webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Teen
Not enough ratings
60 Chs

Chapter 36

Chapter 36:Wheelchair

Arthea Primero de Cervantes' POV

"I WON'T give up on her. Iyan ang gustong iparating sa 'yo, ni Lervin. Hindi ka raw niya susukuan," pagku-kuwento sa akin ni Shin.

Hindi ko alam kung ano ba ang ire-react ko sa ginagawa ngayon ni Lervin. Natutuwa ba ako dahil finally ako naman ang nakikita niya? Ako naman ngayon ang hinahabol niya?

Two weeks na rin naman kasi noong naisipan kong mag-suicide at hindi 'yon nakatulong sa problema ko.

Aking naisip na mas maganda ang mabuhay kahit na may taning na ito. Mas maganda kung i-enjoy mo naman ang buhay mo habang nandito ka pa sa mundo.

Kaya pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Isa 'yon sa napakalaking kasalanan sa Diyos.

Alam kong depressed lang ako no'n. Kaya kung may tao mang depressed at pagod na sa buhay o kaya naman ay nahihirapan na.

Huwag po niyong isipin ang pagpapakamatay ang siyang solusyon sa lahat ng problema.

May mga ways pa po tayo upang huwag tapusin ang ating buhay. Nandiyan ang ating kapamilya o kaibigan.

Kausapin mo ang taong alam mong naiintindihan ka. Kausapin mo ang tao na alam mong kaya kang i-comfort at bigyan ng advice.

O kung wala kang kaibigan ay umiyak ka na lang. Isigaw mo at pakawalin ang mga salitang nais mong sabihin sa mundo. Upang sa gayon ay mabawasan man lang ang bigat sa dibdib mo.

Two weeks na ring ganito si Lervin. Pumapasok pa naman ako sa school namin kahit na nitong nakaraang mga araw ay mas lalo lang nanghihina ang katawan ko.

Nanlalambot na rin ang mga tuhod ko kaya mas hindi na naging normal ang paglalakad ko.

Pero kakaiba ngayong umaga pagkagising ko.

Napaiyako ako sapagkat hindi ko na kayang igalaw pa ang mga paa ko.

Hindi na ako nakakatayo ng mag-isa ko lang and worst, I...can't walk anymore.

Heto na naman ang takot ko. Ang takot ko sa dibdib at nawawalan na naman ako ng pag-asa. Pag-asang mabuhay.

Una kong tinawagan ang number sa speed dial ko. Ang akala ko ay ang mga kaibigan ko ang natawagan ko. Pero hindi.

"Baby...what happened?" tanong niya sa akin at hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang pintuan ng condo ko.

Pero hindi ko 'yon pinansin. Ang nais ko lang ay may taong yayakap sa akin at i-comfort ako.

Sa ngayon ay kinalimutan ko ang ginawa sa akin ni Lervin. Nakalimutan ko iyong sakit na binigay niya sa akin.

"L-lervin..." nanginig ang mga labi kong sinambit ang kanyang pangalan.

Mabilis na inalalayan niya ako. Nakaupo na kasi ako ngayon sa sahig na nasa gilid lang ng kama ko.

Dahil sa takot ko ay nahulog ako mula sa kama ko at impit na umiyak.

Pinaupo ako ni Lervin sa gilid ng kama at nag-aalalang tiningnan niya ako.

"W-what happened, Art? Bakit umiiyak ka?" Kitang-kita ko ang pag-aalala niya sa akin.

Napahawak ako sa manggas ng damit niya at para akong batang nagsusumbong sa kanyang ina.

"I...I c-can't move my legs. I can't walk... Do something please!" naiiyak na sambit ko at hinawakan niya ang ulo ko.

Mahigpit na niyakap niya ako at nag-iiyak na ako sa dibdib niya.

"A-Art..."

"Iyong...paa ko! B-bakit hindi na ako nakakalakad!"

"Ssshh... Don't cry, baby. Everything is gonna be fine..."

"No! H-hindi ko na maigalaw pa ang mga paa ko. L-lervin, do s-something please! Makakapaglakad pa ako, 'di ba?!" naiiyak na sigaw ko sa kanya pero umiling lang siya.

Malakas na hinampas ko ang dibdib niya pero tila mahina lang 'yon kung para sa kanya dahil hindi naman niya 'yon ininda.

"Makakapaglakad pa ako! Kaya ko pa! K-kaya ko pa naman, eh! Hindi pa ako lumpo! H-hindi!"

"No, please! Don't hurt your self!"

Hinawakan niya ang mga kamay ko dahil iyong paa at binti ko na ang pinalo ko.

"Let me go! I can still walk! I-I can!"

***

Lervin de Cervantes'POV

"Let me go! I can still walk! I-I can!" she shouted.

I was fast too hold her hands for her not to hurt herself. Wala akong magawa.

She's just crying and she didn't stop herself to be hurt. I'm so sorry, Art.

Kung kaya ko lang tanggalin ang sakit niya o mailipat ko na lang sa sarili ko ay gagawin ko.

I can't stand looking her like this. Ako ang nasasaktan. Ako ang nasasaktan makita lang siya nang ganito.

Mas masakit pala ang makitang ganito siya.

"How I wish you don't have a legs to walk. You can't walk, so, you can't follow me here."

Puwede ko bang bawiin ang sinabi ko? Puwede ko bang bawiin ang hiniling ko dati para sa kanya?

Dahil ngayon alam ko na kung gaano ako kagago. I'm a fucked up man to say those words to my wife! I'm a jerk!

Fuck it!

"D-doctor ka, 'di ba? Please, Lervin...help me. H-help me to walk again...p-please," she said.

Iling lang ang ginawa ko at tanging ang yakap ko lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon.

