webnovel

HALUKAY

just_diu_1111 · Realistic
Not enough ratings
3 Chs

KABANATA 2

Di ko akalain na pagsisisihan ko rin ang aking pagmamagandang loob, sana hindi nalang ako tumawid sa kabila ng tulay, sana di ko nalang kinausap yung babae, sana linagpasan ko nalang ito at hinayaang magsisigaw. Akay-akay ko siya ngayon at hindi parin natigil sa pag-iiyak at panay tawag kay Jayson na hindi ko naman kilala.

Kanina ko pa tinatanong kung saan ba siya nakatira upang maihatid ko man lang, pero puro Jayson ang lumalabas sa bibig niya. Pinagpapawisan na ako kakaakay sa kaniya kasi talagang binubuhos niya lahat mg bigat sa akin, idagdag ko pa itong pinamili ko sa palengke. Sana magmala demonyo itong isip ko at iwanan to sa tabi kasi nakakapagod na, pero mas umaapaw yung awa.

Napagdesisyonan kong idala nalang ito sa bahay, doon muna siya magpalipas ng gabi hanggat umayos na to.

"Jayson saan ba ako nagkulang?" Aniya.

"Sino ba si Jayson?" Tanong ko kasi kanina pa siya panay tawag sa taong yun.

"Maganda naman ako, matalino, mabait, mapagmahal, ano pa ba?" Aniya, hindi man lang ako pinakinggan.

"May cellphone ka ba? Pwede mo namang tawagan si Jayson at sunduin ka." Tanong ko ulit umaasa akong may tao man lang na susundo sa kaniya para hindi na ako maperwisyo. Napansin kong unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at doon ko nakita ang pag-asa, mabuti naman at nakinig na siya sakin.

Ngunit paglipas lamang ng ilang sigundo muli na namang namuo ang luha sa mga mata niya. "Ayaw na nga niya akong kausapin eh."

Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong ibang paraan, dalhin ko nalang to sa bahay.

_

"Chan naman! Bakit mo dinala yan dito?!" Ani ni Dino, di ganoong kalakasan yung boses niya pero ramdam ko and pagdidiin niya sa bawat salita, halatang ayaw niya sa kasama ko.

Inalalay ko ang babae at pinaupo, nakatulog na ito habang akay-akay ko siya papunta rito.

"Chan-chan biro lang naman namin kanina yung tungkol sa jowa-jowa, di ko akalain na siseryusohin mo at magdadala ka agad ng babae."  Ani naman ni Karlo.

"Nakita ko lang siya kanina sa tulay nagsisisigaw." Sagot ko.

Narinig ko ang ilang yapak mula sa kusina ng karinderya, may paparating.

"Naku baka si Aleng Teri yun!" Natataranta na si Dino, di ko rin maiwasang kabahan baka ano nalang ang masabi ni Aleng Teri kung malaman niyang may dala akong ibang tao.

Pero tila nabunutan kami lahat ng tinik nang marinig ang hagikhik nila Rika at Roel.

"Oh Channy nandito ka na pala, isara na nati- Teka sino yan?" Tanong niya at tinuro ang babae, bakas din ang gulat sa mukha ni Rika at pinaghahampas sa braso si Roel.

"Ano yan Channy? Magpaliwanag ka nga." Ani ni Rika.

"Channy ano mo yan?" Tanong ulit ni Roel. "Jowa mo? Kailan pa?"

"Oo ngan, ngayon palang namin siya nakita pero infairness ah maganda." Pagsabat ni Rika, binatukan naman siya ni Roel.

"Gaga ka ba? Maganda nga pero biglaan oh. Sagutin mo nga kami Channy, ano nabuntis mo yan?" Tanong na naman ni Roel.

"Tangina ang o-OA." Bulalas ni Karlo, pinipilit niya na babain ang boses habang naiinis.

"Kakachismis niyo yan araw-araw kahit anong pumapasok sa mga isip niyo." Ani ni Dino.

Natahimik silang dalawa at muli na naman kaming nakarinig ng mga yapak mula sa kusina, doon na kami natuod sa mga kinatatayuan namin, siguradong si Aling Terisita na yung paparating.

"Roel? Rika? Ano nasara niyo na ba?" Tanong niya nang makalabas na ng kusina, napatingin din siya sa babae an namilog ang kaniya mga mata.

"Sino yan?" Tanong niya, napatungo nalang ang mga kasamahan ko at bahagyang tumingin sa akin tila sinasabihan ako na magpaliwanag.

