webnovel

The Fall of the Witches

"Dweisse! Dweisse" tawag ng isang matandang babae.

"Elder Welhelmina bakit po?" sagot naman ng isang dalaga na lumabas sa isang hut.

"Oras na para kunin ang isa pang sangkap para sa potion."

"Elder pano kung hindi pa rin nila nakukuha ang mata ng silver-eyed lion?"

"Dapat magmadali sila, kung hindi pa nila maibibigay ngayong gabi, ako na mismo puputol sa proteksyong binibigay natin sa kanila."

"Elder baka pwede muna natin silang bigyan ng konti pang panahon."

Hindi na nagsalita pa ang matanda at tumalikod na ito. Si Elder Welhelmina ang nagsisilbing guardian ng lahat ng witches sa Witch Mountain. Puro babae ang mga nakatira dito at over protective ang elder nila dahil ayaw niyang manganib ang mga buhay ng nasasakupan nito. Sa pagdating ng dalaga sa lugar nila ni hindi nila alam kung paano nakapasok ang dalaga sa barrier na nilagay nila. Ramdam din ng elder na may natatanging kapangyarihan ang dalagang bumagsak galing sa kalangitan. Wala itong maalala kaya pinangalanan niya itong Dweisse Ericka Devoughnaire. Silang lahat ay mga Devoughnaire at ang katangi-tanging lahi ng mga witches dahil hindi sila kailanman nahaluan ng ibang majika. Binansagan silang Pure Witches, pero kaakibat ng titulong iyon ay ang panganib na sila ay abusuhin. Pinagbabawal ng elder nila ang anumang komunikasyon mula sa isang tao. Ni hindi alam ng mga tao ang mga itsura nila dahil nagtatago sila sa ilalim ng isang liwanag kung may kukunin man silang mga sangkap na wala sa lugar nila.

"Dweisse samahan na kitang magtungo sa taguan ng mga tao." biglang kapit sa kanya ng kaibigang si Scarlette. Ito ang lagi niyang kasama simula ng nagising siya at mabilis siyang napalapit dito.

"Sige pero magpaalam muna tayo kay Elder baka maparusahan tayo."

"Sige tara." excited na hinila si Dweisse papunta sa Elder's Hut.

"Elder sasamahan ko na po si Dweisse sa Murken Forest."

"Scarlette natapos mo na ba yung pinagagawa ko sayong staff?"

"Opo tapos na po nung isang araw pa." nakangising saad ni Scar.

"Sige pero lagi niyong tandaan na huwag na huwag kayong makikipaglapit sa mga tao lalong lalo na sa mga kalalakihan." pinandilatan sila nito ng mata.

"Opo." dueto ng dalawa.

Patakbong nagpunta ang dalawa sa mystic gate. Kumaway pa sila bago pumasok sa mystic gate. Sa eksaktong spot na sinabi ni Venz ang mismong pasukan at labasan ng mga witches. Sila lang din ang nakakaalam at nakakakita nito. Nakarating na sila Dweisse at Scarlette sa Murken Forest, bilang pag-iingat ay nagpanggap silang normal na tao. Naglakad sila papunta sa Fetid Swamp pero ni hindi pa sila nakarating sa lawa ay may grupo ng mga kalalakihan ang tumatakbo papunta sa direksyon nila. Huli na para makapagtago pa sila, biglang natalunan ng liyon si Dweisse at natumba. Agad siyang inakay ni Scar para makapagtago pa sila ngunit mabilis ang mga pangyayari.

"Miss are you okay?" hinawakan ni Vladimar ang braso ni Dweisse. Nagitla naman ito at hinawi ang pagkakakapit ni Vlad sa braso nito.

"Vlad! nahuli mo ba?" tanong ni Venz.

"Sorry Venz pero nakatakas."

"Bakit mo ba hinayaa——" napatingin si Venz sa dalawang babaeng kaharap ni Vlad.

"Tinulungan ko lang makatayo, muntikan ko na sanang mahuli yung liyon pero tinalunan siya nito. Hanapin nalang natin ulit yun pag gabi na."

"Anong meron sa kagubatang ito at laging may mga babaeng nawawala."

"Excuse me hindi po kami nawawala, papunta kami sa Fetid Swamp." mataray na sabi ni Scar.

