Now playing: Home - Reese Lansangan
Felicia's POV
Kanina pa ako naghihintay kay Skyler pero hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi.
Nag-prepare pa naman ako ng dinner naming dalawa. Hmp! Tapos hindi niya man lang ako uuwian ng maaga?
Hindi ko mapigilan ang hindi magtampo at sumama ang loob.
Alam naman niyang special ang araw na ito para sa amin tapos iyon pa talaga ang nakalimutan niya. Panay na lang siya trabaho. Panay na lang business travel. Wala na siyang oras sa akin.
Sa amin.
Sabay hawak ko sa tiyan ko ngayon na medyo lumulubo na.
Muli akong napabuntong hininga bago tinignan ang oras sa aking wrist watch. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na akong nag-check ng oras.
'Pag 'yun talaga umuwi ng disoras ng gabi, sa labas talaga siya matutulog ngayong gabi.
Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa marinig ko ang boses ni Autumn na hinahanap ako sa isang guwardya.
Simula kasi noong maikasal kami ni Skyler at maging isang tunay na Misis Ross na rin ako eh bumalik na ako rito sa mansyon at dito na muling tumira. Hindi na kami kumuha ng sarili naming bahay dahil, sino pa ba ang ibang titira rito kung aalis pa kami?
Wala na.
Sa laki ng mansyon na ito baka literal na kwago na lang talaga ang tumira rito kapag nagkataon. Lalo at palaging umaalis din sina Mimi Aerin at Dada Billy.
Naks! Hindi ko mapigilan ang kiligin sa tuwing tinatawag ko sila katulad kung paano sila i-address ni Sky.
And yes, naikasal na ako kay Skyler two years ago. Isang tunay na asawa na niya ako. Wala na akong kawala pa sa kanya dahil agad na pinakasalan na niya ako ilang buwan lamang pagkatapos niyang mag-propose sa akin.
Panay travel lamang kami unang taon ng marriage life namin. Pero sa bawat lugar na napupuntahan namin, hindi nawawala ang pag-aaway. Hayyy. Ang hirap pala 'no? Ang hirap magkaroon ng partner in life na magkaiba kayo ng hilig sa buhay.
Pero masarap sa feeling dahil meron kang taong makakasama sa hirap man o ginawa. Iyong feeling na magkaiba man kami ng personality, eh nagkakasundo naman kami pagdating sa kung papaano namin iwo-work out at palaguin ang relasyon namin.
Masarap sa feeling na iisa kayo ng thoughts, goals and dreams lalo na sa pamilya na gusto ninyong buuin. Meron kang kakampi sa lahat ng bagay. Ang sarap sa feeling na meron kang matatawag na 'Home' na alam mong sa'yo talaga. Isang tao na kahit na magtalo pa kayo o mag-away palagi alam mong mhinding-hindi ka iiwanan at susukuan.
Wala na akong mahihiling pa, alam kong hindi madali ang buhay may asawa, there's also struggles and challenges na kailangan ninyong harapin nang magkahawak-kaway but I believe na makakayanan naming lahat iyon ni Skyler.
Lalong lalo na ngayon na magiging mommy na kami pareho. I couldn't wait to hold the hand of our little angel. Sinisigurado kong bubusugin namin siya ng pagmamahal at alaga.
Napakasarap tawaging Mrs. Ross dahil bukod sa alaga ako ni Skyler eh welcome na welcome rin talaga ako sa family niya na akala ko noon ay kinamuhian ako dahil sobrang nagalit at sinisi ko sila sa pagkawala ng pamilya nina Beauty.
But it turns out na naiintindihan naman nila ako to the fact na halos same situation sa nangyari sa love story nina Dada Billy At Mimi Aerin.
Isa pa, tanggap at mahal din ako ng mga kaibigan ni Skyler. Napatawad na rin ako ni Kezia sa nagawa kong pang-iiwan noon kay Sky. Somehow, naiintindihan naman daw niya ako at napagbuntunan lang daw talaga niya ako ng galit noon dahil sa nangyayari rin sa personal na buhay niya.
Napangiti ako ng maalala si Kezia. Paanong hindi ako mapapangiti eh luma-love life na kasi talaga ang babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung kailan siya magpo-prospose pero sobrang complicated pa kasi talaga ng situation niya ngayon. Hayyy. Anyways, that's her life. Alam ko namang malalaman niyo rin ang kwento ng kanyang buhay pag-ibig.
