"Tsk pa home-home ka pa dyan dami mong alam Rigel, mag drive ka na lang pauwi sa condo mo."
Lumabas siya sa kotse niya at onti-onting lumapit sa 'kin.
"I want to be with you again Cass." He sincerely said.
"Paano kung ayokong makasama ka ulit?" I raised my eyebrow.
"You kissed me earlier, It means you wanted to be with me again."
"Nademonyo lang ako ng alak kaya kita nahalikan, tigilan mo nga 'ko!"
"I want you back Cass."
"AYOKO!"
Sumakay na 'ko sa kotse dahil naiirita na ko kay Rigel napakakulit. Nagmaneho ako patungo sa bahay.
Pagkadating ko, pumasok agad ako sa loob dahil sinundan niya ko hanggang bahay namin. Mabuti nalang at wala pa siya pagkapark ko ng kotse.
"Kc ba't nagmamadali ka? May humahabol ba sa'yo?" Tanong ni kuya.
"Oo kuya, may multong humabol sa 'kin."
"Ha?" Takang tanong niya at sumilip sa labas.
"Oh may tao sa labas Kc! Sino ba 'yon?"
"Ikaw na bahala diyan kuya, mag papalit lang akong damit."
Sinilip ulit ni kuya ang tao sa labas bago ako umakyat, rinig ko ang sigaw niya hanggang sa taas.
"Ano sa'yo? Wala kaming yelo dito! Dun ka bumili sa kabilang kanto."
Nang marinig ko ang sinabi ni kuya agad akong bumaba dahil nakakahiya.
"Kuys si Rigel 'yon!"
"Di mo naman sinabi, pa multo-multo ka pa kasing nalalaman. Ano multo ng nakaraan?"
"Gano'n na nga kuys hahaha."
"Papasukin ko ba?" He asked.
"Huwag kuya!"
"Di ka ba naawa sa tao? Nakatayo lang do'n sa labas?"
"Ang kulit niya kasi, naiirita 'ko."
"Bakit ka naiirita? Kasi mahal mo pa?"
Napaisip ako sa sinabi ni kuya.
Mahal ko pa nga ba siya? Bakit ko ba siya hinalikan pabalik kanina?
"Hindi 'no!" I rolled my eyes.
"Defensive ka Kc!"
"Bahala ka nga dyan kuya isipin mo gusto mong isipin. Sila mama nga pala?"
"Namasyal sila nila bunso, oyyyy nililihis usapan." He teased me.
"Kuya, nakabili na pala kong lupa." Pag iiba ko ng topic.
"Oh mag saka na ba 'ko?"
"Kuya tatayuan ng bahay natin 'yon, sabagay muka kang kalabaw." Pang-aasar ko.
"Kalabaw? Ako kalabaw?" Tanong niya.
Lumabas si kuya at pagkabalik sa loob kasama na si Rigel.
"Andito na ang ating mag sasaka at ako ang kalabaw. Rigel sakahin mo na ang lupa natin."
"What?" Naguguluhan niyang tanong.
"Akyat lang ako pre, ikaw na bahala sa kapatid ko may tiwala 'ko sa'yo." Tinapik ni kuya si Rigel bago umakyat sa taas.
"Woah." His mouth formed an 'O' "The drum that I gave you is still here."
"Yeah, ginagamit ko minsan pag namimiss kong tumugtog. Bakit ka ba andito? 'Diba sabi ko umuwi ka na?"
"I just want..."
"Ano? You want? You want me? Manigas ka!"
"Yes I want you since the day I met you at the bar."
"Ah, oo 'yung gabing sinukahan mo 'ko? Ayon ba?" I raised my eyebrow.
"Yeah, since that night you never get out of my head, I wasn't intoxicated because I precisely remember what happened that night. I think of you every day and night. I also prayed that we met again and then that morning you're in hurry, I'm not looking while I'm walking that's why we bumped with each other. I'm so happy that time, even though I'm already late at my first subject and I can't stop smiling."
"Anong pake ko? Hanapin mo pake ko!"
Sometimes you have to act like you don't even care, even when you do.