"Fetid? doon ang hide-out namin." pagbibigay-alam ni Vlad.

Kinurot ni Dweisse ang gilid ni Scar para patahimikin ito, nginitian niya lang sina Venz at Vlad tsaka hinila si Scar. Mabilis silang naglakad palayo sa kinaroroonan ng grupo ng kalalakihang iyon. Huminga ng malalim si Dweisse at tsaka nagsalita.

"Scar di mo ba sila nakilala?"

"Hindi bakit ba?"

"Sila yung pakay natin dito. Yung liyon na tumalon sa harapan ko yun yung silver-eyed lion na kailangan natin."

"Hala! pano yan nakita nila tayo. Hindi ba dapat naghihintay na lamang sila sa pagdating natin para kunin ung ma—-Ay naku! ibig sabihin lang pala nun nagsinungaling silang nasa kanila na ang mata. Lagot! Kailangan na nating bumalik at ipagbigay alam kay Elder yun."

"Huwag! Huwag muna Scarlette, kita mo naman di ba hinahabol na nila ibig sabihin lang nun makakaya pa nilang hulihin ang liyon at aabot pa sila sa oras ng pakikipagkita."

"Pero dapat malaman ni Elder yun." dere-deretsong naglakad si Scar pabalik sa portal. Sumunod na lamang si Dweisse dito ngunit ng makarating na sila sa portal at papasok na si Scarlette ay agad niya itong tinulak at isinara ang portal. Nagpaiwan siya sa Murken Forest.

"Sorry Scarlette pero parang may kailangan ako dito. Gusto kong malaman kong ano yun." bulong niya sa sarili.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagpunta si Dweisse sa Murken Forest, siya lagi ang sinasama ni Elder kapag nakikipag-usap ito sa grupo ni Venz tungkol sa proteksyong ibinibigay ng mga Witches sa kanila kapalit ang pagkuha nila ng mga sangkap para sa mga potions nito. Nagmadaling nagpunta si Dweisse sa Fetid Swamp, tumakbo lamang ito para kung may makasalubong siya hindi malalaman na isa siyang witch. Nakarating na siya sa lawa kung saan kailangan niya itong tawirin, ngunit wala siyang nakikitang bangka na pwede niyang gamitin. Minasdan niya ang paligid at ng makasigurong walang tao na pwedeng makakita sa kanya ay inilabas niya ang walis at sumakay dito. Lumipad siya patawid ng lawa at pumanaog sa likod ng malaking puno. Ang mismong puno palang yun ang hide-out ng mga hunters. Malaking-malaki ito at ito rin ang nagsisilbing bukana ng hide-out nila, mula sa pinto ay pababa ang pasukan ng hide-out at nasa underground talaga ang kabuuan nito. Ang akala ni Dweisse ay walang nakakita sa kanya ngunit nagkakamali pala siya.

"Miss?" tanong ni Carlie. Napaatras si Dweisse at kamuntikan ng matumba pero napasandal siya kay Chayanne.

"Okay ka lang ba?" tanong naman ni Chayanne.

"Ha? ah-eh O-okay lang ako." nauutal na sabi ni Dweisse.

Napansin ni Carlie ang marka sa kanang kamay ni Dweisse, hinawakan niya ito at biglang may kakaiba siyang naramadaman sa babaeng kaharap. Tulad rin ng mahawakan niya si Chayanne nung unang pagkikita nila.

"Anong pangalan mo?"

"I'm Dweisse Ericka Devoughnaire."

"Bat ka napadpad dito?" tanong naman ni Chayanne.

"Kasi parang may kung anong humihila sakin papunta dito. Parang may dapat akong makita o makilala sa lugar na ito."

"You are not Dweisse."

"Pano mo nasabi?" naguguluhang tanong ni Dweisse.

"I assure you hindi ka si Dweisse, siguro yan yung pangalan na ibinigay sayo ng mga taong nakakita sayo."

"Ganun na nga, nagising na lang ako pero wala akong maalala na kahit ano, at si Elder Welhelmina ang nagbigay sakin ng pangalan na yan."

