webnovel

Gitara Part 3

-=CHAPTER 3=-

Janessa

Hmmmm.... Ano raw?!

"I'll protect you" raw...

Napatunganga ako... Teka... Ehto ba ung horsey na lagi akong kinokontra at kulang na lang eh sipain ako?!??

Napahawak akong bigla sa noo nya...

Joshua: W-wha... Anong ginagawa mo?!?!

Ako: (tinanggal na ung kamay ko sabay titig sa kanya) Wala ka namang sakit... *gasp* Naka-drugs ka noh!

Joshua: Sira!

"Hoy! Anoh ba?!?"

Napatingin kaming dalawa dun sa mga naghihintay na nang-aaway... Ay, oo nga

pala... Nasa middle nga pala kame ng riot... Tinulak ko si Joshua

palayo...

Ako: Ahyan na... Sige, protektahan mo na ko!

Joshua: Aray... Anoh ba yan?! Itaboy ba ko?!?

Ako: Sabi mo pprotektahan mo ko.. Go na... shoo, shoo.. I-ccheer kita!

Umikot na si Joshua para harapin ung mga baboons na un... Seems like he's cursing me pa under his breath...hihi... Pagkatapos ba namang sabihing pprotektahan daw ako...

Joshua: (sigaw) Hoy kayo dyan... Bilis-bilisan nyo nga sumugod dito, dahil di ako lalapit dyan at magpapakapagod noh!!

Nyeh... Palapitin ba?!?

Hala, ahyun nga ung mga unggoy, uto-uto naman at sumugod nga kay Joshua!!!

Joshua!!! Horsey!!! Oh no!!!

Napapikit na lang akong bigla nung malapit na ung mga baboons kay Joshua...

Napapatingin ako minsan para tingnan kung buhay pa si horsey... Ang

unfair! Tatlong baboons versus one horsey?!?

Biglang napaluhod si Joshua...

Ako: (napatakbo palapit) Joshie!

Joshua: (sigaw sa'kin) Dyan ka lang!

Napatigil akong bigla... Tumayo uhlet sya... Nido siguro ang gatas, ang tibay ng buto eh...

"Anong nangyayari dito?!"

Napatigil bigla ung duguang baboons, at tinapon ni Joshua ung isang unggoy na

hawak nya... Napatingin kaming lahat dun sa bagong dating na lalaki (na nga pala, may pagka-papable din...)

Weh, Janessa! Noh ka ba?! May away sa harap mo noh...

Joshua: Pagsabihan mo yang mga bata mo, Peter... Mu~g di mo nanaman sinermonan

tungkol sa mga dapat gawin... (tumango sya sa'kin)

Sumunod ung tingin nung Peter sa'kin, tapos dun sa tatlong baboons nya...

Peter: (dun sa tatlo) Tumayo nga kayo dyan... Babalik na tayo...

Baboon #1: Pero, Pete, yang si --

Peter: Di nyo ba nakitang may kasama syang babae?!? O bulag lang kayo para di nyo mapansin na babae yan?!?

Excuuuuuuuuuuuuzzze meeeeeeeeeeeee?!?!? Ako?!?!? Babae poh ako!!!!!! Eh kung pagsisipa-sipain ko yang mga unggoy na yan?!?!?!? Anong tingin nila sa'kin?! Vaklush!??!

Nag-alisan na ung apat, ako naman, lumapit kay Joshua...

Ako: Okay ka lang? Buhay ka pa?

Joshua: (pinunasan ung dugo na tumutulo sa labi nya) Okay pa... Sisiw lang ung mga un noh...

Ako: Sisiw...

"Oist!"

Wag nyo sabihing meron pa?!?

Umikot kaming dalawa... Naglalakad si Paolo, tsaka tatlo pang mga lalake... Binati nila si Peter nung chuva-chuchu na handshake na un, sabay tingin sa'kin...

Paolo: Janessa? Bakit nandito ka? (tumingin kay Joshua) *gasp* Binugbog mo si Joshua!!!

