webnovel

Pagsuyo sa Kamatayan (5)

Editor: LiberReverieGroup

Bahagyang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang baba at tinitigan ang sanggano: "Pumunta ka

dito upang gumawa ng gulo at hindi mo kilala kung sino ako?"

Ang masamang sanggano ay malakas na napalunok habang nakatingin sa anyo ni Jun Wu Xie,

bigla niyang naalala na ang taong nakabili ng mga asyendang iyon ay ang parehong kabataan

na may pino na anyo!

"Ikaw iyon! Ikaw ang taong bumili ng buong lugar na ito!!" Gulat na bulalas ng sanggano dahil

sa napagtanto.

Ang malakas na bulalas ng sanggano ay nagpatigagal sa lahat ng mga takas at tinitigan ang

batang si Jun Wu Xie. Ilang araw na silang nananatili doon ngunit hindi pa rin nila kilala kung

sino ang mapagbigay na nagbigay sa kanila ng komportableng kapaligiran. Minsan nilang

naisip na maaring ang Lord ng City, o maaring ang "Great Benefactor", ngunit ni minsan ay

hindi nila naisip na ang taong responsable sa pagbibigay sa kanila ng lahat ng iyon sa

katunayan ay isang batang lalaki!

"Mabuti." Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie habang sinasabi iyon. "Kahit paano, mamamatay

kang alam iyon." Halos hindi pa natatapos ni Jun Wu Xie sabihin iyon nang biglang mawala ang

anyo nito sa lugar kung saan ito nakatayo kanina. Ang sanggano at mga kasama nito ay

dumaing sa matinding takot at agad na dinampot ang kanilang mga binti upang tumakbo

palayo!

Ngunit, hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makatakas pa!

Ang anyo ni Jun Wu Xie ay parang isang lila na guhit na anyo ng diyablo, lumusong sa kanilang

lahat na kasing bilis ng kidlat na tumama sa pangkat ng mga sanggano na sinubukang

makatakas!

Ang nagbabagang lila na guhit ay nagdala ng kasiraan saan man ito magliwanag, pumulandit

ang dugo saan man ito dumaan!

Higit sa sampung nagtataasan na mga sanggano sa isang iglap ang nakahandusay sa sarili

nilang dugo, lahat sila' hindi alam kung ano ang nangyari sa kanila na maging sa huling yugto

ng kamatayan, ang huling hininga nila ay wala na sa kanilang katawan sa sandaling bumagsak

sila sa lupa!

Ang pulang dugo ay ginawa ang malaking bahagi ng lupa na maging kulay pula, ang

nakakasulasok na sangsang ay naging dahilan upang ang mga takas ay humigpit ang hawak sa

kanilang mga tiyan habang ang sikmura nila'y tila hinahalo at nagpaduwal sa kanila.

Subalit, sa napakaraming lawa ng dugo na iyon, tanging ang napakayabang na pinunong

sanggano ang naiwan, ang kaniyang binti ay naputol ng hindi niya nalalaman! Dahil sa

pagkawala ng suporta mula sa kaniyang mga binti, pumapalahaw na nakahandusay siya sa

sarilin niyang dugo, nanlalaki ang mga mata habang matinding takot na tinititigan ang walang

buhay na katawan ng kaniyang mga kasama, tila naging pula dahil mismo sa aninag ng

kanilang mga dugo!

Isang pares ng mga binti ang dahan-dahan niyang nakita sa kaniyang harapan, huminto ng

halos ikalahating pulgada sa dulo ng kaniyang ilong.

Ginamit ni Jun Wu Xie ang dulo ng kaniyang sapatos upang itaas ang baba ng sanggano,

puwersahang inangat ang maputlang mukha nito upang makita ang nakakakilabot niyang

hitsura.

"Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ko, at sinuman na nais gumawa ng anumang kalupitan sa

lugar na ito, ay hindi ako mangimngiming ipadala sila sa Impiyerno." Banayad ang boses ni Jun

Wu Xie, ngunit ang kilabot sa mga salitang iyon ay di-mapigil na nagpanginig sa kaniya sa init

na iyon.

Ang mga salitang iyon ay binitawan sa banayad na boses, ngunit bumaon iyon hanggang sa

kaniyang buto, at naging dahilan upang ang init sa bataw patak ng kaniyang dugo ay unti-

unting mawala.

"Patawarin mo ako… Patawarin mo ako… Hindi ko na iyon muling gagawin… Hinding-hindi

na…" Ang matinding sakit at lubos na pagkasiphayo ay nagdulot sa sanggano ng walang tigil,

parang isang aso na nakahandusay, lupaypay sa sarili niyang dugo, wala na ang anumang

bakas ng kayabangan sa kaniyang mukha, sa halip ay tanging takot sa nalalapit na kamatayan.

"Huli na." Kumislap ang mata ni Jun Wu Xie ng pagpaslang, ang dulo ng kaniyang paa ay pinihit

ang ulo ng sanggano sa pamamagitan ng malakas na puwersa, pinutol ang leeg ng sanggano

ng isang sipa!

Sa ilang sandali, ang sanggano na gumawa ng lahat ng uri ng masamang gawain ay huminto sa

paghinga. Mula sa simulahanggang sa huli, ay hindi nila nagawa na magtayo ng kahit kaunting

depensa laban kay Jun Wu Xie.

Ang buhay nila sa mga mata ni Jun Wu Xie ay naging alikabok na maaring punasan, mahina at

marupok, hindi nagawang matagalan kahit ang bahagyang suntok.

Ang hangin ay nabalot ng nakaksulasok na amoy ng dugo, ang mga takas ay nasaksihan ang

kamatayan sa kanilang harapan. Iyon ang unang pagkakataon na silang lahat ay nakita ang

kamangha-manghang lakas ng Purple Spirit, ang walang-katulad na kapangyarihan, na naging

dahilan upang manginig silang lahat sa hamak na pagsilay lamang nito!