webnovel

Parusa (1)

Editor: LiberReverieGroup

Masaya si Fan Jin nang malaman na babalik na sila sa Zephyr Academy ngunit biglang nagbigay

ng impormasyon sa kaniya si Fan Zhuo sila makakasama sa pagbabalik kasama niya. Ngumiti

lamang si Fan Jin at hindi na gaanong nagsalita, pinaalalahanan lamang niya si Fan Zhuo na

ingatan ang sarili.

Matapos makakuha ng tiyak na sagot ni Qu Ling Yue at Xiong Ba, sila ay nagbalik na sa bahay-

tulyan kung saan sila namamalagi upang makapaghanda na rin.

Nang si Fan Jin ay handa na para sa kaniyang paglalakbay pabalik sa Zephyr Academy ng mag-

isa ay nagpaalam na siya kay Jun Wu Xie at sa mga kasama at matapos ay sumakay na sa

karwahe. Tinitigan niya ang ilang mga kaakit-akit na mukha at isang mapait na ngiti ang

namutawi sa kaniyang labi. Sa kaniyang loob ay alam niyang siya ay naiiba sa mga kasamahan.

Kaniyang tinipon lahat ng emosyong nararamdaman upang kalmahin ang sarili at binangon

muli ang sarili. Siya ay determinado na ibalik muli ang Zephyr Academy at mas maging maayos

kaysa noong nagbalik si Fan Zhuo upang hindi mapahiya sa kaniyang kapatid!

Dalawa sa mga karwahe ng Zephyr Academy ang naiwan. Tanging tatlo lamang ang dumating

noon at isa lamang ang umalis ngayon.

Si Lei Chen ay matiyagang sinubukan na makalapit kay Jun Xie upang kausapin siya sa

Immortal's Loft ngunit ilang ulit siya nitong binalewala at hindi pinansin, at dahil doon si Lei

Chen ay nakaramdam ng inis na halos gusto na niyang kalmutin ang pader!

Nang hapong iyon, inihayag ng Emperor ang pagbitiw sa trono at ang balitang iyon ay nagdala

ng kaguluhan sa Imperial City. Ang lahat ay pinag-uusapan ang tungkol doon ngunit walang

nakakaalam kung ano ang totoong nangyari. Hindi rin nila alam kung sino ang magmamana ng

trono ng Emperor matapos ang pagbibitiw.

Ang hula ng iba ay si Crown Prince Lei Chen ang hahalili, habang ang haka-haka naman ng iba

ay ang Fourth Prince na si Lei Fan.

At habang ang mga tao ay gulat pa rin sa biglaang paghahayag ng pagbitiw ng Emperor, mas

malaking balita ang yumanig sa buong siyudad!

Ang Empress ng Fire Country ay nagkaroon ng bawal na relasyon sa Prime Minister at lihim na

pinaslang ang tunay na Fourth Prince, at ipinalit ang kanilang bastardong anak! At iyon ay

inilihim sa Emperor ng mahigit sa isang dekada!

Ang Fourth Prince na pinaboran at alagang-alaga, ay isa palang bastardong anak!?

Ang balitang iyon nagdulot ng mas matinding gulat sa lahat!

Ang tatlong tao ay hinatulang ng kamatayan ng gabing iyon din ngunit bago ang kanilang

hatol, sila ay kahiya-hiyang ipinarada sa publiko!

Nang makita ng mamamayan ang tunay na hitsura ni Lei Fan na kamukhang-kamukha ng

Empress at Prime Minister, sila ay madaling nakumbinsi sa katotohanan!

Sa ilalim ng maingay na pangungutya habang sila ay dumadaan sa kalsada, ang mga Imperial

Guards ay sinamahan ang mga karwahe na naglalaman sa Empress, Prime Minister at Lei Fan.

Ang mga taong nakatayo sa gilid ng kalsada ay galit na galit sa mga nakakahiya at kasuklam-

suklam na mga kriminal, kaya ang mga mamamayan ay binato ang mga ito ng kahit anong

mayroon sila sa kanilang mga kamay!

Ang Empress na pinamumunuan noon ang Palaces ngayon ay mukhang pagod na pagod at

kaawa-awa, nakasuot ng payak na puting damit ng isang bilanggo, ngunit paglipas ng ilang

sandali, ang suot nito ay nadumihan at namantsahan ng mga bagay na itinapon sa kaniya ng

mga tao.

Ang Prime Minister na dati ay napakataas, ngayon ay nakagapos at nakakandado sa loob ng

kariton para sa mga bilanggo, ang kaniyang mga mata ay nakapikit dahil sa kabiguan.

Ang noo'y pinapaboran at inaalagaang Fourth Prince na si Lei Fan ay nakatayo at nakatitig sa

kawalan, ang kaniyang noo ay nagdurugo dahil sa bato na ibinato sa kaniya. Ang pulang dugo

ay umagos sa kaniyang sentido pababa sa kaniyang pisngi, ngunit wala siyang reaksyon kahit

bahagya, tila nawala na siya sa kaniyang katinuan, blanko ang walang buhay na mga mata.

Ang karangalan at kapurihan na dati ay kanilang tinatamasa ngayon ay wala na, at ang tanging

naghihintay sa kanila ay kamatayan.

Ang manhid at walang buhay na si Lei Fan bigla ay itinaas ang kaniyang ulo nang mapadaan sa

Immortal's Loft. Bigla ay nakita niya sa bintana sa ikalawang palapag ng Immortal's Loft ang

mukha ng demonyo na salot sa kaniyang bangungot, ang manhid at blankong mukha niya

bigla ay napalitan ng matinding takot!

Lahat ng mayroon siya ay winasak ng demonyong iyon! Kung hindi niya nakilala ang

demonyong iyon… Kung hindi sila nagkakilala, marahil ay hindi mangyayari lahat ng ito!

Nakaupo si Jun Wu Xie sa may bintana sa ikalawang palapag ng Immortal's Loft habang

pinapanood niya ang mga tao na nasa labas. Habang nakatitig sa kaniya si Lei Fan, siya ay

kalmadong nakatingin lamang dito, tila wala siyang kinalaman sa lahat ng iyon.

Mabuti at masama, lahat iyon ay may katumbas.

Kung ang Heavens ay hindi pa naglapat ng parusa, hindi siya mangingimi na tumulong alang-

alang dito!