Sa hindi kalayuan ay nakita naman ulit ni Carlie ang aninong sa tingin niya ay laging nagmamasid sa kanya. Hindi niya makita ang mukha pero sigurado siyang nakatingin ito sa babaeng kaharap niya. Hindi niya maiwasang magtaka at tila nagagalak itong makita si Dweisse. Ilang segundo pa ay nawala itong bigla.

"Ganun din ako, nagising ako ng walang naaalala at tanging si Carlie lang ang nakapagbigay ng pangalan ko." pahayag ni Chayanne.

"Carlie? ikaw po?"Nabaling na ulit sa mga kaharap ang atensyon ni Carlie sa biglang pagtanong ni Dweisse.

"Sorry di pa pala ako nagpapakilala I'm Chayanne Sheia Gilbert Winchester." inilahad ni Chayanne ang kamay nito at kinuha naman yun ni Dweisse. Pareho ang naging epekto nito kay Chayanne nung hawakan din siya ni Carlie.

"Dweisse, you are Cornelia Syren Gilbert Winchester. Maniwala ka, konektado tayo sa isa't isa kaya ka siguro napunta dito."

"Naguguluhan po ako, pero tulad ng sinabi mo po may connection nga siguro tayo sa isa't isa. Ibang saya ang nararamdaman ko, nagagalak akong makilala kayo."

"Ano ba ang ibig sabihin ng markang yan sa kamay mo?"

"Eto ba? hindi ko po alam. Kahit na yung mga witches——-" tinakpan ni Dweisse ang bibig niya.

"You're a witch?" sabay na tanong ng dalawa.

"Sila po yung kumupkop sakin, please wag niyong lakasan boses niyo ayoko ng may nakakaalam."

"Sorry, hindi siguro kami yung pakay mo dito." saad ni Chayanne.

"Oo nga may mission ka siguro dito." segunda ni Carlie.

"Ang totoo po niyan, pinadala ako dito para kunin ang silver-eyes na galing sa isang liyon, yun nalang po ang natatanging sangkap na kailangan ni Elder para mabuo na po yung spell na ginagawa niya."

"Kayo pala ang nag-uutos sa grupo nina Venz na hulihin ang liyon at dukutin ang mata nito!" medyo galit na saad ni Chayanne.

"Hindi ko po kagustuhan na patayin ang liyon, yung mata lang po ang kailangan namin."

"Kahit na, mamamatay pa rin ang liyon na yun kasi masyado itong mailap. Walang ibang gagawin si Venz kundi patayin ito para makuha lang yung gusto niyo."

"Hindi po ganun ang ibig naming mangyari, hindi po sa liyon ang mga matang yun."

"Anong ibig mong sabihin?" sabat ni Carlie. Napabuntong-hininga na lamang si Dweisse.

"Ano ba kasi ang nangyayari para maintindihan namin. Para maligtas din natin yung liyon." saad ni Chayanne.

"Alam niyo po ba kung saan sila hahanapin. Tutulong po ako para hindi po masaktan yung liyon."

Nagkatinginan ang tatlo. Napagtanto nilang may dapat silang gawin kaya nagpasya silang magpunta sa Murken Forest para hanapin ang grupo nina Venz. Para hindi sila mapaghalataan ay sa malayong parte sila ng Swamp nagpunta, wala silang bangka na pwedeng sakyan at hindi rin sila kayang buhatin ng iisang walis lang din.

"Kayang buhatin ng walis na ito ang dalawang katao lamang, pero tatlo tayo. Paano tayo tatawid ng lawa niyan?"

"Makaka-isip rin tayo ng paraan." nag-isip ang tatlo at sa di kalayuan ay may nakita si Chayanne sa isang dambuhalang buwaya na papunta sa lawa, tinawag niya ito at agad naman itong lumapit. Natakot si Dweisse at biglang napasakay sa walis at lumipad pataas.

"Cornelia okay lang, kayang kontrolin at kausapin ni Chayanne ang lahat ng hayop."

"Talaga po? Baka bigla akong kainin niyan."

"Hindi Cornelia di ka raw niya kakainin." saad ni Chayanne.

"Nakausap mo po?"

"Oo naman. Hindi siya mapanganib." hinawakan pa ni Chayanne ang ulo ng buwaya. Pinakiusapan niya ito kung pwede ba silang itawid ng lawa. Umalis ang buwaya para magtawag ng kasama. Mula sa mayayabong na damuhan may isa pang kasinglaki nito ang lumabas, magkasabay silang tumawid ng lawa papunta sa kinaroroonan nila Chayanne.

