webnovel

Gloom Series#1:Someday, I'll Be Gone

Blurb: Arthea Primero and Dr.Lervin de Cervantes is just arranged marriage. Love is not involved. She never thought that she fall for her husband and she knew better. Her husband is in love with someone else, who are married already. Art caught her husband cheating on her, he bought a condo unit and later on? He bought a mansion too, next to their home. That really hurts for Arthea's part, and she even witness her husband kneeling in front of his mistress, for what? Her husband crying and pleading for Jillian's illness to undergo the therapy. Her husband said, Jillian needs him and his mistress wanted to be choosen between his wife and Jillian. Then, he choose Jillian over his wife and divorce her after that. But what if Arthea is the one who needed her husband the most? What if his wife has a sick too? Take note, it's a rare case of illness. Without knowing of her husband, she secretly went to hospital for her check-up together with her bestfriend and after a week, her MRT and CT scan's result. She is diagnosed of Spinocerebellar Degeneration or Spinocerebellar Ataxia known as SPA. It's a disease where the cerebellum of the brain slowly deteriorates to the point where the victim cannot speak, talk walk, write or even eat. And according to her doctor's research, there is no known cure. And the worst is, there's no survivor from that SPA. They are ended up dying. Makaka-survive kaya si Art? Malalaman kaya ng kanyang asawa na may sakit siya? May pag-asa bang maigamot siya? O malalaman nito kung kailan huli na ang lahat? And she will ended up dying too?

Lyn_Hadjiri · Teen
Not enough ratings
60 Chs

Chapter 24

Chapter 24:Sad birthday

NAGISING ako nang makaramdam ako ng lamig. Nandito na pala ako sa loob ng kuwarto ko.

Nanatili lang akong nakahiga dahil ang sakit ng ulo. May basang towel sa noo ko. Kaya pala ako nakakaramdam ng lamig dahil nilalagnat ako.

Hindi na ako nag-expect na si Lervin ang nag-aalaga sa akin. Knowing him? He doesn't care about me. 

Naalala ko na naman ang nangyari sa akin before I lost my conscious. Ang heartbreaks na binigay sa akin ni Lervin, nang paulit-ulit. 

Para na namang pinipiga ng malaking kamao ang puso ko pero bago pa ako maiyak ulit ay pinilig ko na 'yong ulo ko.

Ayoko nang maalala 'yon. Sobrang sakit no'n at ayoko na munang maging weak.

"Art, gising ka na pala."

Si Shin, si Shin ang nag-aalaga sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko at malungkot na tiningnan ako.

Nang sipatin ko ang orasan ay 9 pm na pala ng gabi. Ilang oras kaya akong nakatulog?

"Kumain ka na muna, Art. Hindi ka pa nakakainom ng gamot mo," ani Shin at umiling ako.

"H-hindi ako gutom, Shin..."

"But you need to eat, Art. You can't drink your medicine kung wala pang laman 'yang sikmura mo."

Sa halip na makipagtalo ako kay Shin ay nagtanong na ako kaagad.

"B-bakit...bakit ikaw ang nag-aalaga sa akin, Shin? Nasaan...ang asawa ko?" nanghihinang tanong ko at umismid pa siya bago sumagot.

"Don't expect your husband that he took care of you. Wala siyang pakialam sa 'yo," straight forward niyang sagot. 

Bullseye na naman ang sinabi ni Shin sa akin. Tila pinapamukha talaga na wala na akong pag-asa pa kay Lervin.

"Nandito ako dahil hinatid ko ang kotse mo. Tapos nakita kitang buhat-buhat ng isang lalaki at hayon. May lagnat ka. Sinuri ka naman ng doctor na nagbubuhat sa 'yo. Pagod ka lang daw at nagpaulan ka pa. Tumawag na lang ako sa asawa ko na may sakit ka at aalagaan kita," mahabang pagku-kuwento niya.

"Sige na, Art. Kumain ka na muna, kahit kaunti lang." Kumain na lang din ako dahil nagmamaakawa na 'yong boses ni Shin.

Pero naka-tatlong beses lang akong sumubo ng lugaw na niluto niya ay inayawan ko na.

"Please naman, Art. Huwag kang magpapa-apekto sa gagong 'yon. Kalimutan mo na muna ang problema mo kay Lervin. Think of your self first, Art."

"Sana ganoon na lang kadali, Shin..." mahinang sabi ko.

