webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Teen
Not enough ratings
60 Chs

Chapter 51

Chapter 51:Lervin's tears

"Oh, G-God...my baby..."

"Lervin..."

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Lervin. Sa sobrang higpit nito ay parang ayaw na niya akong pakawalan pa.

Yumugyog ang balikat niya at sinubsob pa ang mukha niya sa leeg ko.

Natatawang niyakap ko na lang siya sa pabalik at tinapik-tapik ang likod niya.

Akala ko simpleng iyak lang ang gagawin niya pero maya-maya lang ay nangibabaw na ang boses niya sa buong silid.

Humagulgol siya na parang bata. 'Yong parang iniwan siya ng mama niya at ngayon nahanap na niya ay saka siya umiyak nang malakas.

Napatingin ako sa ibang kasakamahan namin dito at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Nandito sina...Dr.Kier, Dr.Taki, Dr.Cervin, Dr.Jaiciel, at si Dra.Even. Hindi ko kilala ang isa pang doctor pero kamukha ito ni Dr.Cervin.

Nandito rin ang kaibigan ko na sina Crimson, Drimson, Hillarus at...nasaan si Shin?

Nababasa sa mukha nila ang labis na kasiyahan at nangingilid na rin ang mga luha nila.

'Yong mga kaibigan ko ay gustung-gusto nang lumapit sa akin. Pero hindi sila makalapit dahil nakayap pa sa akin si Lervin.

Halatang-halatang namiss nila ako! Nakakatuwa.

"Baby..."

"T-Tahan na...bakit ka ba umiiyak?" natatawang tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumasagot dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"I-I thought..." Hindi niya matapus-tapos ang sasabihin niya sana kasi hindi na maawat ang pag-iyak niya.

"Haya (hala) po, iyak daddy," the little girl said at nakatakip pa ang maliliit niyang kamay sa bibig niya. Napatawa ako.

"Y-You're awake, now baby..."

"Tahan na..." pag-aalo ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak.

Ramdam ko 'yong pamamasa ng damit ko sa balikat ko dahil sa mga luha niya. Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa higpit nang yakap niya sa akin.

"I m-miss you baby...I really, really miss y-you..."

"Oo na, namiss din kita. Stop crying na, big baby..." sabi ko at narinig ko na ang pagtawa ng kasama namin.

"Siya talaga 'yong nangulilala sa 'yo, Art," natatawang sabi ni Dr.Taki.

"Tinakot mo siya, tinakot mo kaming lahat," naiiyak na sabi ni Dra.Even, bagamat nakangiti.

"B-Baby..."

Hindi ko alam kung umabot ba ng isang oras ang pag-iyak ni Lervin bago siya nahimasmasan.

Pero hindi naman siya humiwalay sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at gamit 'yong namumula niyang mga mata at may luha pa ay tiningnan niya ako nang diretso.

Punung-puno ng emosyon ang mababasa sa mukha niya.

"I c-can't believe... that you're awake now, Art. G-Gising ka na..." aniya at hinaplos pa ang pisngi ko.

Gamit 'yong mga daliri ko ay pinahid ko 'yong mga luha niya. Kitang-kita ng masaya na siya pero umiiyak pa rin siya.

"Lervin, kailangan pa natin siyang i-check-up. Bitawan mo muna ang misis mo," naiiling na wika ni Cervin at nagtaka ako sa mukha niya. May pasa at putok 'yong labi niya.

"Just a minute please..." tila nagmamakaawa pa niyang saad at muli akong niyakap na ikinatawa naman ang iba.

"Oo na, pagbigyan ang bata. Nasasabik na sa nanay, eh," pagbibiro naman ni Dr.Jaickel.

ILANG minuto ang nakalipas bago ako pakawalan ni Lervin at nagmamadali pa ang ibang makalapit sa akin.

Si Drim ang unang yumakap sa akin. Katulad ni Lervin ay yumugyog din ang balikat niya.

Hinaplos ko ang buhok niya pababa sa likod niya.

"My p-princess..." naiiyak na bulong niya.

Tumingin ako kay Crim na kagat-labing umiiyak din.

"Come here..." mahinang sambit ko sa kanya.

Nagyakapan kaming tatlo ay nasa magkabilang gilid ko sila. Para silang bata, parang anak ko at namiss nila akong nanay nila.

"Hay...miss na miss niyo talaga si nanay?" pagbibiro ko sa kanila.

Pagkatapos no'ng dalawa ay pinalapit ko si Hillarus upang mayakap ko rin siya. Nag-aalangan pa nga, eh. Tapos pasulyap-sulyap kay Lervin.

