webnovel

Pagtaas ng Telon (1)

Editor: LiberReverieGroup

"Kamahalan, wala pa kahit kailan ang nag-utos na maghalughog sa Grand Adviser's Mansion! Ikinakatakot kong..." Pinaalalahanan ni Yuan Biao ang Emperor tungkol sa Grand Adviser's Mansion.

Hindi madalas na makisali sa gulo o anumang isyu sa loob ng Fire Country ang Grand Adviser. Kaya naman walang sinuman ang nangangahas na istorbohin ito.

Ang isang taong isangdaang taong gulang na ngunit ang itsura ay animo'y bente anyos pa lang. Ibig sabihin ay hindi ito basta-bastang tao!

Maging si Yuan Biao ay ayaw mangahas na magkaroon ng problema sa Grand Adviser.

Dahil sa paalalang iyon ni Yuan Biao, bumalik sa ulirat ang Emperor.

"Kalimutan mo iyon...Magpadala ka na lang ng mga tauhang magbabantay sa labas ng Grand Adviser's Mansion. Kapag may napansin silang kakaib, doon pa lang kayo kumilos." Kumalma ng bahagya ang Emperor. Nanumbalik sa kaniyang alaala ang habilin sa kaniya ng Emperor na kaniyang pinalitan.

[Huwag na huwag mong babastusin ang Grand Adviser!]

Iyon ang huling habilin sa kaniya ng Emperor bago niya ito pinalitan sa trono. Nakatatak iyon sa kaniyang isipan ngunit bigla iyong nawala kanina lang dahil sa kaniyang labis na pangamba. Ngayong naalala niya iyon muli, gumapang ang kilabot sa kaniyang puso.

Ang Grand Adviser ay labis na nirerespeto maging ng First Emperor. At kapag lantaran itong sumalungat sa Grand Adviser...

Nagtayuan ang balahibo sa likod ng Emperor hanggang sa kaniyang batok.

Napansin ni Yuan Biao na kumalma na ang Emperor lihim kaya naman lihim siyang nakahinga ng maluwag. Agad na siyang nagpaalam na umalis.

Nag-aalala pa rin ang Emperor kaya naman ay nagpadala siya ng mas marami pang guwardiya sa labas ng Empress Dowager's Palace. Nag-utos din siyang ipagbigay-alam muna sa kaniya kung darating ang Grand Adviser o ang Crown Prince sa Imperial Palace.

Napasalampak ang Emperor sa kaniyang upuan dahil sa sobrang pagod.

Nagpatuloy naman ang mga Imperial Guards sa kanilang paghahanap at naghatid iyon ng takot sa mga tao ng Imperial City.

Ilang araw lang ang nakakalipas ay nakarating sa Emperor ang balitang aalis na ang mga taga-Thousand Beast City sa Fire Country's Imperial Capital. Agad naalala ng Emperor kung paano niya ginamit noon si Qu Ling Yue at kung paano rin nanahimik ang mga taga-Thousand Beast City sa insidenteng iyon. Alam niyang may kakayahan din ang Thousand Beast City at ayaw niya itong maging kalaban.

Agad na inimbitahan ng Emperor sina Qu Ling Yue, Xiong Ba, Feng Yue Yang at Qing Yu ng Thousand Beast City para magtungo sa Imperial Palace. Iyon ay para maging malapit siya sa mga ito at huwag magsumbong kapag sila ay nakauwi na.

Tinanggap naman nina Xiong Ba ang imbitasyong iyon at nagtungo na sa Imperial Palace. Mayroon nang mga nakabantay na tao sa labas ng gate para salubungin ang mga bisita.

"Narinig kong ang aking mga panauhin ay uuwi na pabalik ng Thousand Beast City. Kaya naman gusto kong personal na humingi ng paumanhin tungkol sa pangyayari noon kay Qu Ling Yue. Ipagpaumanhin niyo at hindi nag-ingat ang Fire Country." Nakangiting saad ng Emperor kay Xiong Ba saka tumingin kay Qu Ling Yue. 

Habang nag-uusap ang Emperor at si Xiong Ba naaasiwa sa isang tabi si Qu Ling Yue.

Napansin naman iyon agad ng Emperor. Maaaring si Xiong Ba ang magbabalik pag sila ay nakauwi, ngunit kapag ang Young Miss mismo ang hindi natuwa ay mas malala kapag ito mismo ang magsusumbong sa Chieftain sa oras na makabalik ito sa Thousand Beast City.

"Hindi ka ba komportable dito, Ling Yue?" Tanong ng Emperor habang malapad na nakangiti.

Tumingin lang si Qu Ling Yue sa Emperor saka yumuko at umiling.

Tumawa ang Emperor at sinabing: "Napakabata mo pa nga talaga kaya ikaw ay nababagot na nakaupo lang dito."