webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · Teen
Not enough ratings
100 Chs

Chapter 43: His Mom

Tampulan kami ng tukso kahit noong pabalik na ng room. Muntik ko ng itago ang buong mukha ko't tumakbo nalang palayo. I'm not saying na di ako natutuwa sa ginawa nya. Kingwa!. Magmumura ako't lahat kung magsinungaling ako rito. Juicemiyo!. Sinong di lalaki ang ulo. Pagpapawisan ng noo. At lalong kakabahan ng ganito sa taong tulad nya?. Nasa kanya na halos lahat ng gusto ng isang babae. Pisikal. Check. Intelligence. Check tayo dyan. Active in sports. A big check. And lastly. Mayaman. A big big check. Di ko sinasabing, yung pera nya ang hinahabol ko ha. Sadyang kung susumain. Ganun halos lahat ang hiling ng isang babae sa kanilang dream guy. Pero I'm saying this today. Not me. Yes. Gwapo nya. May puntos sakin iyon. Matalino. Attracted ako sa mga ganung tao. Lalo na't consistent ako sa list ng honor students. I'm sorry. My standards sometimes is so high. And the truth is, bihirang maabot ng ibang tao yun. Active sya in sports. I'm not into sports but when it comes to basketball?. I'm into it. Si Papa ang naging kasama ko sa panonood duon. At ang huli. May kaya sila. Hindi ako kailanman nasilaw sa kayamanan ng iba lalo nya. Nasanay akong makuntento sa kung anong mayroon ako. May kaya din naman kami pero hindi tulad nila na sobra pa sa sobra ang kailangan nila. Nga lang. Hindi tulad ng pamilya ko ang pamilya nya. Sa madaling salita. Magkaiba ang mundong aming ginagalawan.

"Sige na Master, Karen. Enjoy!." pinagtulakan kami ng lahat na sumakay na ng sasakyan ni Kian. Nauntog pa nga ako. Kinapa ko iyon nung nasa loob na ako ng sasakyan.

"Nauntog ka?." he asked pagkatapos nya lang isarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. "Patingin nga." mabilis ang naging galaw nya't kinapa ang bandang noo ko. Tinanggal ko ang kamay roon saka nya naman hinawakan at hinipan ito. "Di kasi nag-iingat e." bulong pa nya habang patuloy na hinihipan ang aking noo. Para bang sa pag-ihip nya ay magagamot agad nito ang nauntog.

"Di naman masakit.." nakapikit kong sabi.

"Kahit na." anya. At habang ako'y nakapikit. Humihiling ako na sana magkaayos na sila ng Mommy nya. Ayokong maging ugat ng di nila pagkakaunawaan.

"Call your Mo--.." sasabihn ko sanang kausapin na nya Mommy nya ng may biglang dumampi na mainit na labi sa noo ko. Napadilat ako dahil pati hininga nya sinasalubong ang paghinga ko.

"What?." mahina nitong tanong. Di ako agad nakasagot ng sunod naman nyang halikan ang pagitan ng mata ko tapos ang tungki ng ilong.

Yung tagaktak na pawis ko kanina. Dumami ulit. Hindi init ang naramdaman ko kundi lamig. Nanginginig ako sa kilig.

"What are you saying?." ang tungki ng ilong ko ay dumidikit na sa ilong nya. Kingwa! Ano tong ginagawa nya?. Bwiset!. Kinakapos na ako ng hininga. Asan na ba kasi yung oxygen tank ni Bamby?. LoL.

Imbes sagutin sana sya ay mas pinili kong itikom ng mariin ang labi. Baka kasi duon ang isunod nya. What!?. Ugh!. Asa ka girl...

"What about my Mom?."

Gumalaw ang gilid ng kilay ko. Paano nyang nalaman na Mommy nya ang tinatanong ko kanina?. Di ko natapos yung sinabi ko diba?.

"Uhm.." ehem!.. Umayos ka lalamunan. Wag kang ano dyan. Dumilat ako at eksaktong pagtama ng mata namin ay hinalikan nya ako sa labi. Syempre. Kingwa!. Nanlaki mata ko. Dampi lang naman ginawa nya pero yung impact sa akin?. Jusmiyo!. Daig ko pa nanalo sa loto. Naka-jackpot ako!

"Hahaha.. why are you staring at me like that?."

"Eh kasi-.."

"Shhh... marinig ka nila." nilagay pa nito sa labi ko ang hintuturo nya para lang pahintuin ako saka inginuso ang mga tao sa labas.

Sa isip ko. Nailagay ko ang palad sa noo. Oo nga pala. Paanong nawala sa isip ko na nasa school pa pala kami?. Naku naman oo!.