"I still love you Cass."
I turned my back then I walked towards the bathroom.
"Umuwi ka na puro ka harot, may gagawin pa 'kong trabaho!" I yelled at him.
Mga 30 minutes akong nasa CR at nakaupo lang sa bowl dahil ayokong lumabas, umaasa 'ko na kapag lumabas ako wala na siya.
Unti-unti akong sumilip sa pintuan ng banyo, pero hindi ko siya makita. Kaya napagpasiyahan ko nalang na lumabas.
"Anak ng tokwa andito ka pa din?" I asked him.
"I'll go home, I just waited for you to come out to say goodbye."
"Oo na! sige na umuwi ka na, gusto mo lang sumilay bago ka umuwi eh."
"Bye Cass I gotta go."
"Asungot!"
Pagka-alis ni Rigel umakyat na ko sa taas at pinagpatuloy ko ang paggawa ng lay ?out para sa gagawing bago naming bahay. Pagkatapos ay natulog na 'ko.
Kinabukasan papasok na sana 'ko sa loob ng kotse ng biglang humarang si Rigel sa pintuan, at sinaradong muli.
"Malelate ako sa trabaho ano ba?" I yelled at him.
"Architect Fernandez just chill, I just want to give you sunflower to make your day brighter."
"Alam mo ang aga-aga sinisira mo umaga ko! Tumabi ka nga dyan, amina 'yan. Malelate pa 'ko sa mga pinag-gagagawa mo."
Umalis naman siya sa pinto ng kotse at pinagbuksan niya 'ko.
"Thanks." Sinara ko na ang pintuan at nagsimulang paandarin ang kotse.
Pagkarating ko sa office naalala kong may ime-meet pala akong client kahit maaga pa, usually kasi evening ako nag memeet ng clients. Nagmadali akong bumaba sa building at nagtungo sa meeting place na sinabi ng kliyente ko.
Matapos kong makipagusap, bumalik ulit ako sa opisina para mag consult kay Engineer Drix.
Dahil kailangan ko pang bumisita sa site to review the progress of the project and to ensure that clients objectives are met.
Pagkarating ko sa site nagsuot muna ko ng hard hat bago ko chineck ang buong lugar, tinignan ko ang ginagawa ng mga construction worker, kinausap ko din ang head Engineer pagkatapos. Nakakatuwa dahil malapit ng matapos ang project na 'to.
Pagkatapos kong i-check ang site bumalik ako sa office. Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng house plan para sa kliyente ko kaninang umaga. Nalimutan ko ng mag lunch dahil sa sobrang busy kaya naman bumaba ako at kumain sa pinakamalapit na restaurant.
Habang inaantay ko ang order ko naisipan kong tumawag kay Mica upang mangamusta.
"Hello Mica! Kamusta?"
"Oy Kc hello? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"
"You know busy, kamusta si Faira?"
"Okay naman maganda pa din, mana sa ina. Sana ako din nakakapagtrabaho na, naawa naman kasi ako kay Faira kung iiwan ko sa yaya."
"Huwag ka ng magtrabaho, alagaan mo anak mo." I said.
"Kamusta pala kayo ni Rigel?" She asked.
"Huwag na nating pag usapan 'yun nakakairita."
"Mahal mo pa 'no?"
"Malamang, hindi!"
"Oyyyy si Kc."
"Sige na, bye na Mica kakain muna 'ko."
Im so rude because I ended the call, kahit wala pa naman talaga kong kakainin dahil wala pa ang order ko, alam ko kasing mang aasar lang siya.
Pagkadating ng order ko, mabilis akong kumain at bumalik sa opisina. Sinubukan kong tapusin ang house plan pero hindi ko na talaga kaya dahil pagod na ko kaya pinagpa-bukas ko nalang ito.
Gabi na kaya naman napagpasiyahan kong umuwi na, ayoko ng mag over time dahil pagod ako. Pagkarating ko sa parking lot ando'n nanaman si Rigel nakasandal sa kotse ko, lumapit ako papunta sakaniya.
"Kelan mo kaya ko lulubayan?" I said, wondering.