"So pano tayo tatawid?" tanong ni Carlie.

"Tumayo daw tayo sa likuran nila, ikaw dun sa isa at ako naman sa kanya. Tapos sabi niya si Cornelia na raw yung magbabalanse satin."

"Sige ate dito ako sa gitna tapos humawak kayo sa dulo ng walis para maibalance ko kayong dalawa."

Tulad ng napagplanuhan ay yun nga ang ginawa ng tatlo. Dahan-dahan lang ang paglipad ni Cornelia tapos maingat rin na lumangoy yung mga buwaya. Ligtas silang nakatawid sa tulong ng mga buwaya. Nagpaalam na sila sa mga buwaya at humirit pa ang dalawang buwaya at tinakot ang kawawang si Cornelia. Naglakad na ang tatlo palayo sa Swamp deretso papunta sa Murken Forest. Sa bukana ng kagubatan ay agad humingi ng tulong si Chayanne sa mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Tinanong niya ang mga ito kung nakita nila ang grupo nina Venz at ang silver-eyed lion. Mula sa impormasyong nakuha ay agad silang nagpunta sa sinasabing lugar. Ang liyon daw ay nakita nilang nakahiga at sugatan na nagtatago sa pagitan ng dalawang malalaking bato. Isang ibon rin ang tumulong magnavigate sa eksaktong kinaroroonan nito. Nang makarating ay nanghihina na ang liyon dahil sa dami ng dugong nawala dito. Wala pa sina Venz sa naturang lugar, dali-daling nilapitan ni Chayanne ang liyon at niyakap. Hindi niya alam ang gagawin para tumigil ang pagdurugo ng sugat nito. Mula ito sa tama ng isang pana, si Venz ang nakatama dito dahil na rin namukhaan ni Carlie ang itsura ng panang nakatusok pa rin sa may tyan nito.

"Huli na tayo!" umiiyak na si Chayanne.

"Sorry po, hindi ko po kagustuhan to."

"Hindi ka namin sinisisi sa nangyari."

"Sorry po talaga."

"Wala ng magagawa yang sorry mo." may galit sa boses ni Chayanne.

Hindi pa nagtagal ay natunton na nila Venz ang liyon dahil na rin sa bakas ng mga dugo. Hindi nila inaasahang makikita nila sina Carlie at Chayanne sa naturang lugar kasama ang babaeng nakasalubong nila kanina. Hinarangan ni Chayanne ang kinalalagyan ng liyon, ganun din si Carlie.

"Umalis kayo jan, kailangan namin ang liyon na yan." utos ni Venz.

"Hindi namin ibibigay ang liyon sa inyo."

"VIctoria, Veronicque umalis na kayo please." paki-usap naman ni Vladimar.

"Hindi kami aalis. At isa pa may mga pangalan kami, Ako si Carlie at siya naman si Chayanne."

"Umalis na kayo jan, kailangan na naming makuha ang mga mata niyan bago pa gumabi."

"Para san ba? Ano ba ang kapalit ng mata ng liyon? Yung sarili niyong kapakanan? Proteksyon mula sa mga Witches na ginagawa kayong utusan?" dere-deretsong saad ni Chayanne.

"Ayoko na makipag-argumento, umalis na lang kayo."

"Ano bang kinatatakot niyo? Bakit kailangan niyo pa ng proteksyon di ba kaya niyo namang protektahan ang mga sarili niyo." argumento ni Carlie.

"Kung kaya namin edi di sana hindi na namin kailangan ng proteksyon!" sagot naman ni Venz.

"Venz , Carlie , Chayanne tama na. Carlie may irregularities na nagaganap sa lugar na ito, binabalanse ng mga witches ang lugar na ito. Sa tulong nila hindi na namin kailangan pang mangamba na baka manganib kami sa mga nilalang na hindi naman galing dito." paliwanag ni Vlad.

"Nilalang? anong klaseng nilalang?" tanong ni Chayanne.

