webnovel

Chapter 5 - Problem In Her Head

Third-person Point Of View

Nakatakas si Mary Mchavoc sa kanyang ama habang pareho silang nagsasanay para palakasin si Mary. Nakalayo siya sa kanyang ama at nagpahinga sa lilim ng puno sa isang gubat na kanyang narating.

"Hindi na ako susundan ni papa dito." Naghahabol ng hininga na sabi ni Mary saka tumingin sa matingkad na langit. "The fresh look at the clouds and blue sky. I wonder if I can go up there too."

Inalis niya ang tingin niya sa ulap at hinawakan ang braso at paa. "Ayokong lumaban. Pero bakit ako pinilit ni 'Papa' na magsanay para makakuha ng lakas gaya ng meron siya. Medyo walang kwenta ang magic ko." malungkot na sabi ni Mary.

(It's better to be in the cloud staying forever. There is no barring of bandits, gangster, adventurers or anything else.) Positibo niyang sabi sa sarile.

Ilang saglit lang ay nagsimulang tumulo ang luha sa dalawang mata ni Mary.

(Mama...) Naisip na lang niya ang masasayang alaala nila kasama ang kanyang ina na namatay matapos patayin ng isang kalaban na organisasyon.

Sa sobrang kalungkutan na nadama, si Mary ay nawala ang sarile sa sobrang pag-iyak. (Bakit namamatay ang mga tao, bakit sila nahuhulog sa mga kamay ng masasama? Bakit walang ginagawa ang guild para sugpuin ang mga masasama? Bulag ba sila? O walang alam.) Habang tinatanong ito sa kanyang isipan, nagsimulang lumiwanag ang kanyang katawan at biglang nawala sa lugar kung saan siya umiiyak.

Nagising na lang si Mary matapos matulog dahil sa pag-iyak at nakita niya ang pagkawala ng mga puno sa paligid niya.

Sa kanyang pagmamasid sa kanyang paligid, sa paligid ay isang boses ang narinig sa kanyang isipan. Isang boses na tumatawag sa kanya para pumunta sa kinaroroonan nito.

*****

Shannon Petrini Point Of View

Bumangon ako sa aking panaginip. Hindi ko inaasahan na mapapanagipan ko ang araw na iyon, ang araw na nalaman ko ang kasaysayan ng mundong ito.

(Mukhang may masamang mangyayari sa mundong ito.) Hula ko sa isip ko.

"Hindi ako makatulog ulit ngayon damn it!" Frustrated I said. Tumayo ako para umalis sa kama ko at pumunta sa kusina at kumuha ng baso ng tubig.

Nadaanan ko sa sala ang mahimbing na tulog sa sofa na si Senju. Ang cute niya tignan habang tulog, para siyang inosenteng dalaga dahil sa ganda ng mukha niya kahit ang totoo ay lalaki siya.

*****

"Paano ako maghahanap ng mga miyembro ng gang? Papayag ba sila na sumama sa gang ko kapag naipaliwanag ko na ang napakadelikadong sitwasyon na kakaharapin natin?" Puno ng tanong ang sinabi ko sa hangin habang nakadungaw sa bintana ng kwarto ko.

Ito ay tiyak na isang tahimik na gabi na may maliwanag na mabituing kalangitan.

Lalo akong nanlumo.

Hindi ko maiwasang isipin kung itutuloy ko pa ba ang pagre-recruit ng mas maraming miyembro ng gang o magiging sapat na kami nina South, Senju?

*****

Ang gulo ng isip ko.

"Mas mabuting ilakad mo ito sa labas sandali." Sabi ko. Mabilis kong kinuha ang jacket na nasa ibabaw ng study table ko at sinuot.

Umalis ako sa kwarto ko at sa bahay ni South kasama sila ni Senju na natutulog. Naglakad-lakad ako para palamigin ang utak ko tungkol sa problema ko.

Kahit saan sa bayan nagpunta ako para mag palamig. Bumili dito, bumili doon, ng mga pagkain na kaya ko lang kainin.

Nang mapagod ako sa kakalakad kung saan-saan, umupo ako sa isang upuan sa park na narating ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at tumingala sa madilim na kalangitan. Tanging maliliit na liwanag ng mga bituin ang nagbibigay kulay sa madilim na kalangitan.