Ako: Hoy! Ano namang tingin mo sa'kin?!? Amazona??!

Joshua: (natawa) Ha! Amazona...

Tumingin ako ng masama sa kanya, bigla syang napatahimik...

Joshua: *cough* *cough* Nako, *cough* nalamigan na yata ako...

Ako: Nalamigan... Amazona ha... Hmp!

Umikot na ko at dumiretso dun sa pababang street...

Joshua: (sigaw) Hoy!

Ako: (tuloy sa paglakad) Di "hoy!" ang pangalan ko!

Joshua: (hinabol ako habang nasigaw) Ikaw!

Ako: (sigaw pabalik) Di rin "ikaw!" ang pangalan ko!

Joshua: Hoy ikaw!

Grrrrr!!!

Ako: (ikot kaharap sya sabay sigaw) SHUT UP!!!!!!

Nakita kong napakapit bigla si Joshua kay Paolo na sumunod na rin... Tapos ako, umikot na uhlet para umuwi... Narinig ko pa ung huling words nung dalawa...

Paolo: Oh ano, natakot ka?

Joshua: H-h-hinde aa-a-hh!

Hmp! Hinde raw... Namutla naman ung mukha... Tawagin ba naman akong amazona!!! Kagatin ko sya eh!

Joshua

Kinabukasan, pumasok ako at hinanap si Janessa... Bubwit na babae un, P30 na load

ang nasayang ko kaka-sorry, ni isang reply man lang, wala! Pero ehwan ko ba, may dugo yata ng white lady un, kahit sang sulok ng school ko hanapin eh di ko makita... Kaya ahyun, no choice ako kundi maghintay

hanggang hapon para makita sya sa Theater class ko...

Pagpasok ko sa room nung klaseng un, nandun si Janessa, nakikipag-usap sa kung

sinong bakla... Alam kong bakla kaseh mas malandi pa gumalaw ung kamay nung lalaking (baklang?) un kesa kay Janessa eh...

Hinaltak ko ung isang upuan palapit kay Janessa tapos, pinaurong ung katabi nya pang isa para dun ako makaupo...(angas noh?)

Ako: Hoy...

Janessa: Tingnan mo nga naman, buhay ka pa?

Ako: Galit ka pa rin ba?

Napatingin sa'min ung bakla (Richie yata pangalan nito...) Nako poh, mu~g laman nanaman ako ng frontpage nito ah...

Ako: (kay Richie) Ikaw, shoo... Dun ka muna sa mga ka-federasyon mo at mag-uusap kame...

Richie: Oh sure, fafa... Kaw pa... (tingin kay Janessa) Sige, Nessy, maya na lang let...

Janessa: Okay..

Pagkaalis ni Richie, tumingin sa'kin si Janessa...

Ako: Nessy? Nickname mo?

Janessa: Sabi ko naman syo, hinde "hoy" at "ikaw" ang pangalan ko...

Ako: Opo na nga poh... Sorry na poh...

Janessa: Okay.

Okay? Un na un? La man lang pahirap?

Ako: Anong okay?

Janessa: Okay... As in, okay... May iba pa bang meaning ng okay?

Ako: Di mo man lang ako pahihirapan? Like, uutus-utusan?

Janessa: Bakit?

Ako: Ehwan?

Janessa: Ano?

Ako: Ganon na lang un? Bati na tayo kagad?

Janessa: Ayaw mo?

Ako: Gusto...

Janessa: Oh, eh bahket nagrereklamo ka pa dyan?

Ako: Sabi ko nga eh...

Ang bilis naman... konting face-to-face sorry lang, okay na? Bait naman nito...

Janessa: Well, there IS one thing you can do for me...

Ahyan na...Ang slavery.. Mga pabuhat ng libro.. Pabili ng lunch... Pabitbit ng gamit...

Janessa: Naka-ban kasi ung kotse ko ngayon eh... Can you drive me home later?

Ako: Un lang?