"May butas ang dimensyong ito, madaling napapasok ng mga nilalang na galing sa ibang dimension ang lugar na ito dahil sa butas na yun. Kami na lamang ang natitirang tao dito Carlie, kaya nga nagulat na lamang ako nung makita ko kayo ni Chayanne. Sa tulong ng mga Witches naisasara nila ang butas na yun pero kailangang laging may nagbabantay sa barrier na gawa nila para mamonitor kung humihina na ito o hindi. Kaya kami pumayag na sumunod sa mga utos nila para narin sa kaligtasan namin." pahayag ni Venz.

"Pero kailangan niyo ba talagang patayin tong liyon? Hindi naman yata fair yun."

Hindi na natiis ni Cornelia ang argumento ng dalawang grupo, kaya sumingit na siya sa usapan nila. Pumagitna siya sa dalawang nag-aargumento.

"Tumigil na kayo! Paki-usap naman manahimik muna kayo!" sigaw ni Cornelia.

Napatingin silang lahat sa kanya at tumahimik.

"Di ba ikaw yung babaeng nakasalubong namin kanina?" tanong ni Vlad.

"Oo at ang pangalan ko ay Cornelia." tumingin pa siya sa gawi ni Carlie at ngumiti. "May naisip akong paraan para hindi kailangang patayin ang liyong iyan."

"Anong paraan?" tanong ni Carlie.

Inireveal ni Cornelia kung ano siya, sa isang ikot niya lang ay nakasuot na siya ng puting damit na mahaba at lumilipad. Nakaupo siya sa kanyang nakalutang na walis. Hindi siya yung tipong witch na nakasuot ng itim at kung tumawa ay nakakainis, nagliliwanag ang kabuuan niya habang nakaupo sa walis. Nagulat sina Venz dahil ang babaeng nakasalubong ay isa palang Witch. Ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng isang witch na harap-harapan pa.

"Ilapit niyo sa akin ang liyon." utos ni Cornelia. Agad na sumunod sina Venz at binuhat ang liyon. Sa una ay nagpupumiglas ito sa paglapit ni Venz pero pinaamo ito ni Chayanne. Inilapag nila ang liyon sa harap ni Cornelia.

"Tanggalin niyo ang pana, dahan-dahan lang. Chayanne ikaw na bahalang magpakalma sa liyon." sumunod naman sila. Natanggal din nila agad ang nakatusok na pana habang hinimas-himas ni Chayanne ang ulo ng liyon.

"Anong plano mong gawin." tanong ni Carlie.

"Di ba nasabi ko sa inyo na kakaiba ang liyon na iyan. Tulad ng sinabi ko hindi kanya ang mga matang yan."

"Nabanggit mo nga samin yan kanina sa Swamp."

"Lumayo muna kayo ng kaunti." agad na lumayo silang lahat. Lumikha ng isang magic circle is Cornelia at bumigkas ng isang spell.

"I call on the gods and goddesses of the old days, as well of those of the new. Break this spell that's binding with your power. Gods of light move about this lion's body. Allow your power to break anything that holds him. Goddesses come down and wake his body. Allow the power that you have given this lion to be awaken. I call on the East gate. Break the binding spell that was placed on this lion. Let it be removed for good. Do not allow a spell of binding be placed on him that is before me." pagkasabi nun ay humiwalay ang isang nagliliwanag na hugis tao mula sa liyon. Nagliliwanag pa rin ito na lumayo sa liyon, hinipo nito ang sugat ng liyon at gumaling ito. Bumangon din ang liyon sa pagkakahiga nito at tumabi sa soul na humiwalay sa kanya. Hinimas ng soul ang ulo ng liyon at tumingin dito. Naglabas si Cornelia ng isang bote at binuksan ito.

"Once I enter that bottle you must be prepared for something even more tragic Dweisse of the Devoughnaire mountain. But I will also remember this day, the day that a certain Dweisse from the line of witches broke the spell and cast me out of the lion's body." pagkasabi nun ay pumasok ang liwanag na iyon sa bote at naging silver-eyes ito. Naglaho ang magic cirlce at bumaba sa pagkakaupo sa walis si Cornelia. Naguguluhan siya sa ibig sabihin ng pinakawalang soul. Lumapit sina Carlie at Chayanne.

"Ayos ka lang ba?"

"Okay lang ako, pero bigla akong kinutuban sa sinabi niya."