"Cass I just want to give you this." He handed me a key.
"Ano 'to? Susi ng ano?" Kinuha ko sakaniya ang susi.
"Our house." He casually said.
"Bahay natin? Bakit may tayo ba?" My brows furrowed.
"Even though we're not yet in a relationship, I'm sure na sa 'kin ka pa din uuwi." He playfully raised his eyebrow.
"Tsk asa! Una na 'ko." Paalam ko sakaniya.
"I'll chat you the address."
Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa higaan, dahil sa sobrang pagod agad akong nakatulog.
Kinabukasan pagkagising ko, nagmadali akong kumilos dahil late na 'ko. Dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kumuha nalang ako ng formal attire sa closet at nagbihis. Hindi na 'ko nagsuklay ng buhok lumabas ako ng bahay at dumiretso sa kotse. Agad kong pinaandar ang kotse dahil anong oras na. Nang makarating ako sa labas ng building, nagsuklay muna 'kong buhok bago lumabas sa kotse. Mukha akong basang sisiw sa itsura ko kaya nag ayos muna ako saglit bago pumasok sa opisina.
Naging maayos naman ang takbo ng araw ko dahil walang asungot na nambwiset ngayong araw. Matapos ang trabaho ko naisipan kong pumunta sa address na sinend ni Rigel sa 'kin.
Wala naman siguro siya do'n ngayon.
Nagmaneho na 'ko patungo sa bahay na sinasabi ni Rigel. Nang makarating ako sa isang subdivision, agad akong hinarang ng guard. Binuksan ko ang bintana sa shotgun door.
"Mam sa'n po ang punta niyo? Ano pong pangalan?"
"Pupunta ko sa bahay namin ng husband ko." I showed him the key.
"Name nalang po ma'am para matingnan ko sa list. Bawal po kasi magpapasok dito ng hindi home owners, pasensiya na po.
"She's my wife manong." Pagkalingon ko nasa likod ng kotse ko, ang kotse ni Rigel. Hindi ko man lang 'yon napansin kanina.
Nagulat ako sa sinabi niya, narinig niya kaya 'yong sinabi ko kanina? Nakakahiya.
I glared at him.
"Sige po mam, pasok na kayo."
Tinaas ng guard ang barrier gate para makadaan ang kotse ko.
Nagmaneho na 'ko hanggang sa makarating ako sa street ng bahay na sinasabi niya.
Ang ganda, nagustuhan ko ang combination ng kulay, black, white and gray simple pero ang eleganteng tingnan, ang ganda ng exterior design dahil nasunod ang house plan na binigay ko sakaniya noon.
Papasok na sana ko sa loob ng bigla niya 'kong tawagin.
"Cass, I didn't expect that you'll go here."
"Binigay mo sa 'kin 'yung susi, malamang titingnan ko 'yung bahay."
"Let's get inside."
I nodded.
Pagkapasok namin sa loob inikot ko ang paningin ko, napakaganda ng bahay at kumpleto na din sa gamit, umakyat din ako sa taas para tingnan ang interior design.
"Woah Rigel, your always true to your words."
"Yeah, that's why I will do everything for you, just to be mine again."
"Umasa ka lang, dahil hindi mangyayari 'yan."
"What if it happens? God is the master of comeback Cass." He raised a brow.
"That will never happened, itaga mo sa bato!"
"Did you eat already?"
"Not yet."
"Let's eat dinner together." He simply said.
"I didn't plan to stay for too long, uuwi din ako agad."
"I taked-out, your favorite dish."
"Nagbago na ang paborito ko, una na 'ko." Paalam ko sakaniya.
"Cass please take this, and take my heart also."
"Amina!"
"Which one? My heart or my heart?" He teased me.
I just rolled my eyes then I walked away.
"Take care Cass." He yelled.
I didn't talk, I just went back to my car.
Habang pauwi ako ay naalala ko ang nakaraan naming dalawa.
The memories are still vivid as ever, and it serve as a lesson when we both experienced the storm.
I am haunted by the memories we made. But when painful memories haunts me, I need to focus on the precise moments of the present.
__________________________________