3 The Genius of the Past

Dahil sa takeover ng Misteryosong boses sa pag control ng katawan, sa isang iglap lamang ay biglang lumutang ang katawan ni Rafael sa himpapawid habang. Hindi ito nagsayang ng oras at biglang lumipad patungo sa direksyon ng forest kung saan naiwan ang bag. Bagamat nasa loob si Rafael ng kanyang Soul Space ay randam parin niya ang hangin na humahampas sa kanyang mukha at ang malamig na simoy na bumalot sa buo niyang katawan.

Makakalipad din kaya ako gamit ang sarili kong kakayahan pag naabot kona ang mataas na cultivation levels? Napakaganda siguro ng pakiramdam na makalipad sa himpapawid na parang isang malayang ibon! Ito ang mga tanong ni Rafael sa kanyang isipan.

Pero bago pa siya malunod sa kanyang pantasya ay nakalapag na ang mga paa ng kanyang katawan sa madamong bahagi ng Forest.

Oh... Andito na agad kami?

Ni wala pang sampung minuto ay naabot na nila ang Gerundo Forest, lalong namangha si Rafael sa kakayahan ng Misteryosong boses. Sa kanyang memorya, hindi naman ganito kabilis ang lipad ng napadaan na Cultivator sa village, ang layo ng agwat nila!? Parang naglalakad lamang ang Cultivator kumpara sa naka motor na bilis ng Misteryosong boses!

Ano kaya origin ng Misteryosong boses na ito? Siguro kung ibang cultivators ang maglakbay sa distansya ng kanilang pinuntahan ay siguradong aabutin ito ng mga isang oras!

Woah... napaka galing naman!

Naging malakas ang kutob ni Rafael na baka isang 'Old Freak' ang Misteryosong boses na ito, sa angking bilis na pang Heaven defying!

Pero may isang tanong si Rafael na bumabagabag sa kanya, hindi niya tukoy kung babae o lalake, bata o matanda ba ang boses sa tuwing nagsasalita ang Misteryosong boses. Bawat words na madidinig sa tuwing siya'y nagsasalita ay naka distort ang boses nito. Dahil hindi pa masyadong pamilyar sa isa't-isa ay isinantabi na muna ni Rafael ang katanungang ito.

Nang mapansin ng misteryosong boses ang manghang-mangha na si Rafael ay napa sneer ito at sinabing, "Kung katawan ko lang ito ay magbubukas nalamang ako ng portal, sa isang sigundo lamang ay nakarating na tayo!," Pagmamayabang nito kay Rafael.

Gustong ipaalam ng Misteryosong boses na kung gaano siya kagaling at kung gaano siya kalakas! Tila bang nagsasabing 'Praise me! You lowly humans!'.

"Ah talaga?" Dumbfounded na sagot ni Rafael.

Halos matumba sa kinatatayuan ang Misteryosong boses ng marinig ang reply ni Rafael. 'Di ba niya alam na isa akong mataas na uri na entity kaysa sa mga puny humans na mga walang kwenta? Dapat sambahin mo ako na parang isang panginoon!

Hindi na niya pinatulan ang pagka ignorante ng mortal na si Rafael, nagpatuloy nalamang siya at tumungo kung saan naiwan ni Rafael ang bag na puno ng mga Herbal Plants.

Scan!

Gamit ang katawan ni Rafael, ipinukos ng Misteryosong boses ang kanyang mana essence sa pag scan, pinakawalan niya ito at kinalat ito sa buong paligid. Para 'tong isang calm water na hinulugan ng bato at gumawa ng ripple effects na siyang naghahanap sa bag sa buong paligid. Sakop ng Scan na ito ang area sa loob ng 1 kilometer radius.

Tsk... Kung sapat lang sana ang mana ng katawan ng batang ito mas malawak pa sana ang scan ko. Disappointed na muni-muni ng Misteryosong boses.

Ilang saglit lang, sa loob ng water ripple effects ay nadaanan nito ang bag na kanilang hinahanap. Para itong radar na may nahagilap at nag bli-blink at nag pi-pin point sa exact location ng target.

Yun!

