webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Teen
Not enough ratings
60 Chs

Chapter 44

Chapter 44:Again, research failed

KUNG LALABAN ba ako, Lervin ay hindi mo na ba isusuko pa ang buhay mo sa akin?

Kung lalaban ba ako ay hindi mo na gagawin ang masamang ideyang pumasok sa utak mo?

Kung lalaban ba ako ay may masayang wakas ba kami? Dahil kung meron man ay lalaban ako.

Lalaban ako hangga't kaya ko. Lalaban ako na hindi lang para sa sarili ko. Kundi para sa mga mahal ko sa buhay.

Pero mahirap kalabanin ang tadhana. Kung ano ang nakasulat, kung ano ang nakatakda ay iyon ang masusunod.

Simula nang isilang tayo sa mundong ito ay roon na rin nagsimulang isulat ang nakatakda sa 'yo sa hinaharap.

Sa ating mga palad nakaukit. Kaya ano'ng magagawa natin? wala, sa huli wala tayong magagawa.

Ang mga katagang binigkas ng asawa ko ay tila paulit-ulit ko itong naririnig sa buong sistema ko.

Ano'ng mayroon sa 'yo, Lervin? Bakit ganoon na lamang ang pagsuko mo sa 'yong buhay para lang makasama mo ako sa huli?

Bakit ganito ka magmahal? Hindi ka naman katulad noon, hindi ikaw iyong Lervin na nakilala kong nagmahal kay Jillian.

Kung kay Jillian ay nagmakaawa ka para lamang magpagamot siya ay sa ibang paraan mo naman ginawa sa akin.

Labis-labis pa nga ang ginawa mo at handa ka pang mamamatay para sa akin. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.

***

Lervin de Cervantes' POV

"Good morning," bati ko team ko nang makapasok ako sa laboratory kung saan ginaganap namin ang research.

They are completed. Nakaupo na sila sa seats nila pero 'yong mukha nila ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Base on their reactions and faces, I know we failed again. For the second time around. Pero bakit pa namin tinuloy ang meeting na ito?

I sat beside Jai at ilang segundo pa kaming napatahimik bago tumikhim si Cervin.

"You know, team Art that there is no possible that we can have the cure for SCA. Because, we know better that, it's hard to find the cure," pagsisimula ni Cervin.

'Yong mukha niya ay napaka-seryoso at nababasa rin sa kanyang mga mata ang pagkabigo.

Sino ba naman ang hindi mabibigo? Pinagsama-sama na ang mga matatalino at mahuhusay na doctor para lang sa research team na ito ay sa pangalawang pagkakataon ay nabigo rin kami.

Kahit ako ay nawawalan ng pag-asa. Dahil wala naman kaming mahanap na lunas.

Ilang buwan na bang pinag-aralan namin ang sakit na 'yon? Ilang buwan na kaming naghahanap ng lunas.

And  I think nauubusan na kami ng oras.

"I observe this for many times, pero wala pa rin naman. Lumalabas lang sa research ko na physical therapy lang ang magagawa sa SCA. Walang kahit ano'ng gamot ang puwedeng i-take ng pasyente," Kierson explain his own research.

"Yeah, physical therapy. Pero alam nating maliit lang ang percent na puwedeng gawin 'yon. Tingnan niyo naman ang katawan ng asawa ni Dr. Lervin ay unti-unti na siyang nanghihina. At alam nating lahat na hindi na normal ang mga nangyari sa kanya kahapon. And there is a possible na hindi na siya magigising pa," Dra. Even.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil tila nadudurog na naman ang puso ko. Bakit hindi ko matanggap? Bakit?

God, ilang ulit mo pa ba kaming pahihirapan? Hindi ka ba naaawa sa amin? Ang daming mga taong nais pang mabuhay pero hindi na nila magagawa pa.

Bakit? Ilang ulit kitang sinisisi. Ilang ulit na kitang tinanong. Bakit sa dinami-rami pa ng tao sa mundo ay bakit ang asawa ko pa?

Bakit si Art pa ang pinapahirapan mo? Ito na ba ang karma ko noong sinaktan ko siya? Ito ba?

Pakiusap sa akin mo na lang ibaling. Sa akin mo na lang ipasa ang sakit ni Art. Ako na lang ang kunin mo at huwag na siya.

Alam mong mahal na mahal ko siya. Pakiusap...

"Siguro iyon na ang senyales ng sakit niya, Dr.Lervin. Kailangan mo nang paghandaan ang lahat," mahinang wika naman ni Taki at napabuntong-hininga ako.