Tumikhim ako kaya napukaw ko ang atensyon ni Aling Terisita. "Christian? Kasama mo yan?" Tumango lang ako bilang sagot, humalukipkip ang mga braso niya at tumitig sa akin tila naghihintay sa paliwanag ko.

"Nakita ko po kasi siya kanina sa tulay nagsisisigaw at umiinom ng alak. Gabi na po kasi tapos lasing na lasing na, delikado para sa kaniya. Hindi ko siya makausap ng maayos kaya hindi ko malaman kung saan siya ihahatid kaya dinala ko nalang muna rito, nag-aalangan akong iwan siya sa tabi eh."

Napabuntong hininga nalang si Aling Tere. "Mas mabuti ngang hindi mo siya iniwan sa tabi, wala ba siyang kasama?"

"Parang wala po, kung meron eh hindi sana siya hinayaan sa tulay. Pero may tinatawag siyang Jayson, sabi ko tawagin niya gamit cellphone niya pero hindi na daw siya kinakausap."

"Ahhh parang gets ko na." Ani ni Roel habang hinahagod ang baba niya.

"Oo, ako rin. Feeling ko hiniwalayan siya." Ani ni Rika.

"Naku! Tama na yan, hindi natin alam ang pinagdadaanan ng babaeng yan. Sige idala mo siya doon sa sala, ipahiga mo nalang muna siya sa sofa." Utos sakin ni Aling Terisita kaya binuhat ko agad ang babae, tinitiis nalang bigat niya.

"Dino, isara niyo nalang dito ah. At matulog na kayo, maaga pa tayo bukas. Ikaw rin Christian, katapos mong asikasuhin yan."

Tumango nalang ako habang buhat-buhat ang babae, sana may sumundo na agad sa kaniya bukas, kahit yung Jayson man lang.

_

Ala sais palang naihanda na namin yung mga ulam sa may istante at unti-unti na ring nagsisidatingan yung mga kustomer, kaya nakatambay muna ako dito sa kusina wala pa masyadong mga hugasin.

"Christian maghanda ka ng kanin at ulam, pati na rin sabaw ng nilaga diyan." Ani ni Aling Terisita. "Nagising na yung babae."

Napaaga naman gising niya pero mabuti na ata yun kaysa naman magtagal pa siya rito, tumango naman ako at ginawa ang inutos ni Aling Terisita.

Nang mahanda ko na ang pagkain ay agad na akong tumungo sa loob ng bahay, nakita kong kausap ni Aling Terisita yung babae, siguradong napakagaan ang nararamdaman ngayon ng babae, talagang mabuti naman kasi si Aleng Terisita.

"Oh nandito ka na pala Christian." Ani ni Aleng Terisita at tumingin siya sa babae. "Iha, siya pala si Christian, siya yung nagdala sayo rito."

Tumungo naman ito at tila nangamatis ang mukha nito.

"Christian, Cassandra pala pangalan niya."

Tumango lang ako at inilagay yung pagkain sa munting mesa. Aalis na sana ako nang muli akong tawagin ni Aleng Terisita.

"Christian, ihatid mo siya sa kanila ha katapos niya kumain."

"Naku! Huwag na po, kaya ko na pa sarili ko. Salamat." Halos mapatayo pa ito dahil sa pagkakataranta.

"Wala bang pwede magsundo sayo?" Tanong ko.

Umiling lang ito. "Pero kaya ko na sarili ko." Aniya. "Salamat po sa tulong niyo."

"Pano yung Jayson? Hindi ka ba niya pwedeng sunduin?" Tanong ko ulit.

Napatingin ito sakin at tinitigan ako ng husto, napansin ko rin ang luhang muli na namang bumubuo sa mga mata niya. Ilang sigundo lang at umiwas ito ng tingin.

"Hindi ko siya kilala." Aniya

"Pero panay mo siyang tinatawag kaga-

"Walang kang alam!" Sigaw nito at sunod-sunod nang tumulo ang kaniyang luha, halos mapaiktad din si Aling Terisita dahil sa gulat.

"Sorry po." Nauutal nitong sabi at natatarantang kinuha ang kaniyang bag. "Salamat po pero kailangan ko nang umalis, salamat po talaga at sorry."

Nagmamadali itong labas at hindi pa ginalaw ang pagkain na hinanda namin sa kaniya, itong babae nga naman.