Janessa: Ano ba?! Parang pinapababaw mo ko masyado eh... Sisipain na kita dyan eh!

Ako: Hinde... Sige, hatid kita sanyo... Wawa ka naman, nag-commute ka kaninang umaga?

Janessa: Oo... Tsk, worst day...

Ako: Eh? Buti di ka naligaw...

Janessa: Sira, kasabay ko si Kristine noh... Kaw talaga, horsey, ung brain mo, natapakan mo nanaman...

Tinaas ko ung sapatos ko sabay tingin sa ilalim, tapos tingin kay Janessa...

Ako: Hindi naman ah...

Janessa: (natawa) Abno ka talaga...

Napangiti ako. Wala lang. I guess, kase, ang sarap talagang pakinggan ng tawa ni Janessa.

Janessa

Uwian na... Naglalakad ako sa papunta sa parking lot, hoping na nawa'y by any

chance eh makita ko kung nasan si Joshua -- eng-eng kase, nakalimutan

itanong kung san kami magkikita eh di ko naman alam kung san sya

nagppark...

So, ahyun nga, lakad-lakad ako, pre-occupied... Nang bigla...

Oomph!

Arouch kowh!

Tumingin ako para magsorry dun sa nabunggo ko.. Then, I wished lamunin na lang

pala ako ng lupa, eh, semento... bastah! nung tinatapakan ko...

Ako: Uh, s-sorry.. I didn't see you...

Naman, Lord... Bakit naman poh sa dinami-dami ng makakabunggo eh ehto pang mga bruhahang toh?

Yup, ung three little witches... haaaayyyy...

Witch 1: Well, well, well... What do we have here?

Ako: Just me lang naman... Okay... so see you around!

Iikot na sana ako para mag-zoom paalis nang biglang humarang ung other two sa dadaanan ko...

Witch 2: San ka pupunta? Ikaw, lagi ka na lang nakikipagflirt kay Joshua...

Jeesh! Bakit ba "ikaw" ang laging tawag sa'kin ng mga tao?!?!

Ako: FYI, na-ah!

Witch 1: (sarcastic na tumawa) Pero you won't get him, lam mo kung bakit?

Dahil it'll take you one year bago ka makahabol kay Trixie...

Who the heck is Trixie?!? Tumatakbo ba sya para habulin ko?!?

Witch 3: Kahit anong gawin mo, hindi ka mamahalin ni Joshua katulad ng pagmamahal nya kay Trixie...

"Anong sinabi ko snyo tungkol sa paggulo kay Janessa?"

Umikot

ako, and ahyun si horsey, looking oh-so-dashing sa kanyang white shirt, faded jeans, at duffel bag na naka-slung over sa shoulder nya...

Lumapit sya sa'kin, sabay tigil sa harap ko... Nakz, pamatay nanaman ang titig dun sa tatlo oh...

Joshua: And what right do you have to talk about Trixie?

Okay, naiintriga na ko.. Sino bah itong Trixie na toh?!

Witch 1: B-but... S-sina-ssabi lang naman namin dyan sa flirt na --

Joshua: Stop calling her names! Makinig nga kayo... Lilinawin ko na toh... This

better be the last time na makita kong kinakausap nyo si Janessa or

else...

Nakz, ang taray ni horsey! Yoohoo! Go, horsey! yiihaaa!!!

Joshua: Halika na, Nessy... Uwi na tayo...

Ako: Huh? Oh, yeah...

Kinuha nya ung kamay ko sabay haltak through dun sa tatlong witches na kulang

na lang eh maglabas ng vanquishing potions sa sobrang deadly ng tingin sa'kin... Nung nasa parking lot na kame, tumingin ako kay Joshua, all set to ask about Trixie...

Tapos nakita ko ung sobrang, heart-wrenching na lungkot sa mata nya, kaya ahyun, na-shut up ang beauty ko...

Sino ba ung Trixie na un? What did she do? Nasan na sya?

To be con't. . .