webnovel

HALUKAY

just_diu_1111 · Realistic
Not enough ratings
3 Chs

***

Sabihin mo, paano ako makakaahon sa napakalalim na butas na ito, masikip, madilim, malamig, mahirap huminga. Napakalalim nga itong pinagbagsakan ko.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagawa kong makatakas, akala ko'y ginhawa na nang maaninag ko ang liwanag, isang panibagong dagok pala.

Tadhana'y mabuti nga minsan, sa gitna ng liwanag ako'y nawawala ngunit may humablot sakin, doon ako natutong mabuhay muli.

Pero hindi ito sapat para ibaon sa limot ang mapapait at madidilim na ala-ala, kahit pilit mo itong iwagsi sa iyong puso't isipan. Dahil dito ay hindi ako katanggap-tanggap bilang tao.

Kahit mahirap ay pinipilit na iwan ito sa nakaraan, tila isang kambas na pinintahan ng bagong kulay, pilit na tinatago ang madidilim na aking pagkatao. Kaya ako'y minsan lumalayo, baka malaman nila ito.

Ngunit may mga bagay na kahit anong pilit mong itago, malalaman at malalaman parin ito ng iba.

Nalaman ito ng isang tao.

Ako'y lumayo, baka matakot ko siya. Ngunit hindi ko akalain na mas gugustuhin niya pa itong makita, kasabay ang pagkinang ng kaniyang mga mata habang bumubuhos ang mga luha.

Hinahalukay ang iba ko pang kulay at yinayakap ito ng buong-buo.

Mabuti nga minsan ang tadhana.

HALUKAY

-