"It's hard to let go but we need to accept her fate. Siya pa rin ang mahihirapan. As of now nga ay hirap na hirap na siya," ani Jai.

"Alam natin lahat ang motto natin sa team na ito pero...ano ang magagawa natin? Wala," Jai added.

Susuko? Susuko na lang ba kami? Susuko na lang ba kami kung kailan ay ang dami na nang pinagdaanan namin pero sa huli ay nabigo rin kami?

Nagsusumikap kami pero bakit nabigo pa rin kami?

"Nag-research na rin ako kung may gamot din ba sa ibang bansa. Pero iisa pa rin ang lumalabas. Wala, walang gamot at physical therapy lang talaga. Pero maraming hindi nakaka-survive sa sakit na 'yon. Ipasok man natin sa physical therapy si Mrs. de Cervantes ay alam nating hindi na kakayanin ng katawan niya," pagpapaliwanag naman ni Kierson.

Sa mga sinabi nila ay tila iyon na ang senyales na sumuko na kami.

At hayaan na lamang ang Diyos sa nais niyang gawin kay Art. Hahayaan ang tadhana.

Pero kung may ibang pagpipilian man ako ay iyon ang ideyang naisip ko.

Kung wala na talaga ay may iba akong choice. Ang susunod kay Art.

Tinapos namin 'yong meeting pero wala kaming salitang binitawan na hihinto na kami. Na susuko na kami sa paghahanap.

Naka-leave ako sa trabaho ko dahil naging on-hands na ako sa pag-aalalaga sa asawa ko. Kahit na minsan ay bumibisita pa rin si mommy para tingnan ang kalagayan nito.

Iniwan ko siya sa café namin at nandoon naman ang kaibigan niyang si Shin.

May sariling opisina ang café namin at may kuwarto pa rin doon na maaari naming tulugan.

'Yong kaibigan niya ang kinuha naming architect kaya parang mini house ang dating ng café mo.

Second floor ang café at medyo may kalakihan ito.

Naabutan kong pinapakain ni Shin ang asawa ko. I roamed around the café. May mga customer na ang kumakain sa café at nakapag-hire na rin kami ng employee at dahil may kalapitan ito sa university na pinapasukan dati ng asawa ko ay puro students ang customer. 'Yong mga naka-summer class siguro dahil closing na ang klase.

Lumapit na ako sa kinaroroonan nila at una akong nakita ni Art. Walang salita pero ngiti lang. Ngumiti lang siya sa akin.

"Nandiyan ka na pala. Oh, sige, ipapaubaya ko na sa 'yo ang kaibigan ko," natatawang saad ni Shin at tinanguan ko lang siya.

Sinubuan ko na siya ng pagkain. Kahit bigung-bigo kami sa team Art ay hindi ko 'yon pinahalata.

Ayokong sabihin kay Art na nabigo na naman kami. Ayokong malaman niya na wala na talagang lunas.

Dahil kung wala ng lunas ay alam kong may pag-asa pa. Maghihintay na lang kami sa himala.

"How's your day, baby?" malambing kong tanong sa kanya pero hindi naman siya sasagot.

Hinawakan niya lang ang kamay ko at marahan na pinisil ito. Napatingin ako sa mga kamay namin.

Legal na kasal kami pero wala man lang patunay na kasal kami maliban na lang sa marriage contract namin.

My heart skip a beats. Ang dami ko pang kulang at magtatanong na lang ako sa sarili ko. Paano ko mapupunan ang pagkukulang ko sa asawa ko? Kung lumiliit na oras na makakasama ko pa siya.

Paano ko pa ipaparanas sa kanya ang pagmamahal ko kung alam kong hindi pa 'yon sapat?

"I want to marry you, again, baby..." I whispered.

Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya at bumabadha na naman ang mga luha.

"I want to marry for real. This time, with our honest vow , promises and with love," I added.

Mataman kong tinitigan ang maamo niyang mukha. Napaka-gago ko kung naghanap pa ako ng iba.

Kahit halatang malaki ang pinayat niya ay nakikita pa rin ng mga Mata ko na maganda pa rin siya.

Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ko ang sentido niya.

"If you really want to go, and I can't stop you anymore. B-baby, it's hard. I-It's hard to let you go because God knows I'm in love with you. I love you so much, but if you are tired to fight. P-puwede ka nang bumitaw, hahayaan na kita. But before that, can I have my last favor, baby?" I asked her with full of emotions.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya at naririnig ko na ang paghikbi niya. Kahit 'yong mga luha ko ay malaya nang naglandas sa pisngi ko.

"M-marry me, baby. Marry me before you go, please..." pumiyok na ang boses ko.

#GS1:SIBG