Bakit? Bakit nangyayari ito sa kanya? Bakit siya pa? Bakit siya pa ang makakaranas ng sakit na ito?

"AAAAHHHH!"

"Tahan na, baby... Tahan na..."

Huminto na siya at hindi na gumalaw. Ramdam ko ang katawan niyang nanghihina. Ang paghikbi na lang niya ang maririnig ko.

Iyong klaseng hikbi na tila pagod na pagod na siya at nasasaktan na siya.

Wala talaga akong magagawa ngayon. Wala pa.

I caress her hair and her back. Comforting, that's all I can do for now. But I'll do everything para lang makahanap ng lunas ng sakit na ito.

"G-gusto ko pang...maglakad papunta sa entablado. Ga-graduate pa ako, Lervin, eh. Magma-march pa k-kami. Kaya dapat makakalakad pa ako sa mga oras na 'yon..." patuloy niya at sinamahan pa nang malakas na paghikbi.

Mahigpit na niyakap ko na lamang siya at hinayaan ko na rin ang mga luha kong naglandas sa pisngi ko.

Tila pinipiga ang puso ko sa naririnig kong katagang binibigkas niya. Ako ang nahihirapan. Ako ang nasasaktan sa sitwasyon niya.

Dati hiniling ko pa na sana wala na siyang mga paa, para hindi na siya makapaglakad at masundan ako.

Then now, look at her. She definitely can't walk for real. Oh, God. What have I done? Why did I wish that for happens? Why?

"I'm sorry, Art..."

"You wished...this, right?" I stilled by what she said.

"Hiniling mo na sana wala na akong mga paa para hindi na ako makapaglakad!" she said, angrily.

Nanglalaban na naman siya. Nanghihina man pero nagawa niya pa ring hampasin ako sa dibdib.

"I'm so sorry, baby..."

"Diyan ka magaling, eh. Sa sorry. S-sorry na lang... L-look at me now, Lervin. N-natupad na ang hiling mo..." naiiyak na sambit niya.

"I regret it already, okay?"

"I still hate you..."

***

Arthea Primero-de Cervantes' POV

Tulala lang akong nakaupo sa kama ko at hindi na ako makapag-isip nang maayos.

Itong araw ang pinaka-worst na nangyari sa buhay ko. A-alam niyo ba ang sakit nito? Ang sakit sa dibdib at tila pinapira-piraso nito ang puso ko.

Itong sakit ko...u-unti na akong kinakain. Unti-unti na niyang kinukuha ang pangarap ko.

Itong sakit ko na alam ko soon, ito rin ang dahilan ng pagkawala ko.

I want to walk towards the stage where I can receive my diploma and that's one of my dream. But now? Napaka-imposible nang mangyari ang pangarap ko.

How? Kung hindi na ako makakapaglakad. Kung isa na lamang akong inutil.

Walang kibo na napatingin ako kay Lervin. May tulak-tulak na siyang wheelchair at mas nasaktan pa ako lalo sa nakita.

Ang wheelchair na 'yan. Ang wheelchair na ang magiging paa ko? Naka-base na sa bagay na 'yan kung makakalabas pa ba ako or I still can go to school.

Awa? Marahil kakaawaan na naman ako ng karamihan. I was bully by those students when I can't walk properly and now? They're look at me with their eyes, pity. I'm such a loser.

"This can help you, Art. I know you still want to go to school but don't worry, I'm here so I can guide you," he said.

Somehow, hindi awa ang nararamdaman kong pinapakita niya. Hindi siya naaawa sa akin dahil iba rin ang pinapakita niya.

Dapat ba akong magpasalamat dahil nandiyan si Lervin? Dapat ba akong matuwa dahil nandiyan upang alalayan ako?

Alam niyang hindi ko na siya kailangan. Nasabi ko na rin sa kanya na hindi ko na siya mahal.

Nakaka-pagod naman talaga siyang mahalin. 'Yong tipong humahabol ka sa kanya pero nasaktan ka lang in the end.

"You can stay still with me, when in facts, I don't need you, anymore? And I don't love you. I pull out of love," walang emosyong saad ko.

Hurt was visible on his eyes but I ignored that.

"I will, Art. Nasabi ko na sa 'yo na hindi na kita bibitawan pa. Okay, you pull out of love but I will make sure that I can bring back that love to you. Mahal pa rin kita," aniya.

Tulalang tiningnan ko lang siya at lumapit sa akin.

"How can you say you love me? Ano 'yon? Na-realized mong mahal mo ako noong may sakit na ako?" tanong ko sa kanya at umupo na siya sa gilid ng kama ko.

"I was in-denial with my feelings for you, baby. I know you won't believe it, nandito na ang feelings na 'to simula nang makita kita. I was blind for everything kaya hindi ko nakikita at hindi ko nabibigyang pansin. Dahil sa buong buhay ko ay umiikot lang isipan ko kay Jillian. Yes, nasabi kong, she's everything to me but not now. Yes, I realized that I am in love with you nang malaman kong may sakit ka. God knows, natakot ako. Natakot akong paniwalaan 'yon. Natakot ako na paano kung totoo? Paano kung may s-sakit ka nga? Then it's confirmed. Natakot ako sa ideyang mawawala ka sa akin. Natakot ako sa ideyang puwede mong lisanin ang mundo. Sorry, alam kong sawa ka nang marinig 'yon. Pero paulit-ulit ko pa ring sasabihin sa 'yo, that I am sorry. Jillian was my everything but she's nothing now. You are my world, my breathe, and I love you, so much," he said, sincerely.

Puwede bang hayaan ko na lamang siya? May taning na ang buhay ko at hindi ko alam kung kailan babawiin sa akin ng Diyos ang buhay kong hiram lang.

I want to die on his arms. For me to feel that he is really in love with me. C-can I?

#GS1:SIBG