Natatawa lang sya sakin ng salitan ko silang tignan. Ang mga kaklaseng nagkakagulo pa yata sa labas at sya na hindi maalis sa labi ang magandang ngiti. He opened the windows at nakipagkamay pa sa mga kaibigan nya.

"Bes, bukas ha?." bigla bilin sakin ng bakla. Nagtaka ako. Anong meron bukas?. I asked myself pero nung napagtanto ko kung anong gusto nyang iparating?. Napakamot nalang ako. Tsismoso talaga. Kwento na naman kailangan neto. Bahala sya. Di ko ugaling magkwento. Sa totoo lang. Depende pa sa mood ko. Kaya maswerte sya kung matsambahan nya ako bukas na nasa tamang huwisyo.

Nagpaalam na sya. Ganun rin ako. Nauna kaming umalis sa grupo. Ang sabi nya ihahatid nya ako. Ang sabi ko din naman. Umuwi ka na sa inyo.

"Yes po boss." nakangiti nya pang itinango ito.

Pero nung nasa bahay na kami. Nagulat kami sa kausao ni Mama. Ang dinig ko lang. Mommy.

Sya yung Mommy nya?. Ang ganda nya. As in. Kulay porcelana ang balat nito. Ang damit ay paniguradong hindi lang basta na damit. The way she moves pa?. Susnako!. Parang umaatras na paa ko.

"Tara duon." inalalayan pa nya ako palapit sa pintuan ng bahay dahil duon na sila nakatayo ni Mama.

"My goodness Kian!. Umuwi na tayo!." di pa man kami nakakalapit ay halos humisterya na ito sa galit. Kagat labi kong kinalma ang sarili. Nakakatakot naman sya.

"Mom, this is Karen.." binalewala nito ang sinabi ng Nanay at ipinakilala pa ako sa kanya na si Mama dapat ang gagawa nuon.

Nalipat sakin ang mataray na mata ng Mommy nya. Nagitla ako. Parang sa isang iglap ay, nahigit ko ang aking paghinga kahit hindi naman sana. "Oh, so you are Karen?. Nice meeting you hija." ngumiti sya't binigyan ako ng maingat at marahan na halik sa pisngi.

How to be you po?. Di ko yata sya keri mga beshie.

Tapos iyon na. Nagsalita si Mama at pinapasok kami sa loob. Sinabi nyang ako yung ikatlo sa magkakapatid and so on. Na halata namang hindi iyon ang sinadya ng bisita. Hindi ako ang gusto nitong makita kundi ang anak nya.

"But Mom. Ayoko." nagpaalam na ang mga ito pero di pa man sila nakakaalis ng bahay ay nagkasagutan na sila.

"Know that this is for your own good." giit pa ng Mommy nya. Napalobo ko ang labi. Hay... Ang taray nga nya. Kilay palang bes. Nakakatakot na.

"Kailan pa naging good ang ginawa nyo Mom?." kalmado nitong sagot sa Nanay. Behave Kian. I'm watching.

"Anak. Di ko naman ito ginagawa para sa sarili ko o namin lang ng Daddy mo. Gusto lang naming maging masaya ka."

Suminghap si Kian. Namaywang at tumingin sa malayo. Tinalikuran ang kausap. "Kailan nyo ba maiintindihan na wala sa materyal na bagay ang kaligayahan ko Mom?. Hiniling ko ba sa inyo ang gawin iyon?. Hindi naman diba?. Paano ako magiging masaya sa desisyong kayo lang ang gumawa?."

"Kian?." tumaas ang boses ng Mommy nya. Napatingin pa sa amin. Napaatras kami ni Mama at hinila na nya ako papasok ng bahay.

"Pumasok ka na sa loob Karen." utos sakin ni Mama pero di ko ginawa. Imbes, sumilip pa ako sa may bintana. I want to know that he is okay.

"Fine. Uuwi ako pero di ko gagawin ang gusto nyo."

"Pero Kian?." ng Mommy nya.

"Mamili kayo. Uuwi ba ako sa inyo o sa inyo na ang pride nyo?."

Natahimik ang Mommy nya. Hanggang sa pinanood nalang nya ang anak nyang sumakay ng sariling sasakyan saka pinaharurot ng matulin.

Be safe please. You'll gonna be okay. Bulong ko sa sarili.

Bakit kaya may mga taong hindi marunong makinig sa opinyon ng iba?. Hindi ba sila aware na hindi lahat ng sa tingin nilang tama ay tama?. Na ang mali ay mali?. Minsan sa buhay ng tao. Tama ang mali at mali ang tama.