webnovel

Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang malaking pintuang bato ay hindi lubusang nakasarado at naiwan na bahagyang

nakabukas. Ang agwat ay napakaliit, halos dalawang daliri lamang ang lapad at hindi sapat

upang makapasok ang isang tao, ngunit sa ibaba ng pintuang bato ay mapapansin na may

bahagyang mga lubak. Ang mga lubak na iyon ay halos kasingkapal ng hibla ng mga buhok na

parang gawa iyon ng anuman na kumaskas doon.

"Dito ba lumabas ang Hell Rodent?" Tanong ni Drunk Lotus habang nakataas ang kilay. Lahat

ng nagdaang oras ay nasa pasilyo lamang sila at bukod sa pintuang bato, ay wala silang ibang

nakitang lagusan palabas. Ang Hell Rodent ay isang ring spirit at hindi maaring nagpakita ito sa

kawalan. Ayon sa hitsura ng mga munting gasgas, maaring iniwan iyon ng Hel Rodent na pinilit

ang sarili sa puwang na iyon.

Hindi maiwasan ni Jun Wu Xie ngunit may isang nakakatawang imahe ang nabuo s akaniyang

utak kung saan ang Hell Rodent na napakalambot at matambok ay para bang walang mga

buto na pinipilit ang sarili makapasok sa maliit na puwang na iyon, ang maliit nitong mga kuko

ay galit na kinakaskas ang pintuang bato habang sinisikap na itulak ang sarili.

"Kung nagmula sa loob ang Hell Rodent, maaring ligtas sa likod ng pintuang iyan." Saad ni

Poppy habang naglalakad paharap at nakaunat ang kamay upang itulak ang pintuan.

Ngunit na iyon ay kaniyang itulak, ang pintuang bato ay hindi man lang natinag kahit kaunti.

Bumakas ang gulat sa mukha ni POppy at sinubukan niya muling itulak iyon gamit lahat ng

lakas niya ngunit nanatiling matigas ang pintuan sa kaniyang harapan, hindi gumalaw maski

kalahati ng isang pulgada.

"..." Ang masamang hitsura sa mukha ni Poppy ay nagpakita ng sensyales na ito'y nababasag.

"Haha." Nanunuyang tumawa si Drunk Lotus habang nakatayo sa isang tabi na nakakrus ang

mga braso sa dibdib at nakatingin sa nayayamot na ekspresyon ni Poppy.

Bahagyang umubo si Poppy at tinitigan si Drunk Lotus na may nakakainsultong ngiti sa mukha.

"Ito'y hindi pangkaraniwan na pintuang bato. Mas mabigat ito ng kaunti kaysa karaniwan."

Ito'y higit pa!

Bagaman hindi kilala si Poppy sa kaniyang lakas, ang taglay nitong lakas ay hindi hihilingin na

maikumpara ng isang karaniwang tao. Kahit na ginamit nito ang bawat katiting ng kaniyang

kapangyarihan, ay hindi pa rin nito nagawang pagalawin ang pintuang iyon na nagsasabi

lamang sa kaniya na ang bigat ng pintuang iyon ay higit na mas mabigat sa hitsura nito.

Isang pintuang bato na kahit ang isang Purple Spirit ay hindi magagawang pagalawin…

Ang isang panig ng pintuang bato na iyo ay kulang-kulang sampung tonelada.

Katumbas ng pinagsamang dalawang malaking african na elepante!

Kahit ang pinakamalakas sa kanila, si Drunk Lotus ay itinulak iyon, ay namula na lamang ang

mukha dahil sa matinding pagsisikap ngunit hindi rin nagtagumpay.

Sa sandaling iyon ay hindi na magawang pagtawanan ni Drunk Lotus si Poppy.

"Saan ba gawa ang pintuang ito? Bakita napakabigat nito!?" Reklamo ni Drunk Lotus habang

humihingal, iniisip na ang pintuang bato ay nakakagulat ang bigat.

Kahit na pagsamahin pa nilang tatlo ang kanilang lakas, ay hindi pa rin nila nagawang

mapagalaw iyon maski kaunti.

Kung tanging lakas lamang nila, ay talagang imposible para sa kanila na mabuksan ang

pintuan. Matapos isaalang-alang iyon ng ilang sandali ay mag ideya na pumasok sa isip ni Jun

Wu Xie.

Ang puwang sa pintuan ay napakaliit at imposible sa ilan sa kanila na makapasok doon. Ngunit

para sa maliit na pusang itim, ay maaring magawa nito na ipasok ang sarili.

"Kayong dalawa ay magbantay dito. Kung sakaling may makasagupa kayong kapahamakan,

iwasan ninyong makipaglaban at hatakin ninyo ako at tumakbo. Kung may makasalubong kayo

sa ating mga kasama, tignan ninyo kung kaya nilang buksan ang pintuan." Habang sinasabi

iyon ni Jun Wu Xie ay naupo siya na nakasandig ang likod sa pader at ang pusang itim ay

tumalon sa kaniyang kandungan at nahiga doon.

Ngayon na nakapasok na siya sa loob ng libingan ng Dark Emperor, ang matinding pag-uusisa

sa puso ni Jun Wu Xie ay nagnais na makalagpas sa pintuang bato na iyon upang malaman

kung ano ang nasa likod nito. Bagama't hindi niya kaya gawin iyo sa sarili lamang, ay

magagawa ito ng pusang itim!

Bagaman hindi maintindihan ni Poppy at Drunk Lotus kung ano ang susunod na gagawin ni Jun

Wu Xie, ngunit bilang mga ring spirit niya, ay sumunod sila sa ipinag-uutos nito.

Maya-maya ay ipinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata at tila nakatulog ito.