"Felicia!"
Bumalik ang aking isipan sa reality nang marinig ko ang pagtawag ni Autumn sa akin.
She looks so worried, and she also seems nervous as she finally reaches in front of me.
"What happened?" I suddenly became anxious for reasons I don't know.
She glanced around first because I had scattered candlelight around, and there was a table arranged with food on top of it that I had prepared for Skyler and me.
"Autumn! Did something happen? Ano bang nangyari? Kinakabahan naman ako sa itsura mo eh!" Napapahawak sa dibdib na dagdag ko pa.
Napalunok muna siya ng mariin bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.
She was about to speak, but abruptly and without explanation, she firmly grabbed my arm and quickly pulled me out of the mansion.
I know Autumn. Among their group of friends, she is second to Skyler, whom I also know. Knowing her, I can tell when she is serious and when she is not.
At sa reaksyon pa lamang ng itsura niya at kinikilos ngayon alam kong may hindi magandang nangyari. Kaya naman mariin na nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at muling tinignan siya ng diretso sa mga mata.
"Hindi ako aalis ng mansyon hangga't hindi mo sinasabi kung ano ba ang nangyayari!" Pagmamatigas ko.
Muling napabuga siya ng hangin sa ere kasabay ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Umiiling rin siya ngunit hindi pa rin nagsasalita.
"S-S-Si Sky..." Halos pabulong nang sabi niya.
"M-May nangyaring...a-anong nangyari kay Skyler?" Awtomatikong nanlabo ang paningin ko dahil sa bigla na lamang umagos ang aking mga luha.
"N-Nabaril siya..." Atsaka bigla na lamang siyang humagulhol sa harap ko.
Habang ako naman ay biglang napatakip sa aking bibig gamit ang dalawa kong kamay at bigla na lamang din nanghina ang mga tuhod.
"N-No. P-Paanong...No. Sabihin mo hindi totoo 'yan, Autumn!"
"Sabihin mong nagjo-joke ka lang."
"Sabihin mong---"
"It's true. That's why I am here to pick you up, so please...please pull yourself together because she needs you."
Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang itinagal namin ni Autumn bago kami tuluyang bumiyahe patungo sa Hospital kung saan isinugod si Skyler.
Sa buong biyahe, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak lang habang tinatawagan ang mga magulang ni Skyler na hindi ko ma-contact dahil masyadong busy ang mga ito at kasalukuyang nasa labas ng bansa.
Panay lamang ang pag ngawa ko habang si Autumn ay pinipilit na mag-concentrate sa kanyang pagmamaneho dahil kailangan naming makarating din ng buhay sa Hospital.
Pagdating doon ay agad na tinanong ko sa frontdesk ng ER kung may dinala bang pasyente roon na nabaril kaya kaagad naman nilang itinuro sa amin.
Halos hindi ko na magawang maihakbang pa ang mga paa ko habang papalapit ako rito. Pabilis ng pabilis rin ang pagtibok ng aking puso na animo'y nahihirapan na ako sa paghinga. Nararamdaman ko rin ang pagsakit ng t'yan ko.
Hindi ko na alam.
Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko habang paparating sa itinurong ER sakin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko bakit ngayon pa nangyari ito?
Papaano siya nabaril? Dahil ba marami siyang kakompetensya sa negosyo? Meron ba siyang nakaaway na customer sa Baylight? Sa pagkakaalam ko matagal na niyang iniwan ang pagri-race niya kaya wala na siyang nakakaaway ngayon. Pero papaanong...
Oh, Lord, please. Not now. I still want to be with my wife for a long time, gusto ko pang makita niya ang magiging anak namin, ayaw kong mawala siya sa akin. Please, save her. I silently pray as I slowly turn the doorknob of the Emergency Room where Skyler is.
At noong sandaling mabuksan ko na ito ay bumungad sa akin ang napakadilim na kwarto kasabay ang malakas na pagsigaw ng...
"HAPPY 2ND ANNIVERSARY!!!!!!!"
"IT'S A PRANNNNKKKK!"
