webnovel

Umiilanlang Senyas na Ulap (Pangatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa unang pagdating ni Jun Wu Xie sa kampo ng sandatahang Rui Lin, sa ngalan ng pamilya ng Jun, siya na rin ang may hawak ng utos sa mahirap talunin na sandatahan.

Winaksi ni Jun Wu Xie ang katawan ng heneral at humarap sa sandatahan ng Rui Lin.

"Ang mga taksil sa korona ay nagbabanta sa lungsod ng imperyal. Mga sundalo ng lahat ng rango, gawin niyo ang tungkulin niyo. Ngayon'g gabi, papabagsakin natin lahat ng mga taksil."

"Opo!" ang sagot ng mga sundalo'y dumagundong.

Nakasakay sa likod ng itim na halimaw, tumawag si Jun Wu Xie. "Long Qi"

"Po" Sagot ni Long Qi, habang iniisip kung gaano na ba katagal nang gamitin ang Soaring Cloud Signal. Hindi niya matandaan ng mabuti, pero tuwing nasisindihan ang sigal, may nasisindihan rin natutulog sa loob niya.

"Dalhin mo sakin si Wu Wang."

"Masusunod!"

"Sa lahat ng komander, kahit baliktarin niyo ang buong lungsod, hulihin nyo ang lahat ng taksil!" utos ni Wu Xie.

Kung sino man ang magtangkang saktan kahit isang buhok ng lolo, kahit ba emeperador siya, makikita niya na hindi dapat kinakalaban ang palasyo ng Lin.

Pinanood ni Jun Qing si Wu Xie habang siyang nagbibigay ng mga utos, natahimik sa lahat ng salitang lumalabas sa labi nya.

Mga taksil? Anong taksil?!

Ipinatawag ni Wu Xie ang sandatahan ng Rui Lin at nagutos ng paghahanap sa buong lungsod, hindi para sa mga taksil kung hindi para kay Jun Xian! Gusto niya ng gulo sa loob ng lungsod imperyal, para mapakita sa emeperador kung sino ang kanyang binabangga.

Isang daang libong sundalo mula sa sandatahan ng Rui Lin, kayang gumawa ng malaking gulo.

Sa pwersang ito, kayang kayang magpatalsik ng emperador sa kanyang trono.

Sa wakas naintindihan ni Jun Qing kung bakit pinatay ni Wu Xie si Li Ran.

Nang walang kamalay malay, hindi napagtanto ni Li Ran na naging kasabwat siya na nagdala kay Jun Xian sa patibong. Nang banggitin niya ang pagbaba ng emperador sa harapan ni Li Ran, wala na siyang balak pang hayaang mabuhay ito.

Ang magtiyuhin lamang ang may alam tungkol sa intensyon na pwersahin ang kamay ng emperador, at para sa paghanap kay Jun Xia. Ang alam lang ng sandatahan ay nasa utos silang maghanap ng mga taksil.

"Tito, panahon na para sa pamilyang Jun na tumayo at ipaalam ang ating saloobin." Umalis si Jun Wu Xie at pinangunahan ang sandatahan sa gitna ng lungsod imperyal.

Ang isang daang libong sundalo ang pumuno sa bawat eskinita't kalsada, ang mga ilaw ay nagliwanag sa lungsod na parang araw.

Ang mga kabayong may sandata'y nagsisitakbuhan, nasipa ng bagyo ng buhangin.

Ngayong gabi, nagising ang buong lungsod, lahat nagulat makita ang maraming kabayong natakbo't linalagpasan sila.

Lumipas na ang maraming taon nang huli nilang makita ang dakilang karangalan ng sandatahang Rui Lin. Sinong magaakalang makikita muli nila ang lakas nito, sa loob ng lungsod ng imperyal ng Qi!?

Sa loob ng imperyal na lungsod, lahat ng palasyo at bahay ng mga matataas na opisyal ay napalibutan ng sandatahan.

Ang kadalasang marangal na opisyal ay nagtatago sa loob, takot sa istoiko at hindi natikas na sandatahan ng Rui Lin.

Lumusob sa loob ng palasyo ng Wu si Long Qi kasama ang kanyang tauhan, at hinatak papalayo si Wu Wang mula sa mainit na yakap ng kanyang kabit at itinapon siya sa sahig.

Napatili sa takot, kinaladkad lamang ni Long Qi si Wu Wang ng walang kasalita salita.

Ang walang katumbas na kagandahan ang nakatayo sa harap ng sandatahan, sa harap ng pasukan ng palasyong Imperyal.

Ang emperador na nagulat sa Soaring Cloud Signal ay bumaba sa palasyo ng imperyal kung saan maraming tao na ang nagtipon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Jun Wu Xie sa harap ng sandatahan ng Rui Lin.

Ang dating kinukutyang dalaga ng pamilyang Jun na si Jun Wu Xie ay namumuno na ngayon sa sandatahang Rui Lin at nakaharang sa labasan ng palasyo. Nakalinya ang mga sundalong nakapalibot dito na tila may apoy ng dragon sa loob nito.

Nakatayo si Mo Qian Yuan sa gitna ng mga tao, nakatingin sa baba kay Jun Wu Xie mula sa taas ng palasyo, mukhang puno ng gulat.