18 TBAB: 16

Now playing: Think Of You - Taj Jackson

Nicole POV

Ang totoo niyan wala naman talaga kaming meeting na pupuntahan ni Chase. Sumama lang ako sa kanya para naman kahit papaano ay malibang ko ang sarili ko.

Isa pa, hindi pa rin maikakailang boyfriend ko siya. Syempre namimiss ko rin itong makasama at ka-bonding dahil sa pagiging abala nito sa kanyang negosyo. Palagi na lang kasi siyang busy at wala ng oras sa akin. Hmp!

Pansin ko rin na ilang araw na akong iniiwasan na naman ni Violet. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi rin naman ako pwedeng magtanong. Hays! Kung bakit naman kasi may rules pa siyang nalalaman na bawal magtanong.

Pero ang isa pang hindi mawala-wala sa aking isipan iyong nakita at nasaksihan ko kaninang kababalaghan na ginagawa nila ni Katie. At talagang sumakto pa na napadaan ako sa harap ng sasakyan niya ha! Sadyang trip na trip yata ng tadhana na paglaruan ang feelings ko kaya ganito.

Parang gustong sumabog ng dibdib ko kanina sa magkahalong selos, inggit at hindi ko maintindihan na nararamdaman. Gusto kong maiyak pero pilit kong pinipigilan. Pinapamukha kasi sa akin ng mundo na iyong taong pinapantasya at hinahangaan ko, 'yung tapong patago na kinikita ko kapag walang oras sa akin ang boyfriend ko, ay may nagmamay-ari na rin dito.

Alam ko naman na normal lamang iyon sa magkasintahan. They can make out and make love anytime and anywhere they want. Ang pagkakaiba nga lang kasi ngayon, eh ako 'yung nasasaktan.

Teka nga, bakit ba kasi ako masasaktan?

Napatawa ako ng mapait sa aking sarili. Dahil ba sa nakiki-share ako sa isang tao na pagmamay-ari na ng iba? O iyong katotohanang hindi ko naman talaga siya makukuha.

Iyon din ang kauna-unahang nakita ko nang malapitan si Katie. Hindi na ako magtataka pa kung bakit na-in love sa kanya si Violet. Shit! Ang ganda naman kasi talaga at mukhang anghel pa ang mukha.

Kanina habang lihim ko siyang pinagmamasdan, hindi ko maiwasan ang mapatanong sa aking sarili. Bakit namin siya nagagawang lokohin ni Violet? Hindi niya deserve yun. Hindi niya deserve na lokohin ng patago ng kanyang girlfriend.

Tama si Violet, napakabait at mabuting tao ni Katie. Iyong ngiti at mga tingin niya sa amin kanina, halatang napaka-genuine. Parang kinukurot ang puso ko knowing na 'yung girlfriend niya ay nakikipagkita ng palihim sa akin.

Nakipagkamay pa talaga siya at binigyan ako ng pinakamaganda at matamis na ngiti niya. Eh si Violet kaya? Kung hihingiin ko ba ito mula sa kanya, nakangiti pa rin siyang ibibigay niya?

Napangiti ako ng mapakla sa aking sarili. Malamang hindi. Eh nag-iisa lang si Violet, saan pa nga ba siya makakahanap ng tulad niya? At kahit naman hingiin ko pa si Violet mula sa kanya, alam kong may isang kamay din na hihila sa akin pabalik, na sa akin ay siyang nagmamay-ari na.

Bakit kaya ganun ano? Bakit kaya kahit alam na nating makakasakit lang sa atin, tinutuloy pa rin natin. Bakit kahit na alam natin na sa umpisa pa lang talo na tayo, nagsusugal pa rin tayo at kahit na alam natin na wala tayong tatamaan sa dulo, nagpapatuloy pa rin tayo. Hays!

Napakakomplekado ng buhay, 'no? Kahit na alam na nating mali, basta masaya tayo. Hala! Sige lang ng sige. Tapos sa huli, tayo rin ang kawawa.