Pero nang tingnan ko ang big baby ay 'yong luha niya ay wala ring tigil sa kabubuhos nito.

"Tahan na nga kayo. Hindi naman ako umalis, ah? Hindi naman ako namatay," sabi ko.

"W-We're just happy..." ani Hillarus.

Pagkatapos n'on ay pinaubaya na nila ako sa doctor ko na si Dr.Hiro. New looks at nalaman kong magpinsan sila ni Cervin. Halata naman, eh. Good looking din, pero hindi katulad ni Cervin ay poker face lang pero itong pinsan niya ay palangiti.

Pati heartbeat ko ay sinuri niya, ang blood pressure ko at pagkatapos n'on ay ipinasok ako sa CT scan.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pamilyar na init ng CT scan at parang kailan lang no'n nagpa-check up din ako.

At nalaman kong may sakit ako, malubha. Umabot ako sa puntong magpapakamatay dahil sa takot at hirap na naranasan ko.

Umabot ako sa puntong sumuko na lamang pero sa huli ako'y lumaban pa rin.

Hindi tumigil ang team Art sa paghahanap ng lunas sa sakit ko. Kahit alam nilang masyadong mahirap pero go pa rin sila.

Ang aking huling naalala noong bago ako na-comatose o natulog nang mahimbing ay 'yong nasa simbahan kami para sa kasal namin ni Lervin at two years din akong tulog.

Successful nga ang team Art kahit maliit lang ang percent na magtatagumpay sila. Ngayon ay napatunayan nilang successful sila. Lalo pa na nakapagsasalita ako pagkagising ko pa lamang.

Pero 'yong katawan ko ay tila paralisado.

***

"Miracle nga ang nangyari, dahil bumalik sa normal ang kalusugan niya. 'Yong katawan niya lang ang hindi niya magawang igalaw. Bibigyan na muna natin siya ng isa o dalawang linggong pahinga bago siya ipapasok sa physical therapy," pagpapaliwang ni Dr.Hiro.

Nasa private room na kami ulit at nasa tabi ko naman nakaupo si Lervin.

Nandito na rin sina daddy-lo, sina mommy at daddy. Hindi pa nga makapaniwala si daddy-lo nang makita niya akong gising na.

"Akala namin kanina ay may nangyari na namang masama sa kanya. Nag-unahan pa kami para lang makarating sa private room niya," pagku-kuwento ni Dr. Taki.

"We were in the middle of our meeting when suddenly the emergency button ring a bell," Cervin said.

"Na-trauma tayong lahat kasi madalas 'yon nangyayari sa kanya," ani Dra.Even.

"Salamat naman at nagising ka na, apo. Pinag-alala mo kaming lahat," naluluhang saad ni daddy-lolo.

"'Yong mommy mo nga ay halos araw-araw nang nagsisimba," pagku-kuwento naman ni daddy.

"Naniniwala kasi kaming balang araw ay magigising ka rin," sambit ni mommy.

Napatingin ako sa katabi ko nang pisilin niya ang kamay ko. Nginitian niya ako at napailing na naman ako.

Pinunasan ko ang mga luha niya. "Bakit ba lumuluha ka pa rin? Heto na oh, gising na ako. Ano pa ang iniiyak-iyak mo riyan?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Hinuli niya ang kamay ko at dinala niya lang sa pisngi niya.

"H-Hindi lang ako makapaniwala na buhay ka at gising na gising," mahinang sabi niya.

"Heto na nga, gising na. Huwag ka nang lumuha," sabi ko.

"Dalawang taon din akong naghintay sa 'yo, Art. Dalawang taon at pilit ka naming ginigising," he said.

"Alam ko. Naririnig ko 'yong mga boses niyo. Saka nakakasawa rin kayo," pagbibiro ko at napatawa sila.

Naka-dextrose pa ang kaliwang kamay ko kaya hindi ko 'yon maaaring igalaw.

"Hilig niyo ring hawakan ang kamay ko," nakangusong sabi ko.

"Iyan lang naman kasi ang pag-asa namin, Art," sabi ni Drim.

"Iyang mga kamay mo ang pinaghuhugutan naming lahat ng pag-asang magigising ka na," pagsesegundo naman ni Crim.

Tumingin ako kay Hillarus na nakangiti na ngayon.

"Hilig niyo ring halikan ang pisngi ko," pagsusumbong ko pa at doon napauwi nang tuwid si Lervin.

"Si Hillarus," ani Lervin at tinuro pa niya ang kaibigan kong ngumisi lang.

"Pero alam kong hindi lang si Hillarus," nakataas na kilay na sabi ko.