"Nag-research na ako about sa sakit na 'yon. At puwede ka namang ipasok sa therapy season. May pag-asa pa."

Nilingon ko si Shin dahil sa sinabi niya at inilingan ko siya.

"Wala, Shin, wala. Wala 'tong gamot, wala. Sinabi na nga ng mga doctor na walang survivor sa sakit na 'to. And therapy? Wala ring silbi, Shin. Narinig mo naman, 'di ba na unti-unti nitong uubusin ang lakas ko?" sabi ko at tinuro pa ang sentido ko.

"Siya ang maghahari. Siya ang maghahari ng katawan ko. Uubusin niya hanggang sa manghihina ako. I don't have any idea about this sick of mine, but I know that I can't survive this. I will die, Shin. I will die..." walang buhay na sabi ko at tumulo 'yong mga luha niya. I looked away.

"A-art..."

"Bakit pa tayo mag-aaksaya ng oras, Shin? Mag-aaksaya pa ba tayo kahit na mamamatay rin naman ako? Should I admit myself to the hospital and what? Mananatili lang ako roon hanggang sa magiging lantay na gulay na ako! Hindi rin naman ako gagaling, eh! Hindi! Hayaan mo na lang ako mamatay, Shin."

Nagtaas baba ang dibdib ko dahil sa pagsikip nang paghinga ko.

"O-on the way na sina Crim. Hindi mo raw kasi sinasagot ang mga tawag at text messages nila. Kaya nag-aalala silang dalawa," pag-iiba ni Shin sa usapan namin. At ipinagpasalamat ko 'yon.

Nakaka-suffocate na kasi pag-usapan ang tungkol sa sakit ko. Nakaka-panghina ng tuhod at mas nadudurog lang ang puso ko.

And speaking of the twins ay dumating na sila. Kaagad na dumalo sa akin ang nag-aalala nilang mukha.

"Are you feeling better, Art? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin?" tanong kaagad sa akin ni Crim at tumabi pa siya ng upo kay Shin. Si Drim na nakatayo lang. Naka-pamulsa at kung seryoso man siyang tingnan ay nakaguhit pa rin sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin.

"Where is that fucker, Art? Bakit pinapabayaan ka na naman no'n?" malamig na tanong naman sa akin ni Drim.

Gusto ko silang sagutin ngunit nakakaramdam na naman ako ng pagod. At mas sumama pa lalo ang pakiramdam ko at napansin 'yon kaagad ni Shin.

"H-hayaan na muna nating magpahinga si Art, Crim, Drim," ani Shin at tumayo na siya kaagad.

Hinaplos ni Crim ang pisngi ko at tipid na nginitian ko na lamang siya.

"Iningatan ka namin at inalagaan. Tapos ito lang ang gagawin ng asawa mo? His responsibility is to take care of you..."nagtatagis ang mga bagang sabi ni Crim.

"Kaunting-kaunti na lang Shin ay mapapatay ko na talaga 'yan," ani Drim.

"Salamat...pero okay naman na ako, Crim, Drim. Thank you for coming into my life. I owe you a lot, guys. You are the best of friends I ever have. Mahal na mahal ko kayo," sabi ko kahit nanghihina na 'yong boses ko. 

Dumukwang ang mukha ni Drim sa akin at hinagkan ako sa noo. Napapikit ako sa ginawa niya.

"I love you, too, Art."

KATULAD ng sinabi ni Lervin na mas kailangan daw siya ni Jillian ay bihira na siyang umuwi sa bahay namin. 

Sa loob ng isang linggo ay isang beses lang siyang nakakauwi at katulad ng daily routine namin two years ago ay wala na rin kaming pansinan.

Bumalik sa dati 'yong mga ginagawa namin at kahit masakit ay binalewala ko na lamang.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral. Kahit madalas ay nahihirapan na ako dahil sa kondisyon ko.

Ramdam ko na ang pagbabago sa katawan ko. Hindi na ako katulad dati na energetic araw-araw at may nagagawa pa akong iba. Pero ngayon ay hindi na.

Nanghihina na nga 'yong katawan ko at madalas na namamanhid 'yong mga paa ko. Hindi rin ako nakaka-paglakad ng mas mabilis.

Tila naging pagong ako sa paglalakad lalo pa na nag-iingat din ako na baka ma-out of balance ako. I can afford myself to get hurt again.

Ubos na ako, eh. Ubos na ubos na ako.

At palaging nandiyan si Hillarus. Madalas niya ring mahahalata ang mga nangyayari sa akin pero hindi naman siya nangusisa. He is my invisible friend, just like what said to me.