Ewan ko ba! Ngayon lang naman ako naging tanga ng ganito. At biruin mo yun? Sa isang babae pa talagang katulad ko. Never naman ako nagpakatanga ng ganito kay Chase ah. Noong dumating lang talaga si Violet tsaka ako nagkakaganito.

Totoo nga pala talaga, no? Masarap ang bawal, nakakaadik ang mali at sa oras na pigilan mo ito ay lalong hahanap-hanapin mo. Bakit ang sarap-sarap sa feeling ng mga bagay na mali at hindi dapat ginagawa?

Napapatawa ako. Ngayon lamang din kasi nag-sink in sa utak mo. Kabit ba ako?

Hahaha! Malamang, Nicole. Kabit ka ng isang taong kabit din. Parehas kayong kabit ni Violet.

'Yung tipo na kahit na wala naman kaming label, alam ko sa sarili kong nangloloko na kami ng ibang tao, lalong-lalo na ng mga partner namin.

Parehas kaming cheater! Sabi nga ng kaibigan kong si Sydney, 'di ba? Cheater ako.

Masakit ba matawag na kabit? Oo.

At sinasabi ko na ngayon sa sarili ko para mas matauhan pa ako. Pero bakit gano'n? Kahit alam kong mali, gusto ko pa ring ipagpatuloy at makuha iyong pagmamahal na para lamang dapat kay Katie at hindi na dapat pa ako makihati.

Gustong-gusto ko ngang saktan ang sarili ko ngayon at sampalin paulit-ulit ng katotohanan eh. Dahil ako at si Violet, kinakabit namin ang isa't isa. Haha! Pero bakit parang ayaw ko pa ring magising? Knowing na may masasaktan kami pareho. At ang worst pa, 'yung mga taong minamahal kami ng tapat at totoo ang pinagloloko naming dalawa.

Paulit-ulit kong ginugusto 'yung isang tao na alam kong hindi ko naman makukuha. 'Yung isang tao na alam kong bandang huli, sasaktan lang ako ng sobra.

Tama si Skyler. Maybe am just really gay at kinailangan lamang ng isang tao na mag-ti-trigger non sakin and it happened na si Violet iyon.

Bigla akong natigilan sa aking malalim na pag-iisip at pagsasalin ng alak sa aking baso noong mapansin na may pumasok sa loob ng mini bar. Mabilis na napalingon ako rito, thinking na mukha ng isa sa mga ina ko ang makikita ko.

Ngunit nagkamali ako noong bumungad sa akin ang mukha ng babaeng nagpapabaliw ngayon sa nararamdaman ko. Mukha ng babaeng paulit-ulit na laman ng utak ko at hindi na yata napagod sa kakatakbo rito.

"What are you doing here?" Pagkatapos ay napangisi ako ng mapakla. Mukhang naligaw yata siya at hindi na alam ang daan pabalik sa bahay ng totoong girlfriend niya.

Ugh! I hate this! Hindi na yata kasi mabura pa sa aking isipan ang imahe ng ginagawa nila kanina ni Katie sa parking area.

"Naligaw ka ata? Maling bahay ang napasukan mo." Dagdag ko pa at muling napainom mula sa baso na hawak ko habang diretsong nakatingin lamang sa kanya.

Damang-dama ko ang pagguhit ng init ng alak sa lalamunan ko. Pero mas mainit ang ulo ko ngayon kaya pilit na binalewala ko ito.

Hindi siya nagsalita at tahimik lamang na pinagmamasdana ko. Hahakbang na sana itong muli para lapitan ako nang kusa na lamang naglaglagan ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko iyon inaasahan, kusa na lamang silang naglaglagan.

Mga traydor! Mabilis ko iyong pinunasan.

"Fuck! I missed you!" Pagmura na sabi ko at inilapag ang aking hawak na baso, bago mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya para siya ay yakapin.

Agad na niyakap naman ako nito pabalik. Iyong yakap na sinasabing nandito na siyang muli at hindi ko na kailangan pang mag-alala.

