webnovel

Kaunting Pagnanasa

Editor: LiberReverieGroup

Noong bumalik sila, ayaw ni Fan Jin na madumihan ng mga pangyayaring iyon ang mga tenga ng kanyang kapatid kaya hindi na ito pinagusapan.

Patungkol sa totoong pagkatao ni Jun Xie, maliban sa grupo ni Qiao Chu, si Fan Jin lang ang nakakaalam sa loob ng Akademyang Zephyr.

Ang Nakababatang Senyora ng pinakamabangis na pwersa! Ang bunso ng mga Jun ng Palasyo ng Lin!

Tungkol sa pagtangka ni Ning Xin na mapatay ang mga tauhan ng hukbo ng Rui Lin sa loob ng Battle Spirits Forest, walang alam si Fan Zhuo.

"Magkadugtong sila." Sinabi ni Jun Xie habang tumatango.

Naniwala si Fan Zhuo, na ang mga salitang "Hukbo ng Rui Lin", ay may kakaibang ibig-sabihin para kay Jun Xie.

"Hukbo ng Rui Lin… Narinig ko na sila dati. Hukbo ba sila galing sa Kaharian ng Qi?" Biglang naging mausisa si Fan Zhuo patungkol sa hukbo.

"Oo… Oo…" Sumagot si Fan Jin ng nauutal, kinakabahang nakatingin kay Fan Zhuo. Hindi niya gustong madamay si Fan Zhuo sa mga bagay na ito. Gusto lang niyang manatili si Fan Zhuo sa kapayapaan at gumaling. Hindi na niya kailangang marinig ang mga pinaplano at hindi na niya kailangang malaman pa ang mga ito.

Kailan lang ng nagsimulang umayos ang kalagayan ni Fan Zhuo at ayaw ni Fan Jin na may mangyaring makakahadlang dito.

Sa pagiging matatalino, nang makita nila Fan Zhuo at Jun Xie ang ekspresyon ni Fan Jin, tumigil silang dalawa, at wala nang sinabi patungkol sa hukbo.

Matapos lang umalis ni Fan Jin, na nawala ang mahinhin na ngiti ni Fan Zhuo, at biglang napalitan ng mapagtanong na ngiti.

"Hindi ba dapat sabihin mo na sa akin kung ano ba ang nangyari sa Battle Spirits Forest? May kinalaman ang hukbo ng Rui Lin sa'yo 'di ba?" Tinanong ni Fan Zhuo si Jun Xie.

Tinignan ni Jun Xie si Fan Zhuo, at sumimangot.

Hindi marami ang sasabihin, ngunit hindi rin ito kaunti, dahil maraming magugulo sa pagpapaliwanag dito. Kung ipapaliwanag niya pa ito... 

Baka kailangang magpagod ni Jun Wi Xie.

"Sa susunod. Tanungin mo si Qiao Chu." Binigay ni Jun Xie ang kabigatang pagpapaliwanag ng mahaba kay Qiao Chu. Ang kaugaliang iyon ni Jun Wu Xie, ay muntik magpaiyak kay Fan Zhuo noon.

"Ayaw mo talagang….. magsalita ng marami." Matapos makasama si Jun Xie ng matagal, nakilala na ni Fan Zhuo ang pagkatao ni Jun Xie. Kaysa sabihing malamig siya at mayabang, mas masasabing wala siyang kakayahang makipag-usap sa iba.

Sa araw-araw nilang paguusap at pakikibaka, madalas sumasagot si Jun Xie. Ngunit kapag mahaba ang paguusapan, mas pipiliin niyang tumahimik nalang, o ibato ang pagsasalita sa iba.

Tumayo si Jun Wu Xie para umalis.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit ang imahe ng isang mabangis, ngunit napaka-gwapong mukha, ay lumitaw sa kanyang isipan.

Ang taong iyon na biglaan nalang lumilitaw ng walang sabi, at mawawalang ganun din, na laging nakakapilit sa kanya para magsalita, ay matagal nang hindi nakikita.

Noong simula, mas kaunti kung magsalita si Jun Xie kumpara ngayon, ngunit tuloy-tuloy ang panggugulo ng taong iyon sa kanya, dahilan ng dahan-dahan niyang pag-alam sa mga emosyon tulad ng sama ng loob. Doon siya unti-unting natutong magsalita ng magsalita, dahan-dahan.

Matapos ang huling paghihiwalay sa Phoenix Academy, matagal silang hindi nagkita.

Maraming nangyari sa Akademyang Zephyr at hindi niya masyadong inisip ang taong iyon.

Ngunit, biglaang lumitaw ang imahe ng taong iyon sa kanyang isipan.

Nagkaron siya ng biglaang udyok sa kanyang puso na nagpasabi sa kanya ng mahinhin: "Ye Sha."

May aninong biglaang pumasok mula sa bintana, at pumwestong nakaluhod sa harapan ni Jun Wu Xie.

"Nandito para sa inyong mga utos, panginoon."

Hindi tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo, ngunit nanatili siyang nakatitig sa sarili niyang palad. Sa isang pitik ng kanyang mga daliri, may lumitaw na mga pilak na karayom sa kanyang mga kamay.

Sa Palasyo ng Lin, ginamit niya ang mga karayom na ito para saksakin ang acuppoint ng kamatayan ng taong iyon. Noong panahong iyon, ang mainit na dugo ng taong iyon ay dumaloy sa mga karayom na ito at naipon sa kanyang palad. Napakatagal nang nangyari noon… Hindi niya mapaliwanag, ngunit parang nararamdaman parin niya ang parehas na init noong panahong iyon sa mga karayom na hawak niya ngayon.