"Ang mas mabuti mong gawin ay ibigay agad yan sa elder mo baka may makuha kang impormasyon tungkol sa sinabi ng liwanag sayo." opinyon naman ni Chayanne na hinimas-himas ang alert na ulit na liyon pero hindi na silver ang mga mata nito kundi brown na.

"Mas mabuti pa nga." agad na lumipad si Cornelia papunta sa kinaroroonan ng portal. Naiwan sina Chayanne at Carlie kasama ng grupo ni Venz at nagdesisyong bumalik na muna sa hide-out.

Pagkapasok ni Cornelia sa portal na dala-dala na ang boteng may laman ng mga silver-eyes ay agad siyang sinalubong ni Elder Welhelmina.

"Dweisse bakit ka hindi sumunod sa ipinagbilin ko sayo? Lubhang mapanganib ang ginawa mo." may halong pag-aaalala sa boses nito. Imbes na sumagot ay ibinigay ni Cornelia ang bote.

"Nakuha ko na yung kailangan mo po para sa spell."

"Pano nila ito nakuha?"

"Ako po mismo ang kumuha niyan. Tulad ng sinabi mo po na hindi sa liyon ang mga matang yan kaya gumamit ako ng unbinding spell." paliwanag ni Cornelia sa nangyari. Nagitla ang matanda sa narinig.

"Unbinding spell? ibig sabihin pinakawalan mo ang kaluluwang ikinulong ng mga ninuno natin sa liyong iyon?"

"Opo ganun na nga po." naguguluhang sagot ni Cornelia.

"Dweisse ang pinakawalan mo ay ang Lord ng Underworld. Kaya ko ipinag-utos sa mga taong yun ang pagkuha nito dahil alam kong papatayin nila ang liyon para lang makuha ang mga matang ito, sa ganung paraan mas madali kong macontain ang kaluluwang yun para hindi na makabalik sa dapat karoroonan nito." nagmadaling nagpunta ang matanda sa hut niya at binuksan ang spell book para hanapin ang Binding spell na ginamit ng mga ninuno nila para mabilanggo ang Lord of the Underworld. Nilagay niya ang bote sa gitna ng isang magic circle para harangan ang kapangyarihan nito. Ngunit huli na pala ang lahat, unti-unting nag-crack ang boteng pinaglagyan ng mata hanggang sa ito ay nabasag. Hindi nakayanan ng magic circle na harangan ang kapangyarihan nito at ang lupang mismong ginawan ng magic circle ay nagsilbing portal ng mga nilalang na galing sa underworld. May biyak ang lupa na nasa gitna ng magic circle. Isa-isang lumabas sa biyak na yun ang mga demonyo.

Ang silver-eyes ay naglabas ng anyong tao, yung kaninang nagliliwanag ay ngayon ay napapalibutan ng maitim na apoy. Nagsitakbuhan ang mga witches, sinunog nga mga demonyo ang mga bahay nila at mga stock room nila kung saan nakalagay ang mga potions nila. Hinablot ni Elder Welhelmina ang book of spell at hinila na rin si Cornelia palayo sa kinaroroonan ng portal ng mga demonyo.

"Caien!"

"Welhelmina it's been a while. Ngayon kailangan niyong pagbayaran ang pagkulong ng mga ninuno niyo sa akin." galit na saad nito.

"Cornelia tumakbo ka na."

"P-pero elder."

"Bilis tumakbo kana." lumikha ng isang malaking magic circle si Elder at naglabas ito ng mga fire ball. Ang ibang mga witches ay nakipaglaban din sa ibang mga demonyo, nag-cast sila ng mga spells pero walang epekto ang mga ito. Tila kinakain pa ng mga demonyo ang bawat spells na ginawa nila. Nagmistulang war zone ang witch mountain. Napapalibutan na sila ng mga demonyo, nakita ni Cornelia kung paano nilapa ng mga demonyo ang mga witches at kainin ang mga soul nito. Umaapoy ang buong paligid at kanya-kanyang iyakan at sigawan ang mga kasamahan ni Cornelia.