"Paano ko haharapin ang problemang ito..." bulong ko ulit.

Tumingala ako ng ilang minuto sa langit. Natigil lang ito nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa mga palumpong malapit lang sa kinaroroonan ko. Ilang saglit pa ang lumipas at ang sunod kong narinig ay iyak.

(I wonder who's this idiot who tried to stop me from my spacing out moment.) May halong inis na nasabi ko sa sarili kong curiosity.

Tumayo ako at pumunta kung saan ang narinig kong iyak.

"Ate Reanel." Sabi ng babaeng nakasuot ng Asteromagus Academy uniform habang nakayakap ito sa kanyang mga tuhod.

Hindi niya napansin ang presensya ko.

Nakatalikod siya sa akin habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

(Pumunta siya dito nang hindi napansin na nasa bench ako nakaupo? Ganun na ba talaga depress ang babaeng ito?) sabi ko ulit.

"Ayokong gumawa ng mga bagay na hindi ko gustong gawin. Ate Reanel, ayokong pumatay. Ayokong masaktan. Gusto kong kumawala sa kadena na inilagay sa akin ni Chester. Ayokong masira ang pangalan ng mga Madzua na siyang tanging alaala na nagpapatunay sa akin na minsan kang nasa aking tabi."

(Madzua? Kung hindi ako nagkakamali, may kaklase ako na Madzua ang apelyido kapag nagche-check ng attendance ang homeroom teacher namin. Posible kayang...)

"I don't want to be a gangster. I don't want to be one. I don't want to. I hate to be one. I hate to commit crimes. Sister Reanel, please come home and help me to get rid ni Chester. Please save me." Ramdam ko ang lungkot sa nanginginig niyang boses. Ang pagnanais na hindi na babalik sa iyo ang isang taong kilala mo ay talagang napakabigat sa pakiramdam.

Pumikit ako. Dahan-dahan akong tumalikod sa kanya at umupo. Isang halaman na lang ang nasa pagitan naming dalawa.

(It's okay little girl. You need to be strong inside. No one else will help you but yourself.) Gusto kong sabihin ng personal pero kakaiba kung bigla ko siyang kakausapin. Hindi kami magkakilala.

"Bakit hinahayaan ng guild na kumalat pa ang mga gangster sa iba't ibang bahagi ng Vlade Empire. Masama ang ginagawa nila sa mga tao...kahit ang mga inosente ay nadadamay sa kanilang masasamang gawain." Tinamaan ako nito ng husto.

Gang, pareho sa mga kalaban. Gang na hindi susuportahan ng Guild at ng Imperyo ang aking binuo na naglalayong makamit ang aking makasariling paghihiganti at pagtatanggol sa Giftia? Hindi ba ako magsisisi na plano kong gawin ito? Dinamay ko ang inosenteng South at Senju sa gulo na ito.

Itong babaeng ito ang nagpapagulo sa isip ko.

*****

Dumating ang bagong umaga, hindi ko namalayan na nakatulog akong dinamayan magdamag si miss na umiiyak.

Gumising akong tulog parin ang babaeng ito, there's nothing really going on kaya naman iniwan ko lang siya sa park na ito.

Umuwi ako sa bahay.

Sa aking pagpasok, dumiretso ako sa kusina agad dahil narinig ko ang boses nina Senju at South na nag-uusap.

"Good morning you two." Bati ko sa kanila.

"Good Mori boss!" Bati nila pabalik.

Umupo ako sa upuan kung saan ang mesa na katapat nito ay may nakalagay na plato at kutsara. Dito ako pu-pwesto sa pagkain ng almusal.

"Nag-jogging ka boss?" Tanong ni Senju sa akin.

"Nope. Just took a long walk." Tugon ko naman sa kaniya sabay sandok ng kanin na nasa gitna ng mesa at nilagay sa pinggan ko.

Si South naman na nasa may kalan, ay umalis na rito at dinala sa mesa ang kaserola ng niluto niyang ulam. Ipinatong niya ito sa isang malinis na basahan na kaniyang ginagawa upang hindi maulingan ang mesa.

"Anong niluto mo South?" Tanong ko kay South na umupo na sa kaniyang pwesto.

