webnovel

Dugo sa Dugo (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Tama nga naman, papagurin natin ang ating mga sarili sa pakikipaglaban ngunit sa huli ay wala naman tayong mapapala. Ano kayang tumatakbo sa isip ng Kamahalan?" Saad ng opisyal, bakas dito ang pagkalungkot.

Sumagot naman ang Chief Commander: "Hindi naman sa wala talaga tayong makukuha. Nangako ang Condor Country na kapag nalusob na nila ang Qi Kingdom, hindi nila kukunin dito ang kanilang kalupaan. Gusto lang nilang mahati ang Imperial City. Hindi magtatagal ay mapapasaatin din ang Qi Kingdom at ang dalawa pang bansa, at ang Qi Kingdom ay tuluyan nang mabubura sa balat ng lupa!"

"Posible ba iyon? Kung gayon, ano ang gustong mangyari ng Condor Country?" Tanong ng opisyal.

"Sinong nakakaalam? Hindi na dapat natin pag-alalahanin ang ating mga sarili tungkol diyan." Kibit-balikat na sagot ng Chief Commander.

"Sa katunayan, base sa nakikita ko, kaya nang patumbahin ng Condor Country ang Qi Kingdom ng sila lang. Kaya bakit nakipagtulungan pa satin ang Condor Country?" Malakas ang Condor Country. Sumusunod sa Fire Country ang kagitingan nito. Maliit lang ang Qi Kingdom at madali lang para sa kanila ang itumba ito. Ngunit nakipagtulungan pa rin sila sa tatlo pang bansa at nangakong hahatian ito ng lupa sa Qi Kingdom. Kaya naman ipinagtataka nila iyon.

"Tsk...Masyado mong minamaliit ang militar ng Qi Kingdom! Malaking parte ng Qi Kingdom ay talaga nga namang mahina. Ngunit huwag mong kakalimutan na nasa Qi Kingdom ang pinakamatapang na pwersa, walang iba kundi ang Rui Lin Army! Marahil ay nasa isang-daang libo lang ang bilang ng mga iyon, ngunit kaya nilang pumatay ng isang milyong leon! Gusto ng Condor Country na itumba ang Qi Kingdom ngunit ayaw nilang sila lang ang haharap dito. At kahit na tuluyan nga nilang maitumba ang Qi Kingdom, malaki pa rin ang kabawasang magagawa sa kanila ng Rui Lin Army. Kaya naman nakipag-kampihan sila sa tatlo pang bansa para hatiin ang pwersa ng Rui Lin Army." Pagpapaliwanag ng Chief Commander.

Nang marinig ng opisyal ang Rui Lin Army, para siyang biglang nanlamig. Sa panig na ito, nasa dalawampung-libo lang ang bilang ng Rui Lin Army ngunit marami silang sundalo na pinatay ng mga ito. 

Kung wala ang Rui LIn Army, madali lang sa kanila na itumba ang Qi Kingdom. 

"Mayroon kaming narinig na ang bawat isang Rui Lin Army ay kayang magpatumba ng sampung tao. Ngunit isa lang iyong balitang hindi napapatunayan noon. Ngunit ngayon, nasaksihan ng dalawa kong mga mata kung gaano sila nakakatakot. Kaya hindi na nakakapagtaka na ang ganito kaliit na bansa ay hindi basta-bastang nilulusob ng kahit na sinuman. Ang sinumang gagawa noon ay kailangang maghanda."

Nagpatuloy pa ang Chief Commander sa pagsasalita habang nakangisi: "Tanging ang Rui Lin Army lang ang pwersa ng Qi Kingdom dahil sa katangahan ng dating Emperor. Dahil sa kaniyang selos at paghihinala, sapilitan niyang binawasan ang bilang ng Rui Lin Army. Pinaaalis niya ang magagaling na heneral nito. Kung hindi lang sana naging ganoon katanga ang dating Emperor, hindi lang sana isangdaang-libo ang matitira sa Rui Lin Army ngayon. At kung sakali man, magdadalawang-isip tayo ngayon na makisali sa gulong ito."

Ang mga pinaka-tangang tao sa balat ng lupa ay ang mga taong babaliin ang kanilang sariling kamay. At ang dating Emperor ang may kagagawan noon sa kanila!

"Ngunit hindi na mahalaga kung gaano man sila katapang. Sa huli, lahat sila ay magiging kumpol na lang ng mga bangkay! Sa oras na bumagsak na ang Qi Kingdom, mawawala na rin ang pinakamagiting na pwersa, ang Rui Lin Army! Hahaha!"