At nandiyan si Shin, palaging nakaalalay sa akin. Sina Dr. Cheng, kaya pala familiar ang face niya sa akin dahil paminsan-minsan ay pumupunta siya sa university namin.

Madalas niyang suriin ang kalusugan ko kahit tondo tanggi ako. Minsan pa ay si Dra.Even ang sumusuri sa akin. At alam nilang malaki na ang pinagbago ng katawan ko. 

____________________­_

"Happy birthday, apo," basa ko sa text message ni daddy-lo. Birthday ko ngayong araw pero hindi ko kayang i-enjoy ang kaarawan ko.

"Happy 21th birthday, dear! WMBTC, stay pretty and God's bless you!" It's from ate Eu.

May mga text greetings din ako natanggap from my bestfriends. Shin, Crim and Drim.

Lalabas daw ako mamaya para i-celebrate ang birthday ko. Aayawan ko na sana but Crim said, "I won't take a no for an answer." Hinayaan ko na lang. Thankful pa nga ako na naalala pa nila ang birthday ko. Pero si Lervin? Busy sa babae niya.

Tinawagan ko si daddy-lo para magtanong sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa isipan ko.

"Happy birthday, again, apo. Pinadala ko na riyan ang regalo ko sa 'yo, Art," pambungad kaagad sa akin ni daddy-lo at kahit papaano ay napangiti ako.

"Thank you, daddy-lo."

"May gusto ka bang gawin ngayon, apo? You want to throw a party? Magsabi ka lang kay daddy-lo, apo."

"Magkikita po kami nina Shin, daddy-lo at may lakad na kami ngayong araw to celebrate my birthday. Kaya huwag ka nang mag-abala pa, daddy-lo," nakangiting sabi ko.

"Ow? Is that so. Kasama ba ang asawa mo, apo?" Napatigil ako sa tanong 'yon ni daddy-lo.

Ayoko nang sabihin pa kay daddy-lo ang mga nangyayari sa akin. Sa akin na lang 'yon. Sapat na ang malaman nila Shin ang nangyayari sa amin ni Lervin.

"O-opo, daddy-lo," I'm sorry for lying, daddy-lo.

"Oo nga pala, dy. M-may tanong po ako," nag-aalangang sabi ko.

"What is it, Art?"

"M-may...may history po ba ang mga ninuno o kamag-anak niyo na may...heritage kayong sakit or something?" tanong ko at napahinga ako nang malalim. 

"Why did you ask, apo? Bakit may sakit ka ba?" biglang tanong ni daddy-lo.

"W-wala po, daddy-lo. May nabasa lang kasi ako sa mga libro na possible pala na namamana ang mga sakit."

"Actually, apo. Meron, iyong lola mo na nakakabata kong kapatid. Namatay siya dahil sa malalang sakit na namana niya sa mga lolo't-lola namin sa father's side. Walang pinipili kahit mga bata pa 'yan, apo. Teenagers or in a mid-20's. And mind you, apo. There is no survivor. May kanya-kanyang stage ng sakit pero hindi ito katulad ng mga cancer na puwedeng operahan," mahabang pagpapaliwanag ni daddy-lo at sumikip na naman ang dibdib ko.

"Ano'ng klaseng sakit po ba 'yon, dy?"

"Like hmm... SCAR10, IOSCA, SCAR1 to 20 stage, apo."

"What was that meaning, dy? Enlighten me, please?"

"It's nervous system disease. Like Spinocerebellar degeneration or spinocerebellar ataxia."

Now I know kung saan ko na nakuha ang sakit na 'yon.

"Your name is after your late grandmother's name, apo. Artheria. My little sister who had got that heritage of our family. She was the ex-girlfriend of your husband's grandfather. 20 siya no'n, apo ng makuha niya ang sakit na 'yon at doctor ang lolo ni Lervin. Pinag-aralan na ito ng lolo ng asawa mo but...he failed. Walang lunas sa sakit na 'yon, apo. Kahit pa ang matalinong doctor na lolo ni Lervin ay hindi nahanap ang cure ng sakit na 'yon. So, your grandmother passed away because of that sickness."

History repeat itself, I guessed.

"May possibilities po ba na...puwede 'yong maimana o mabuhay ang sakit na 'yon, daddy-lo?" nangangambang tanong ko.

"Hmm. No, we are healthy, apo. Hinding-hindi na 'yon mabubuhay."