"Pinakbet po boss." Tugon nito sa akin tsaka ngumite ng matamis.

"Great! I love that." Nagalak na sabi ko habang seryoso ang mukha.

"T-thank goodness boss." Nakaluwag naman sa paghinga na sabi ni South.

"Kainan na!" Masayang sabi naman ni Senju na sumandok na ng kanin at ulam naming pinakbet.

"You freeloader! Staying to my house and eating is not free!" Saway naman ni South bigla kay Senju. "You better wash the dishes shrimp! Because I'm always doing it."

"Ano kaba naman, ako naman ang naglilinis at naglalaba na sa bahay na ito diba? Ikaw na lang maghugas." Katwiran ni Senju.

There it goes, mukhang magbabangayan sila sa harapan ng hapagkainan.

Para silang magasawa na nagaaway kapag ganito sila sa hapag-kainan.

"Senju, South! I'm slightly stress, please don't add up to it. Just eat your meals and go to school." Sabi ko sa kanilang dalawa na siyang nagpatigil sa kanila sa pagbangayan.

Kumain kami ng tahimik. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nagbihis at dumiretso sa Asteromagus Academy para pumasok na naman sa mga boring na leksyon.

*****

Third Person Point Of View

Habang naglalakad papasok sa Asteromagus Academy sina Senju at South, nagbabangayan silang dalawa.

"Ikaw kasi, masyado kang makwenta sa mga gawain kaya muntik na nating maistress ang boss." Sumbat ni Senju kay South na nagsalubong ang kilay sa narinig.

"You fucking gender bender, how come it is my fault? Hindi ka nga marunong maglabang loko ka. Ang dumi padin ng nilalabhan mo kahit naka-ilang ulit kana." Sumbat pabalik ni South.

"Edi ikaw maglaba. Arg! Gender bender...gago! Sisihin mo mga magulang ko sa mundong ito kung bakit ako nabigyan ng mukha ng isang babae."

"Pst. Away mag jowa!" Natigilan naman sa paglakad ang dalawa bigla sa tumawag sa kanilang atensyon.

Nilingon nila ito at nakita ang maraming bilang ng mga gangsters na balak silang pagtripan.

"Mag jowa? Tarantado ka ah?" Angal ni Senju sa kaniyang narinig.

"Tangina niyo, paano niyo gustong mamatay?" Tanong naman ni South sa mga gangsters.

Nagulat ang leader ng mga gangsters ng makita nito ng klaro ang mukha nina Senju at South na naglakad palapit sa kanila.

Napaluwa siya sa sigarilyo niyang hinihithit sa gulat.

"W-what are they doing here?" Hindi makapaniwala na sabi nito at napa-atras.

"Boss?" Takang tanong ng mga miyembro nito sa kaniya.

"Those two, those face...I won't forget them alongside with that monster woman who destroyed half of the Weal Region just to stop the wide-slavery going on there by the Nobles." Paliwanag nito sa kaniyang mga tauhan.

"Sigurado ka boss? Yung sinabi mo noong pumaslang sa lahat ng mga dati mong kasamahan sa gang?" Naninigurado na tanong naman ng isang tauhan.

"Oo. Sila ang pinaka-notorious na Gang sa Weal Region tatlong taon na ang nakalipas kahit na tatlong miyembro lamang sila, ang Havoc Gang. Ang dalawang lalaking papalapit sa atin ngayon, ay ang 'President's Shield, Senju Fanah' at 'Elite Vanguard, South Avalo' ng gang. Magdasal na kayo, hindi tayo mabubuhay dahil maling tao ang napagtripan natin."

*****

Bugbog ang inabot ng mga gangsters kina Senju at South. Brutal na pinagbabalian ng buto ni South ang mga binugbog niya habang si Senju naman ay simpleng malalakas na tig-iisang sipa lang ang ginawa sa mga hinarap nito.

"Softy as always, Shrimp." Pangaasar ni South kay Senju.

"Paki ko?" Sabi naman ni Senju na pinatunog ang kaniyang leeg. "Na-stiff neck ata ako, kanina pa 'to, kailangan ko nang magpalit ng aking unan na ginagamit."

"You freeloader..."

Itutuloy.