And there, I realized that this was the first time I cried because of her. Alam kong nasasaktan na ako, nasasaktan na ako nang dahil sa kanya, kaya alam ko rin na itong nararamdaman ko ay hindi na lang basta gusto ko lamang siya o isa lang itong paghanga. Alam kong mas malalim na at alam kong mas lalalim pa.

Muli akong kumalas mula sa pagkayap sa kanya. Aabutin sana nito ang pisngi ko para punasan ang mga luha ko nang mabilis na pinalo ko ang kamay niya at humakbang ng dalawang beses palayo mula sa kanya.

Mukha siyang nasasaktan habang tinitignan ako, pero mas nasasaktan akong makita siya ngayon dahil ano bang laban ko kay Katie? Girlfriend niya yun tapos ako heto, hindi ko alam kung anong relasyon ang meron kami. O kung ano ba talaga ang tawag sa meron kami.

Napapailing na tinignan ko siya habang lumuluha. Hindi ko kayang magsinungaling sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kayang magkunwaring okay sa harap niya dahil hindi ko kayang magpakaplastik sa kanya. Hindi rin dahil nakainom ako ngayon, hindi ako lasing. Pero sadyang hindi ko lang kayang isipin na parang wala naman talagang patutunguhan itong samin.

"I can't stop being jealous of how you look and how you treat your girl. I know it's wrong for me to feel this way, but sometimes you know I wish, sana ikaw na lang 'yung boyfriend ko? At sana ako na lang din 'yung girlfriend mo."

Nasasaktan na sabi ko sa kanya kasi wala akong magawa kundi ang masaktan. At ang magselos kahit na wala naman akong karapatan, dahil hindi naman siya akin. At never siyang magiging akin.

"Nic, I just want you to understand---"

"I hate it!" Putol ko sa kanya. "I hate it, Violet. Alam mo ba 'yung nararamdaman ko kanina? Habang tinitignan kayong nag-mi-make love sa kotse?! God! I can't control my mind, my thoughts... parang sasabog ang dibdib ko , ang ulo ko. When you look at her eye to eye while trying to satisfy her with what you do, the pain penetrates my heart, Violet. Parang gusto ko kayong sugurin." Napatawa ako habang umiiyak at inaalala 'yung nararamdaman ko kanina na hanggang ngayon dala-dala ko pa.

"Pero mabuti na lang nagising ako agad sa katotohanan, na hindi ko nga pala pwedeng gawin yun kasi mahuhuli niya, NILA ni Chase na nag-chi-cheat tayo sa kanila." Napahinga lamang ito ng malalim at muling humakbang palapit sa akin.

This time hindi na ako nagprotesta hanggang sa mayakap ako nitong muli. Umiiyak pa rin ako. Gusto kong ilabas lang 'yung sama ng loob ko.

Nakakainis lang din na sinasaktan n'ya ako ngayon pero siya lang din ang gusto kong maghilom nito. Siya lang ang tanging makakahilom sa sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry." Paghingi nito ng tawad bago ito kumalas mula sa akin at tinignan ako ng diretso sa mga mata ko. "Anong gusto mong gawin ko para makabawi sa'yo? Para tuluyang mawala iyang bigat na nararamdaman mo?" Sincere na tanong nito sa akin.

Ngunit nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Hindi ako nagsasalita habang tahimik lamang na nakatingin sa kanya.

"I'm sorry, Nic. Ayaw kong maramdaman mo ang lahat ng ito. Hindi mo deserve na sinisekreto. Kaya lang kasi---"

"Mahal mo siya." Putol kong muli sa kanya bago napatango-tango at muling lumayo ng konti sa katawan niya. "Come on, Violet. Just say it to my face because I swear, I will understand. And no...I know that you really love her. Pero ako? Ano ba talaga ako sa'yo? Hmmm?" Napangiti ako ng mapakla.