Kitang-kita na ng Misteryosong Boses ang bag, pati si Rafael na nasa loob ng Soul Space ay ganoon rin, naka link ang kanilang mga senses dahil iisa lamang sila ng Misteryosong boses.

Ngunit bago pa mapuntahan ang bag ay napa exclaimed si Rafael, dahil shared senses sila ng misteryosong boses ay nakikita rin niya ang ability ng scan. Malapit sa bag ay may mas malaking bilog ang naka pin point sa radar, kung mas malaki ang bilog sa scan ay mas marami itong Mana Essence na taglay, pwede itong demonic beast o di kaya'y isang Cultivators na napadaan sa lugar!

Hindi nagmadali sa paglakad ang Misteryosong boses papunta sa location, alam niyang delikado pag may hostility ang nag mamay-ari ng malakas na mana essence na naka pwesto kung saan malapit sa bag. Base sa kanyang kasalukuyang lakas ay malabo niya itong malalabanan ng patas, lalo't na bago palang sa path of cultivation ang katawan ni Rafael at level 0 palamang. Kahit may sapat na lakas ang Misteryosong boses ay hindi naman kakayanin na pasanin ng katawan ni Rafael ang dumaluyong niyang mana, bago pa sila maka inflict ng damage sa kalaban ay mauuna ang katawan ni Rafael na mapuruhan na siyang makaka apekto sa future achievements nito.

"Ano sa tingin mo, isa kayang uri ng demonic beast ang malapit sa bag?" Tanong ni Rafael sa misteryosong boses.

"Mukhang malabo na isa tong uri ng monster...," Solemn na pagmumukha ang makikita sa Misteryosong boses habang kinokontrol ang katawan ni Rafael.

"Kung ganon..." 'di maiiwasan kabahan si Rafael sa loob ng Soul Space, alam niyang napaka dangerous ang path ng cultivation, pag nalaman ng ibang tao na threat siya sa kanila ay di malabong i-iliminate siya agad nito.

.....

"Hmm..." Napakunot ang noo ng isang Middle aged man habang may tinitigan sa 'di kalayuan habang hawak-hawak nito ang bag na puno ng herbal plants.

"Lumabas ka diyan at magpakita ka o baka gusto mong kaladkarin kita palabas diyan sa tinataguan mo! Hmmp!" Mahinang sigaw ng Middle aged man, ngunit dinig na dinig ito ng Misteryosong boses at ni Rafael kahit medyo nasa malayo sila. Dahil sa nakahalong mana essence ang sigaw na ito, aakalain mong parang nasa harapan mo lang ito. Kung maririnig ito ng normal na tao ay sigaradong dadaloy ang dugo galing sa kanilang mga tenga.

Sa 'di kalayuan, lumitaw sa madilim na parte ng gubat ang isang maputing teenager, may suot itong parang trapo na damit at madungis na pagmumukha. Sa unang tingin palang ay masasabi mo nang isa tong commoner. Ang teenager na ito ay si Rafael habang kinokontrol ang katawan nito ng Misteryosong boses.

Oh?

Nagulat ng kaunti ang Middle age man dahil ang commoner na ito ay may kakaibang mana essence sa katawan? Pero kahit may essence ang teenager na ito ay hindi ito napukaw ang interest ng Middle aged man dahil sa isa tong commoner na naka destined na maging pinaka-mababa sa systema ng mundo ng cultivators. Kahit gaano pa ka-talented ang mga commoner na ito ay malabong itong maka angat dahil sa kakulangan ng suporta.

Lumabas at lumapit ang Misteryosong boses sa middle aged man, nag bow at sinabing, "Magandang gabi po sa inyo Sir, gusto ko lamang kunin ang bag na naiwan ko dito sa kapatagan"

"Oh? Eto ba?" Itinaas ng Middle aged man ang bag na hawak nito.

"Opo sir, yan po ang bag na aking tinutukoy"

"Halika at kunin mo rito"

Nag hesitate ang Misteryosong boses habang kontrol niya ang katawan ni Rafael, nakasimangot ang mukha nito dahil kung may binabalak ang Middle aged man sa kanya ay siguradong wala siya kawala. Lalo't na may malakas itong mana essence sa loob ng katawan na masasabing isa tong expert Mana Cultivator.

