webnovel

Gitara Part 13

Guitara : A Love Story part 13

-=CHAPTER 13=-

Janessa

Halos 6 PM na nang matapos namin ni horsey lahat ng rides, booth, at mga horror houses na gusto naming pasukin... Syempre, time to go na -- ferris wheel na! yipeeeeeee!!!

Hinila ko si Joshua papunta sa ferris wheel... Enjoy na enjoy ang mokong... Turo ng turo sa mga rides na gusto nyang sakyan... Parang bata... Pagtigil namin sa harap ng ferris wheel, bigla syang nanigas, sabay namutla...

Ako: What's wrong?

Joshua: S-s-sakay tayo d-dyan?

Ako: Yup, it's the grand finale nga di ba?

Bigla nya binitawan ung kamay ko, sabay nag-stepback ng konti...

Joshua: Sige, ano... hihintayin na lang kita dito...

Ako: Huh? Ano ka ba? Ang ganda-ganda ng view sa taas, ma-mmiss mo pa...

Joshua: Di... May view naman dito eh... Ung mga rides... cotton candy... Yup, satisfied na ko sa view dito...

Ako: Ano ka ba?

Tinitigan ko syang mabuti sa mata... Iniisip kung ano nanaman kayang problema at nagiging KJ toh...

Toink! -- At tinamaan ako ng idea!

Ako: Aha! (turo sa mukha nya) Takot ka sa heights noh!

Joshua: A-ano?!?! H-hinde ah!

Ako: Ahsuzzz... Sipain kita dyan eh...

Kinuha ko uhlet ung kamay nya, sabay haltak sa kanya papunta dun sa naghihintay na cabin nung ferris wheel... Bago pa sya makawala, pina-ikot na nung worker ung wheel para makasakay sa susunod na cabin ung nasa likod namin...

Ako: (tingin kay Joshua) Horsey, relax... Di tayo babagsak, promise!

Joshua: Heh!

Maya-maya, nagsimula nang umikot ung ferris wheel! Yahoo!!! Pagdating namin sa taas, hinila ko ng konti ung sleeve ni Joshua...

Ako: Horsey, wag ka ngang tumingin sa sahig lang...

Tumuro ako sa labas...

Ako: Look mo oh... Kitang-kita dito ung araw na lumulubog! Dali, tingnan mo!

Umikot sya ng konti para tumingin... Nung nakita nya ung mga sunset, ahyun, na-focus na ung mata nya dun... At everytime na nasa taas kame, tumitingin na sya dun...

Pagkatapos nung ride, ngumiti ako kay Joshua...

Ako: See? Patakot-takot ka pang nalalaman sa heights... Ganda ng sunset sa taas noh...

Joshua: Sino bang may sabing takot ako sa heights?

Hmm? Palusot pa ang loko...

Joshua: Sa'yo ako natakot eh! Tayong dalawa lang nandun, eh kung rape-in mo ko!??!?

Pak!

Binatukan ko nga ung mokong!

Ako: Sira!

Janessa

7:37 PM na rin nang makalagpas kami sa traffic... after 10 years, malapit na rin kami sa apartment... waahahaha... Ako nagddrive, kaseh nga, kinidnap ko lang si Joshua...hehe... Kaya, ahyun, busy si Joshie sa pagpipindot sa radyo... Langya, may balak pa yatang sirain ung radyo ng kotse ko!

Huh?

Pag-turn ko sa street ng apartment namin, may nakita akong nakasilip sa balcony sa harap ng pintuan... Syempre, dahil mabait na bata ako at laging kumakain ng gulay , malinaw ang mata ko... di ako pwedeng magkamali kung sino un...

Tumigil ako sa harap nung apartment building...

Joshua: (napatingin sa'kin) Bakit di ka pa magpark?

Ako: A-ano eh...

Sumulyap uhlet ako sa balcony, kakapasok lang nung shadow sa apartment namin... Sinara ung pinto...

Ako: (balik tingin kay Joshua) Nakalimutan ko, may dadaanan pa nga pala ako... Bakit di ka na bumaba, tapos susunod na lang ako mamaya?

Joshua: Samahan na kita...

Ako: No!

Joshua: Huh

Ako: I mean, wag na... Mabilis lang naman...

Tinulak ko na sya palabas ng pinto...

Ako: Sige na, horsey... Pumasok ka na... Shoo! Pag naging mabait ka, uuwian kita ng carrots.

Joshua: Anong carrots?!?

Ngumiti ako... hehe... Di ba gusto ng mga horse ang carrots?

Lumabas naman si Joshua... Hinintay ko syang makapasok sa apartment, bago ko pinatay ung

makina, tapos umupo lang sa loob... Dito na muna ako..maghihintay... Malamang kailangan nila ng space dun sa taas...

Di nagkakamali ung mata ko eh... Alam ko...

Si Trixie ung nasa balcony kanina...

Janessa

HAaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy... Ang tagal naman!

Mga ten minutes na siguro since umakyat si Joshua... Malamang nag-uusap na ung dalawa... Grrrr! Nangangati na ung paa kong sumugod sa taas at maki-tsisims..

Pero bad un... Need nila ng privacy... Kailangan kong magtiis at magdusa upang umunlad ang ating bayan!

Weeeh! Bayan-bayan ka dyan!

Binuksan ko ung pinto, sabay takbo papunta dun side ng building na may hagdan na malapit sa apartment namin sa taas.. Inakyat ko ung stairs na un, two at a time pa! Buti nga di ako nadulas eh...nyaha...

Pagdating ko sa harap ng pinto, avaaaahhh, lakas talaga ng hatak ko sa taas... Medyo naiwang bukas ung door.. Binuksan ko pa ng konti, tapos luhod ako sa floor para di halata...hehe... Nasa loob ung dalawa in plain view... Awwww... Nag-uusap na sila...

to be con't...