webnovel

Walang Kasiyahan sa Pagbabayad (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang Emperor ng Condor Country ay natulala at natigagal kay Jun Xie, hindi niya inaasahan na

ganoon ang magiging sagot nito.

Intensyon na ni Jun Wu Xie na wasakin ang Condor Country ngunit hindi niya nais na gawin

iyon sa pamamagitan ng digmaan. Sa pamamagitan ng paraan na ginagawa niya sa sandaling

iyon, hindi lamang niya inilgtas ang mamamayan ng Condor Country mula sa kalupitan ng

digmaan, hindi rin iyon gaanong mahirap at mas simple para sa kaniya.

Hindi mawawalan maski isang paa ng mandirigma upang patumbahin ang ikalawa sa

pinakamalakas na bansa sa kalupaan. Ang ganitong kahibangan at kamangha-manghang

gawain, ay tanging siya lamang ang makakagawa.

Napasalampak ang Emperor ng Condor Country sa sahig, ang mukha niya ay tinakasan na ng

kulay at namumutla.

Hindi kailanman sa kaniyang panaginip na naisip niya na babagsak sa lahat ng ganito, na ang

malakas na Condor Country ay mapupuwersa sa isang sulok, paano niya tatanggapin lahat ng

iyon?

"Huwag mo gawin ito… Huwag… Nagmamakaawa ako…" Ang tanging magagawa ng Emperor

ng Condor Country ay ang makiusap at magmakaawa. Wala nang ibang paraan. Sa sandaling

tumapak si Jun Wu Xie sa bulwagan ng Imperial Palace, ay nakalaan na wala na siyang kawala.

Paano siya lalaban? Pitong Purple Spirits ang naroon at bihag siya sa loob ng bulwagan, kung

susubukin niyang manlaban maski kaunti, siguradong ikamamatay niya agad.

Ang Emperor ng Condor Country na minsan ay pinilit ang mga pinuno ng iba't ibang bansa sa

isang sulok na wala silang kakayahan ngayon ay pinuwersa na patikimin ang desperasyon at

ang pakiramdam ng nalalapit na pagwawakas, at ngayon, si Jun Xie ay hindi rin siya binigyan

ng pag-asa na makalaya.

"Little Yan." Tawag ni Jun Wu Xie hapag nakatitig sa tumatangis at pumapalahaw na Emperor

ng Condor Country na nakasalampak pa rin sa sahig.

"Ito." Malaki ang ngiti ni Fei Yan habang naglalakad.

"Dalhin ang pinsel, tinta, papel at pantatak doon, upang matapos niya ang pagbibigay ng

huling Imperial Edict." walang emosyon na saad ni Jun Wu Xie.

Agad kinuha ni Fei Yan ang mga kagamitan at dinala iyon sa harapan ng Emperor ng Condor

Country.

Nahihintakutan na napatitig ang Emperor ng Condor Country sa blankong papel na nakalatag

sa kaniyang harapan at ang takot na iyon ay umabot sa antas na bumakas iyon sa kaniyang

mga mata!

"Hindi! Hindi ko isusulat iyon! Ako ang Emperor ng Condor Country! Lahat ng nasa loob ng

Condor Country ay pagmamay-ari ko! Hindi ako magsusulat maski isang letra!" Nagapi dahil sa

kawalan ng pag-asa, ang Emperor ng Condor Country ay napasigaw. Kahabag-habag na ang

kaniyang hitsura, ang korona ay hindi na namalayan na nahulog mula sa kaniyang ulo, ang

buhok niya ay gulong-gulo, at iyon ay nagbigay sa kaniya ng hitsura na kakutya-kutya.

Napatingin si Jun Wu Xie sa Emperor ng Condor Country na biglang nagpakita ng katapangan

at isang kahindik-hindik na ngiti ang namutawi sa kaniyang labi.

"Puwersahing buksan ang kaniyang bibig."

Natigagal ang Emperor ng Condor Country. Desperadong tinangka niyang tumakbo ngunit

agad siyang nahuli sa kaniyang balikat at ganap na hindi pinakilos ni Qiao Chu na mabilis

kumilos na parang isang palaso sa sandaling gumalaw ang Emperor ng Condor Country!

Hinawakan siya ni Qiao Chu sa balikat sa pamamagitan ng isang kamay at puwersahang

ibinukas ang bibig niya ng isa pa.

Naglabas si Jun Wu Xie ng elixir mula sa kaniyang Cosmos Sack at sa isang pitik ng kaniyang

daliri, ang elixir ay bumuhos sa bibig ng Emperor. Puwersahang pinalunok ni Qiao Chu sa

kaniya ang elixir at pagkatapos ay pinakawalan siya.

"Anong pinainom mo sa akin? Ano iyon!" Mahigpit na hinawakan ng Emperor ng Condor

Country ang kaniyang lalamunan, matalim ang tingin kay Jun Xie.

"Malapit mo na malaman." Payak na sagot ni Jun Wu Xie.

At sa eksaktong sandali na natapos ni Jun Xie ang pagsasalita, isang napakatindi at makapigil-

hiningang sakit ang pumunit sa kaniyang loob, agad na sumabog sa buong katawan ng

Emperor ng Condor Country!

Parang nakalunok siya hindi mabilang na mga talim sa kaniyang katawan at ang mga iyon ay

umikot-ikot sa loob niya. Ang kaniyang lamang loob, ang kaniyang laman, at buto, bawat

himaymay niya ay dumanas ng sakit na hindi kaya ng isang tao. Sa sandaling iyon, nawala lahat

ng lakas ng Emperor ng Condor Country, nabuwal siya sa sahig at namilipit, ang katawan niya

ay dumanas ng matinding paghihirap at dahil doon ang kaniyang mukha ay nagkulay-ube.

"Kung ayaw mo magsulat, hindi kita pupuwersahin at maaari ka nang magsaya dito. Maaari

mo namang isulat iyon pagkatapos mo pag-isipang mabuti. Hindi rin naman ako

nagmamadali." Magaan lamang ang boses ni Jun Wu Xie ngunit napakalamig, tulad ng hangin

ng Pebreo na puno ng nagyeyelong ginaw ng taglamig, na nanunuot sa buto kapag umihip.

Nanatiling nakahiga doon ang Emperor ng Condor Country at namimilipit, ang luha at sipon ay

patuloy sa pagtulo at naghalo na sa kaniyang mukha, labis ang sakit nararamdaman at siya'y

nagpaikot-ikot sa sahig.