Lahat kasi nang mga pinagsasabi nila ay naririnig ko. Lalo na kung magpapaalam at nararamdaman ko ang pagdampi nila sa aking noo at pisngi. Wala naman sa labi.

"Siguro 'yong kambal?" patanong na sabi ni Lervin.

Nang tingnan ko ang ibang kalalakihan ay nakatingin ito lahat sa kisame. Napako ang mga mata ko kay Dr.Hiro na pasimpleng naka-akbay kay Dra.Even. Mukhang may something sa kanila.

"DON'T TELL me..."

"Then we won't tell," makahulugang saad ni Hillarus.

"F*ck you!" malutong na mura ni Lervin at nagkibit-balikat lang ang mga kaibigan niya.

Napatingin ako sa batang nakaka-kandong kay Dr.Kierson. Titig na titig ako sa kanya dahil ang cute-cute niya.

May kinakain siya na kung ano at tahimik lang siyang nagmamasid sa amin.

"She's Athena, baby. Come here..."

Pinababa naman ni Kier si Athena, Athena raw ang pangalan. Lumapit ito sa amin at kaagad na binuhat ni Lervin at kinandong.

Nasa tabi ko silang dalawa. Mukha silang mag-ama.

"Anak mo? Two years lang akong tulog at may anak ka na kaagad?" tanong ko. Tila may kung anong bagay ang bumaon sa dibdib ko. Ewan ko ba, kung bakit nasasaktan na naman ako.

"Silly, baby," pag-aalo niya sa akin at niyakap ako nang patagilid.

"She's Athena Dyeof de Cervantes," pagpapakilala niya sa bata at nalukot 'yong mukha ko.

"Anak mo nga!" sigaw ko at tumawa siya.

"Anak mo rin naman siya, not by blood."

"A-Adaptive daughter? Nag-ampon ka?" manghang sabi tanong ko at tumango siya.

"Ikaw kasi ang naalala ko noong unang kita ko pa lang kay Athena. Baby, she's your mommy Art."

Ngumiti sa akin si Athena at kumaway pa. Hindi makapagsalita dahil kumakain nga.

Napangiti ako. "Ang cute mong bata ka. Aalagaan kita at mamahalin," sabi ko at hinaplos ko ang buhok niya.

Nagmamadali pang nginuya at nilunok niya ang kinakain niya.

"Mahay (mahal) din po kita, sabi nito at ngumiti.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang panibagong bisita. Si... hindi.

"You're not my friend," sabi ko at lumamig ang boses ko.

Tumingin ako kay Cervin na nag-iwas nang tingin sa akin.

"Babe, sa labas na muna kayo ni Cerae," ani nito at pinalabas ang mag-ina niya.

Sigurado akong hindi si Shin 'yon! Kilala ko si Shin!

"Nasaan ang kaibigan ko?" malamig ang boses na tanong ko.

"Uh..."

"Shin is missing, Art. Pinapahanap pa namin at hindi na namin ipapaubaya pa sa kanya," si Drim ang sumagot at madilim ang mukhang tiningnan niya si Cervin.

"What did you do to my bestfriend?" I asked him.

"Uhm, hinahanap ko pa. Saka...uunahan ko pa ang mga kaibigan mo sa paghahanap sa kanya," diretsong sabi nito.

"Kung sino kasi ang unang makakahanap Kay Shin ay siya ang panalo. Pero kung hindi niya mahanap, kawawa siya," ani Crim.

"Nakakainis ka, gusto kitang suntukin," seryosong sabi ko at napangiwi siya.

"Nakakagalit ka talaga, lumapit ka nga sa akin," utos ko sa kanya. Ayaw niya sanang lumapit pero tiningnan siya ni Lervin nang masama.

"Haharangan ko lahat ang impormasyon na tungkol sa kaibigan ng asawa ko. Mag-uunahan din tayo," pagbabanta naman ni Lervin. Kaya no choice siya at lumapit na sa akin.

Mabilis na inagaw ko ang braso niya at kinagat ito.

"Oh, shit!" pagmumura niya pero mas diniin ko ang ngipin ko sa balat niya.

"Fucking shit!" Nagpaubaya naman siya sa akin at nang satisfy na ako saka ko siya pinakawalan.

Naluluhang tiningnan niya ang braso niyang kinagat ko.

"Fuck, Lervin! Bampira ba ang asawa mo?"

Natawa lang sila kay Cervin.

"Tiyak na kinasal na si Shin sa lalaking manliligaw niya noon," wala sa sariling sabi ko pero biro lang 'yon.

"Hell no!" Nagmamadaling lumabas na siya at mukhang natakot.

***

#GS1:SIBG