webnovel

Ang Naglahong Libingan (7)

Editor: LiberReverieGroup

Ang lahat ay nagsimulang maghanap sa palibot ng harang sa anumang kahina-hinala. Ngayon

na ang libingan ng Dark Emperor ay nasa kanilang harapan, at malinaw na sinabi ni Jun Wu

Yao na ang bagay na nagpapanatili sa hangganan ng harang ay maaring ilang kristal. Ang dapat

nilang gawin ay durugin ang mga iyon at ang harang ay masisira .

Mas madaling sabihin kaysa gawin sapagkat hindi ganoon kadali na hanapin ang mga iyon.

Hindi nila nagawang makita kung gaano kalaki ang libingan ng Dark Emperor, ngunit habang

binabaybay ng grupo ang bawat sulok, bawat isang hakbang nila ay may kalakihan ang

distansiya at kahit na matapos silang maglakad ng may ilang sandali, ay hindi pa rin nila

nagawang mahanap ang anumang likuan, silang lahat ay nakatayo lamang sa isang dako ng

libingan ng Dark Emperor.

Si Fei Yan at Rong Ruo ay parehong naglakad sa isang daan at bagaman ang mata niya ay

nakatingin sa likuran ni Rong Ruo, ang kamay ni Fei Yan ay tuloy pa rin sa paghahanap. Ngunit

ang isang kamay niya ay nasa kaniyang likuran habang walang ingay na binilisan ang kaniyang

mga hakbang at nakahabol sa likuran ni Rong Ruo.

Nakatuon ang atensyon ni Rong Ruo sa paghahanap ng mga kristal na humahawak sa

hangganan ng harang nang maramdaman niyang may nahulog sa kaniyang ulo. Nagtatakang

inabot niya ang kaniyang ulo upang hawakan iyon at tanging mga bulaklak ang pumuno sa

kaniyang kamay.

Lumingon si Rong Ruo at nakita si Fei Yan na nakatayo sa kaniyang likuran at sa mukha nito ay

naroon ang pamilyar na maliwanag na ngiti.

"Magandang tingnan sa iyo." Nakangiting saad ni Fei Yan.

Tumingin si Rong Ruo sa imahe ng korona sa pader. Ang koronang bulaklak sa kaniyang ulo

kung ihahambing sa hinabi ni Little Jue ay mas maayos ang pagkakagawa, ang lilang mga

bulaklak ay masalimuot na hinabi kasama ang berdeng mga dahon, iyon ay talagang

napakaganda.

Ngunit ang labi ni Rong Ruo ay bahagyang nanigas habang walang magawa na napatingin kay

Fei Yan .

Nasa mukha pa rin ni Fei Yan ang maliwanag na ngiting iyon ngunit napansin nito ang

seryosong ekspresyon sa mukha ni Rong Ruo, kaya't ang ngiti sa labi niya ay nagsimulang

mapalis.

Hindi sa hindi niya maramdaman. Matapos ang pangyayari sa pagitan nila, sadyang inilayo nito

ang sarili sa kaniya. Ang dalawa na hindi mapaghiwalay noon, ngayon ay asiwa sa isa't isa, at si

Rong Ruo sadya o hindi sadya ang pag-iwas sa kaniya ay laging nagdudulot sa puso ni Fei Yan

na mapakislot sa kalungkutan.

Ang pakiramdam na iyon ay hindi kailanman naramdaman pa ni Fei Yan. Iyon ay napakahirap,

hindi mailarawan na hirap.

"Hindi… mo nagustuhan?" Ang boses ni Fei Yan ay bahagyang may kirot.

Tinitigan ni Rong Ruo ang mukha ni Fei Yan at nagsalubong ang kilay niya. Inalis niya ang

koronang bulaklak sa kaniyang ulo at inilagay iyon sa kamay ni Fei Yan.

"Akala ko malinaw na sa iyo. Imposible may mamagitan sa ating dalawa." Saad ni Rong Ruo na

naguguluhan. Naging malapit siya kay Fei Yan, ngunit itinuring lamang niya si Fei Yan na

kaniyang matalik na kaibigan, parang tunay na kapatid niya.

At hanggang doon lamang iyon.

"Bakit?" Marahang tanong ni Fei Yan.

Bakit imposible iyon?

Napabuntong-hininga si Rong Ruo at ang kaniyang dibdib ay sumikdo.

"Hindi ako tulad ng iyong iniisip. Sa totoo lamang, ako…"

Eksaktong may sasabihin sana si Rong Ruo, isang malakas na alingawngaw nang pagguho ang

dumagundong sa kanilang mga tainga!

Agad nilang nakalimutan kung ano ang kanilang pinag-uusapan at mabilis na lumingo sa

pinagmulan ng tunog!

Hinahanap ni Jun Wu Xie ang mga kristal na magbubukas sa harang at matapos magsaliksik sa

anumang kahina-hinala, ay may naramdaman siyang maliit na nakausli sa ilalim ng kaniyang

paa. Agad siyang naupo at hinawi ang lupa sa paligid ng maliit na usling iyon sa ilalim ng mga

bulaklak.

Isang makinang na kulay lilang kristal na nagliliwanag ang nakita sa ilalim ng lupa. Tinawag

niya ang kaniyang spirit powers at sinagad iyon upang sumiklab bago gumawa ng isang

malakas na pagdurog sa kristal!

Sa sandaling dumapo ang kaniyang kamao sa kristal, ang magandang lila na kristal ay agad

nabalot ng mga bitak. Sa parehong sandali na nawasak ang kristal, isang alingawngaw na

pagkawasak ang nadinig at bago pa man makahuma si Jun Wu Xie, bigla niyang naramdaman

ang lupa sa ilalim ng kaniyang paa na nayanig at lumulubog!

Isang napaka-lakas na puwersa ang humigop sa kaniya, kinaladkad siya pailalim sa biglang

pagyanig!