webnovel

Chapter 12.

Mariin ako'ng napapikit nang makita ko sa screen ng cellphone ko kung sino ang tumatawag.

It's Jaden.

I know, magtatanong sya. Bigla na lang kaming nawala ni Syd kagabi. Pero ayoko naman isipin nya iniiwasan ko sya. So huminga ako ng malalim bago sagutin ang tawag nya.

"H-hello.."

"Hey.. Are you busy? Pasensya ka na if i called." His voice sounded relief. I mean, kung yung presence nya eh parang sunshine in the morning, yung boses nya naman sa phone man o personal eh parang tipong kasagutan sa mga problema mo.

I bit my lower lip before i answered. "Yeah, it's fine. Hindi naman ako busy. Pasensya ka na din kagabi.." I don't even know kung ano sasabihin ko kung saan kami pumunta.

I heard him chuckled at the end of the line. "It's okay. No need to apologize. I just wanted to know kung safe ka ba na nakauwi."

Na guilty ako bigla ng walang dahilan.

Hindi ko talaga alam kung bakit parang wala ako'ng ibang iniisip o nakikita kapag si Syd na ang kasama o kausap ko. This is insane. I'm so into him. At may nangyari na sa amin. Its' not me Pero parang para kay Syd, gagawin ko ang lahat.

"So.. sige, iyon lang naman. See you again when i see you."

Hindi nya na ako hinintay sumagot dahil pinutol na ni Jaden yung line.

Ilang segundo din ako'ng napa titig sa cellphone ko bago ako tawagin ni mommy. She knocked on my door before she called my name.

"Andrea, kakain na."

"Okay mommy. I'll be there in a minute!" Agad ako'ng tumayo at nag ayos ng sarili. Mula nang ihatid ako ni Syd kanina, hindi pa sya nagtetext o tumatawag. I know na hindi naman ako dapat mag panic. But hell, I've seen people na porket may nangyari sa kanila ng boyfriend nya, hindi na sila kinontact ulit.

I trusted Syd. Pero kinakabahan talaga ako.

Nakatulog ako agad nang makauwi na ako. Wala na si mommy nang dumating ako. Hindi na ako nagpahatid kay Syd hanggang sa unit. Sa hotel pa rin daw sya nakatira. Gusto ko sya'ng tanungin bakit hindi sya nakatira kila Jaden pero natatakot ako na umiba ang mood nya.

Paglabas ko ay nag hahain na si mommy. Hindi ko nga alam bakit maaga sya naka uwi ngayon. Usually 7 to 9pm ang uwi nya. Pero ngayon, kaninang 5pm pa lang nandito na sya kaya nakapag luto sya.

"Ano'ng meron mom? Bakit maaga ka po yata?" I asked her as i approach our table.

Humarap na sya at dala nya na yung mangkok. "I have something to tell you." Tapos naglakad na sya palapit at inilapag na yung mangkok.

Nilagang baka. Wow. Mukhang espesyal ang sasabihin ni mommy.

"What is it?" I grinned. I'm hoping naman kasi na magandang balita sasabihin ni mommy. These past few days kasi hindi na kami masyado nakakapag usap ng maayos.

Umiwas ng tingin si mommy, which is weird since she's not the kind. Kung may sasabihin sya, sasabihin nya.

"Mom? What is it?" Gusto ko nang humigop ng sabay kaya inilapit ko na sa akin yung mangkok.

"Y-you're father wants to meet you."

Napatigil ako sa ginagawa ko, tapos tiningnan ko si mommy. Naka tungo lang sya.

"What? Who?" The word FATHER became stranged to me simula ng magka isip ako. And hearing it from mom is quite unnatural.

She smiled, pero halata na pilit. "Your father wants to see you and talk to you."

Tumawa ako. "Father? What does it even mean?" Tapos umiling iling ako at itinuloy ang pagkuha ko ng sabaw ng nilagang baka.

Hindi nagsalita si mommy.

Sumubo na ako at hinahayaan ko lang sya. Nakatungo lang si mommy sa table.

Then i heard her sign on my fourth mouth full.

"Andrea.. hindi naman kita pinalaki ng may galit sa papa mo, eh. Don't do this." Halatang hirap na hirap si mommy.

Inilapag ko yung kamay ko na may hawak na kutsara at tinidor. Nilunok ko yung nginunguya ko before i said something. "Sorry, mom. Pero para saan pa? Bakit? I'm not being a brat pero kung ngayon lang sya magpapakita ng concern nya, wag na lang."

There's this feeling inside me na gusto ko makita ang papa ko. Kung magkamukha ba kami o may ugali ba sya na magkapareho kami. Pero kung iisipin ko yung ginawa nya kay mommy before i was even born, nasasaktan ako.