"Alam ko naman na hindi mo siya basta iiiwan ng ganun na lang o para sa akin 'di ba? Kasi alam ko rin na---"

"Gusto mo bang makipaghiwalay na ako kay Katie---"

"NO!" Napataas na ang boses ko. "No, Violet. Hindi yun ang gusto kong mangyari---"

"Hindi yun ang gusto mong mangyari kasi alam mong kapag hiniwalayan ko si Katie ay makikipaghiwalay ka na rin kay Chase, which you don't want to happen either." Putol nito sa akin. Napakagat ako sa aking labi.

She's right. Hindi yun ang gusto kong mangyari dahil hindi ko rin kayang masaktan si Chase kung paano niya ayaw saktan si Katie. Parehas kaming pinagloloko ang mga partner namin, pero parehas din naming pinoprotektahan ang mga mararamdaman nila. Ang tanga lang 'di ba?

She scoffed.

"Alam ko ang pinapasok ko, Nicole. Hindi ko rin naman ito ginusto eh. But this," sabay turo nito sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso banda. "ito ang nagdidikta. At kahit na ilang beses pang sabihin ng isip kong mali at tama na, hindi ko magawa. Dahil sa araw-araw na pinipigilan ko 'yung nararamdaman ko sa'yo, mas lalong nagugustuhan lang kita." Pag-amin nito sa akin habang diretsong nakatingin lamang sa mga mata ko.

"Kaya ngayon, I'm asking you, what do I need to do para makabawi sa'yo?" Pagkatapos ay dahan-dahan na inabot nito ng tuluyan ang mukha ko at marahan na hinaplos ako roon.

Hindi ko mapigilan ang mapapikit dahil sa lambot ng palad nitong nakalapat sa balat ko, pati na rin ang init ng kuryenteng dumadaloy mula rito.

Napalunok ako ng mariin kasabay ang mabagal ngunit mas lumalakas na pagkabog ng dibdib ko.

"I want you....Violet." Halos pabulong nang sabi ko sa kanya bago muling iminulat ang aking mga mata at sinalubong ang mga titig niya.

Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mariin na paglunok nito kasabay ang pagbaba ng tingin niya sa aking labi.

"I want you...Please stay with me tonight." Alam kong magiging makasarili akong ngayong gabi, lalo na sa bagay na hihilingin ko mula sa kanya.

It wasn't our first night together, but I knew this night will be different because I will give her something that I have never given to Chase. Yes, tatlong taon na kami ni Chase, pero never kong ibinigay iyon sa kanya. Hindi dahil sa natatakot ako kung hindi dahil hindi pa ako handa pero pagdating kay Violet, nakahanda akong isuko sa kanya ang bagay na iyon at alam kong hinding-hindi ko pagsisisihan.

"I want to feel your embrace under the blanket. I want to feel the warmth of your body and your kisses all night long. I want to be with you and let's forget for a while the chaotic situation we have just for tonight. I want to feel your kisses all over my body and I want to taste your tenderness and sweetness." Dahan-dahan ngunit tuloy-tuloy na pakiusap ko sa kanya habang hinahaplos pabalik ang pisngi niya.

Napahinga ito ng malalim. Halatang pinipigilan ang sarili niya. "Nicole, I---I want to but are you sure?" Napapalunok na tanong nito sa akin bago ibinalik ang kanyang paningin sa aking mga mata.

Para siguraduhin kung seryoso ba talaga ako sa bagay na hinihiling ko sa kanya. Sa bagay na nakahanda akong isuko at ibigay sa kanya.

Dahan-dahan na napalunok ako bago napatango habang titig na titig na sa mga mata niya. At pagkatapos ay marahan na kinuha ang kaliwang kamay nito at ipinatong sa aking dibdib. Atsaka sandaling ipinadama sa kanya ang lambot nito.

Agad naman siyang napatingin sa ginawa ko. At pagkatapos ay walang sabi na basta na lamang ako nitong sinunggaban sa aking labi.

avataravatar
Next chapter