webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Teen
Not enough ratings
60 Chs

Chapter 5

~Fallin' hard~

PAGKABUKAS ng elevator ay tinayo ko na ang sarili ko. I wipe my tears away, pero sunud-sunod pa rin ang pagluha ko.

Dapat sanay na ako. Sanay na sana ako sa mga ganito. The past two years ay sinusubukan kong kunin ang loob ng asawa ko but I failed.

At dahil bihira rin siya kung umuwi ay sumuko na lang ako dahil wala namang saysay ang mga pinaggagawa ko.

Naglakad na ako at tuluyan na akong nakalabas sa condominium.

Lutang ang isip ko at nakatulala. Marami ring mga tao ang nakatingin sa akin. Nagmamasid at tila nasa isip nila na nababaliw na ako.

May humintong kotse sa tapat ko at bumaba ang may ari no'n.

Napaluha na lang ako nang makilala kung sino ang lalaking lumapit sa akin.

"Lervin..."

Nagtatagis ang mga bagang niyang hinila ang braso ko. At dahil malakas iyon ay napasubsob pa ako sa dibdib niya at kinulong niya ako sa mga bisig niya.

"You shouldn't follow me, here."

"Lervin..." naiiyak na sambit ko sa pangalan niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.

"Why are you doing this?" mahinang bulong niya malapit sa tainga ko.

"Lervin..."

Bakit pangalan na lang niya ang nasasambit ko? Bakit hindi ko mabigkas ang ibang salita?

"Stop calling my name," aniya at hinila na ako upang makapasok sa passenger's seat. Siya na rin ang nag-ayos ng seatbelt sa akin.

Mabilis na umikot din siya sa driver's seat at pinausad na ang sasakyan.

"I love you, Lervin..." Nasabi ko na lang iyon sa hindi ko malaman ang dahilan. Kung bakit iyon ang nasambit ko.

"Stop. You can't love me, Arthea," mariin na sambit niya.

Mahal ko na nga siya? Pagmamahal na ba ang nararamdaman ko ngayon sa kanya? Hindi ako sure pero ang alam ko lang ay bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit siya at nakikita ko siya.

Pero hindi ba dapat wala akong pakialam sa kanya? Hindi ba dapat wala akong mararamdamang kakaiba sa kanya? Pero bakit nasasaktan din ako ng dahil sa kanya?

"Why?" nanghihinang tanong ko at nakatitig lang ako sa kanya.

Mahigpit ang pagkakapit niya sa manibela at nagtatagis pa rin ang bagang niya.

"You know in the first place, kung sino ang mahal ko." Heto na naman ang puso ko. Heto na naman ang pagkirot sa dibdib ko.

"Why can't you love me?" parang nakikiusap na tanong ko.

"Stop this nonsense, Arthea. Hindi ba dapat nag-aaral ka ngayon? Stop following me and just study! Huwag kang manghimasok sa buhay ng iba," malamig na sabi niya at nagbabadya na naman ang mga luha kong bumagsak.

"You're such a j**k..." mariin na sabi ko at narinig ko pa ang halakhak niya.

"Now you know. Then, don't do this again. Hindi mo alam kung paano ako magalit, Arthea. Hindi mo pa ako nakikilala ng lubos, kaya huwag na huwag mo ng pairalin ang tigas ng ulo mo at curiosity na 'yan," aniya at may pangungutya sa boses niya.

"STOP this car!" sigaw ko sa kanya at medyo nagulat pa siya.

Parang hindi ko natatagalan ang ugali niya. Ayokong makita ang ganitong side niya dahil mas lalo lang ako nasasaktan.

"Stay still, Arthea," kalmadong saad niya at may ngisi pa sa labi. How I hate to see his smirk.

"Stop this car or else! I'll jump here!" may pagbabanta na sabi ko. But he ignore me.

Nakatutok lang sa daan ang mga mata niya at hindi niya talaga ako papansinin.

"I'm d**n serious! Tatalon ako rito kung hindi mo ihinto ang sasakyan mo!" bulyaw ko sa kanya at kinalas ko na ang seatbelt ko.

"Stay still, Arthea. Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo!" sigaw rin niya sa akin na as if matatakot na ako sa kanya.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya, huli na para i-lock pa niya ito dahil naunahan ko na siya.

"F**k! Don't you dare, Arthea!" natatarantang sabi niya at kaagad na tinabi niya ang sasakyan niya at huminto na ito.

Bumaba 'agad ako nang hindi ko man lang siya nilingon.

How dare you too!

Malalaki an mga hakbang na ginawa ko para makalayo na ako sa kanya. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan ng kotse niya and one thing I found it ay hinahabol na niya ako.

"Stop right there, Arthea!"

Wala ng epekto sa akin ang malamig na boses niya at kung gaano pa nakakatakot ang aura niya ngayon ay tila naglaho rin.