BITTER & BETTER'S CAFE.

Dito kami sa cafe nag-celebrate ng 21th birthday ko. Nag-order ng marami sina Crim at sila na rin ang nagbayad. Aakuin ko na sana pero hindi raw puwede. Birthday ko raw 'to at sila ang mangli-libre.

Busangot pa nga ang mukha ni Drim nang sinama ko si Hillarus. Ano raw ang ginagawa nito, eh gayong hindi naman daw namin kaibigan ang isang 'to. 

"Kaibigan ko siya. Ano ka ba naman, Drim?" sabi ko at hinampas ko pa ang kamay niya.

Magkatabi kaming nakaupo ni Hillarus at nasa tapat naman naming nakaupo sina Crim, Shin at Drim.

Si Hillarus na tila wala ring pakels, kasi inabala niya lang ang sarili niya sa pagkain. Manhid ang isang 'to at hindi marunong makiramdam na ayaw sa kanya ng mga kaibigan ko.

"See, Art? Patay gutom ang isang 'to," ani Drim at umirap pa na akala mo babae siya.

At doon nabulunan si Hullarus, hindi niya yata nalunok ang kinakain niya. 

Binigyan ko siya ng tubig at kaagad namang kinuha niya.

Napa-smirked pa si Drim at si Crim naman ay umiiling na lang. Si Shin na poker face lang na kumakain.

"Okay ka na?" tanong ko kay Hillarus habang hinahangod ko ang likod niya.

"Yeah, is just that...nagulat lang ako," aniya at ngumisi. Nakatingin kay Drim na walang emosyon.

"I knew something that you don't know, Del Labiba," creeping sabi ni Hillarus.

Lumalim ang gatla sa noo ng mag-kambal at umangat ang tingin ni Shin kay Hillarus. Saka ito tumingin sa akin.

"Something that you can't do anything about it, but observe. Observe the changing, there is something wrong. Because no one can spill it. In this world, there's a lot of fakes and pretending."

Creepy at makahulugan talaga ang pangungusap ni Hillarus at parang alam ko kung ano o sino ang tinutukoy niya. D*mn him for being genius.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin at kahit papaano ay gumaan ang atmosphere namin.

____________________

11:30 pm in the evening. Tulog na ang mga kasambahay namin at nasa balkonahe pa rin ako ng mansyon namin.

Iyong mga gifts ko from my bestfriend ay nasa bed ko na. Apat 'yon, may gift din kasi si Hillarus sa akin. Si Hillarus Miguel Lazello na dalawang taon ng nag-aaral ng medisina pero nag-shift kaagad. Inayawan ang pagiging doctor niya in the future. Hindi raw kasi 'yon ang pangarap niya. Pangarap lang daw 'yon ng daddy niya.

I received a gift from my daddy-lo. A set of book series. I also received a gift from my in-laws. Pero wala kay Lervin.

Sa loob ng dalawang taon naming mag-asawa ay wala pa naman akong natatanggap na regalo from him.

Kaya, heto naghihintay ako at humihiling na sana ay umuwi siya at maalala niya na birthday ko ngayon. Pero lolokohin ko lang ang sarili ko. Hindi naman niya alam kung kailan ang birthday ko. Wala naman siyang pakialam.

Tinap-tap ko ang dibdib ko dahil kumikirot na naman ito. Kahit nagpaka-busy pa ako sa school ay hindi ko naman nawawaglit sa isipan ko si Lervin.

Si Lervin babe, pa rin. Si Lervin pa rin ang baby ko. Si Lervin pa rin ang nasa puso ko.

Pumatak na ang 12 pm at tapos na ang birthday ko. Hindi na dumating si Lervin.

Para batiin ako pero wala. Hindi na siya dumating. At ngayon nasa apat ng sulok na akong nagkukulong.

Nakaupo ako sa sahig na nasa gilid lang ng kama ko. Nakasandal ako sa kama at hinahaplos ko ang picture namin ni Lervin. Noong nasa Baguio City pa kami.

Kung saan ang hiram na oras na hiniling ko makasama ko lang ang lalaking mahal ko.

Ang mga hiram na oras na hinding-hindi ko makakalimutan.

Dadalhin ko ang alaalang 'yon sa kung saan man ako magpunta. Kung saan ako dadalhin ng sakit na 'to.

"Sad birthday, self," sambit ko at dinala ko sa dibdib ko ang picture namin at hinayaan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.

#GS1:SIBG