Dahil sa turtle speed na galaw ni Rafael ay ngumiti ang Middle aged man sa kinikilos nito, alam niyang natatakot ang batang ito lumapit sa kanya, "Boy, wag kang matakot, hindi ako nangangagat," Sabay ngiti.

Waahh... Nakuha pa ng uncle na ito na mag biro? 'Di mapakali si Rafael habang na sa loob ng Soul Space.

Habang hesitant parin ang Misteryosong boses kung lalapit ba siya o hindi ay biglang may nagsalita ang kanyang narinig.

"Tama, hindi nangangagat si Master kaya wag kang mahihiyang lumapit," Sabay tawa na mahinhin ng isang babaeng teenager na halos di magkalayo sa edad ni Rafael ang nakatago sa likod ng Middle aged man. Nakasilip at nakatitig ang bilugan na mga neto kay Rafael.

Napakaganda ng boses niya, tapos sinabayan pa ng cute na tawa ay biglang nagbago ang mood sa lugar. Dati'y napaka tense ngayon ay parang dumadaloy ang warmth at safety sa paligid.

Ganon paman, tumigil sa paglakad ang Misteryosong boses papunta sa Middle aged man. Nanlaki ang mata nito nang makita ang babaeng teenager sa likuran ng Middle aged man, hindi dahil sa mala diyosa na ganda nito kundi sa mana essence na nakabalot sa buong katawan na halos di nalalayo sa Middle aged man.

Meron pa palang ultimate genius sa era na ito? Exclaimed ng Misteryosong boses sa kanyang isipan. Last time niyang nakakita ng ganito ka abundant na mana essense na taglay ay noong nabubuhay pa siya! Mahigit 9,000 years ago, may isang ultimate genius ang ipinanganak at nagpabago sa buong mundo, pinuksa niya lahat ng mga Demonic Beast na gumala sa Earth. Then, tinapos rin niya ang isang daang taon na hidwaan ng mga Humans! Naging simbolo ito ng kapangyarihan at authority!

Habang nagsibalikan at dumagsa ang mga basag na fragments na memorya ng Misteryosong boses ay biglang sumakit ang ulo niya. Nakikita niya ang Genius na luminis at lumipon sa mga Demonic beast na gumala sa buong mundo pero bakit hindi niya maalala ang kung sino ang Genius at kung ano pangalan nito? Nang ipinokus ng Misteryosong boses ang kanyang titig sa mukha ng Genius na nakita niya sa kanyang memorya ay biglang lumabo ang imahe sa parte ng mukha nito, parang naka blurred ang buong mukha ng dating Genius sa kanyang memorya at tila bang ayaw nito ipakita ang mukha.

Napaluhod ang Misteryosong boses habang hawak hawak ang ulo nito, nasaksihan ito ng babaeng teenager at Middle aged man na siya namang ikinabahala nila.

Anong nangyayari? Na-alarma ang Middle aged man nang makita na may iniinda na sakit sa ulo si Rafael. Nakaluhod ito hawak hawak ang ulo.

"Master..." Napahawak ng mahigpit ang babaeng teenager sa damit ng Middle aged man at nakakunot ang mga noo nito. Parang nag tatanong kung anong nangyayari kay Rafael.

Napa lingon lamang ang Middle aged man dahil hindi niya alam kung bakit at anong problema ng lalaking teenager sa kanyang harapan.

Hanggang sa bumagsak ang katawan ni Rafael sa lupa habang kontrol ng Misteryosong boses at nawalan ng malay. Pati si Rafael na nasa loob ng Soul Space ay nabahala, lalo't na nasa forest sila at hindi pa tiyak kung kalaban ang dalawang cultivator na nasa harapan nila.

"Hoy, hoy! Gumising ka!" Sigaw ni Rafael sa loob ng Soul Space pero kahit anong pilit niya ay hindi na nakapag reply ang Misteryosong boses sa kanya.

Habang busy si Rafael sa paggising sa Misteryosong boses ay biglang lumapit ang Middle aged man pati narin ang babaeng teenager.

