina lang. "Salamat. Pero lagi mong tandaan. Hanggat ligtas ka't nasa school pa rin, nag-aaral. Kuntento na ako duon."

"Pero ikaw Kian?." nag-init na ang gilid ng mata ko. Di ko nga alam kung pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Wala akong pakialam.

"Wag kang mag-alala sa akin. Nakatayo pa naman ako."

Pinalo ko ang dibdib nya. "Nagagawa mo pang magbiro?. Ikaw talaga." nakita nyang umiiyak na ako kaya't sya na rin ang nagpunas ng mga luha sa pisngi ko.

"Damn!. Don't cry, please. Baka di na kita pakawalan nito." mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Sabing tumahan na e. Lalo pa akong naiyak. Luha na di galing sa sakit kundi luha na dala ng saya. Masaya akong malaman na he's doing it for me and my whole family. Tuloy, mas lalo ko syang ginusto.