Kasabay rin noon ang pagbukas ng ilaw at bumungad sa akin ang buong barkadahan ni Skyler except Autumn na nasa likuran ko ngayon na humahagalpak sa katatawa na kanina lamang eh humahagulhol dahil sa sobrang pag-iyak.
Lalo akong napaiyak noong makita si Skyler na kunwari may benda rin ang ulo at ilang parte ng kanyang katawan habang merong hawak na bouquet para sa akin.
"Prank pala huh? Halika dito at ako ang papatay sa'yo!" Inis na sabi ko kaya agad na nagtawanan ang mga kaibigan niya.
Mabilis na nilapitan ko si Skyler at pinagsusuntok siya sa kanyang braso, tyan, katawan at kung saan ko siya matamaan. Hanggang sa tuluyan niya akong yakapin ng mahigpit habang tumatawa bago ako hinalikan sa aking labi.
"Happy anniversary, wife. I love you so much! Akala mo ba nakalimutan ko na?" Lalo akong napahikbi na parang bata dahil sa nakakabwisit niyang surpresa.
"Very unforgettable." Komento ni Nicole habang umiiling. Katabi nito ang kanyang asawa na si Violet.
"AHAHAHAHA!" Chorus na tawanan naman ng lahat.
"Okay ba 'yung acting ko?" Hirit naman ni Autumn na pangisi-ngisi habang nakasandal sa may door frame.
"Iiyak ba ng ganyan si Feli girl kung hindi effective ang acting mo?" Saad ni Kezia.
"We're very sorry, Kulot. Mahal na mahal ka lang talaga nitong kaibigan namin kaya gusto niyang bigyan ka ng unforgettable surprise." Dagdag naman ni Gabby.
"I agree." Tipid na pagsang-ayon ni Sydney.
"Oh! Guys! Tumawag na ang restaurant. Ready na ang foods, let's G na?" Biglang singit ni Tabitha na katatapos lamang sa phone call.
"Yun oh!" Chorus nilang lahat.
Habang ako naman ay napalingon muli sa asawa ko na ngayon ay grabe kung makayapos sa akin.
"Sorry, baby. Pwede ko bang makalimutan 'yung araw na ito? Of course not!" Pagdadahilan nito sa akin.
"Nag-ready pa naman ako ng food for us. Tss!" Medyo yamot pa rin na wika ko sa kanya. "Sayang lang 'yung effort ko."
"Kakainin pa rin natin 'yun, don't worry."
"Paano eh kakain na tayo sa restuarant nina Tabitha." Nagtatampo pa ring wika ko. "Kapag talaga nagsama-sama kayong magkakaibigan panay kalokohan naiisip ninyo eh, ano?" Dadgag ko pa ngunit pinagtawanan lamang ako nito.
Hanggang sa nagpaalam na siya sa mga kaibigan NAMIN na mauuna na kaming umuwi. Sinabi rin nito na nag-prepare raw kasi ako ng dinner for us.
Bagay na agad namang naintindihan ng mga kaibigan niya ngunit hindi muna kami pinaalis basta-basta dahil nag-picture taking pa para pang post daw sa social media.
Sumaglit din muna kami sa restaurant nina Tabitha also for picture taking kasi hindi raw kami pwedeng mawala dahil kami ni Skyler ang celebrant, bago kami tuluyang umuwi na sa mansyon.
Pagdating sa bahay tahimik lamang kami pareho ni Skyler hanggang sa makarating sa Gazebo kung saan nandoon pa rin ang inihanda kong pagkain para sa aming dalawa. Akala ko nga pagdating namin eh nailigpit na ito ng maids eh.
Nakangiti na muling humarap si Skyler sa akin.
Sandaling may kinalikot siya sa kanyang cellphone hanggang sa narinig ko na lang na may nagpi-play nang kanta. Tsaka siya lumapit sa akin at parang Prinsipe na yumuko habang nakalahad ang kanang kamay na animo'y yayain akong sumayaw.
"Can I have this dance, my beautiful wife?" Tanong nito sa akin habang merong kinang sa kanyang mga mata.
Of course, buong puso kong tinanggap ang kamay niya at pumayag na maisayaw niya.
---
Skyler's POV
"Can I have this dance, my beautiful wife?" Tanong ko sa aking misis while looking at her eyes.