"Andrea.. he just want to meet you." Mariin pero mahinang sabi ni mommy. "I-" Bigla ay pumiyok si mommy. Napa nganga ako. Parang hirap na hirap sya magsalita. "I wanted you to meet him too. Even just for the last time.."

I froze when she said that. "What do you mean?"

I saw a tear slip mom's left eye. "He's dying." Tapos tumingin sya sa akin. "He just want to meet you, Andrea. Kahit man lang isang beses. Galit ako sa kanya dahil hindi nya ako pinanagutan, pero lumipas ang panahon at kinalimutan ko na iyon. Ngayon lang ako hihiling sayo. Please, meet your father."

I sighed. "O-okay.."

After that wala nang umimik sa amin.

We just ate as if hindi namin napag usapan na mamamatay na ang tatay ko na hindi ko pa nakikilala. Gusto ko maramdaman yung sakit, pero wala. He was never there. At kahit sya yung tatay ko, wala akong makapa na puwang sa puso ko na para sa kanya.

But he's dying. Hindi ako ganoon ka cruel para hindi man lang sya makita bago sya pumanaw.

Naghugas ako ng pinagkainan namin at dumiretso sa kwarto. Nag halo halo na ang isipin ko. Si Syd at ang nangari sa amin. Ang tatay ko na mamamatay na.

Naka harap lang ako sa laptop at tulala nang mag ring ang cellphone ko.

Tamad na tamad na ako na sagutin. When i saw Syd's name, aaminin ko na naexcite ako. Pero dahil nasa gilid pa rin ng utak ko ang tatay ko, hindi na ganoon ang saya ko.

"I miss you." His sexy voice resonated in my ear. I wanted to see him in that instant and hug and kiss him.

Hindi ko napigilan ngumiti at kagatin ang lower lip ko.

"Same here.." Mahinang sagot ko. Ngayon pa talaga ako nagpakipot.

"Sorry i called late. Got caught up with some things. Are you better now?"

That question made me feel the heat up to my cheeks.

Nasa kotse kasi kami kanina when he asked me if i still feel sore.. down there. Hindi ako sanay, and he just laughed at me. He said na concern lang naman sya. I know he is.. pero nakakahiya. Nahihiya pa rin ako sa kanya.

"I'm fine.."

He laughed. "Hey.. hanggang ngayon ba naman nahihiya ka pa sa akin? Nasaan na ang palaban na chix na kapit bahay ko?"

Tumawa na rin ako. "Oh, you mean the one who almost had cat fights with your bitches?" Sabi ko in between laugh.

"Yeah, that one."

"She's still here. But since sa kanya ka na naman, no more bitchy moves na muna." Then i paused for a while. "But seriously. No more bitches, ha?"

"Yes, boss. I promise, Angelique. I love you."

That three word again. Kulang na lang maglupasay ako sa kama. He sounded so sincere. So true. Damn it, Syd. Naloloka ako sayo.

Sa sobrang kilig hindi ko na napansin na ang tagal ko palang hindi nagsalita.

"Are you still there?" His voice sounded amused.

"Ah, yeah. I-" I paused. Sasagutin ko pa ba sya?

I heard him chuckled again. "Say it. I'm waiting."

I smiled. "I love you too, Syd. I'm glad you're my first."

Sa lahat ng gabi, ngayon ang pinaka mahaba para sa akin. Our conversation was brief and precise, pero buong gabi ko iyon na inisip. May part pa rin sa akin ang hindi makapaniwala. We said our I love you's and i don't care kung ano ang mangyayari pa. Basta ramdam ko na sincere sya sa akin.

The week came fast at weekend na naman. I'm a bit disappointed na hindi kami nagkita ni Syd ngayong linggo. Kahit na madalas nya ako'ng tawagan, pakiramdam ko ang dami nyang nililihim. He doesn't answer straight whenever i ask him kung ano ang ginagawa nya or kung nasaan sya. Madalas sa text lang sya nagsasabi that he'll be out for the night.

Madaming disappointments. But i guess, kailangan ko rin syang intindihin. He might be new to this as i am, at iba ang ideals namin when it comes to realtionships.

"Hindi ka susunduin ni Syd?" Marco's innocent question made me realize na never pa ako sinundo ni Syd. Not before, not this entire week. Not that it's his obligation.. I just think it's nice if he would.

Umiling na lang ako at kunwari nag ayos ng gamit. It's our dismissal, at as usual at sabay kami ni Marco lumabas. I was playing with my car's key when i my phone rang.

Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon ng makita ko na si Jaden ang nasa kabilang linya.

"Hey! How are you?" Agad ko'ng siniglahan ang boses ko.

I heard Jaden coughed. "Uh.. I'm fine. Are you with Syd?" I can feel the sudden urgency in his voice.

