webnovel

Godly Gene: Another World

Si Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niya aakalaing ang isang dakilang mambabasa na katulad niya sa paborito niyang piksyun ay totoo palang nag-eexist at nararanasan niya ngayon. Mahilig pa naman siyang tumuklas ng mga kakaibang bagay at pinapangarap niya na maglakbay sa hinaharap. Paano nalang kung ang mga bagay-bagay na malalaman niya ay higit na mas nakakamangha pero nakakapangilabot din at the same time. He is only a 16 years old yet he died in a stupid way. Nadismaya siya noong nalaman niyang ang binabasa niyang paboritong mga libro ay nag-end up badly lalo na kung hindi namatay ang mga bida ng mga magagandang librong nababasa niya ay puro miserableng mga katapusan ang nababasa niya. Kaya nga nang mapadpad siya sa mundong ng Cultivation at nabigyan ng panibagong buhay upang maglakbay, sumuong sa labanan at tumuklas ng mga pambihirang mga bagay-bagay ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na bibigyan niya ng halaga ang kaniyang sarili maging ang natutunan niyang mga bagay noon sa mga binabasa niya ay babaguhin niya. Magiging bida ba siya ng pangalawang buhay niya sa mundo ng Cultivation o magiging talunan siya kagaya ng paboritong librong nababasa niya noon? Halina't tunghayan natin ang panibagong Yugto ng buhay ng binatang si Harrie Hernandez bilang ang bagong nagmamay-ari ng katawan at katauhan ni "Sylvan Darvell", isang 18-years old na binata sa pambihirang paglalakbay na ito. Makakaya niya kayang makipagsabayan sa iba't-ibang uri ng mga kapwa niya martial art cultivators na makakasalamuha niya along with his journey, to change his fate, to be the strongest and not be a total loser in this vast world of Cultivation.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 12

Nakita na lamang ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang sariling nasa loob ng kaniyang sariling malaking mansyon. Hindi niya aakalaing nkaakmangha pala talaga ang pagshopping niya sa Virtual Gene Mall. Sa pamamagitan lamang ng virtual helmet ay nakaya niyang pumasok sa online stores na iyon. Sa isang tabi ay nakita niya ang isang malaking supot ng binili niyang mga produkto.

Natawa na lamang siya dahil talaga ngang napakalaki ng virtual black plastic na ngayon ay parang garbage bag lang ito sa reyalidad. 

"Now I know kung bakit ako pinagtawanan ng mga iyon. Hindi nga pala ideal ang ganitong klaseng lalagyan ng mga produktong binili ko haha." Natatawang sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang makikitang tila napaka-awkward niya ito. Sinabi din kasi ng magandang babaeng Gene Staff na mas magandang ilagay na lamang sa Virtual Storage niya ang mga items na binili niya dahil baka masira lang ang mga ito kung virtual black plastic lang ang lalagyan nito.

Mabilis namang tiningnan ng binatang si Sylvan Darvell ang mga binili niya at sa pagkakasuri niya ay talaga namang maayos ang mga ito at kompleto. 

...

Kasalukuyang nasa loob ng may kaliitang Gene Lab ang binatang si Sylvan Darvell kung saan ay pagmamay-ari ito ng kaniyang sariling ama. Kung tutuusin ay pasado talaga sa criteria ni Sylvan para maging scientist lalo na at minana nito ang talento sa pareho niyang mga magulang. 

Ayon sa alaalang nasa kaniya ay ang original owner ay palagi pa ring nag-eensayo para maging Gene Scientist. malaya siyang makakalabas-masok sa Gene Lab na pagmamay-ari ng kaniyang sariling ama. Masasabi na kompleto na ang lahat ngunit isa lang ang kulang nito at ito ay ang kakulangan ng Geno points nito. Pasikreto lamang pumupunta ang binatang si Sylvan Darvell dito dahil parang nagnanakaw lang siya ng oras upang di siya mahagip ng tiyahin at mga pinsan niya na hindi naman talaga. Ampon lang ang hilaw niyang tiyahin so biologically speaking ay hindi sila magkaano-ano ng mga ito.

From his previous memories ng original owner ng katawang ito ay magaling ito sa pag-analyze ng Gene Data, Gene Structure, Gene Extractions maging ng iba pa. Ang mga scientists kasi dito ay hindi basta-basta lamang na matatalino kundi sobrang matalino talaga. Mahihiya ang mga scientists sa planetang pinagmulan niya. Yung iba kasi ninakaw pa ang utak ng tanyag na scientist para eksperimentuhan pero dito ay ang mga scientists dito ay ten times ang talino at galing sa siyensya at teknolohiya. 

Nandito ang binatang si Sylvan sa kasalukuyan upang pag-aralan ang simpleng mga Normal Gene Capsules lalo na sa pinakasimple. 

Natuwa pa ang binatang si Sylvan Darvell nang sa pag-eeksperimento nito ay masasabi niyang simple lang pala ang Gene Extractions lalo na at sinunod niya lamang ang prosesong nakatatak sa isipan niya ng previous memories ng original owner ng katawang pagmamay-ari niya ngayon.