Naiinis ako sa kanya, nagagalit ako. And the worst, I hate myself too! Hindi ko akalain na mararamdaman ko 'to sa kanya. Hindi ko akalain na puwede pala akong mahulog sa kanya.

He's heartless at alam kong paulit-ulit lang niya ako sasaktan.

"F*c*, Arthea!" Wala rin siyang tigil sa pagmumura.

Marahas na pinahid ko ang mga luha ko sa aking pisngi at patuloy pa rin ang mga hikbi ko.

Tumatakbo lang ako sa gilid ng kalsada at patuloy pa rin siyang nakasunod sa akin.

Ganito ba? Ganito ba ang umibig? Ganito ba talaga ang pagmamahal? Masakit at mahirap?

Isang malakas na paghila sa aking kaliwang braso ang nagpahinto sa akin at sumubsob ako sa matigas niyang dibdib.

"I'm sorry."

Here I am again, he is hugging me again and comforting me. He caress my hair and I felt his lips too in my head.

"I'm so sorry okay? I didn't mean that," he said, softly and full of sweet of his voice.

Bakit nagiging marupok ako? Una galit na galit ako sa kanya. Pero ngayon ay lumalambot na naman ang puso ko sa kanya.

Sa mga haplos at boses pa lang niya ay nawawala na ako. Nawawala na rin ang galit ko sa kanya. Ayoko sa pakiramdam na ito.

Hindi ko napigilan ang paglakas ng mga hikbi ko at ito ang unang beses na umiyak ako ng malakas. Ito ang unang beses na umiyak ako ng dahil lang sa isang lalaki.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Sorry na. Sorry na, please?" masuyong sabi niya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan pa niya ang mga luha ko.

Nakapikit na ako dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha.

"Sorry na."

"I hate you! You're such a heartless!" sigaw ko sa kanya at pinagsusuntok ko na ang dibdib niya. Pero hindi niya iyon ininda.

"Sorry na nga."

"What do you want me to do, hm? Stop crying baby," malambing na sambit niya at humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin.

"D**n it, why I have this feeling?" bulong niya na hindi ko masyadong narinig.

"Ssh... I'm so sorry. Hindi na 'yon mauulit. Ano'ng gusto mong gawin ko para tumigil ka na?" tanong niya sa akin hinalikan pa niya ako sa noo ko.

"I want... I want to see my daddy-lo," sagot ko sa mahinang boses.

_________________

Hapon na nang marating namin ang mansyon ni daddy-lo. Ang mansyon kung saan ako nakatira dati.

Malaki ito kumpara sa mansyon ng parents ni Lervin at kahit si daddy-lo lang at ang kanyang mga tauhan ang nakatira rito.

Pinapasok kami kaagad ng security. Nararamdaman ko pa rin ang presensya ni Lervin sa likuran ko.

Matapos kung umiyak kanina at pinatahan niya ay hinatid niya na ako sa mansyon ni daddy-lo.

Mahigit dalawang oras din ang biyahe namin papunta rito. At wala na rin kaming kibuan.

"Where is daddy-lo?" tanong ko sa isang kasambahay ni daddy-lo.

Mukhang bagong katulong siya dahil hindi ko siya kilala. Maybe nasa mid-20 pa lang siya.

"Nasa library po niya, ma'am," magalang na sagot niya at tumagos ang tingin niya sa likuran ko.

Inirapan ko ang babae at patakbong tinungo ko ang library ni daddy-lo.

Binuksan ko ang pintuan ng hindi man lang ako kumakatok.

Naabutan ko si daddy-lo na may kausap na isang lalaki. Magkaharap sila. Pamilyar sa akin ang pigura ng lalaki. Parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko maalala.

"Arthea, apo?" gulat na sambit ni daddg-lo.

"Daddy-lo!" masayang tawag ko sa kanya at lumapit ako sa kanya. Sinalubong naman ako ng mahigpit na yakap ni daddy-lo.

"I missed you, daddy-lo," naiiyak na sabi ko at tumawa pa si daddy-lo.

"O, my beautiful granddaughter. I miss you too, apo."

"So, can I have my leave, now. Sir Primero?" tanong no'ng lalaki at napatingin na ako sa mukha niya.

Oh, yes! Naalala ko na! Siya si Jaickel Sanre Amero! Ang asawa ni Jillian at ang matalik na kaibigan ng asawa ko.

Nandito rin siya?

"You are with your husband, apo. Hey, Lervin. Long time no see, apo," nakangiting sabi ni daddy-lo at kumalas na ako sa pagkakayakap namin.

I looked at my husband at nakatingin din siya kay Jaickel. Bumaba ang mga mata ko sa nakakuyom niyang kamao.

Hindi ba siya aware na nandito rin ang matalik niyang kaibigan? At pinagtaraksilan pa nila?