Atsaka ko siya binigyan ng isang ngiti, ngiti na hinding-hindi niya matatanggihan.
Agad naman niyang tinanggap ang nakalahad na kamay ko kaya marahan na hinapit ko siya sa kanyang beywang dahilan para lalong magdikit ang aming katawan.
Hanggang sa mapansin na lang namin pareho na kapwa na kami sumasayaw habang sinasabayan ang lyrics ng kanta.
Ako naman ay nakatingin lamang sa kanyang mga mata at reni-reminisce ang lahat tungkol sa aming dalawa.
Habang nakatingin ako sa mga mata niya at pinapanood ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi, para bang awtomatikong nag-flashbacks sa aking isipan ang mga nangyari sa amin from the very beginning of our story.
From the moment I first saw her up till this moment.
Hanggang sa hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. A tears of joy. Napansin ko na lang na umiiyak na ako noong haplusin ni Felicia ang pisngi ko at pinunasan ang luha mula sa aking mga mata.
"Why are you crying baby?" She asked in a soft tone.
Napailing lamang ako. "I'm just happy. I'm happy beacuse we made it." Nakangiti ngunit tumutulo pa rin ang luha na sabi ko kanya.
"Awee! We made it, Sky. We made it." Naluluha ring wika niya bago ako dahan-dahan na hinalikan sa aking labi na agad ko namang ginantihan.
I couldn't believe that we were now celebrating our 2nd wedding anniversary. They were right; time really flies so fast.
At magkakaroon na rin kami ng aming first baby. God! I couldn't ask for more. This is all I really want. To be with Felicia, ang bumuo ng sariling pamilya kasama siya at ang mahalin at alagaan sila pareho hanggang ako ay nabubuhay.
Pinapangako kong iingatan ko sila. I may be a busy person pero hindi nawawala sa aking sarili ang maging priority ko sila. Dahil sila ang tunay kong yaman at hinding-hindi ko sila ipagpapalit sa anumang yaman na meron ang mundo.
Ang dami kong natutunan sa mga naging experiences namin ni Felicia. Ang dami kong realizations. At hindi na ako makapaghintay pa na sabihin at ikwento ang lahat ng iyon sa magiging anak namin.
Kwento na punong-puno ng pait at pagmamahalan. Kwentong pag-ibig pa rin ang nagwagi sa huli.
Alam kong hindi pa rito magtatapos ng tuluyan ang aming kwento. Marami pang ibang pwedeng mangyari. Marami pang arguments, tampuhan at pag-aaway ang aming mapagdadaanan. Especially now na magiging parents na kami. Ngunit masaya ako na nabigyan ng pagkakataon na maibahagi ang aming kwento sa inyo.
Hindi perfect ang takbo ng kwento namin just like the others.
But you know, I just want to say to all of you that you can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationships aren't great because they have no problems. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. And that's what happened to our love story.
We both tried to make it work. We both did our best to come back to each other. We forgive and forget. Dahil sa huli walang mawawala sa atin kung susubukan nating patawarin at tanggapin muli 'yung taong mahal natin, BASTA nagbabago. Okay?
And lastly, masaya akong si Felicia Dizon-Ross, ang nakapagpabago sa akin. Dahil ang dating Player na si Skyler Jenn Ross ay isa nang ganap na responsable, faithful at loyal na asawa ngayon na nangangakong hinding-hindi siya pababayaan kahit na kailan.
- THE END -
- Every relationship has its own problems, but sometimes what makes it perfect is if you still want to be together when things go the wrong way.
Gosh! I am crying while writing this finale. Dahil sa wakas, isa na namang kwento ang nagtapos dahil may panibago na namang magbubukas. Akala ko talaga hindi ko na matatapos ito dahil sobrang busy ko sa maraming bagay ngayon. But to make it up to you guys, kailangan kong sikapin na makapagsulat kahit papaano.
Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga matiyagang sumubaybay at naghintay sa bawat update ng story nina Skyler at Felicia. My heart is crying with so much of joy because this is the story that took me a long time to finish due to my personal struggles, and one of those is my greatest heartbreak last year. But thank God, I'm okay now, so let's get back on track. Hopefully, magtuloy-tuloy na. Thank you so much guys! Hanggang sa susunod na nobela. Mahal ko kayong lahat.