BANG!!!!!

Dahil sa pagiging kampante ng binatang si Sylvan Darvell ay mabilis na nakita niya ang abnormalidad ng Normal Gene Capsules na pinag-aaralan niya sa kasalukuyan nang bigla na lamang itong sumabog na nagdulot ng malakas na impact sa lugar na kinaroroonan niya.

Buti na lamang at may mga sensors ang buong Gene Lab na ito at naprotektahan ang bawat mga gamit dito.

Nang tingnan ng binatang si Sylvan Darvell ang kaniyang sariling Gene Watch ay nanlaki na lamang ang kaniyang sariling mga mata.

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga ako makakaextract ng simpleng Gene Capsules dahil sa napakababa kong Geno Points sa kasalukuyan." Nayayamot na sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang makikita ang labis na pagkabahala. 

Iniisip niya kung paano nakaya ng original owner na ito na maka-survive gamit ang limang Geno points at pag-extract nito? It takes a couple of weeks or a months para mabuksan lamang ang Normal Gene Capsules. Kaya nga pagdating sa mga Gene Activities ay bagsak ito at dahil iyon sa kakulangan ng Geno points niya at hindi ng kaalaman nitong nasa utak niya. 

Napatawa na lamang ang binatang si Sylvan Darvell lalo na sa kaalamang meron ang binatang original owner ng katawang meron siya sa kasalukuyan ay nakaya nitong mag-extract ng Rare Gene Capsules ngunit ang Geno points lang nito ang talagang problema. 

Mabilis namang nilisan ng binatang si Sylvan Darvell ang Gene Lab upang may gawin sa mga oras na ito at ito ay ang paghandaan ang kaniyang sarili para makipagbakbakan sa mga Geno Beasts para magkaroon ng karagdagang Geno points ja kinakailangan niya upang makapag-extract na siya ng tuluyan ng mga Normal Gene Capsules at lalong-lalo na ng mga Rare Gene Capsules.

Plano niyang pumunta ngayon sa isang Gene Hunting Ground na tinatawag na Hermit's Hunting Ground. Isang lugar na kilala sa pagkakaroon ng napakaraming varieties ng mga Geno Beasts. This kind of Gene Hunting Ground place ay masasabing hindi naman gaanong delikado ngunit marami ditong nagha-hunt ng mga Geno Beasts para madagdagan ang Geno points nila. Wala mang patayan ang nangyayari sa nasabing Gene Hunting Ground na ito ay masasabing madami namang nangingikil dito ng mga low level na mga Gene Cultivators lalo na yung may mababang Geno Points katulad niya na gusto lamang magpataas ng Geno points. This place is no good lalo na kung nag-iisa ka lamang dahil karamihan sa nangingikil o nang-aambusj dito ay grupo-grupo. Isa din ito sa dahilan kung bakit karamihan ay pumupunta ng mayaman at umuuwing luhaan dahil kahit sabihing tumaas man ang Geno points nila ay nalugi naman sila sa kayamanang sapilitang kinuha sa nakikilan.

Natawa naman ang binatang si Sylvan Darvell sa kaniyang isipan lamang lalo na at ang lugar na iyon ay maituturing na hindi angkop sa edad niya. Karamihan kasi ay mga nasa edad trese o dose pababa. Masasabi niyang he can handle them well lalo na at mas matanda siya sa mga ito at kailangang hindi niya lamang ipakita ang Geno points niya at takutin ang mga ito kung sakaling they pick him up.

....

Hindi naman nagtagal at nakarating na ang binatang si Sylvan Darvell sa loob ng Hermit's Hunting Ground gamit ang sarili nitong sasakyan mula sa garahe ng mansyong bahay nila. It's his car by the way ngunit gianwa lang siyang tagahatid sundo ng mga pinsan niya noon na akala mo ay personal driver siya ng mga ito.

Anyway, Masasabi niyang malawak din ang lugar na ito ng Hermit's Hunting Ground lalo na sa looban nito. Tama nga siya ng inaakala dahil halos lahat ng mga naririto lalo na ang mga nakakasalubong niya kanina papasok sa loob ng Gene Hunting Ground na ito ay mga bata at talaga namang iniiwasan siya ng mga ito. Probably they just expect na nandito lamang siya upang sumundo ng nakababatang kapatid nito which is very wrong assumpi. 

"Akala siguro ng mga iyon ay naririto lamang ako para gumala o may sinundo. Kung alam lang siguro nila na magha-hunting din ako ng Geno Points ay siguradong magugulat ang mga ito hahaha!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell sa kaniyang sariling isipan lamang. Isa rin namang magandang senyales ito para sa kaniya upang mapayapang makapagpataas ng Geno points niya.

Nag-umpisa siyang manghunt ng mga Geno Beasts katulad ng mga Yellow Ring Cat, Red Mouse, Poison Frogs at iba pang mga mababangis na nilalang.

Hindi namamalayan ng binatang si Sylvan Darvell na malayo-layo na rin ang natahak niyang lugar dahil labis itong nag-eenjoy sa pagha-hunt ng mga Geno Beast. 