Napatigil ako sa paglalakad. "Uh.. no. Why? Hindi pa kami nagkikita this week." Nahihiya ako sabihin iyon, but i don't know what came into me to say it to Jaden. There's a part of me na gustong ipangalandakan na exclusive kami ni Syd.

Unlike what other people know about Syd. He told me he loves me, i love him and i believe him. People might think it's foolish pero iyon ang nararamdaman ko. I love how Syd seemed to change his ways.. for me. But i love him nontheless.

"Oh, okay. A-akala ko kasi.. Uhm.. I have to go, Andrea. Take care." Hindi pa ako nakakasagot pero naputol na ni Jaden ang linya.

"What's wrong? Was that him?" Bumalik si Marco at tumayo sa harap ko.

Dinaraanan na kami ng ilang studyante pero naka tayo pa rin ako sa gitna ng hallway. Binundol ng kaba yung dibdib ko. Why would Jaden call me if i am with Syd kung pwede nya naman ito tawagan ng diretso? I scrambled to my things and look for my phone. Hindi ko na nagawang sagutin si Marco.

Unattended. "Damn." I silently cursed.

"Hey.." Tawag ulit ni Marco.

"S-sorry. Si Jaden kasi tumawag, hinahanap si Syd."

Tumaas ang kilay ni Marco. "Why? Wala ba syang number ng kapatid nya?"

I bit my lower lip. Hindi ko sinagot si Marco. Imbes ay linagpasan ko sya at naglakad papunta a parking lot.

"Hoy, what's wrong with you?" Hinila ni Marco ang braso ko bago ko bukan yung pinto ng kotse ko.

"S-sorry. I have to go. See you!" Sabi ko na lang tapos inalis ang pagkakahawak ng kamay nya sa akin. Nagmamadali ako na sumakay sa kotse ko.

I don't even know where to go. Ilang ulit ko pa na tinawagan si Syd at paulit ulit lang na unattended daw ito.

Kinabahan kasi ako sa way ng pagtatanong ni Jaden. There's definitely something wrong. Tapos hindi na din ako hinayaan ni Jaden naagtanong.

Ilang beses na ako'ng napapa mura habang hindi ko pa rin ma reach si Syd. Where the hell is he?!

Malapit na ako sa amin nang mag vibrate ang cellphone ko. I was hoping na sya na iyon kaya diniretso ko na sa parking space ang kotse ko bago kunin sa bulsa ko ang cellphone.

"Where the hell were you?" Di ko napigilan ang iritasyon sa boses ko.

"Hey, hold up. Kakagising ko lang. Something wrong?" His voice sounded like he really just woke up.

"Jaden was looking for you." Pinakalma ko ng kaunti boses ko.

Hindi ko alam kung bakit narinig ko lang boses nya, nakalimutan ko na lahat ng mga tanong na gusto ko itanong sa kanya.

"Fuck. I'll call you later." He said under his breath.

"Syd-" Gusto ko pa sana sya makausap pero wala na sya sa kabilang linya.

Napabuntong na lang ako.

I wanna tell him na pakiramdam ko wala lang ako sa kanya. I can have time to see him if he wants, pero ni minsan hindi sya nagtanong o nag aya na magkita kami this week.

Unti unting bumabalik ang takot ko. Paano kung simula na ito ng pag layo nya at pagkawala nya ng interes? He already got me. I want to think otherwise but i know na malaki ang possibility.

But he said he loves me.

Tanga! He can always say it and don't mean it. Napasabunot ako sa sarili ko. Agad ako'ng lumabas ng kotse. I feel suffocated all of a sudden.

Nag shower ako pagdating ko sa bahay. Hindi ko pa rin maiwasan ang mapasulyap sa pintuan ng dating unit ni Syd. I wish he was still there.

Hinintay ko ma tumawag sya pero wala. Naghapunan na ako when i decided to call him. I just wish to see him. I need to know na hindi lang biruan yung pag cocomprise namin sa hotel.

"What?!" Pagalit yung pagsagot ni Syd.

Hindi agad ako nakapagsalita.

"Angelique." Sabi nya ulit, this time ay mahinahon na.

"Uhmm.. You said you'll call.." Hindi ko na kailangan tapusin. I knlw he get it.

"Oh. Yeah. I forgot. Sorry." He said coldly as if it's not a big deal.

Pakiramdam ko ay sinampal ako the moment that i got his uninterested voice.

"Syd.. are you okay?" Tanong ko na lang.

"Yep. What do you want?" Halata pa rin ang iritasyon dito pero halata rin na pinipigilan lang nito iyon na mahimigan ko.

"Wala naman. Sige." Yun lang tapos ako na ang una nagbaba.

What the hell went wrong?