Hinawakan ng Middle aged man ang pulso at inilapat ang kamay nito sa dibdib ni Rafael at nagsabing, "Wala siya sa peligro..."

Napa sigh ang babaeng teenager nang malayo sa kamatayan si Rafael.

"Pero... parang nawalan lang siya ng malay dahil siguro sa pagod. Ilagay nalang natin dito sa tabi niya ang bag ng herbal plants, base sa reaksyon niya ng makita na hawak-hawak ko ang bag, posibleng siya ang tunay na nagmamay-ari nito."

Pagkatapos ay nag form ng weird na hand seals ang Middle aged man at umilaw ang mga kamay nito. Pagkatapos ay may semi-transparent na barrier gawa sa mana ang bumalot sa katawan ni Rafael.

"Ok... Nilagyan ko siya ng mana barrier at pag nagising siya ay automatic itong ma de-deactivate." Nilagyan ng barrier ng Middle Aged Man si Rafael dahil alam niya na puno ng peligro ang mga lugar sa labas ng village. Unlike sa forest, lahat ng mga village, towns at mga city ay mayroong mga mana barriers na sinetup ng mga Mana Cultivators bilang unang panangga sa mga 'di inaasahang pag atake ng mga Demonic beast.

"Kailangan pa nating maghanap ng Demonic bones para sa pagsasanay mo sa paggawa ng mga elixirs, next year na ang competition para sa mga Beginner Alchemy Tournaments" Nang maala ng Middle aged man ang dahilan kung bakit sila naglakbay at napunta rito ay napakunot ito ng kilay. Nalalapit na ang tournament na sasalihan ng babaeng teenager pero hanggang ngayon wala pa silang nahahanap na unique demonic bones.

Dahil tapos na ang setup niya ng panangga para kay Rafael ay wala na silang gagawin pa sa lugar na ito lalo na't wala namang demonic beast na pagala gala rito na pwede nilang pagkuhanan ng buto. Hindi nila afford na mag sayang pa ng oras, tumayo at sumenyas ang Middle aged man ng "tara na" sa babaeng teenager.

......

Pinagmasdan ni Rafael galing sa loob ng kanyang Soul Space ang likod ng dalawang tao na papaalis at papasok sa madilim at masukal na gubat. Nang hindi na niya ito matanaw ay saka pa siya guminhawa, para siyang nabunutan ng tinik. Ayon sa usapan ng Middle aged man at babaeng teenager ay may problema silang hinaharap at kakailanganin nila ang buto ng demonic beaet at hindi nila hangad ang herbal plants sa loob ng bag ni Rafael. Sa temperament ng babae ay alam ni Rafael na mabuti silang tao pero hindi parin mawala wala ang kanyang kaba lalo't na napaka lakas ng Middle aged man, kung gugustuhin nito ay sa isang kindat lang ng mata ay feeling niya ay mamatay siya.

Halos isang oras rin nakalipas ay saka lamang gumising ang Misteryosong Boses.

"Whew... akala ko hindi kana gigising, ganon nalamang ba ang takot mo sa lalakeng iyon kaya ka hinimatay?," Sabi ni Rafael na may halong pagbibiro.

"Che!" Rebut ng Misteryosong Boses kay Rafael. Hindi na niya sinabi kung ano talagang nangyari sa kanya. Ang tanging gusto niya lamang ay manumbalik ang dating lakas at mabuo ang physical body niya, at pag dumating na ang araw na iyon ay madali nalamang niya ma retrieve ang mga broken fragments ng kanyang memorya at maalala kung sino ba talaga ang genius na nakita niya at ano ang relasyon niya dito.

Gamit parin ang katawan ni Rafael, kinuha ng Misteryosong boses ang herbal bag, "Ito naba yun?"

"Yup!" Sagot ni Rafael sa loob ng Soul Space.

"Next is kailangan natin ang pinaka importanteng sangkap ng elixir, yun ay ang demonic bones..." Sabi ng Misteryosong Boses habang naghahanda para lumipad.

Itutuloy

avataravatar
Next chapter