Sa kasalukuyan ay nasa 45 points na ang nakolekta niyang Geno Points. 

Hindi nga nagkamali ang binatang si Sylvan Darvell na tahakin ang daan na kinaroroonan niya lalo pa't gusto niya pang manghunt ng mga Geno Beasts para magkaroon na siya ng marami pang Geno points. Maya-maya pa ay nakita niya sa malayo ang isang medyo may kalakihang usa. Ngunit kapansin-pansin ang tila kulay itim na aurang nakapalibot rito. 

Nakaramdam ng labis na pagkabahala ang binatang si Sylvan Darvell lalo na at ang usang nasa harapan niya ay alam niyang hindi ordinaryong Geno Beasts ito. Kung di siya nagkakamali ay mas mataas ito kaysa mga naha-hunt niyang mga Geno Beasts.

Sinubukang i-scan ng binatang si Sylvan Darvell ang nasabing pambihirang Geno Beasts na nasa harapan niya ngunit ganon na lamang ang pagkabigla niya ng mabilis itong humarap sa kaniyang direksyon.

"Huh? Nakita niya ko? This is supposed to be a simple hunting ground right?!" Nagtatakang sambit ng binatang si Sylvan Darvell lalo na at masama ang kutob niya sa mga oras na ito patungkol sa misteryosong usang nasa harapan niya dahil hindi nito malaman ang impormasyon nang nasabing halimaw. Isa lang ang ibig sabihin nito at ito ay mas mataas ang Geno points nito sa kaniya. 

Mayroong part sa binatang si Sylvan Darvell na labis ang kaba pero meron din sa part niya na nagsasabing isa itong pambihirang pagkakataon na dapat niyang i-grab. Isa pa ay desperado na siyang maglevel up. Hindi alam ng binatang si Sylvan Darvell ang pagkakakilanlan nang nasabing usa.

Walang ano-ano pa ay sumugod ng mabilis ang halimaw sa kinaroroonan ng binatang si Sylvan Darvell. Nakita nito kung paano nito tinawid ang agwat nila sa isa't-isa. 

"Hmmp! Pwede kong utakan ang halimaw na ito hahahahaha!" Sambit ng binatang si Sylvan Darvell. Hindi niya man matatalo ang isang ito sa brutal na pamamaraan ay maaari niya namang pinsalain ito.

Gamit ang isang maliit na kutsilyo ay mabilis niyang inilabas ito. Nakangiti lamang siya habang tinitingnan ang papalapit na halimaw na usa.

Kahit na andun pa rin ang nakakatakot na kaba at pangamba sa loob-loob ni Sylvan Darvell ay hindi siya dapat magpadaig sapagkat buhay niya ang nakataya sa kasalukuyan.v

Gusto niya pang mabuhay. Ang pangalawang buhay niya ngayon ay isang biyaya o himala kung maituturing kung kaya't hindi niya sasayangin ito. 

Mula sa kakayahang meron siya at sa hindi malamang pagkapadpad niya rito. Sigurado siyang mayroon siyang sapat na dahilan upang lumaban at makipaglaban kahit kaninuman.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Napakabilis ng halimaw na usa at mukhang nagkamali ng tantiya si Sylvan Darvell. Para bang kakaiba ang liksi ng usa dahilan upang hindi niya mapaghandaan ang muling pag-atake nito.

Mabilis na sinipa nang nasabing halimaw ang tiyan ng binatang si Sylvan Darvell na siyang ikinatalsik nito sa malayo.

BLAAAGGGG!

Malakas namang napabagsak sa damuhan ang binatang si Sylvan Darvell ngunit ininom niya kaagad ang isang Healing Gene Capsules niya mabilis namang bumuti ang lagay niya. 

"Hay naku, nakalimutan kong mahina pa rin ang reflexes ko para maiwasan kaagad ang atake ng halimaw na usang ito." Sambit ng binatang si Sylvan Darvell habang mabilis itong napabangon. Alam niyang di papaawat ang kakaibang halimaw na usa na ito.

Mabilis na sumugod ang binatang si Sylvan Darvell sa direksyon ng nasabing halimaw na usa. Tila ba hindi siya makakapayag na matalo siya at mapaslang lamang sa lugar na ito. Kailangan niyang maging alerto upang di na siya matamaan ng atake ng usang ito. Kung di siya nagkakamali ay mababang uri lamang ng usa ito ngunit kakaiba lamang dahil parang nagmu-mutate ang katawan nito. 

Marami pa ring espekulasyon ang numuo sa isipan ng binatang si Sylvan Darvell ngunit wala pa ring kumpirmasyon patungkol dito. Ang tanging magagawa niya ay labanan ito ng harapan.

Mula sa sakit na pisikal ay mukhang sanay na ang katawang-lupa ng orihinal na Sylvan Darvell noon. Siguro nga ay hindi na rin masama ito ngunit sisiguraduhin ni Sylvan Darvell na magtatagumpay siya sa kasalukuyang laban niya laban sa halimaw na usang ito.

....