webnovel

Yan Country (6)

Editor: LiberReverieGroup

Malapit na si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao nang biglang hawakan ng huli ang kaniyang kamay. Naglakad sila patungo sa hall sa ikalawang palapag na magkahawak kamay.

Nasanay na si Jun Wu Xie sa mga ganitong kilos ni Jun Wu Yao. Noong una ay hindi siya komportable tuwing ginagawa ito ng lalaki. Ngunit nang may maaalala siyang pangyayari sa kaniyang unang buhay, kung saan mayroong magkapatid, ang kuya ay hinahawakan din ang kamay ng kaniyang nakababatang kapatid.

Ngunit may isa pang napansin si Jun Wu Xie sa alaala niyang iyon. Nang hawakan ng kuya ang kamay ng nakababatang kapatid, iyon ay noong tumatawid sila at ang magkapatid ay nasa walong taong gulang pa lang...

Nakaupo na sina Qiao Chu nang madatnan ito nina Jun Wu Xie. Kinawayan sila ni Qiao Chu at sinesenyasan na bilisan na.

"Nasaan si Ye Sha at Ye Mei?" Sinilip ni Qiao Chu ang likuran nina Jun Wu Xie ngunit wala siyang nakitang bakas ng dalawa.

Sumagot si Jun Wu Yao: "Mayroon silang pinuntahan."

Tumango naman si Qiao Chu at hindi na nag-usisa pa. Kahit na hindi na nila gaanong kinakatakutan si Jun Wu Yao, na iilang pa rin sila sa lakas nito at sa misteryo ng bumabalot sa pagkatao nito. Kasama na ang dalawa nitong mga alalay na laging bigla na lang naglalaho.

Pinagsilbihan na sila ng waiter ng inn ng kanilang pagkain at inumin saka umalis.

Agad na sumubo si Qiao Chu at agad ding nag-iba ang timpla ng mukha nang kaniyang maisubo ang pagkain.

"Maganda lang tignan ang pagkain, pero hindi ito kasing sarap ng luto ni Ye Mei." Sa kakahuyan, kahit na si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao lang ang nakatira doon, ang pagluluto ay nakataas kina Ye Sha at Ye Mei. Kahit na hindi laging nagpupunta doon sina Qiao Chu, nakakakain pa rin sila doon ng mga luto ng dalawa.

Sa unang beses na natikman ni Qiao Chu ang luto ni Ye Mei ay halos mahulog na ang loob nito sa huli. Nagsimula na itong pilitin lagi si Hua Yao na sumama sa kaniya sa kakahuyan, ang idinadahilan nito ay ang kanilang pagpaplano para sa pagkuha ng ika-apat na mapa pero ang totoo ay gusto lang nitong makakain ng napakasarap na luto ni Ye Mei.

Tumikim din si Hua Yao at Tumango bilang pagsang-ayon sa komento ni Qiao Chu.

Nagtatago naman si Ye Mei sa isang sulok at akmang aalis na sana nang kaniyang marinig ang komento ni Qiao Chu. Ang nakasimangot niyang mukha ay mas lalo pang lumungkot.

Pero...

Ang sinabi nito ay isang papuri sa kaniya, bakit hindi siya masaya?

[Hindi siya chef!]

[Tse! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!]

Tinapik-trapik naman ni Ye Sha ang balikat ni Ye Mei na parang nakikiramay.

Bilang napagdaanan rin ni Ye Sha ang mga napagdaanan ni Ye Mei, naiintindihan niya ito.

Ang mga kamay na iyon ay nabuhay para humawak ng matatalim na kutsilyo para itarak sa puso ng kanilang kalaban. Ngunit ang kanilang Panginoon ay pwersahang silang pinagluto at pinagtrabaho ng gawaing bahay at halos ikabaliw nila iyon. Ang mga gamit nilang kutsilyo sa pakikipaglaban ay ginamit nilang pangkatay ng manok na kanilang ihahanda. Nagawa pa nilang matahi at maggantsilyo! Iyon ay ang mga bagay na hinding-hindi nila ipagsasabi kahit kanino.

"Kapag nakaalis na tayo sa Lower Realm, isinusumpa kong hinding-hindi na ako tatapak sa kusina kahit kailan!" Nagtatagis ang mga ngiping saad ni Ye Mei.

[Isang kahihiyan!]

[Tama! Puno iyon ng kahihiyan!]

[Ang magluto para sa kanilang Panginoong Jue at Young Miss ay sobra na, at ngayon ay na tawag pa siyang "magaling na kusinero", hindi niya na talaga maatim iyon!]

Nagpatuloy naman sa pagtango si Ye Sha.

"At hindi na ulit ako magtatahi" Nang maalala niya ang unang beses niyang mag hawak ng karayom para sa damit ng tupang iyon, halos gusto na niyang pugutin ang kaniyang ulo at ihampas iyon sa pader!

Bilang mga beterano sa pakikipaglaban, sapilitan silang pinagtrabaho ng gawaing pambabae na katulad nito. Kung kakalat ang balitang iyon, magpapakamatay sila ora mismo.

Napabuntong-hininga naman si Ye Sha at umalis na ng inn kasama si Ye Mei na mabigat ang puso.