"Cornelia umalis ka na!" sigaw ng matanda. Tila binging walang marinig si Cornelia, nanginig ang buong kalamnan nito at tila napako sa kinatatayuan. Sa harap niya ay nakita niya ang pakikipaglaban ni Elder Welhelmina kay Caien na Lord of the Underworld. Nahawakan ni Caien ang matanda at itinaas, binugahan ng apoy at umalis sa katawan ng matanda ang soul nito at nilamon kaagad ni Caien. Sabog na sabog na ang utak ni Cornelia sa mga sigawan ng mga kasamahan at siya naman ay wala man lang nagawa.

"Tama na—— tama na—- Paki-usap tama na—-" paulit-ulit niyang bulong sa sarili. Muli niyang tinignan ang paligid, puro bangkay na lamang ang nakikita niya, apoy sa bawat sulok at siya na lamang ang natira sa kanila. Napapalibutan na siya ng mga demonyong takam na takam sa kaluluwa niya.

"Dweisse Devoughnaire or should I call you Cornelia Syren?" nakangising sambit ni Caien na tinapon ang bangkay ng matanda sa malayo.

"Pano mo nalaman?"

"Sabihin na nating maliit ang mundong kinatatayuan mo."

"Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo!"

"Wala ka ng magagawa pa."

Sa galit ni Cornelia ay unti-unti siyang naglabas ng liwanag, sa kinatatayuan niya ay gumawa siya ng isang magic circle. Nagliliwanag ito ng husto at isang kulay gintong aura ang nagpa-ikot ikot sa magic circle. Nang e-release niya ang lahat ng lakas niya para makalikha ng isang matinding liwanag na kayang pumatay sa mga demonyo ay kalahati lamang ng kasalukuyang bilang nito ang nawala. Ang portal ay dere-deretsong naglabas ng mga demonyo galing underworld. Halos hindi na makatayo si Cornelia dahil hindi siya lubos makapaniwala na hanggang dun lang ang kaya niya. Nawalan na siya ng lakas na loob na labanan ang mga ito ng biglang umilaw ang marka niya sa kanang kamay. Hindi nagtagal ay isang mystic gate ang bumukas at iniluwa doon ang anim pang katao. Napatayo si Cornelia at nilapitan ang mga ito. Agad naman nakita ni Cyrus na nagliwanag ang marka sa kamay ni Cornelia at niyakap ito. Ganun din ang ginawa ni Ciara. Hindi namalayan ng anim na bagong dating na napapalibutan pala sila ng mga demonyo. Isang malakas na dagundong ang humiwalay sa pagkakayakap ng tatlo.

"Ano yan?" maang na tanong ni Cloyce.

"Siya ang Lord of the Underworld." mahinang tugon ni Cornelia. "Napapalibutan na tayo."

Pare-pareho silang nanghihina dahil galing din sila sa pagtakas sa mga Vamprie sa MoonEvil Dimension. Napansin ni Casimir na nagliliwanag ng husto ang mga marka nilang tatlo. Agad niyang kinuha ang atensyon ng tatlo.

"Yung mga marka natin, baka may magagawa pa tayo." pinagdugtong nina Ciara, Cyrus at Cornelia ang marka sa mga kamay nila. Naging isang buong marka ito ng Star of David. Lumikha ang marka ng lindol na sumira sa buong dimensyon. Naglabas din ito ng liwanag na sumakop rin sa buong dimension at naisara nito ang portal na pinanggagalingan ng mga demonyo at ang mga nakalabas na ay nasunog lahat pwera sa lord of the Underworld na si Caien. Nawala ang maitim na apoy na lumilibot sa kanya at naging normal na tao siya. Isang malaking blackhole ang naging bunga ng pagkasira ng buong dimension. Lahat ng taong buhay sa dimensyong iyon ay hinigop ng blackhole. Pati na sina Carlie at ang mga hunters.

Saang dimensyon na naman sila babagsak sa pagkakataong ito? Ang buong akala nila na dahil sa impact ng kapangyarihang nagmula kina Cyrus, Ciara at Cornelia nagmula ang blackhole na yun ay nagkakamali sila. Ang aninong laging nakasunod kay Carlie ay nahigop din sa blackhole. Ano ba ang kinalaman niya sa mga Gods and Goddesses? Bakit niya laging sinusundan si Carlie. Sa pagkakataong ito ay mahalaga lamang sa kanila na sila ay nakaligtas pa mula sa pagkasira ng Outlaw Dimension.