882 Piging sa Palasyo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dumating ang gabi, at ang Imperial Capital ng Yan Country ay nagliwanag dahil sa hindi mabilang na mga parol. Ang nakakasilaw na apoy ng mga kandila ay nagliliawanag, itinutulak ang dilim na bumalot sa maunlad na bayan.

Dalawang karwahe na pag-aari ng Zephyr Academy ang umalis sa Immortal's Loft at patungo sa Imperial Palace.

Habang dumadaan sila'y dumaan sa kalsada, maraming kabataan mula sa iba't ibang paaralan ang hindi pa nakakaalis at huminto sa kanilang paglalakad at inaninag sila. Bago mag-umpisa ang Spirit Battle Tournament at hindi nila inaasahan na ang Zephyr Academy na bumagsak na ay magpapakita ng hindi mapantayang lakas sa Spirit Battle Tournament ngayong taon. Ang katanyagan ng Zephyr Academy ngayon ay lumago imbes na bumaba, binigyan ang lahat ng malabong pakiramdam na madadaigan nila ang War Banner at Dragon Slayer, at handang kumuha ng nangungunang posisyon bilang kinikilalang paaralan.

Ang Imperial Palace ay puno ng mga nakasabit na parol at iba-ibang kulay na bandera upang salubungin ang sampung mahuhusay na mga indibiwal na nangibabaw sa lahat sa Spirit Battle Tournament ngayong taon, ang buong lugar ay napuno ng makukulay na mga palamuti.

Ang mga karwahe mula sa iba't ibang paaralan ay huminto sa tarangkahan ng palasyo. Bukod sa Zephyr Academy na nakuha ang anim na posisyon sa ranggo ng top ten, ang ar Banner at Dragon Slayer ay nakakuha ng tig-dalawang puwesto. Ang sampung kabataan ay halos sabay-sabay na dumating sa tarangkahan ng palasyo. Ang apat na disipulo mula sa War Banner at Dragon Slayer ay marangya ang mga kasuotan, kitang-kita na piniling mabuti ang mga damit na isusuot. Lahat sila ay nakatayo sa ilalim na kalangitan ng gabi, ang kanilang mga ulo ay nakatingala habang humahangang nakatingin sa dakilang nagtataasan na tarangkahan.

Ang anim sa kanila, si Jun Wu Xie at ang mga kasama nito ay nakasuot pa rin ang uniporme ng Zephyr Academy tila wala silang ibang damit na maaaring isuot kundi iyon lamang.

Ngunit ng magpakita ang anim na magkakasama, ang kilos ng Dragon Slayer at War Banner ay biglang nawala, at ang kayabangan ay mabilis na naglaho.

Ang lakas na mayroon silang anim ang pinakamagandang kasuotan na maisusuot nila at hindi na nila kailangan pa palamutian ito, nakita na sila bilang ang mga halimaw na nagningning sa lahat!

Ang mga junior eunuch ng Imperial Palace ay pinangunahan na silang sampu papasok. Talagang nabuhay ang Yan Country bilang isa sa pinakamasaganang bansa. Bawat parte ng kas sa interiyor ay inilarawan ang kadakilaan at labis na luho. Bagaman ang apat na kabataan mula sa Dragon Slayer at War Banner ay pinilit itago ang kanilang kagalakan, ngunit bakas pa rin sa kanilang mga mata ang apoy at hindi ito nawala kahit isang saglit.

Si Jun Wu Xie at ang kaniyang grupo sa kabilang banda ay kalmado at tahimik lamang. Si Jun Wu Xie ang Young Miss ng Lin Palace at hindi siya bago sa mga Imperial Palace. Ang imperial Palace ng Qi Kingdom ay tila hardin niya sa kaniyang bakuran kung saan nagpupunta at umaalis siya kung kailan niya naisin.

Bagaman si Qiao Chu at ang iba pa ay namuhay sa kahirapan sa mahabang panahon, ngunit sila ay lumaki sa loob ng Telve Palaces kung saan ang karangyaan sa Middle Realm ay isang bagay na hindi kayang tumbasan ng Loer Realm.

Matapos nilang makalagpas sa halos kalahati ng Imperial Palaca sa wakas ay narating din nila ang piging. Sa loob ng bulwagan ng piging, ang kanilang upuan ay nakaayos na at may mangilan-ngilan ng nakaupo doon.

Ang apat na prinsipe ng Yan Country ay nandoon at bukod sa kanila, may mga taong naroon na mula sa Thousand Beast City tulad ni Xiong Ba, Feng Yue Yang, Qing Yu at Qu Ling Yue at pormal na nakaupo sa piging, ang likod ay diretso sa pagkakaupo. Nakasalamuha na ni Xiong Ba si Jun Xie minsan ng palayain niya si Jun Xie sa piitan at ngayon ay nakikita niya si Jun Xie bilang isang mahinang bata na napagbintangan at nagsakripisyo dahil sa kawalan ng katarungan. Nakita ni Xiong Ba si Jun Wu Xie na papasok at tumango siya sa bata na may ngiti sa labi.

Sa kabilang banda, si Qu Ling Yue ay nakatingin kay Jun Xie na may matinding hiya sa mukha at nagawa lamang niyang ngumiti ng mabilis bago yumuko at hindi na tinangka pa na tumingin muli kay Jun Xie.

Si Jun Wu Xie at ang iba pa ay naupo na at ang buong Imperial Palace ay napuno ng malamyos na musika, kasabay niyon ay lumabas ang mga tagapagsilbi ng palasyo at naghain sa kanila ng mga sariwang prutas at alak. Ang lahat ay tahimik na ninanamnam ang sandali habang hinhintay nila na magsimula ang piging.

Nakatingin si Lei Chen kay Jun Xie, ang kaniyang malaking ngiti ay pinapakita lamang ang sobrang kagalakan sa ng mga sandaling iyon. Alam ni Lei Chen na si Lei Fan na nakaupo sa kaniyang tabi ay kinakain ng matinding pagseselos at nanggigigil sa malapad na ngiti niya at ang mga kamay nito na nasa ilalim ng lamesa ay mag-iiwan ng hindi mabilang na kalmot.

avataravatar
Next chapter